Chapter 5: A fake DNA

904 Words
NAUNANG nagising si Ginny kay Cloud. Hindi kasi siya nakatulog nang maayos nang nagdaang gabi. May kung ano kasi sa lugar na iyon para hindi siya mapakali. Naisip ni Ginny na lumabas na muna ng kuwarto ni Cloud. May suot lang siya na manipis na pantulog na pinatungan niya ng roba. Gamit ni Star ang mga iyon noong nakatira pa ito roon sa Villa. Dahan-dahan lang si Ginny na lumabas ng silid. Ayaw niyang magising ang lalaki. Natandaan niya ang pinasukan nila nang nagdaang araw kaya medyo kampante si Ginny. Gusto niya lang na makita ang buong lugar. Napansin niya ang isang daan papunta sa likuran. Siguro naman ay wala ng ahas dito. Gusto niya kasing mag-exercise para uminit man lang ang katawan niya laban sa lamig. Masarap sa pakiramdam ang hangin kahit pa nga mababa ang klima sa lugar. Nakangiti si Ginny na nag-iinat nang may magsalita sa likuran niya. Si Apolo. “I'm glad na mukhang maayos ka na ngayon.” Nilingon ito ni Ginny. Tumango siya rito. “Salamat nga pala Apolo sa dalawang beses na pagliligtas mo sa ‘kin. Pero sana kung magkakaroon pa ng pagkakataon na ililigtas mo ako sa susunod, ‘yong bukal na sa loob mo.” Malungkot na tumango si Apolo. Naintindihan nito ang ibig niyang sabihin. “Gusto kong manghingi ng tawad sayo. Alam kong nasaktan ko ang damdamin mo dahil itinago ko sa ‘yo ang tungkol kay Cally.” “Isa pa nga pala 'yan sa mga itatanong ko sa 'yo… Saan galing ang pangalan na 'Cally' ?” Napansin ni Ginny na namula ang pisngi ni Apolo. “Ang totoo, I thought she was a girl and Cally means 'beautiful'. He is a beautiful child, but he was sick when you had him… Both of you were in danger. Nagkaroon ka ng kumplikasyon sa baga and so was Cally noong nagbubuntis ka. M-muntik nang mamatay ang anak mo seven months ago, Ginny…” pagtatapat ni Apolo. Nabigla si Ginny sa narinig. Is Cally safe now? “I'm sorry, Gin…” Hanggang sa mga oras na iyon, naiisip pa rin na Apolo na isa siya sa mga rason kung bakit dumanas ng ganoon ang mag-ina. Hindi naman mapalagay si Ginny nang madinig na nagkasakit si Cally nang ipinanganak niya ito. “Ayos na ba ngayon si Cally? And how did you able to get Cloud's DNA?” “I think he is safe. I was sure during that time that Cloud would use all his resources just to save his son. About your second question, I didn't try to get Cloud's DNA. I gave him a fake DNA test.” Umawang ang labi niya. What a brilliant wildman?! “Kung pagdudahan man ni Cloud ang test at mag-retake ng another test, sigurado na positive pa rin ang resulta.” “But... I didn't take another test,” sabad ni Cloud na bagong dating. Hinalikan siya nito sa pisngi nang makalapit. Pinatungan siya ng makapal na shawl nito. “Mahamog dito sa labas. Hindi ka ba giniginaw?” tanong nito sa kanya. Parang hindi ito interesado kay Apolo. “Gusto ko lang maglakad-lakad.” “Hmmm. Let's take a walk.” Hinawakan ni Cloud ang lumalig niyang kamay at saka siya inaya na maglakad sa likod ng Villa. Nag-iwan siya ng nagpapaumanhing tingin kay Apolo. “Gin… Are you ready?” tanong ni Cloud habang naglalakad. “Hmmm?” “You will be having an exam for sure” “Exam?” nagliwanag ang mukha ni Ginny. Naaliw naman si Cloud sa reaksyon niya. Kumamot ito sa ulo. Nakalimutan niyang iba nga pala sa kanya si Ginny. Interesado ito sa mga ganoong challenge. “I love exams. Nakalimutan mo ba na matalino ang asawa mo?” mayabang na sabi niya dito. *** EKSAKTONG alas diyes ng umaga. Isinama ni Cloud si Ginny sa isang meeting hall. Para siyang nasa panel meeting nang makapasok. Hindi maiwasan ni Ginny na magtaka. Tumingin siya kay Cloud. Hindi naman maiwasan ni Cloud na kabahan lalo at kilala niya ang mga taong naroon sa Panel. Nandoon ang lolo ni Lloyd, ang lolo ni Kyle at iba pang mga mahahalagang tao. “You can do this.” Nilingon siya nito sa tabi at pinisil ang kamay. Naguguluhan man si Ginny sa nagaganap, hindi siya makapag-tanong. “We are giving you three kinds of exam.” Panimula ni Master Kent. Nakaupo ito sa gitnang bahagi ng lamesa. Iniangat ni Ginny ang kanang kamay na ipinatong niya sa kaliwang palad simbolo na may nais siyang itanong sa mga ito habang gumagalang. Huminto naman ang matanda sa pagsasalita. “Grandpa Kent, gusto ko pa sanang malaman kung para po saan ang exam,” tanong niya. It's weird right? “So, we could accept you as Cloud's wife,” sagot naman nito. Napakamot si Ginny sa ulo. Kakaiba ito sa nangyayari sa Pilipinas. Karamihan sa magulang ay gusto ng kayamanan ng in-laws. O kaya naman ay mahalaga ang trabaho ng mapapangasawa nila. Siya ay bibigyan lang ng exam? Pero para sa pamilya ni Ginny, haharapin niya ang kung ano mang exam ang iharap sa kanya ng mga ito. “It's a family tradition,” sagot ni Master Kent. “Oh! Okay po.” “Sa unang pagsubok, susubukin namin ang talino mo sa pamamagitan ng riddles,” paliwanag nito. Na-excite si Ginny “Riddles?” Nagliwanag ang mukha niya. Yes! I love riddles!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD