“MAY ibibigay kaming limang tanong at bibigyan ka rin namin ng pagkakataon na makapag-isip ng hanggang limang minute,” paliwanag ni Master Kent.
“Isa lang ang maaari mong i-sagot sa bawat tanong kaya kailangan mong pag-isipan nang mabuti bago mo ibigay ang pinal mong kasagutan. At sa limang tanong, isang beses ka lang dapat magkamali.”
Hinarap muna ni Cloud si Ginny.
“You can do it! I'll wait for you outside,” sabi ni Cloud, at saka siya hinalikan sa pisngi bago ito lumabas ng meeting room.
Hindi kasi maaari si Cloud sa loob ng kuwarto. Matapos siyang lumabas, ini-lock ni Master Kent ang pintuan gamit ang buton sa unahan nito.
Kaya hindi makakapasok si Cloud hangga't hindi tapos ang pagsusulit.
Nalungkot naman si Ginny dahil wala ang lalaki.
I need inspiration, right?
“Handa ka na ba?” tanong ni Master Kent.
“Opo!”
Ang unang tanong ay nanggaling sa matandang babae. “Anong bagay ang may kamay, pero hindi kayang pumalakpak.”
“Clock!” agad niyang sagot.
Napatingin sa kanya si Master Kent, nasagot kasi ni Ginny ang tanong nang wala pang dalawang segundo.
Tumikhim ang matanda. “Pwede ka munang mag-isip sa susunod dahil baka magkamali ka ng sagot,” nag-aalalang sabi nito.
“Okay lang po ako. Salamat po.”
Napansin ni Ginny na may nagbulungan sa gilid. Matapos iyon ay nagbigay ito ng sunod na tanong.
“Which word in the dictionary is spelled incorrectly?” sabi nito.
Sinunod ni Ginny si Master Kent kahit pa nga alam niya ang sagot doon. Natuwa naman ang mga nasa kuwarto dahil sa palagay nila ay nag-iisip si Ginny.
Binibilang ni Ginny ang isang minuto sa utak saka siya sumagot.
“Incorrectly,” sagot niya. Sumimangot ang matandang babae na nagbigay sa kanya ng tanong.
Ang ikatlong tanong ay manggagaling sa lolo ni Kyle— si Lolo Elwood.
“Handa ka na ba, hija?” tanong nito sa kanya.
Tumango lang si Ginny.
“Ito ang ikatlong tanong: May isang berdeng bahay, sa loob ng berdeng bahay ay makikita ang puting bahay. Sa loob ng puting bahay ay makikita ang pulang bahay. Sa loob ng pulang bahay ay makikita ang daan-daang sanggol. Ano ito?”
Iyon na ‘yon?
Kumamot muna sa ulo si Ginny pero ayaw naman niya na magmukha siyang mayabang sa harapan ng matanda. Katulad ng ginawa niya nang nauna, bumilang naman siya ng dalawang minuto.
“Pakwan.” sabi niya matapos ang eksaktong dalawang minuto.
Nagkatinginan ang mga matatanda sa loob. “Sa tingin ko ay masyadong madali ang ibinigay namin na naunang tanong sa iyo,” sabi ni Lolo Elwood.
“Sige hihirapan ko ang susunod na tanong,” sabi ni Lolo Jackson.
“What is greater than God, more evil than the devil?”
Huminto muna ito bago nagpatuloy.
“The poor have it, the rich need it… And if you eat it, you'll die.” Iyon ang riddle ni Lolo Jackson.
Pagkatapos ng tatlong minuto.
“Nothing.” sabi ni Ginny.
“Wala? Wala kang sagot?” tanong ng isa sa panel at nais na matawa sa kanya.
“Ang ibig ko pong sabihin ay 'Wala' po ang sagot sa tanong,” paliwanag niya.
“Tama!” sabi ni Lolo Jackson.
Nagkatinginan ang mga nasa silid.
“Mukhang masyadong madali ang mga tanong n’yo,” reklamo ni Master Kent kahit pa naaaliw ito kay Ginny.
“Ahhm... Sige po pwede n’yo pa pong dagdagan ng lima pa,” sagot ni Ginny sa mga matatanda.
Naiintindihan ni Ginny na mukhang madali nga ang tanong sa kanya kaya hiniling niyang magpadagdag ng lima para maging patas sa mga ito. Isa pa, nag-eenjoy siya sa mga tanong.
Pero iba ang dating sa mga tao doon, ang iba ay naaaliw kay Ginny, ang iba ay nagulat, at ang iba ay hindi maiwasan na mayabangan sa kanya.
“Sigurado ka ba na gusto mong magpadagdag?” tanong ni Master Kent.
“Opo.”
Natutuwa naman si Master Kent kay Ginny. Mukhang hindi nagkamali si Cloud na pinakasalan ang babaeng nasa harapan.
“Sa akin mangggaling ang ikalimang tanong.”
“Who makes it, has no need of it. Who buys it, has no use for it. Who uses it can neither see nor feel it… What is it?”
Bumilang muna si Ginny ng tatlong minuto ulit katulad ng ginawa niya ilang minuto ang nakalipas. Matapos ang oras...
“Coffin o kabaong po,” sagot ni Ginny.
Sumimangot si Master Kent. Alam na nito kung ano ang pakiramdam ng iba niyang kasama.
“Pagbobotohan muna namin kung itutuloy pa natin ang mga tanong.”
“Let's give her an extra. Let's see!” sabi ng isa sa grupo.
Nagbotohan sila kung kanino manggaling ang tanong. Si Master Kent ulit ang napili nila na magbigay ng tanong kay Ginny.
“Kaya kong magsalita, kahit wala akong bibig… Kaya kong makinig, kahit wala akong tainga… Wala akong katawan, pero kaya kong mabuhay sa alikabok.” Tumingin muna si Master Kent sa kanya para aralin siya.
“Ano ako?”
Mas tinagalan ni Ginny ang pagsagot. Halos malapit sa limang minuto na ibinigay sa kanya.
Ayaw niya kasing maka-offend ng mga tao sa kwartong iyon.
Mahigit apat na minuto na at mukhang natutuwa ang mga tao sa loob ng kuwarto nang makitang parang nahihirapan si Ginny.
“Alingawngaw po,” simpleng sagot niya.
“May tanong ako, hija,” ani Lolo Elwood. “Pansin ko na alam mo ang sagot mula pa kanina. Bakit hindi mo agad ibinigay ang sagot mo kaagad?”
Kumamot si Ginny sa sentido niya.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ng isa.
“Hindi siya nag-iisip ng sagot sa tanong. Lihim niyang binibilang ang oras dahil eksakto ang kanyang pagsagot. Dalawang minute sa mga nauna, tatlong minute nang mapansin niyang ma nagkomento nang hindi maganda.”
Namula ang pisngi ni Ginny.
“Totoo ba ‘yon, hija?”
“A-ayoko po kasi na magalit kayo sa ‘kin,” aniya.
“Bakit?” tanong ulit.
“Binigyan n’yo po ako ng tanong, binigyan n’yo rin po ako ng limang minuto para sagutin ang mga iyon. Alam ko pong pinag-isipan n’yo rin po ang mga ibinigay n’yo pong tanong sa ‘kin.”
***
HINDI maiwasan ni Cloud na kabahan sa labas ng meeting hall lalo at hindi niya alam ang nangyayari sa loob. Kinakabahan siya dahil parang ang tagal ng pagsusulit. Lumagpas na sa 25 minutes.
Nahirapan kaya si Ginny.
Iniisip kasi ni Cloud na sa oras na iyon ay tapos na dapat ang pagsusulit ng asawa sa loob ng kuwarto.
Sa loob naman ng meeting hall...
“May apat pa kami na ibibigay, katulad ng nais mo,” naiinis na sabi ng matandang babae.
Tahimik lang si Ginny na inabangan ang tanong.
“Mayroon akong siyudad, pero wala akong bahay… Mayroon akong kabundukan, pero wala akong mga puno… Mayroon akong tubig, pero wala kang makikitang isda.... Ano ako?”
Nahirapan ng kaunti si Ginny. Sigurado siya na ito ang pinaka-nahirapan siya mula pa noong una.
Nakuha naman niya kaagad. Kaya sa sobrang excitement, nabigkas niya tuloy ang kasagutan.
“Mapa!” namula ang mukha ni Ginny.
Ikawalong tanong: “Anong bagay ang makikita sa kalagitnaan ng buwan ng Marso at Abril na hindi makikita sa simula o sa katapusan nang parehas na buwan?”
Mukhang pahirap ng pahirap ang mga tanong.
“R” sagot niya maya-maya.
Ika-siyam na tanong: “Ang katanungan na ito ay sa ingles,” sabi ni lolo Jackson.
“A woman shoots her husband, then holds him underwater for five minutes. Next, she hangs him… Right after, they enjoy a lovely dinner. Paki-explain,” sabi sa kanya ni Lolo Jackson.
“Kinuhaan niya ng litrato ang asawa niyang lalaki at ginamit niya ang madilim na kuwarto o ang dark room para ma-develop po ang litrato. It shows how lovely couple they are,” simpleng sagot ni Ginny.
“Bakit sa palagay mo ‘yon ang sagot,” tanong ulit.
Nakakarami na po kayo ng tanong ha? Pero okay lang...
“Dahil gusto ko ring gawin ang bagay na iyon sa asawa ko,” nakangiti niyang sabi sa mga ito.
Pero itinuloy ni Ginny ang pagpapaliwanag.
“Shoots her husband—ibig pong sabihin ay kinuhanan po niya ng larawan ang lalaki gamit ang makalumang kamera.
“She holds him underwater—sa makalumang paraan, inilulubog po sa tubig na puro kemikal ang papel na na-develop upang maayos o malinis nang mabuti ang larawan sa loob.”
“Pagkatapos ng ilang minuto, isinasabit ng mga photographer ang mga larawan na iyon mula sa tubig para matuyo ang papel. Ha’yun naman po ang ibig sabihin ng 'she hangs him.'
“Sa huling pangungusap, tingin ko po... Nasiyahan si mister sa na-develop na picture kaya sila nag-date.” Ngumisi si Ginny matapos magpaliwanag.
Tumango-tango si Master Kent. Iyon na yata ang pinakamahusay na sagot na narinig nito mula kay Ginny.
Sa siyam na tanong nila, wala pang naibigay na mali ang babaeng nasa harapan.
“Sino ang magbibigay ng huling katanungan?” tanong ni Master Kent sa mga kasama.
Lahat ng tao sa panel ay halos ayaw magbigay ng tanong. Nakakahiya rin kasing magbigay ng madaling tanong kay Ginny. Itinaas ulit ni Ginny ang kanang kamay na ipinatong niya sa kaliwang palad.
Pinayagan siyang magsalita ni Master Kent.
“Okay lang po ba kung ako ang magbigay ng tanong?” sabad ni Ginny.
Master Kent “...”
Kumunot ang noo ng halos karamihan sa grupo. Ang iba ay nagtaas ng kilay. Pero natutuwa sa kanya si Lolo Jackson.
“Sige, hija.”
“Itatanong ko rin po ay sa salitang ingles.”
“Go on.”
“You see a boat filled with people. It has not sunk… But when you look again, you don't see a single person on the boat… Why?” tanong niya.
“Tumalon sa dagat?” nagulat na sabi ng isa.
Napangiti si Ginny.
“Siguro ay lumangoy muna.”
“Baka lumubog ang barko.”
“Tanga! Hindi mo ba nadinig? 'It has not sank' nga daw.”
Natapos ang limang minuto na walang nakapag-bigay ng sagot kay Ginny.
Parang napahiya ang iba sa kanya.
“Tell us the answer,” sabi ni Lolo Elwood.
Napangiti si Ginny.
“Alam n’yo po ba kung bakit walang nakasagot sa inyo?” tanong ni Ginny.
Nagkatinginan ang mga ito.
“Wala po kasing single sa inyo...” Matapos masabi iyon ay pumaibabaw ang kanyang halakhak sa silid.
Tumahimik din siya agad nang mapansin na seryoso ang mga tao doon. Yumuko si Ginny sa hiya. Nakuha naman kaagad ng matatanda ang sinabi niya.
Tumango-tango si Master Kent. Pinindot nito ang buton sa unahan para bumukas ulit ang pinto papalabas.
Agad na pumasok si Cloud. Pinagpapawisan ang kamay nito.
“Bakit ang tagal? Nahirapan ka ba?” agad na tanong nito. Isang oras mahigit kasi sila sa loob.
“Yes. Nahirapan ako... Mahirap ang tanong na ibinigay sa ‘kin ni Grandpa Kent,” sumbong niya kay Cloud.
Napaatras si Master Kent.
Salbaheng bata rin, katulad nitong isa!
Pero mas ikinatuwa ng matanda ang bagay na iyon.
“Binigyan namin siya ng siyam na katanungan,” ang tanging katwiran na sinabi ni Master Kent.
Naawa naman si Cloud kay Ginny. Hinawakan niya sa buhok si Ginny at hinimas siya na parang pusa. Ang lumalaro sa isip ni Cloud. Posible na hindi nasagot ni Ginny ang iba. Kaya napilitan ang matatanda na gawaran siya ng mga ekstrang katanungan.
“Don't worry, you can still do it next time,” komento ni Cloud sa kanya.
“Huh?”
“Ang susunod na pagsusulit ay magaganap mamayang hapon sa French Hotel and Casino.” anunsyo ni Master Kent.
Nagpaalam na ang iba sa panel room.
Naririnig naman ni Cloud ang sinasabi ng iba sa paligid.
“Sana nagkaroon man lang anak ko ng kaunting talino niya.”
“Oo nga! Nakakahiya pa at wala tayong naisagot sa tanong niya.”
Na-curious tuloy si Cloud kung ano ang nangyari. Lumapit si Lolo Jackson sa kanilang dalawa.
“I heard you went to LIU” panimula nito kay Ginny.
“Yes po.”
Bigla naman nagkaroon ng pride si Lolo Jackson.
“No wonder... Madalas kang maikuwento ni Star at Lloyd.”
Napangiti si Ginny nang maalala ang mga kaibigan.
“Grandpa, bakit ninyo pinahirapan si Ginny,” reklamo ni Cloud sa lolo niya.
Nag-iinat-inat si Master Kent ng madinig nito iyon.
“Nasagot naman niya ang lahat. Bakit ka ba nagmamaktol pa d’yan?”
“Kung ganoon bakit inabot ng siyam ang tanong?” tanong nito.
“Dahil mabilis niyang nasagot ang lahat kaya naman dinagdagan… Maswerte ka, Master Cloud!” sagot ni Lolo Elwood.
“Maybe you can answer her question for us. That is the 10th question simula umpisa. Dahil wala na kaming maisip na tanong, siya na ang nagtanong sa'min,” nakangising hamon ni Master Kent kay Cloud.
Cloud was speechless.