MSMK: 8

2128 Words
Chapter 8: Pagsalba sa Sarili SUMAKIT ang tiyan ni Hezekiah sa sobrang kabusugan niya. Nahihiya siyang tumanggi sa pamilya ni Jonito kaya sige siya sa pagkain. Lahat ng putahe ay kan talagang tinikman at minsan napaparami siya sa sobrang sarap ng pagkakaluto. Bukod pa roon ay nagi-enjoy siya sa presensya ng mga ito. Masasabi niyang family oriented ang pamilyang mayroon ang kaibigang si Jonito. “Pasensya ka na Hezekiah. Talagang ganito kami kaingay kapag nagsasama-sama. Sinusulit namin ang bawat pagkakataon na magkasama kami,” ani Jonito habang kumakain pa ito. “Okay lang ‘yon, natutuwa nga akong tinitingnan kayo, e. Ang saya lang tingnan at sobrang tibay ng samahan ninyo bilang pamilya.” Bagay na hindi naranasan ni Hezekiah dahil sa walang kwenta niyang ama. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito makuhang mapatawad. Isa ito sa mga sinisisi niya kung bakit namatay ang kanyang ina. Ang masaklap pa roon ay hindi niya malalaman kung hindi siya nagtungo para bumisita. “Nakikita ko saiyong mga mata ang lungkot Hezekiah. Huwag kang mabahala pwede mo naman kaming gawing pamilya mo, e. At isa pa, hayaan mong ituring ka naming anak. Hindi na nakatago sa amin ang totoo mong pagkatao dahil kapag umuuwi si Jonito dito ay ikaw minsan ang bukang bibig niyan,” wika ng ginang. Nahihiyang ngumiti si Hezekiah at binalingan si Jonito. “Proud lang ako na kaibigan kita at hindi naman iyon chismis. May pagkakataon kasi na naalala kita kapag nandito ako. Minsan nag-aalala ako saiyo roon. Dahil close naman ako kina mama kinukwento kita sa kanila.” “Maraming salamat kung ganoon. Okay lang naman sa akin basta ba huwag fake news,” natatawa niyang wika. Sa totoo lang ay ayaw ni Hezekiah  na kaawaan siya ng ibang tao dahil sa pamilyang mayroon siya. Ngunit isa na yata iyon sa dapat niyang tanggapin na ganoong pamilya ang mayroon siya at kailanman hindi magiging maayos dahil punong-puno ng galit ang kanilag mga puso. “Dahil diyan Kuya Hezekiah ay uuwi ka na rin dito sa Bohol kapag uuwi si Kuya Jonito. Pamilya ka na namin kaya dito ka na bibisita,” magiliw na wika  ni Joshua. Hindi alam ni Hezekiah kung nagbibiro lang ang binatilyo ngunit ang sarap lang pakinggan na mayroong ibang tao na tinuturing kang tao. Bakit hindi niya maramdaman ito sa kanyang ama? Gusto na niyang maging emosyonal ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang magmukhang kahiya-hiya sa pamilya ng kaibigan. Gusto niyang ipakita na matatag siyang tao.Ngunit nagpapasalamat na rin siya dahil nakaramdam siya ng saya at pagmamahal sa mga ito. “Itigil na ang drama at magpatuloy sa pagkain,” natatawang wika ni Jonito at kumuha pa itong balat ng lechon saka kinain. Rinig na rinig ni Hezekiah kung gaano kalutong ang balat kaya nainganyo siyang pumuslit ulit. Gusto na niyang magmura sa sobrang sarap ng mga pagkain. “Kain ka pa Hezekiah, pasama ka nalang kay Jonito bukas sa gym kung gusto mong magwork-out. Alam ko namang sensitive kayo when it comes sa mga fitness.” “Mukhang sa akin mo iyan natutunan Ma,” ani Jonito sa ina. “Pwede bang sabihin na sa ibang tao?” natawa ang ginang. “Ikaw naman kasi sa tuwing nagpapakain ako rito at marami kang nakain ay gym kinabukasan ang punta mo. Kaya naisip ko na iyon nang una kong makita si Hezekiah kanina. Halata namang gym buddies kayo.” “Maraming salamat po sainyo Tita,” aniya. “Mukhang magpapasama talaga ako kay Jonito bukas. Kailangan kong magamit lahat ng energy na nakuha ko sa aking kinain ngayon. Ayaw kong tumaba, iniwan na ako at baka tumaba ako wala nang tatanggap sa akin,” hugot niya. “Hay naku, huwag nga kayong magpapaniwala sa mga ganyan na porket gwapo and fit ay iyon na ang pipiliin. Wala sa looks ‘yan, asa pera ‘yan,” biro ng ginang na nagpatawa sa kanila. “Pero kung totoong pagmamahal ang gusto ninyo ay wala itong pinipilit. Kahit pa na ikaw ang pinakamahirap sa balat ng lupa. Sabihin na nating mahirap ka pa sa daga... kapag ang puso na ang nagdikta wala kanang magagawa roon. Iba ang ginagawa ng pagmamahal it leads you to appreciate differences and accept all flaws.” “Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Jonito, Tito.” Tiningnan niya ang kaibigan at tila nahihiya pa ito sa kanya. “Ang galing niyo pang mag-advice. I wonder kung sa personal experience niyon iyon lahat?” “May iba experience may iba naman gawa lang na malikot na imahinasyon,” ang padre de pamilya ang sumagot. “Kaya ako napamahal sa kanya dahil sa talas ng kanyang dila at masasarap niyang pananalita.” “Grabe ka sa akin, ha. Talagang grabe akong mag-alaga at sakto lang akong magmahal,” ani ng ginang sa asawa. “Alam niyo bang hindi ito takot na mawala ako noon? Kasi nga parati niyang sinasabi na 75 percent lang na pagmamahal ang ibibigay niya sa akin ang 25 percent naman ay para sa kanyang sarili. Bigla akong naalarma, gusto kong makuha ang 100 percent na love niya kaya pinaghirapan ko. Ayon nakuha ko naman kaya ngayon hindi na ako makakagala kahit saan dahil nami-miss niya ako ng ganoon kadali. At mukhang pinagsisihan kong ginawa ko ang lahat para makuha lahat ang pagmamahal niya,” wika ng ama ng kaibigan. “Ngayon ko lang ‘yan narinig papa,” ani Joshua. “Huwag mo na ngang kinu-kwento sa kanila ang past natin. Alam mo binaon ko na ‘yan sa limot tapos hinahalungkat mo,” nahihiyang wika ng ginang sa asawa. “Bakit ba? Ayaw mo ba no’n? Kahit hindi importanteng bagay ay naalala ko dahil ganoon kita kamahal.” “Ay sos, sinasabi mo lang ‘yan dahil gusto mong humirit ng lechon. Bawal ka diyan, mataas dugo mo kanina.” “Kahit balat lang naman Hon.” “No,” tanggi ng ginang. Naaaliw si Hezekiah habang pinagmamasdan ang mag-asawa. Gusto niya ng ganoong pagsasama sana ngunit wala na at hindi na niya maililigtas pa. “Kumain ka nalang. Minsan makulit ang mga ‘yan,” bulong ni Jonito sa kanya. At iyon nga ang kanyang ginawa ngunit hindi niya maiwasang huwag tingnan ang mag-asawa na hindi pa rin huminto sa pag-uusap. Nakakakilig lang pagmasadan ang dalawa. Hindi niya nakitang ganoon ang kanyang ama at ina. Puro bunganga lang napapala nila noon. Pasado alas tres na ng hapon nang matapos sila sa pagkain at nagkwentuhan na rin tungkol sa mga pinagagawa nila sa kanilang trabaho bilang agent. Pati ang sa business ay kanila ring napag-usapan. Marami pang tirang pagkain. Lalo na ang lechon na sobrang dami pa. “Manang kumain na rin po kayo rito. Tawagin niyo po ang iba para sabay-sabay na kayo,” ani ng ginang sa kasambahay na noo’y kakarating lang. Hindi niya alam kung saan ito galing. Pero wala naman siyang kasamabahay na napansin kanina. “Sige po, Ma’am.” “Kumain na ba sila Joshua?” tanong ni Jonito sa bunso nitong kapatid. Tinutukoy nito ang mga kasambahay. “Oo, Kuya. Mas nauna pa sila sa atin dahil hindi naman sila makakasabay sa atin kanina dahil ang dami nila. Kaya sinabi ni Mama na mauna nalang ang mga itong kumain sa atin.” “I see,” tumango si Jonito. “Akala ko hindi pa sila kumain tapos naghintay lang sila na matapos tayo.” “Akala mo lang ‘yon, pero nauna na silang kumain at sigurado ako. Pero sa tingin ko kakain sila ulit ngayon dahil wala pa ang lechon kanina, e.” Ngiti lang ng ngiti si Hezekiah habang nakikinig. Sobrang napaka-precious ng pamilya na mayroon si Jonito. Sobrang babait sa ibang tao. Nang magsilapit na ang mga kasambahay at iba pang kasama nila rito sa bahay ay tumayo na rin sila sa mesa para may upuan ang iba sa mga ito. Nagtungo sila sa sala at kinuha ang mga gamit para ito ayusin na. “What if idiritso niyo nalang kaya ang mga gamit ninyo sa rest house Jonito? Okay na naman ang loob ng bahay. Malinis na at hindi na amoy pintura. Ang hardin na ngayon ang kasalukuyang ginagawa. Nag-text sa akin si Engineer ngayon lang,” ani ng ama. “Sige po para naman makapagpahinga kami roon. Okay naman siguro ang kama roon diba, Ma?” “Oo, kompleto na lahat. Kulang nalang mga pagkain which is kami nalang ang magdadala bukas. May malapit lang namang restaurant at department store sa rest house kaya doon nalang muna kayo kumain mamayang gabi. O, umuwi kayo rito mamaya tapos balik rin kayo kaagad sa Panglao,” ang ginang ang sumagot. “What do you think Hez?” tanong ni Jonito sa kanya. “Walang problema sa akin kung kakain tayo sa labas o uuwi tayo rito. Pero kung gusto nila Tita at Tito na dito tayo maghahapunan mamayang gabi ay why not. Hindi naman ako napagod sa biyahe at mas lalo lang akong nagkaroon ng energy dahil sa dami kong kinain.” “Mabuti naman kung ganoon,” ngumiti ang kaibigan. Paano? Tara na?” “Tara.” Nagtungo sila sa parking lot ng bahay at ginamit nila ang kotse ni Jonito. Enjoy na enjoy si Hezekiah sa kanilang mga nadadaanan. Dumaan sila sa mga mall na gusto niyang puntahan sa mga susunod na araw. Ngayon palang ay talagang masasabi ni Hezekiah na mas magiging exciting ang kanilang bakasyon. Siguro makakatulong to na isalba ang kanyang nararamdamang pighati at unahin niya naman ngayon ang kanyang sarili. Ito na yata ang tinatawa ng karamihan na self love. “Masaya ako at nakukuha mo nang ngumiti ng mas madalas ngayon. Hindi tulad sa condo mo na kailangan ako pa talaga ang gagawa ng paraan para mapilit kang ngumiti. Ngayon ay it comes naturally na sayo,” wika ni Jonito. “At malaki ang pasasalamat ko saiyo at sa pamilya mo. Hindi ko inakala na magiging ganito kasaya ang pagpunta natin rito.” “Mas magiging masaya pa ‘yan kapag nag-tour tayo around the province.” “Ngayon palang ay hindi na ako makapaghintay,” aniya. “Chill ka lang muna, mahaba-haba pa ang mga araw na mananatili tayo rito.” Nakarating sila sa rest house at napamangha si Hezekiah sa ganda at laki. Mukhang pinaigihan talaga ang design at pagkakagawa. “Hindi ko inakala na ganito pala kaganda ang rest house na pinagawa nila, Mama.” “Sobrang ganda nga,” pagsang-ayon niya. May napansing mga tao si Hezekiha sa gilid ng bahay at abala ang mga ito sa ginagawa. Mukhang ang hardin nga ang inaayos ng mga ito. May mga tanim na at blocks. Handa na itong gamitin para sa arrangement ng landscape. “You never told me na ganito pala kayo kayaman.” “Sinabi ko na saiyo na mas mayaman ka pa at sila lang naman ang mayaman. Ang pera ko ay sakto lang sa akin. Hindi nag-uupaw unlike saiyo.” “Sira, hindi bagay saiyo ang magpaka-humble,” aniya. “Huwag natin ‘yan pag-usapan. Marami nga tayong pera pero wala namang lovelife. Pumasok na tayo para makapagpahinga. Ang sakit pa ng tiyan ko sa sobrang kabusugan. Kaya nagdadalawang isip sana ako na babalik tayo ng siyudad mamaya dahil busog na busog pa ako. Ngunit iyon na ang napag-usapan. Ayaw ni Mama at Papa na paiba-iba kami ng desisyon kung iyon ang nakapagsunduan ay iyon ang masusunod.” “Wala naman problema sa akin kung kakain tayo mamaya. Kaunti nalang ang kainin mo mamaya. Mabilis ang metabolism ko kaya hindi nagtatagal ang pagkain sa aking tiyan.” “Banat ka na kasi  sa ehersisyo kaya madali na saiyo ang magpa-digest ng maraming pagkain,” ani nito. “At isa pa, hindi naman kasi ako kumain ng maraming kanin kanina. Pinagtuunan ko ng pansin ang mga ulam. Haler, mas mabilis kayang ma-digest ang mga meat kaysa sa mga leafy at starchy na pagkain.” “Oo na, iyan ang gagawin ko sa susunod na mga araw. Minsan kasi hindi ko maiwasan ang kanin. Parang hindi ako nasa-satisfy kung marami ang ulam kaunti ang kanin.” “Iyan ang gawin mo, dapat masanay ka na.” “Susubukan,” bumungisngis si Jonito. Pumasok na sila sa loob ng bahay at mas lalo pang napamangha si Hezekiah ang luwag ngunit may mga gamit na. At sigurado na siyang mamahalin ang lahat ng iyon. Itinuro ni Jonito kung saan ang magiging kwarto niya at mas lalo pang napangiti si Hezekiah. Parang nasa five star hotel lang siya! “Thank you, pahinga ka na. Katukin mo nalang ako rito kapag pupunta na tayo pabalik sa siyudad,” aniya kay Jonito. “Sige magpahinga ka na rin muna,” ani nito at umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD