MSMK: 7

2266 Words
Chapter 7: Ang Probinsiya ng Bohol GAYA nang kanilang napag-usapan ay pumunta nga silang Bohol. Nasa eroplano na sila nang nakaramdam ng panghihinayang si Hezekiah. Mukha pa rin ni Denzel ang kanyang iniisip. Ini-imagine niya nasa kasama nila ngayon ang babae. Sana sabay nilang masaksihan kung gaano kaganda probinsiya ng Bohol. Gusto ni Hezekiah na ang kasiyahang natatamasa niya at natatamasa din ni Denzel. “Ayos ka lang ba? Ang lalim na naman ng iiisip mo,” wika ni Jonito. “How I wish na nandito siya kasama natin Jonito. I want her to feel the happiness na mararamdaman ko sa Bohol.” “Gustuhin man natin ngunit may mga bagay na hindi natin pwedeng ipilit Hezekiah. Isipin mo nalang na pumunta tayong Bohol para makapag-unwind. Alam mo, naawa na kasi ako saiyo, e. Sa parti ko, broken hearted ako ngunit hindi kagaya nang sayo. Wala pa kasi akong nai-invest na time, effort and sacrifice sa babaeng iyon. Ngunit sa sitwasyon mo ninyo ni Denzel halos naibigay mo na, e. At bukod pa roon marami na kayong pinagsamahan,” mahabang litanya ni Jonito. “Iyon na nga kami, e. Marami na kaming pinagsamahan at pinagsaluhan dalawa ngunit bakit ganoon nalang kadali para sa kanya na iwan ako at ipahiya sa harap ng maraming tao.” “Alam mo, hindi ko iyan masasagot. Ayaw ko rin naman kasing manghusga, e. Mabait na tao si Denzel pero sa tingin ko ang nagpabago talaga sa mindset niya noong araw ng kasal ninyo ay ang katotohanang may galit siya sa Phoenix Society. Iniisip niya na may kinalaman ang grupo sa pagpatay sa kanyang mga magulang noon. Marahil nagdulot iyon ng trauma sa kanya at nadala niya hanggang ngayon.” Tama si Jonito sa sinabi nito. Kung hindi lang siya sana naunahan ng takot noon upang sabihin ang totoo ay hindi na sana aabot pa sa ganito. Kahit papaano ay nagkamali siyang sabihin ang tunay niyang trabaho. Ngunit sa kanya na talaga ang kompanya ng kanyang kapatid. Napilitan lang siyang maging CEO upang malaman kung sino ang nagpapatay sa kanyang kuya. Ngunit kalaunan ay nakasanayan na niyang palaguin pa ang kompanya. Balang araw ay babalikan niya rin iyon. Hindi pang habang buhay na magiging agent siya. “Alam mo, huwag mo nalang muna isipin ang mga bagay tungkol kay Denzel. Alam ko na mahihirapan kang gawin iyon Hez ngunit sigurado naman akong masasanay ka rin. Kailangan mo lang talaga ng oras para malagpasan ang dagok na nararamdaman mo ngayon.” “Sana nga Jonito ngunit gusto ko na ring bumalik sa pagka-agent. Dumagdag sa aking listahan na tuklasin kung sino nga ba ang nagpapatay sa mga magulang ni Denzel. Gusto kong maramdaman niya na isang malaking pagkakamali na husgahan niya ako ng ganoon kadali.” “Gawin mo ‘yan kapag maayos ka na. Sa ngayon kailangan mong tulungan ang iyong sarili Hez. Kailangan mong magpakatatag emotioally dahil iyan ang maglalagay saiyo sa kapahamakan.” “Naisip ko na iyon,” aniya. Paglapag ng eroplano sa airport ay kaagad na rin silang bumaba nang maayos na ang lahat. Sunod ng sunod lang siya kay Jonito dahil ito naman ang nakakaalam sa mga proseso sa airport ng Bohol. Paglabas niya ay kaagad silang dumiritso sa maraming taong naghihintay. “Ayon ang kapatid ko,” turo nito sa isang binatilyo. Kamukhang-kamukha ito ng kaibigan. “Parang carbon copy mo lang,” aniya. “Oo nga, e. Sabi nga nila ay parang magkakambal raw kami.” “Pero patpatin, dalhin ko sa gym para magkalaman.” “Kung alam mo lang, parati ko iyang pinipilit sa na mag-gym pero ang tamad. Sapat na raw ang katawan nito.” “Hindi mo siya mapipilit kung ayaw niya,” aniya at lumapit na sila. “Kuya!” sigaw ng kapatid ni Jonito. Mababakas sa mukha ng binatilyo kung gaano  ito kasaya nang makita ang kapatid. Mabilis na naalala ni Hezekiah ang mga alaala nila dalawa ng kanyang kapatid na si Nicholas. Ganoon din siya sa kapatid noon kapag nagkikita silang dalawa at kasama nila ang ina. Sobrang saya pa nilang dalawa na mag-bonding. Minsan lang din sila kasi nagkakasama kasi mahigpit sa kanila ang ama. “Mas lalo kang pumayat bata ka!” galit na turan ni Jonito ngunit alam niyang binibiro lang nito ang kapatid. “Diet ko oy. Wala nakoy gikaon,” wika ng binatilyo sa bisaya. Napangiti lang si Hezekiah dahil kahit papaano ay naintindihan niya ito dahil sa salitang diet at kaon. Kumbaga kasing tunog at malapit lang sa salitang kain. “Bakit ba kasi hindi ka nagpapadala Jonito. Ang dami mong pera tapos hindi ka man lang nagbibigay kahit allowance man lang,” natatawang wika niya. “Huwag kang magpapaniwala rito. Sinungalang to minsan, by the way si Joshua kapatid ko at Josh si Kuya Hezekiah mo. Kaibigan ko at isa ring agent.” “Kilala ko siya Kuya pero Hezekiah pala ang totoo niyang pangalan? Akala ko Nicholas, sikat siya sa social media, e.” “Huwag ka nang maraming tanong basta Hezekiah ang totoo niyang pangalan at CEO ng Aragon Company,” ani ni Jonito sa kapatid at binatokan ito. “Oo na, sakit no’n, ha.” Sumimangot ang binatilyo at muling tumingin kay Hezekiah. “Nice meeting you po Kuya Hezekiah. Ano po ang gusto ninyo? Beso, shake hand or amen.” “Amen?” kumunot ang kanyang noo. “Mano, mano ang ibig niyang sabihin,” si Jonito ang nagsalita. “Huwag kang magbisaya kapag kausap si Hezekiah hindi ‘yan nakakaintindi lalo na kapag hindi ito katunog ng tagalog.” “Sorry po,” ani nito. “Okay lang, magmano ka nalang sa akin. Huwag mo nalang isipin na matanda na ako kaya nagpapamano.” “Naku, mas matanda pa ngang tingnan si Kuya Jonito sainyo, e. Parang nasa singkwenta na si Kuya,” natatawang wika ni Joshua. Babatukan na naman sana ito ng kaibigan ngunit nakatakbo ang binatilyo. “Alam ko na ang gagawin mo kuya,” pang-aasar nito. “Mamaya ka sa akin,” banta ni Jonito. “Teka, ano ang inihanda ninyo sa amin? Hindi kami kumain ng breakfast. Hindi rin namin kinain ang food sa eroplano.” “Pagkaalis ko upang sunduin kayo ay saka palang nagpaluto si Mama. Ikaw naman kasi kanina ka pa nagsabi na uuwi ka ngayon. Ayon hindi nakapaghanda ng mga lulutuin. Pero sigurado naman akong luto na ang mga pagkain. Sa daming kalan sa bahay ay within thirty minutes ay okay na lahat.” “Mabuti kung ganoon dahil gutom na kami.” Pinili na muna ni Hezekiah na tumahimik para masulit ng magkapatid ang oras ng pag-uusap. Medyo curious kung anong buhay mayroon sina Jonito dito sa probinsiya. Alam na niyang mayaman si Jonito noon pa ngunit wala siyang alam sa family background ng kaibigan. Nagtungo na sila sa parking lot at sumakay sa kotse na kulay pula. Si Joshua ang nagmaneho at nasa likuran siya pumwesto. Si Jonito naman ay nasa harapan. “Okay ka lang ba Hez?” biglang tanong ng kaibigan. “Oo, okay lang ako. Nagi-enjoy lang ako habang tinitingnan ang ating mga nadadaanan.” “Wala pa tayo sa siyudad. Inilipat na kasi ang airport, e. Noon ay nasa Tagbilaran City ang airport ngayon naman ay nasa Panglao na.” “Ilan ba ang City rito sa Bohol? May kalahihan rin ang probinsiya.” “Isa lang po Kuya Hezekiah, Tagbilaran lang ang natatanging City sa aming probinsiya.” Si Joshua ang sumagot habang nagmamaneho ito. “Kung isa lang ang siyudad ninyo rito. Ibig sabihin no’n ay kaunti palang ang population ninyo rito. Hindi ba isa sa mga pinagbabasehan kung bakit nagiging siyudad ang isang lugar ay ang dami ng mga taong nakatira pati na ang market?” “Parang ganoon na nga, Hez. Mabuti nang kaunti lang para iwas pollution kami rito. Hindi na nga sariwa ang hangin sa siyudad kaya naisipan naming magpatayo ng rest house dito sa Panglao. Pero under construction pa.” “Hala, anong under construction Kuya? Pwede na kayang malipatan ang rest house sa susunod na araw. Ngayon at bukas ay paglilinis at gardening na ang gagawin,” sapaw ni Joshua. “Hala? Bakit wala kayong update sa akin?” “Hindi ka naman titira rito sa Bohol kaya no need mo nang malaman.” “Wow, ha. Kahit na dahil doon ako mananatili kapag nasa bakasyon. At doon na rin siguro kami ni Hezekiah sa susunod na araw.” “Doon na tayong lahat,” ani Joshua. “What? Akala ko ba rest house ‘yon?” “Rest house nga pero iyon na ang napag-usapan nila ni Mama. For the main time ay doon na muna sila maybe isang buwan  o dalawang linggo. Pero ako, doon na rin ako titira.” “Wow, ha. Siguraduhin niyo lang na may kwarto ako.” “Mayroon naman, ha?” “Good.” Lihim lang na natuwa si Hezekiah sa dalawa. Masasabi niya na may bonding talaga si Jonito at ang kapatid nito. Sumasagot minsan si Joshua sa kuya ngunit nandoon pa rin ang respeto. Muli na naman niyang naisip ang kapatid. “Okay ka lang ba diyan, Hez? Makisali ka naman sa aming usapan,” ani Jonito sa kanya. “Wala akong masabi sa usapan ninyon. Alangan namang sabihin ko kay Joshua na ako rin sana may kwarto,” aniya. “Naku Kuya, may kwarto rin kaming inilaan para sa mga guest. Mansyon style kasi ang rest house kaya maraming rooms. Sinadya iyon dahil sa location. Tiyak marami kaming kamag-anak na magbabakasyon dahil malapit lang ang rest house sa beach.” “Maganda iyon kung ganoon. Tiyak na magiging masaya at exciting ang bakasyon namin rito ng Kuya Jonito mo, Joshua.” “Enjoy lang po kayo Kuya. May kotse naman si Kuya Jonito rito na pwede ninyong gamitin.” “Maraming salamat,” ngumiti siya. Talagang masasabi ni Hezekiah na mayaman talaga ang pamilya ni Jonito. Ngunit nakakatawa lang isipin kung bakit Jonito ang pangalan ng kaibigan. Siguro malalaman niya rin iyon kapag nagtagal na sila rito. Matagal na ang isang linggong bakasyon. Kung gusto pa niyang manatili sa probinsiya ay pwede naman iyon. Nakarating sila sa bahay nina Jonito. Malaki ang bahay ng pamilya ng kaibigan at doon niya lang nalaman na isa palang businessman ang ama nito na noo’y isang kapitan ng barko. Ang mama niya naman ay isa ring businesswoman. Napahanga si Hezekiah sa ganda at organisa ng bahay. Sobrang linis at ang daming artifacts. “Hindi mo sinasabi sa akin na ganito pala kayo ka yaman,” aniya sa kaibigan. “Pamilya ko lang mayaman. Personally, hindi ako mayaman. Ikaw ang totoong mayaman dahil nagmamay-ari ka ng kompanya ngayon. Nakaupo ka lang kumikita ka na,” ani nito. “Sira, pero pwede namang ikaw ang mamalakad sa business ng pamilya ninyo. Tutulungan kita, promise.” “Sira, may trabaho pa tayo bilang mga agents. Pero kung gugustuhin ko kapag nag-retire na tayo ay bakit naman hindi. Lalo na kapag may love of my life na ako. I’ll make sure na hihinto ako sa pagiging agent. Mapanganib, e.” “Susupurtahan kita sa iyong mga gusto.” Maging si Hezekiah ay ganoon din naman ang kanyang plano. Naisip na nga niya noon na sa oras na makasal sila ni Denzel at mabuntis ang babae ay hindi siya magdadalawang isip na umalis bilang agent at piliing mamuhay ng payapa kasama ang pamilya. Ngunit wala, e. Sa isang iglap nagbago ang lahat. Sobrang napaka-accomodating ng pamilya ni Jonito kaya medyo nahihiya. Ang bait ng ina at ama nito. At si Joshua kanina pa daldal ng daldal. Kaya malapit ang magkapatid sa isa’t-isa iyon pala ay dalawang lang na anak ang mga ito. Nakatuwang isipin na kompleto na sila ngayon. Bigla na naman niyang naalala si Nicholas. Maging ang kanyang ina ay pumasok na sa kanyang isipan. “Huwag kang mahiya Hezekiah, ha. Kumain ka lang ng kumain. Sariwa ang lahat ng seafoods na iyan. Pati ang karne ng baboy ay sariwa din. Sinugba tawag namin diyan pero inihaw naman sainyo. Nakakatawang isipin na ang salitang inihaw sa amin ay proseso iyon ng pagkatay,” wika ng ina ng kaibigan. Mukhang alam na ni Hezekiah kung saan nagmana ang dalawang kapatid. “Sige po Tita, kanina pa ako takam na takam. Hindi pa kasi kami kumain, e.” “Naku, kailangang ubusin niyo ‘yan, ha. At habang kumakain kayo diyan ang pinabili kong lechon ay on the way na.” “Hala, nag-abala pa po kayo. Sapat na po itong mga pagkain dito.” “Naku, Hijo. Masanay ka na kapag nandito ka. Kaya siguro paminsan-minsan nalang uuuwi itong aming panganay dahil hindi namin pinapa-diet sa mesa,” wika ng ama. “E bakit itong si Joshua pa ang payat?” “Paanong hindi papayat, ‘yan e matigas ang ulo. Hinayaan na nga namin na kaunti lang ang kaninin. Ayon lubog naman sa online games. Minsan nakakalimutan ng kumain.” “Ayon naman pala, okay lang naman na buong araw kang maglaro pero kumain ka ng maayos.” “Oo na, hindi na ako kikibo. Marami akong kakainin ngayon dahil umuwi na ang paborito kong pangit na kuya.” Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Joshua. Ilang saglit pa’y kumain na nga sila. At hindi nga nagsisinungaling ang ina ni Jonito sa sinabi nitong on the way na ang lechong baboy. Wala na siyang nagawa kundi kumain na talaga. Sarap na sarap siya sa kanyang kinakain. Mukhang gusto  niya na yatang tumira sa probinsya kung ganito kasarap ang kinakain niya araw-araw!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD