NATUWA si Cloud ng malaman na nakapasa si Ginny sa unang pagsubok.
Hindi maiwasan ni Cloud na kabahan lalo at hindi niya alam ang mga susunod na pagsubok na ibibigay kay Ginny.
Palabas na sila ng Meeting Hall ng mapansin ni Ginny ang isa sa mga larawan na nakasabit sa pader.
"Cloud Han, wait." tawag niya sa lalaki.
"Hmmm."
"B-bakit... may larawan dito ang Dad ko?" tanong niya habang nakatingin sa picture.
Tiningnan ni Ginny ang mga larawan na nakasabit.
"... what is the meaning of those pictures?"
Hindi kasi napansin ni Ginny ang mga larawan na nakasabit dahil nasa likuran niya ang mga iyon habang sumasagot sa mga katanungan ilang minuto ang nakalipas.
Napalunok si Cloud. Dalawa na lang sila ang naiwan sa loob ng hall.
Nakatingin lang si Ginny kay Cloud.
"Gin... Do you know what your Dad's job was before?" balik na tanong ni Cloud.
Napaisip si Ginny. Sa loob ng mahabang panahon, hindi niya alam ang totoong trabaho ng Dad niya. Wala itong business, hindi doktor, lawyer o kung ano pa man.
"Those picture are called 'Hall of famers'" sagot ni Cloud habang inaaral kung ano ang reaksyon niya.
"It means they served a good job i-in the organization before death." namamaos so Cloud na magpaliwanag.
Kinausap siya ni Brent noon na huwag sasabihin kay Ginny ang tungkol sa Dad ng mga ito.
Huminga ng malalim si Cloud. Hangga't maaari ayaw niya nang dagdagan pa ang pagpapaliwanag kay Ginny. Pero mukhang hindi ayon sa kanya ang kung ano man ang naglalaro sa isip ni Ginny.
"Anong ibig sabihin?" Tanong ni Ginny kay Cloud. Tinitigan niya si Cloud.
Dahil sa titig na iyon, hindi nakaiwas si Cloud. Ikinuyom niya ang kamao sa gilid.
"He was a spy, Gin." sagot ni Cloud.
Nanlaki ang mata ni Ginny.
"Spy... Like FBI?" tanong niyang muli.
Tumango si Cloud. "but in a different way."
Tiningnan ni Ginny isa-isa ang lahat ng larawan na nasa pader.
'So, that is the reason'
'Did my Mom know?'
Ginny "That's cool!"
Cloud "...." he never saw that coming.
Ginny "So... he was a secret agent before.." mahinang ekspresyon niya.
Kinuha ni Cloud ang kamay niya saka siya niyakap. "Your Dad is one of the best Spy during his generation."
Tahimik lang si Ginny. Hindi niya alam kung anong klase at anong meron sa pamilya ni Cloud Han pero may kaunting ideya na siya.
Kung tungkol naman sa Dad niya, wala na siyang magagawa kung mas napili nito ang tahakin ang ganoong klase ng buhay.
Sa loob ng mahabang panahon, mas nag-mature si Ginny. Kaya mas natanggap niya na ngayon ang kung anuman ang nangyari sa mga magulang niya.
Hinihiling na lang ni Ginny na maging maayos ang pamilya nila ni Cloud Han. Bigla niyang naisip si Cally.
"By the way Cloud, who do you think asked na kidnap-in si Cally bukod kay Grandpa Kent?" Inangat niya ang tingin sa lalaki habang kayakap niya ito.
"I already sent Rob a message about it. And I also asked Mom na bantayan mabuti si Cally."
"They will come here soon." sabi ni Cloud.
Nagningning ang mata ni Ginny.
"Papunta sila dito?" masayang tanong niya
Nakangiting tumango si Cloud. Inakay niya na si Ginny palabas para makalimutan nito ulit ang tungkol sa Dad nito.
"Gin... do you trust me?" tanong ni Cloud
"Of course I do!" sagot kaagad ng babae.
Napangiti si Cloud. This girl really loves him.
.....
NAKASUOT ng pulang bestida si Ginny. Gamit ulit ni Star. Natutuwa naman siya dahil kasukat niya ang kaibigan na sister-in-law niya na ngayon.
Sabi ni Cloud. Kailangan pormal ang kasuotan dahil pormal din ang pupuntahan nila. Pero mas pinili niya ang maging simple.
Sumakay sila sa itim na limousine. Unang beses ni Ginny na makasakay sa ganoong klaseng sasakyan kaya natutuwa siya.
Papunta sila sa French Hotel and Casino na matatagpuan sa siyudad.
Pagdating sa lugar, naglakad sila ni Cloud habang hawak nito ang kamay niya.
Pinagmamasdan ni Ginny ang magarbong lugar. Hindi niya akalain na makakapasok siya sa ganoon.
"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Cloud kay Ginny.
Tumawa si Ginny ng mahina. Kung titingnan kasi niya si Cloud, hindi mapakali ang lalaki.
"Haha, sa tingin ko mas kinakabahan ka." sagot niya sa lalaki.
Sa kanilang dalawa mas mukhang kinakabahan si Cloud.
"I am always at your side." ang tanging nasabi nito kay Ginny.
Pumasok sila sa isang Casino sa loob ng hotel. Sinabi lang ni Cloud sa Staff na kikitain nila si Master Kent. Tapos dinala sila ng lalaki na 'yun sa isang tea room.
Naabutan niya doon si Master Kent na kausap si Lolo Elwood.
Nakangiti ang dalawang matanda nang makita sila.
"what do you want to eat?" tanong ni Master Kent kay Ginny.
"what do you want?" inilipat niya ang tanong kay Cloud.
"anything" sagot nito.
Humarap si Ginny sa matanda.
"We want a sandwich. Thanks po" sagot ni Ginny.
Naaaliw naman sa ipinakita niyang gesture si Lolo Elwood at si Master Kent.
Kinamusta siya ni Lolo Elwood.
"I heard nasa US ang kuya mo with Kiana."
"Yes po. Nakausap ko na po ang kuya ko. Nabigla nga po ako na si Kiana ang nakatuluyan niya."
Hindi niya personal na kilala si Kiana pero naririnig niya ang babae kay Shey.
Tumango-tango si Lolo Elwood. Kung tutuusin pamilya na rin niya ang matanda.
Dumating ang pagkain nila ni Cloud kaya sila naputol sa usapan.
Nang matapos silang mag-dinner ni Cloud, sinimulan kaagad ni Master Kent ang pakay niya kay Ginny.
Sinenyasan nito ang lalaki sa gilid.
"Here is your second exam"
Nag-aantay naman si Ginny kung ano ang kasunod na gagawin niya.
Inabutan siya ng isang money bag ng lalaki sa gilid. Sinilip ni Ginny kung ano ang laman ng bag.
Puro Casino chips.
Nagkatinginan sila ni Cloud. 'ano ang ibig sabihin nito?'
.....
MAY ideya na si Ginny sa ibibigay na pagsubok sa kanya.
Malamang paglalaruin siya sa Casino na iyon.
"Ang laman ng bag na 'yan ay nagkakahalaga ng 1,500 sterling pounds or one hundred thousand pesos." sabi sa kanya ni Master Kent.
"Your goal is to make it double. Walang labis, walang kulang." sabi sa kanya.
Namroblema bigla si Ginny.
Hindi pa kasi siya nakapaglaro ng kahit ano sa casino. Mukhang matatalo siya dito.
Bigla siyang natakot na gamitin ang laman ng bag.
Kapag natalo siya, sayang ang one hundred thousand. Kapag hindi naman niya ipinusta iyon, parang inamin na rin niya sa mga ito na sumusuko na siya sa laban.
"wala po bang tawad." sabi niya sa tatlong tao na nandoon.
Master Kent "...."
Hindi alam ni Master Kent kung paano magre-react sa sinabi ni Ginny.
"Cloud can go with you." ang tangi niyang nasabi dito.
"Pero, hindi ka niya pwedeng tulungan" sabi nito sa kanya.
Kumamot sa ulo si Ginny. Pwede na yun at least meron siyang inspirasyon para palaguin ang pera niya.
"Sa pagsusulit na ito, we will see if you are lucky. At kailangan mong bumalik dito pagkatapos ng dalawang oras"
Tinapangan ni Ginny ang sarili.
'okay! Let's do this!'
'Aja!'
Tumuloy sila sa casino na nasa kabilang parte ng parehas na palapag kung saan sila galing, maingay ang paligid.
Maririnig ang tunog ng slot machine. At mga bola kung saan-saang parte.
Hindi alam ni Ginny kung saan siya pupunta.
May nakita si Ginny na sexy na Bunny girl. Naka headband ito ng bunny ears. Nakaputing bikini na may malambot na bilugang bagay sa puwitan.
Naglakad ang babae ng sexy papunta sa gawi nila. Nilapitan kaagad si Cloud Han.
"Hi!" bati nito sabay inilapat sa dibdib ni Cloud ang palad ng babae.
Tinitigan ni Ginny ng masama ang katabi niya.
Hindi naman ito pinansin ni Cloud. Tumuloy pa sila papasok. Hindi akalain ni Ginny na marami palang nagkalat doon na bunny girls kung saan-saang parte ng Casino. Halos nakahubo na kasi ang mga ito. Petite at talagang kaakit-akit.
Hinarap niya si Cloud at humalukipkip.
"Oi Cloud Han! Kapag nakita ko ang mata mo na tumingin ni isa sa parte ng mga katawan ng mga bunny girls na 'yan at tumagal kahit isang segundo. Itatakas ko si Cally at hindi mo na makikita ni isang anino namin. Hmp!"
"Do you see bunny girls? I didn't see anything." sagot nito sa kanya.
Ginny "...."
Inakay na siya ni Cloud sa loob pa. Sa dami ng nakikita ni Ginny, hindi niya alam kung saan sila pupunta.
"what do you want to play?" tanong ni Cloud sa kanya.
"Hindi ko alam e." sabi niya. Tiningnan niya muna ang paligid. "Let's try that slot machine."
Tumango lang si Cloud.
May limang magkakatabi na machine ang nakita niya. Tinuruan naman siya ni Cloud. Sabi nito sa kanya, ang jackpot na makukuha niya ay depende rin sa kung magkano ang taya niya.
Sinubukan ni Ginny ang 'luck' niya sa Slot machine.
Naghulog siya ng isang coin para subukan. Saka hinila ang 'spin reel' na nasa gilid ng machine.
Wala siyang nakuha. Magkakaibang bagay ang lumabas sa screen.
Dahil unang beses pa lang naman, sinubukan ulit ni Ginny. Tatlong coins naman ang pusta niya saka niya hinila ulit ang 'spin reel'.
Marami-rami na siyang naubos na coins, nang ayain na siya ni Cloud na umalis. Tingin ni Ginny wala siyang luck sa laro na iyon.
Nalungkot siya dahil pakiramdam ni Ginny naubos ang halos kalahati ng chips niya sa slot machine lang.
Medyo nagworry si Ginny. Paano kung maubos niya ang lahat ng laman ng bag. Mukhang naramdaman ni Cloud ang nararamdaman niya.
Hinawakan siya nito sa pisngi habang nakaikot sa bewang niya ang isang braso nito.
"Don't worry... there's a lot in here. You can try other games." sabi nito at hinalikan siya sa pisngi.
Pakiramdam naman ni Ginny na-energized siya sa halik ni Cloud.
"would you like to try cards?" tanong ni Cloud sa kanya.
Ginny "Cards?"
'hmmm why not?'
Cloud "yes. Alam mo yung tong-it sa Pilipinas?"
Nagliwanag ang mukha ni Ginny. Naglalaro sila ng ganoon ng kuya niya kapag naboboring sila noon.
Ginny "may ganoon dito?" masayang tanong niya.
Cloud "WALA."
Ginny "...."
'Cloud Han, are you for real?' Ibinitaw niya agad ang sarili sa lalaki.
Nainis bigla si Ginny. "Bakit mo pala binanggit yung tong-it? Hmp!" inisnab niya si Cloud.
Gusto lang ni Cloud na alisin ang kaba kaya iniinis niya ng kaunti si Ginny. Ngumiti siya.
"Because, if you know tong-it... I'll suggest 'five-card stud' or a Poker game. You know how it works right? Parang hilera lang din sa pusoy."
"bibigyan ka muna ng dalawang cards. Then the bet will start hanggang sa mabuo ang five cards"
"you know flush.. straight..four of a kind.. three of a kind.. Full house... two pair.. one pair.. the lowest cards you would get - high card?"
"Pero ang taya ay depende syempre sa kung magkano rin ang itataya ng mga kalaban mo sa tuwing bubunot kayo ng cards" mahabang paliwanag ni Cloud sa kanya.
'sounds interesting.' isip-isip ni Ginny.
"Let's go!" aya niya.