PAGKAHATID kay Ginny sa penthouse ay nagpaalam muna si Cloud sa kanya na pupunta muna ito ng White Devil. Kahit alam niya na madalas si Cloud sa lugar, alam niyang isa sa mga rason ay tungkol kay Apolo.
Hindi na pinansin pa ni Ginny kung ano ang plano ni Cloud. Pero kung sakali man na may pinaplano si Apolo sa kanila ng kanyang anak, handa siyang harapin ito.
Tinawagan ni Cloud si Rob para puntahan siya nito sa White Devil.
“Meet me at the White Devil.”
“You know what? I think you are one of the reasons why I don't have a girlfriend in the past,” ani Rob sa kabilang linya.
“And why is that?”
“I have plans today with my girlfriend.”
“Saka na ang love mo, love life ko muna,” aniya.
Hindi alam ni Rob kung ano ang magiging reaksyon nito sa kabilang linya. Pero may hula na ito na may plano siya kay Ginny. Kaya wala itong magawa kung hindi ang manghingi ng pasensya sa girlfriend nitong nagagalit.
Nakaupo si Cloud sa couch sa isa sa mga silid kung saan niya muling nakita si Ginny, nang dumating si Rob.
“Siguraduhin mong importante ‘yan, ha? Malapit ko nang isumpa ang girlfriend mo.”
“You mean, my wife,” pagtatama niya dito.
Nagulat si Rob. “Wife?”
Ilang linggo kasi itong nasa Maunlad Province at hindi nito alam na pinakasalan niya si Ginny. A shot gun wedding kung tutuusin. That’s how possessive he was.
“I married her,” simpleng sagot ni Cloud.
“Who is your witness?” tanong ni Rob.
“Kailangan ng witness?” balik na tanong niya.
“You don't know? Ibig sabihin wala kang witness… malamang ay peke yung kasal mo!” pang-aalaska nito.
“Why do I care about the witness, I only care about the bride or my supposed wife.”
Rob was speechless. Kahit kailan talaga ay hindi ito mananalo sa halimaw na si Cloud Han.
“O, siya! Sige na! Ano nga ang rason at bakit bigla mo akong pinapunta rito?” pag-iiba ni Rob sa usapan.
Inubos muna ni Cloud ang laman ng baso niya na may alak saka niya hinarap ang kaibigan.
“I need protection for Ginny and Cally,” aniya bago inubos ang laman ng baso.
Kumunot ang noo ni Rob. Bigla itong naging seryoso.
“My mom told me Apolo went to UK. Was it related?”
Biglang nilingon ni Cloud ang kaibigan matapos masinok sa iniinom. “Kailan ‘yan?” tanong
“I think… Two weeks ago.”
Sabay na nag-isip ang dalawang lalaki.
“Rob, if something happens... Please do your best to keep Cally and Ginny safe. Meron na ‘kong hula kung ano ang ginawa niya ro’n and what’s his next move.” Ibinahagi niya sa kaibigan ang nasa isip.
“If they want a show, let's give them a show!”
Nakangiti si Rob. Parehas kasi sila ng nasa isip ni Cloud. Siguradong may pinaplano ang matanda.
***
ISANG hapon nagplano si Ginny at Shey na magkita sa isang mall. Hiniram kasi ni Madam Lira ang anak niya. At nagkataon naman na inaya siya ng kaibigan, iniwan din muna nito si Baba kay Kyle.
Masaya silang nagtitingin ng damit sa isang mamahalin na designer store.
“Girlfriend, I think this dress looks good on you,” puna ni Shey sa kanya habang hawak ang isang bestida.
She trusted Shey dahil dating modelo ang kaibigan. Isa pa, magaling ito sa pagpili ng kulay at nagandahan siya roon kaya nag-request siya sa sales lady na iuuwi niya ang item na iyon.
“May mairerekomenda ka ba na tie with the same design dito sa damit?” tanong niya sa sales lady.
Nagliwanag ang mukha ng babae. “Meron po, ma'am!”
Tumango lang si Ginny at sinamahan naman niya si Shey para ito naman ang pumili ng damit.
Habang nagtitingin sila ng damit ni Shey, may naririnig silang komosyon. May isang babae na nagrereklamo dahil hindi nito nakuha ang damit na gusto.
“I want this dress!” anito.
“Pero, ma'am, may um-order na po kasi nito,” katwiran ng sales lady.
“I don't care!” sagot ng babae.
Namumukhaan ni Ginny ang babae. Ito ang babaeng nagmamaktol noong araw na bumalik siya sa bisig ni Cloud Han. Diane ang pangalan na dapat ay ka-date ng asawa niya noon.
“What is it?” tanong ni Shey.
“Nothing...” sagot naman niya sa kaibgan.
Nagsisimula na itong magkuwento tungkol kay Kyle habang naghahanap ng damit nang lumapit ang sales lady sa kanya.
“Ma'am… ang kulit po kasi ng customer. Gusto pong kunin itong napili ninyong damit,” anito.
Tiningnan ni Ginny si Diane. Sa palagay niya ay namukhaan din siya nito.
“We are not giving that. Thanks!” ani Shey na nakaramdam ng kakaiba. Something was off with the woman. Isa pa, sanay ito sa mga bitchesang mga babae na tulad ni Diane.
Nasa awkward na posisyon ang sales lady na hindi alam ang gagawin.
“I'll pay double” mataray at mayabang na sabi ni Diane.
Nagliwanag naman agad ang mukha ng sales lady. Looking at Diane’s facial expression, he knew it says, ‘Hindi ako papatinag sa inyo’.
Tahimik na naaaliw si Ginny, pero seryoso ang kanyang mukha.
“We'll pay triple!” sagot ni Shey.
Naningkit ang mata ng babae. “I'll pay six times!” nangigigil na sabi ni Diane.
“We'll pay ten times,” nang-iinis na sagot ni Shey.
“I'll pay twenty times!” mataray na wika nito na sa palagay nilang parehas ay hidi nag-iisip.
“Okay! Please give it to her,” mahinahon na sabi ni Ginny sa kahera.
Tinakasan ng kulay si Diane matapos mapagtanto ang naganap. Bukod sa wala siyang plano na kausapin pa si Diane, ano ang nasa isipan nito para bumili ng mahigit beinteng beses na nagkakahalaga lang naman dapat ng nine thousand? Sa tingin niya ay nababaliw na ang babaeng ito. Ngunit kung plano ni Diane na magbayad ng 180,000 mahigit, buong puso niyang ibibigay iyon dito.
Natulala naman ang babae at napalunok. Mukhang nabigla ito. Ginny tricked her.
Diane was gritting her teeth nang magpunta sa kahera at mag-issue ng tseke na nagkakahalaga ng kulang-kulang sa dalawang daang libo para sa iisang damit.
Hindi sana papayag si Diane at gusto nitong magreklamo, pero alam nitong sikat ang store na iyon at ayaw niyang mapahiya sa mga taong nanood sa mga naganap.
“Wow, girlfriend! You are so cool!”
“I didn't do anything though. Ikaw ang talagang nakipagtarayan sa babaeng iyon,” nangingiti na sabi niya kay Shey.
Nawala lang ang ngiti ni Ginny nang makita sa glass wall ng tindahan si Apolo na naglalakad sa labas nito. Hindi niya napigilan na magpaalam kay Shey at lumabas sa tindahan nang makita ang lalaki.
“Apolo!” tawag niya rito.
Lumingon sa kanya ang lalaki. Nakakunot ang noo nito.
“What is your plan, Apolo? Why are you stalking?” diretsong tanong niya.
Sa palagay niya ay nabigla ito. Seryoso si Apolo na pinagmasdan siya at walang emosyon.
“I just wanted to say you take care of yourself,” sabi nito.
“If you are following me every day. I think—yes! Kailangan ko nga talagang mag-ingat!” Nagpatuloy siya bago niya makalimutan. “I didn't bother to talk to you again or ask why you tricked me on that island. I never asked because you already said 'goodbye,' which I think is the best for us."
“Ahhh... Master...” Noon niya napuna ang kasama ni Apolo. Hinarap siya nito. “Miss, tingin ko, nagkamali ka lang… May schedule si Master Apolo sa restaurant na 'yon para i-meet ang mayor,” paliwanag ng lalaki na kasama ni Apolo habang turo nito ang restaurant sa tapat.
Nanlaki ang mata ni Ginny. Nagkamali ba ko?
Napalunok siya. Pinagbintangan niya ba si Apolo na sumusunod sa kanya?
“That's why I told you na mag-ingat ka. He is the mayor's advisor,” pakilala ni Apolo sa kasama nito.
Napakamot si Ginny sa baba niya habang ramdam na nag-iinit ang kanyang pisngi.
“Just pretend na hindi mo ako nakita. Bye!”
Hiyang-hiya si Ginny. Pinagalit-pagalitan niya si Apolo na anak ng isang aristocrat sa tapat ng isang advisor ng mayor. Gusto niyang maglaho sa lugar.
Hey! Bakit ikaw ang mahihiya, eh, siya itong may ginawa sa iyo at sa anak mo?
Ang tanong, talaga bang wala itong planong sundan siya lalo at nakita niya ang sasakyan nito na parang sumusunod sa kanila ni Cloud isang linggo ang nakalipas? Ngunit possible rin na nagkataon lang ang lahat.
“Who was that guy?” Nilingon niya ang nagtanong na si Shey. Tapos na pala itong pumili at magbayad ng mga binili.
“He’s the one who kidnapped me, Apolo—the bastard.”
Tumaas ang kilay ni Shey. “Mag-ingat ka sa susunod, girlfriend.”
Tumango lang si Ginny, pero hindi maiwasan na isipin niya si Apolo.
***
ISANG linggo na rin ang nakalipas mula nang nakalipat si Ginny at Cloud sa Fleur de Lys Village. Gusto niya ang lugar dahil pwede siyang magtanim ng halaman sa labas.
Naisip niyang dalawin si Cloud sa opisina kasama ni Cally. Inilagay niya ang anak sa secured na upuan nito na pinasadya pa ni Cloud na nasa backseat ng sasakyan.
“Do you want to see daddy, baby?” nakangiti siya habang kausap ang anak.
Lumipat muna siya sa driver seat at saka nagsimulang imaneho ang sasakyan. Panay silip naman niya kay Cally na maayos na nakaupo sa likuran.
Nangingiti si Ginny. Gusto niyang dalawin si Cloud sa opisina. Hindi maiwasan na ma-bore siya lalo at nasanay siyang magtrabaho sa mga nakalipas na taon.
Habang daan, napansin ni Ginny ang sasakyan sa likuran na kanina pa sumusunod sa kanila ni Cally. Pinindot ni Ginny ang numero ni Cloud sa speed dial ng kanyang cellphone. Nagtataka siya bakit hindi kumokonekta. Iyon pala, wala siyang signal!
Kinabahan si Ginny. Siguradong may device na ikinabit kung sino man ang taong iyon sa sasakyan niya para i-block ang signal. Nagdadasal siya na sana ay makarating sila sa MGM office nang ligtas.
Pero may isang sasakyan pa ang nagpagulat sa kanya na humarang sa minamaneho niyang kotse. Iningatan niya ang pag-preno dahil nasa likuran lang ang anak niyang si Cally.
Sinigurado niyang naka-lock ang buong sasakyan at sinamahan ang anak sa likod. Kinakabahan si Ginny, pero kailangan niyang maging matapang.
Kinatok siya ng lalaki na malaki ang katawan sa bintana pero hindi niya ito pinagbuksan. Nabigla na lang siya nang suntukin at basagin nito ang salamin sa backseat.
“Ahhhhhh!” sigaw niya habang yakap si Cally na nagsisimula nang umiyak.
Maingat niyang ipinulupot ang sarili sa anak para hindi ito masugatan ng nabasag na salamin.
Iniwasan ni Ginny ang umiyak, sa panahon na iyon kailangan niyang maging matapang.
“Ibigay mo sa akin ang bata!” anito.
“No!” matigas na sabi ni Ginny. Mamamatay na muna siya bago nito makuha sa kanya si Cally.
“Ibigay mo kung ayaw mong masaktan!”
“I will not! Sino ang nag-utos sa inyo? Si Apolo?” Sa panahon na iyon, si Apolo lang ang naiisip ni Ginny. Pero nabigla siya nang lumitaw si Snake at sinipa sa mukha ang lalaking mataba na nanakot sa kanya. Si Snake ay tauhan ni Apolo, kung ganoon, sino ang taong ito?
Agad na nawalan ng malay ang matabang lalaki. Noon lang napansin ni Ginny na may dalawang lalaki pa ang walang malay na nasa sahig na halatang nakipagpambuno na rito.
“Are you okay?” tanong nito.
Doon lang naiyak si Ginny.
“Ginny, hindi ko alam kung sino ang mga taong ito, pero inutusan din kami na dukutin ang anak mo.”
Nabigla si Ginny. “Ha?”
Hindi alam ni Snake kung magsasalita ito. Naiinis si Ginny sa sitwasyon. Nagagalit siya.
Hindi lang isang grupo? Dalawang grupo ang nais na kumuha sa anak niya? Anong mayroon?
“I'll get your baby, kung okay lang?”
Was he serious? Wow! Ano ‘to?
Hinihingi ni Snake ang anak niya na akala mo ay hihingi lang ng ulam sa kapitbahay.
Nagalit siya rito.
“Dalhin mo ako sa kung sino man ang nag-uutos na ‘yan!” matapang na sabi niya.
Nabigla naman si Snake.
“Bring her!” anang isang tinig na ikinalingon nilang parehas.
Nabigla si Ginny at Snake nang makita si Rob na biglang lumitaw mula sa kung saan.
Matalim ang tingin ni Rob kay Snake.
“Bring her baby and let's see what would happen.” alam niyang may mensaheng nakakabit sa pagbabanta ni Rob.
Sa match nito sa Japan, ilang beses na hinamon ni Snake si Rob, pero lagi itong natatalo. Kaya wala itong nagawa kung hindi ang ikuyom ang kamao at mag-iwan ng matalim na tingin.
“Bring Ginny instead of the baby!” muling wika ni Rob.
Kapwa sila nagulat ni Snake. “Dapat lang iyon! Bring Ginny or I’ll kill you instead.”
Naguluhan naman si Ginny. Anong nangyayari rito?