CLOUD was happy. Naaya niyang lumabas si Ginny nang silang dalawa lang. Iniwan muna nila kay Madam Lira si Cally.
Ayaw man ni Ginny na iwan ang anak ay nakapangako na siya kay Cloud na isang beses sa isang linggo ay kailangan nilang magkaroon ng oras para sa isa't isa.
Naluluha si Ginny habang nasa sasakyan at papunta sila sa kung saan. Hindi alam ni Cloud kung paano niya susulusyonan ang nais nilang parehas.
“Galit ka sa ‘kin?” tanong niya.
Umiling naman ito.
“I just miss my baby,” anito, niyakap ang isang braso niya.
Nakalimutan ni Cloud na dalawang linggo pa nga lang pala simula nang magbalik ito.
“Uuwi tayo agad don't worry.”
Sa palagay niya ay napanatag ito sa kanyang sagot.
***
MALAYO-LAYO rin ang binyahe nila. Napansin ni Ginny na pumasok ang sinasakyan nila sa isang Village. Fleur de Lys Village. Kunot ang noo na nagtaka siya.
Bumaba sila ni CLoud sa tapat ng isang bahay, maliwanag ang ilaw sa labas at sa loob. Nilingon niya ang hindi nagsasalitang si Cloud.
“Let’s go in.”
Inikot nila ang loob. Hindi naman maiwasan ni Ginny ang mamangha. Maganda kasi ang pagkakadisenyo sa labas at ang harapan ng bahay. Mga mga tanim ng rosas sa bungad.
Unang napansin ni Ginny ang lamesa na may nakahandang pagkain. Kamukha ng lamesa at upuan doon ang mga gamit sa kasalukuyang tirahan ni Cloud.
Kamukha ito ng penthouse.
May tatlo rin na kuwarto at isang master's bedroom.
“Do you like it?” tanong sa kanya ng lalaki.
“Yes... Why are we here?” hindi niya na napigilang itanong.
Humugot muna ito ng lakas ng loob bago ipaliwanag ang sitwasyon. “Because I am giving this to you.”
Umawang ang kanyang labi. Kanya? Itong magandang tirahan na ito ay kanya?
“Pwede na tayong tumira dito. Just let me know… The penthouse was meant for me as a bachelor guy... Mas bagay sa isang pamilya ang ganitong klase ng bahay. Dito ay lalaki si Cally nang mas maayos. Pwede siyang tumakbo sa labas at makipaglaro sa mga kaibigan. We can build swings, a pool or anything you want, Ginny Lopez. W-what do you think?”
Natataranta si Cloud dahil nagsisimula na namang umiyak si Ginny.
Bakit nagiging cry baby lagi ang babaeng ito?
Kinuha ni Cloud ang panyo niya sa likod at ipinunas sa pisngi ni Ginny.
“Gusto ko nang isipin na hindi maayos ang pagpapakasal ko sa 'yo. Lagi ka kasing umiiyak.”
Niyakap ni Ginny si Cloud sa baywang.
“Because I am happy. Kahit ang simpleng bagay na iyon ay napansin mo,” katwiran niya sa lalaki.
Wala namang plano si Ginny na umalis sa penthouse, pero tama si Cloud, ngayong may anak na sila, mas maganda kung sa isang bahay talaga sila titira. At gusto niya ang lugar. Hindi malaki, hindi maliit. Nakikita niya na ang sarili na isang masaya at mabuting nanay na nag-aasikaso sa kanyang mga anak, anak nila ni Cloud, sa bahay na iyon.
Buong puso niyang inihinang ang mata sa lalaki.
Napuno masyado ng pagmamahal ang nararamdaman ni Ginny. Ipinatong niya ang mga kamay at ipinulupot sa batok ni Cloud. Tumingkayad siya upang halikan ito sa labi.
Naramdaman na lang ni Ginny na iniangat siya ni Cloud mula doon. Binuhat siya nito habang yakap siya sa baywang. Naramdaman na lang niya na maingat siya nitong inilapag sa kama.
“Now is the time for your p*****t,” bulong ni Cloud. “You have to serve me...” Umikot si Cloud pahiga habang yakap siya. Biglang pumaibabaw si Ginny kay Cloud.
“Go on...” sabi sa kanya ni Cloud.
Naglandas ang kanyang palad sa dibdib nito habang dinadama ang matigas nitong pagkalal*ki. She started to moan.
“I will forever love you, Ginny Lopez.”
Walang nagawa si Ginny but to serve her master that night as a compensation.
***
NANG magising si Ginny kinabukasan, alas dyes na ng tanghali. Sinilip niya ang lalaking katabi na nakatitig sa kanya.
Please spare my life. Parang maiiyak na si Ginny sa sarili.
Noon lang niya naisip na mahirap palang kalimutan ang lalaking ito laban sa anak nila dahil hindi siya tinantanan ni Cloud Han noong nakaraang gabi.
Pinalo niya ito sa dibdib.
“Sabi mo ay saglit lang tayo!” sabi niya habang tumatayo.
Ramdam niya ang pangangalay ng kanyang binti. Pinulikat na yata siya. Tumayo si Cloud para kumuha ng damit sa cabinet. Nabigla siya roon.
Mukhang pinaghandaan ng asawa niya ang paglipat nila doon dahil pati damit ay mayroon na sila.
“Ikaw ang bumili ng mga iyan.” Ituro ni Ginny ang mga damit na maayos na nakatupi sa loob ng cabinet. Halos lahat ay naaayon sa kanyang kagustuhan.
“Yes,” simpleng sagot nito.
Natahimik siya. Hindi niya akalain na pati ang sukat ng katawan niya ay alam nito. Pati kung paano siya mamili ng gamit.
Pinangko siya ni Cloud at dinala siya sa banyo na karugtong ng silid para paliguan. Nang matapos siyang ayusin ni Cloud, isinama siya nito sa katabing bahay.
“What are we doing here?” tanong niya.
“Para makikain.”
She was speechless.
Napakamot sa ulo si Ginny dahil nangangapit-bahay na sila kaagad ni Cloud sa unang araw pa lang.
Pinindot nito ang doorbell na naroon sa tabi ng pinto at nanlaki ang mata niya nang pagbuksan siya ng kaibigan niyang si Shey.
“Shey? Dito ka nakatira?” Iyon ang unang mga salitang binitiwan niya.
Natatawa naman ang babae sa kanyang reaksyon.
“I have been living here for three months,” sagot naman nito.
Natuwa si Ginny sa nalaman. Hindi siya mahihirapan sa kanilang paglipat.
Maya-maya, may maliit na ulo na sumilip mula sa likuran ni Shey. Si Baba na halatang lumaki na simula nang huli niyang makita.
“Hello, ninang!” sabi nito sa kanya.
Hindi niya napigilan na halikan ang inaanak niya. Napansin niyang ang weird ng tingin sa kanya nito.
“Ninang, did a Jellyfish kiss your neck?” tanong ni Baba. “You had the same marks on your neck as my Mama when a jellyfish kissed her neck too.”
Mabilis na nag-inis ang pisngi nilang parehas ni Shey. Both of them were speechless.
Sa kanilang dalawa, mas mapula ang mukha ni Shey dahil sa kakaibang bagay na itinuro sa anak.
***
NAKASILIP si Master Kent sa papalayo at naglalakad na si Apolo. Ito ang parusa niya sa lalaki. Ang labanan ang sarili.
Nais niyang makita kung hanggang saan ang kaya nito. Isang pagsubok din ito laban kay Cloud. Ang suwail na batang iyon ay tinakasan ang ibinibigay niyang misyon dito.
Hindi maiwasan na ngumiti ni Master Kent nang kakaiba.
Let's see, Cloud... You can't escape this time.
***
MASAYA si Ginny na makita ang kaibigan na si Shey at si Baba.
Ayon kay Cloud, ang Fleur de Lys Village ay lupang pag-aari ni Kyle na pinatayuan na lang ng kani-kanilang mga tahanan. At una ngang nagkaroon ng bahay sa lugar ang apat na magbabarkada.
Sa ngayon, ang nakatira sa lugar ay si Lloyd at Star, si Shey at Kyle.
Pinarerentahan naman ni Kyle ang iba pa sa mga kilalang personalidad. Mga kasama rin nito sa industriya. Masaya naman si Ginny dahil mapapalapit siya sa mga kaibigan niya kung sakali mang lilipat na siya sa lugar na iyon para tumira.
Pabalik na sila sa penthouse ng lalaki nang mapansin ni Ginny ang sasakyan ni Apolo sa daan. Sigurado siya doon dahil iyon ang sasakyan at plate number na naghatid sa kanya sa MGM.
Baka naman napadaan lang o kaya naman ay iba ang sakay.
Pinagsawalang bahala na lang niya ito. Inaya siya ni Cloud na mamili muna sa isang grocery bago sila umuwi kaya tuluyang nawala sa isipan niya ang sasakyan. Pumayag siya dahil nais niyang bumili ng gamit ni Cally. May mga naipon siya noong nagtatrabaho pa siya sa MGM at handa siyang gamitin iyon para sa anak.
Huminto muna si Ginny sa mga hilera ng nagpapa-free taste. Nagtaka naman si Cloud kung bakit siya huminto roon. Tinikman niya isa-isa ang mga pagkain na ino-offer ng mga promo girls.
Cloud was amused looking at his wife.
Lalapit pa sana si Ginny sa stall ng libreng gatas nang pinigil na siya ng lalaki.
“Ginny Lopez, hindi naman kita ginugutom sa bahay ‘di ba?”
Namula ang pisngi ni Ginny sa komento nito. Gayunman, hindi pa rin nito napigilan na kumuha ng libreng gatas na nakatimpla sa maliit na paper cup.
“I can't help it because they are good. Try this skimmed milk,” dahilan ni Ginny. Nakatingin naman si Cloud sa gatas na naiwan sa labi ni Ginny. Hindi rin niya napigilan.
Pinunasan ni Cloud ang labi ni Ginny na may gatas gamit ang sariling labi.
Nakaawang ang labi ng promo girl matapos masaksihan ang ginawa anito.
“Yeah... It's delicious,” ani Cloud, inilipat ang atensyon sa nabiglang promo girl. “Pahingi kami ng tatlo.”
Matapos makuha ang box ng gatas ay naglakad sila patungo sa ibang stall.
Matagal-tagal din silang nasa loob ng grocery at marami rin silang napamili para kay Cally.
Nakangiti si Ginny kay Cloud habang papalabas ng tindahan nang mapansin niya ulit ang sasakyan ni Apolo na naka-park sa kabilang bahagi ng kalsada.
Hindi na siya napakali. Sigurado na kasi siya na naroon sa loob ng sasakyan si Apolo at sinusundan siya nito.
Nang nakarating at makapasok sila ng sasakyan ni Cloud, sinabi niya sa asawa ang mga napansin niya.
“I saw Apolo's car.”
Nabigla naman si Cloud. “Where is it?”
Nilingon niya ang direksiyon kung saan nakita ang sasakyan kanina. “I think he’s gone now... Nakita ko ‘yon simula pa lang nang lumabas ang sasakyan natin ng Fleur de Lys.”
Dumilim ang mukha ni Cloud. Sa isip nito, mukhang kailangan na nitong harapin ang lalaking iyon.
***
Sa kabilang sasakyan, malungkot ang mukha ni Apolo. Sinusundan niya si Ginny at Cloud nang palihim simula pa lang ng lumabas ito ng village.
Nasabihan siya ni Black na sa loob ng lugar na iyon tumuloy si Ginny na kasama ang lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit hinintay niya ang dalawa na makalabas ng gate ng village at pinasundan ang mga ito hanggang grocery store.
Kitang-kita niya kung gaano kasaya ang mukha ni Ginny habang nakatingin kay Cloud. Ibang-iba kapag siya ang kasama nito. Halos ayaw siya nitong tingnan. Kita niya rin kung gaano kalalim ang pagmamahal ni Cloud sa babae. Hindi pa nga nahiya ang dalawang iyon na maghalikan sa harap ng milk stand.
Ngumiti nang mapait si Apolo. Nakaramdam siya ng selos kay Cloud. May ilang araw pa siya para dukutin ang anak ng mga ito.
Hindi niya alam kung ano ang pinaplano ni Master Kent. Pero hiling niya na wala itong planong masama sa anak ni Ginny.
Sinilip pa muna niya si Ginny na ka-holding hands si Cloud papunta sa sasakyan ng mga ito bago niya hiniling sa driver na ihatid na siya nito sa Romantik Grand Hotel.