Chapter 6: Pighati ng Puso
HUMINTO sa paglakad si Hezekiah at titig na titig siya kay Denzel habang mag-isa itong nakaupo lang sa sulok. Napansin siya ni Jonito at tumingin ito sa gawi ng babae. Maging ito ay nagulat din ngunit mabilis itong nakahuma.
Lumapit ang kaibigan sa kanya, “sa ibang club nalang tayo.” Hinila siya ni Jonito palabas ngunit hindi siya gumalaw.
“Sandali lang muna. Lapitan natin siya,” aniya.
“Hezekiah, huwag ka nang umasa. Hindi natin alam kung sino ang kanyang kasama. Baka si Crim Carl nga, e.”
“Wala naman siyang kasama, mag-isa lang siya.”
“Malay natin baka nagpaalam saglit ang lalaki? At isa pa nasa proseso ka na ng pag-move on. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa kanya.”
Naiyuko ni Hezekiah ang kanyang ulo. Sobrang hirap pigilan ang kanyang pusong umaasa pa rin hanggang ngayon. Siguro sa pagkakataong ito ay tama si Jonito. Humakbang na siya palabas. Kaagad silang dumiritso sa parking lot at sumakay sa kanyang kotse.
“Saan mo gustong pumunta?”
Napabuntong hininga siyang tumingin sa labas. “Umuwi na lang tayo. Iyon nalang inumin natin ang binili kong alak kanina,” aniya.
“Mabuti pa nga siguro.” Pinaandar ni Jonito ang kotse. Akmang ipapatakbo na sana ito ng kaibigan nang biglang napunta sa harapan si Denzel. Nagulat sila sa ginawa ng babae. Nagsisigaw ito ngunit hindi niya marinig ang boses nito dahil nakasarado ang bintana.
“Paano ‘yan?” tanong ni Jonito.
“Kakausapin ko lang muna,” aniya at lumabas. Hindi na siya nagpaawat kay Jonito.
“Nababaliw ka na ba Denzel? Paano kung nasagasaan ka namin?”
“At hindi niyo naman ginawa. Mag-usap tayo,” seryoso nitong wika.
“Wala na dapat pa tayong pag-usapan Denzel. Ikaw na mismo ang lumayo at iniwan mo ako sa kahihiyan sa araw mismo ng ating kasal.”
“Denzel!” biglang dumating si Crim Carl. Tama si Jonito, may kasama nga ang babae at si Crim Carl iyon.
“Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko, Hezekiah.”
“Iyon lang?” sobrang kirot ang kanyang nararamdaman. Tila gusto na niyang magpalamon sa lupa. Pakiramdam niya ay talunan siyang lalaki. “Ginawa ko ang lahat para saiyo Denzel, kahit buhay pa ang kapalit ng lahat ay ginawa ko. Sinusundan kita sa mga misyon mo upang masigurong ligtas ka.”
“Hezekiah,” tumulo ang mga luha ng babae.
“Binuo kita, e. Binuo kita sa panahong binasag ka ni Crim Carl. Binuo kita sa panahong walang-wala ka na. Hindi kita iniwan noong kailangan mo ng taong makakasama mo. Kinulayan ko ang buhay mo sa mga panahong hindi mo na kayang mabuhay. Sa mga panahong kailangan mo ng aagapay saiyo ay nandoon ako. Binuo kitang muli.” Hindi namalayan ni Hezekiah na tumulo na pala ang kanyang mga luha. Sobrang sakit lang isipin na sa lahat ng kanyang ginawa ay ito ang naging kapalit.
“Patawarin mo ako Hezekiah. Hanggang ngayon ay labis pa rin akong naguguluhan.”
“Huwag ka nang maguluhan Denzel. Malinaw na sa akin kung sino ang mas matimbang sa amin ni Crim Carl. Nawa’y maging masaya kayo,” aniya at tumalikod. Mas lalo pang naghahabulan ang kanyang mga luha sa pagpatak. Pumasok siya sa kotse at isinara iyon. Mabilis na pinatakbo ni Jonito ang kotse at nilisan na nila ang parking lot.
“Iiyak mo lang ‘yan. Kailangan mong ipalabas ang lahat ng iyong sama ng loob. Huwag kang mahiya sa akin, Hez. Iiyak mo lang ‘yan. May mga pagkakataon talaga na nagiging tulay lang tayo at panandaliang tirahan ng mga pusong nawawala at sawi sa pag-ibig. Huwag kang manghinayang. Mukhang masaya naman siguro si Denzel sa piling ni Crim Carl. Siguro oras na rin para ituon mo ang saiyong sarili ang atensyon. Maging masaya ka. Life is a choice, piliin mong maging masaya.”
“Noong nakita ko sila, pakiramdam ko hiniwa sa dalawa ang aking puso. Sobrang sakit na makita silang magkasama. Sobrang unfair lang, masaya sila tapos ako rito halos gumapang na sa sobrang sakit ng aking puso.”
“Magdrama ka lang riyan. Sabihin mo ang gusto mong sabihin at makikinig lang ako saiyo. Sa pagkakataong ito ay tatahimik na muna ako. Gusto kong sabihin mo ang lahat na gusto mong sabihin. Ipalabas mo ang lahat-lahat.”
“Nailabas ko na kanina sa kanya ang gusto kong sabihin at ihusga. Sobrang napaka-selfish ni Denzel. Hindi niya man lang iniisip ang maaari kung maramdaman noon iniwan niya ako sa simbahan.”
“Masakit talaga ang kanyang ginawa ngunit pareho kayong may kasalanan dalawa. Ang mapapayo ko lang talaga ay move forward. Hindi pa tapos ang buhay at umiikot pa ang mundo.”
“Ayokong mag-move on na may sama ng loob Jonito.”
“Tama iyan ngunit kailangan mo munang magpatawad kung iyan ang gusto mong mangyari.”
“Ngunit papapano ko iyan gagawin?” sa labas siya nakatingin. Hindi niya kayang tingnan ang kaibigan dahil nahihiya siya sa mga luhang rumaragasa sa kanyang pisngi.
“Kailangan mo munang mahalin ang sarili mo at turuan mo ang sarili mo na magpatawad. Patawarin mo ang sarili mo sa mga ginagawa mong desisyon na sa tingin mo ay tama ngunit mali pala dahil hindi iyon nakabuti saiyong sarili mismo.”
“Hanggang kailan ako mananatiling ganito? Ayoko ko na sa ganito. Gusto kong lumabas sa pighating ako lang naman ang nakakaramdam.”
“It takes time and courage pero kung willing ka talagang mag-move on ay magagawa mo ‘yan. Walang gamot na gawa ng sensya na magpapawala sa pighati sa iyong puso. Lahat ay dumadaan sa mausisang proseso. Abalahin mo ang iyong sarili si Hezekiah. The more na mananatili ka sa condo ay the more mo siyang maiisip dahil mayroon kayong mga hindi makakalimutang alaala sa condo mo mismo.”
“Out of town tayo. Gusto kong lumayo muna ng ilang araw.”
“What if kung pumunta tayo sa probinsiya namin? Doon na muna tayo manatili ng ilang araw. Kapag maayos na ang lahat ay saka palang tayo babalik.”
“Kung hihintayin pa natin na magiging maayos ang lahat ay matagal pa bago iyon mangyari. Manatili na lamang tayo ng ilang araw roon at bumalik rito.” Noon pama’y iniimbitahan na siya ni Jonito na magtungo sa Bohol ngunit ayaw niya dahil may misyon siya kinabukasan.
“Sapat na siguro ang isang linggo,” aniya.
Pagdating nila sa condo ay ganoon nga ang kanilang ginawa. Solo nilang dalawa ang mga alak at nagluto na rin si Jonito ng kanilang pulutan. Pasada alas dose na nang magkapagsimula silang dalawa kaya malapit na nang mag-umaga na natapos. Lasing na lasing silang dalawa na animo’y nasa bar lang dahil sobrang ingay at nagsasayawan na. Nang lumaon at labis na ang naging epekto ng alak ay huminto sila at nagpahinga na.
Tanghali na nang magising si Hezekiah. Sobrang sakit ng kanyang ulo dahil sa hungover. Bumangon siya ay lumabas ng kwarto. Tulog pa si Jonito. Minabuti niyang magtimpla ng kape at at nag-defroze ng lulutuin. Habang umiinom ay kaagad niyang naalala kung ano ang nangyari kagabi. Nakaramdam na naman ng lungkot si si Hezekiah. Sobrang hirap paring tanggapin na ganoon lang ang nangyari sa kanila ni Denzel.
Iwinaglit niya ang malalim na pag-iisip at inubos ang tsaa. Pagkatapos ay nagluto na lamang siya ng chicken curry at nag-prito ng mga itlog. Nagsalang na rin siya ng kanin para wala nang iisipin pa.
Ala una y medya na nang magising si Jonito at eksakto ring natapos siya sa kanyang pagluluto. Gusto na niyang maligo. Mamaya niya nalang siguro iyon gagawin kapag tapos na silang kumain ng kaibigan.
“Grabe ang sakit ng ulo ko,” wika ni Jonito at nagtimpla ito ng kape. “Anog oras kang nagising? Mukhang nakapagluto ka na,” tumingin ito sa kalan.
“Hindi pa matagal nang magising ako. Minabuti ko na ring magluto para kakain nalang tayo paggising mo. And exactly katatapos ko lang at gising ka na.”
“Mukhang maganda yata ang naging epekto ng alak saiyo. After so many months ay nakapagluto ka na.”
“Months?” kumunot ang kanyang noo.
“Oo months, hindi ka na nagluluto kapag nandito ako.”
“I see, nakakapagod kasi.” Pero habang magkasama sila rito ni Denzel noon ay nagagawa naman ni Hezekiah na magluto. Nagpapasalamat na rin siya dahil kahit papaano ay hindi iyon naapektuhan ng kanyang pagka-broken hearted. Recently kasi ay sobrang off na off na siya. Parang wala siyang ganang gawin ang lahat ng bagay at iyon ang nangyari sa kompanya. Halos hindi na niya ito maalagaan buhat nang nangyari. Nang kausapin siya ni Lauriate ay doon pa lamang siya nagdesisyon na gawin munang tagapamahala pansamantala ang babae para maibalik ito on top. “Kumain na tayo,” aniya at inilipat na sa mangkok ang mga niluto. “Ikaw ang maghuhugas ng lahat ng ito, ha.”
“Yes boss, wala rin naman akong gagawin buong araw ngayon. Gusto ko lang magpahinga.”
“Bakit, may gagawin ka ba bukas? Simula nang nandito ka ay hindi ka naman lumalabas ng condo, e.”
“Ano ka ba? Mag-aayos tayo ng mga gamit bukas dahil tutuloy tayo ng Bohol.”
“Okay,” tumango siya at umupo na sa harap ng kaibigan. “Maraming beach sa Bohol hindi ba?” Alam niya iyon dahil suggested province always ang Bohol sa mga turista.
“Hindi lang beach ang marami roon pati mga chocolate hills din.”
“Marami pala kayong chocolate doon, magdala tayo ng isang chocolate hill,” natatawang wika niya kay Jonito na ikinakunot ng mukha nito.
“Hindi ka ba aware na isa iyong tourist spot? Hindi ‘yon tsokolate na kinakain.”
“Alam ko, kumain na tayo,” aniya at natatawa pa rin. "Pero alam mo may nababasa akong nobela noon which is ang main setting ay Bohol. Montecilio Empire yata 'yon."
"Talaga? Ano ang istorya? kwento mo sa akin."
"Hindi ko masiyadong matandaan pero e third point of view ko nalang para maging smooth," aniya.
"Push."
Sandaling nag-isip si Hezekiah ay inisip kung saan siya magsisimula...
Dahil sa kanyang nalaman. Mula probinsya at nagtungo si Veronica sa Manila dahil kanyang nabalitaan na inoperahan si Angel sa utak nito. At ang nagtulak talaga sa kanya ay nandoon ang kanyang pinsan na si Douglas Montecilio at para na rin i-pursue ang kanyang kagustuhang maging artista.
Sa kanyang pagdalaw sa ospital ay mayroon siyang nakaharap na sobrang malditang sekretarya. Tinataasan siya nito ng kilay at hindi maganda ang pakikutungo. Isang mabait at maganda na tao si Veronica at isa rin siyang Montecilio. Nanalaytay sa kanyang dugo ang pagiging mayaman at palaban. Ayaw niyang pumatol sa basura ngunit sinusubukan siya ng babae. Sa kanyang pakikipag-away nito ay may isang gwapong lalaking nagtangkang pigilan siya at kinampihan ang sekretarya. Sa kanyang inis ay binato niya ito.
Napag-alaman niya na ang lalaki ay isang doktor na nagngangalang Steffan. Ang kanyang ikinagulat ay kaibigan ito ng kanyang kapatid na si Homer, Angel at nang kanyang Kuya Douglas. Naging magkaaway silang dalawa sa tuwing magkaharap.
Habang nasa Manila at tinupad ni Veronica ang kanyang pangarap. Nag-audition siya at sa kabutihang palad ay natanggap siya dahil sa kanyang ipinamalas na pag-arte. Naging routine na niya ang taping sa set at hatid sundo siya ng kanyang kapatid na si Homer na isang modelo.
Naging ganoon ang routine ni Veronica. Hanggang sa nalaman nalang niya pupuntang New York ang kapatid dahil doon na ito magtatrabaho. Labis na nawindang si Veronica nang malamang si Steffan ang maghahatid-sundo na sa kanya. Ayaw man niya ngunit wala siyang nagawa.
Muli ay hindi naging madali para sa kanila ang lahat. Ngunit habang tumatagal ay mas nakikita nalang niya ang kanyang sarili na nakikipag-usap sa lalaki.
Isang araw ay dinala siya nito sa isang bahay-ampunan. Noon niya lang napagtanto na mabait na tao si Steffan at nagkamali siya ng inakala sa lalaki. Napag-isipan niyang makipagkumbaba.
Dumating ang dagok sa career ni Veronica sa kasagsagan ng pagpapalabas ng kanilang palabas. Lumabas ang isang s*x video scandal ng kanyang mga magulang noon dahilan upang masira ang kanyang imahe. Sa sobrang pagkapahiya at umalis siya ng gabi at may dumukot sa kanya. Nakatulog siya at nagising sa isang isla. Nagulat siya kung sino ang kanyang kasama. Si Steffan, ang lalaki ang nagpadukot sa kanya!
Ipinaliwanag ng lalaki kung bakit nito isinagawa ang pagdukot. Papauwiin siya sa probinsya at ipagpapakusundo ng kasal. Natakot si Veronica ngunit gusto niya pa ring makaalis sa isla upang linisin ang kanyang pangalan.
Sa kanyang pananatili sa isla ay mas lalo pa siyang nahumaling sa lalaki hanggang sa tuluyan nang nahulog ang kanyang loob kay Steffan. At umabot pa siya na ibinigay niya ang lahat sa lalaki!
Nagkaroon siya ng pagkakataon na tumukas. At ginawa niya ito! Dumiritso na muna siya sa probinsya upang alamin kung totoo nga ba. Sa kanyang gulat ay totoo nga iyon. Mali ang kanyang pag-uwi dahil hindi na siya makaalis pa. Naka-arranged na ang lahat.
Araw ng kasal. Hindi mapakali si Veronica. Laman ng kanyang isipan si Steffan ngunit sadyang hindi sila para sa isa’t-isa. Ikakasal na siya sa lalaking hindi niya kilala ng lubusan! Nang nasa simbahan na siya ay nanlaki ang mga mata ni Veronica. Si Steffan ang lalaking naghihintay sa kanya sa altar!
Ipinaliwanag ng lalaki ang lahat. Ang kapatid niya ang kanyang inutusan na humarap sa mga Montecilio dahil papunta pa siya ng probinsya. Hindi siya makakadalo sa pamamanhikan. At noon pama’y hiningi na ni Steffan ang kanyang kamay sa pamilya niya.
Naging masaya si Veronica kahit ganoon ang set up. At least hindi siya naikasal sa lalaking hindi niya mahal. Bagkus ay kay Steffan pa ito. Natanggap niya ang kanyang buhay. Masaya na siya kahit papaano ay nagkaroon siya ng pelikula at hanggang doon nalang iyon. Tanggap niya sa sarili na hindi talaga para sa kanya ang paga-artista ngunit para sa kanya si Steffan.
"Pamilyar sa akin ang kwento ay mukhang nasabi na iyan ng bunso kong kapatid sa akin," ani Jonito.
"Maganda nga, e. Pero iyon lang ang nabasa ko kasi ang ibang istorya ay hindi na naituloy? Hindi ako sigurado."