MSMK: PROLOGUE
Prologue
HABANG isinusuot ni Hezekiah ang singsing ay nanginginig si Denzel sa labis na kaba at saya. Ngayon niya lang ito naramdaman sa tanang buhay niya. Tumayo ang lalaki at mabilis siyang hinagkan sa kanyang labi.
“Thank you sa pagpayag My Millady.”
“Thank you for the love, Hezekiah. May sasabihin pala ako sa’yo at importanteng malaman mo.” Napabuntong hininga si Denzel at hinawakan niya ang kamay ng nobyo. Pinisil-pisil niya iyon. Kahit hindi man aminin ni Denzel ay labis siyang kinakabahan.
“Ano iyon? Importante ba?”
“Sobrang importante, Hezekiah.”
“Say it... huwag kang kabahan.”
Nakagat ni Denzel ang kanyang ibabang labi. “Buhay si Crim Carl at nagbalik na ang kanyang alaala.”
Ang buong akala ni Denzel na magugulat si Hezekiah ay sa tingin niya ay siya pa ang magugulat dahil ngumiti lang ang lalaki sa kanyang sinabi.
“I know... updated ako sa mga balita at nakikita ko paminsan-minsan si Crim Carl. Alam kong siya iyon dahil malakas ang aking pakiramdam.”
“Hindi ka ba natatakot na baka balikan ko siya.”
Umiling si Hezekiah. “Bakit naman ako matatakot? Magpapakasal na tayo dahil tinanggap mo ang aking alok. At isa pa, kung mahal mo talaga si Crim Carl ay handa naman akong mag-let go, e. Handa akong pakawalan ka sapagkat iyon ang tama kung baka sakaling si Crim Carl pa talaga ang tinitibok ng iyong puso.”
“Ngunit ikaw, e. Ikaw ang pinili nitong aking puso Hezekiah. Bago paman ako umuwi rito ay nag-usap kami ni Crim ng masinsinan. At tanggap namin dalawa ang kung ano na kami ngayon. Alam ni Crim Carl na ikaw ang mahal ko at ikaw ang aking pinili.”
“Maraming salamat Denzel... pinapangako kong maging mabuting nobyo at asawa in the future.”
“Alam kong magagampanan mo iyon.”
“Wait, pwede ko bang makausap si Crim Carl? I mean, gusto kong magkaroon kami ng peace of mind.”
“Oo naman... gusto mo bukas ay puntahan natin siya sa hideout kasi mag-uumpisa na iyon kaagad sa trabaho.”
“Sige,” malapad na ngumiti ang lalaki. “Ang mabuti pa ay kumain na tayo baka tumigas pa ang mga inihanda kong pagkain sa ating dalawa.”
“Are you sure na ikaw ang naghanda nitong lahat?” pabirong tanong ni Denzel.
“Oo naman. Anong akala mo sa akin? Nag-hire pa ng mga gagawa nito? Wala nang oras para doon. Hindi ako pumasok sa office para lang ihanda ang lahat ng ito.”
“Maniniwala ako sa’yo.” Idinampi ni Denzel ang kanyang palad sa mukha ni Hezekiah at marahan itong kinurot.
Masaya silang nagtungo sa mesa at sobrang asikasong-asikaso siya ng lalaki mula sa pag-upo hanggang sa kanilang pagkain. Naging masaya ang kanilang pagkain at punong-puno iyon ng tawanan at halakhak.
Kinaumagahan ay sabay silang umalis upang magtungo ng Hideout. Medyo kinakabahan si Denzel kung ano ang magiging reaksyon ni Crim Carl ngunit sigurado naman siyang matatanggap iyon ng lalaki.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Hezekiah habang minamaneho ang kotse.
“Kinakabahan lang ako sa magiging reaksyon ni Crim Carl.”
“Huwag ka lang mag-over think. Alam ko naman na mabuting tao si Crim Carl at hindi iyon magwawala kapag nakita ako. Wala naman kaming sama ng loob sa isa’t-isa at isa pa I was there during your wedding malas lang at hindi natuloy.”
“Sana nga ay hindi iyon magwala,” napabuntong hininga si Denzel.
“Hey,” inabot ng lalaki ang kanyang kamay at pinisil iyon. “Just relax okay? Walang mangyayaring masama. And beside, mag-uusap lang namin kaming dalawa.”
Kinalma ni Denzel ang kanyang sarili hanggang sa nakarating na sila sa hideout. As always si Pulga talaga ang sumasalubong sa kanya ngunit nang makita nito si Hezekiah ay labis itong pinamulahan ng mukha.
“Hoy gaga, baka nakalimutan mong nobyo mo si Agent Debil,” natatawa niyang wika sa kaibigan.
“Nobyo ko lang ‘yon pero si Nicholas San Martin ay ultimate crush ko! Ahh!” Napatili ang babae sa sobrang saya. “Payakap naman.”
“Sure.”
Tila isang isda si Pulga na gutom na gutom. Mabilis pa sa isang segundo ang pagyakap nito kay Hezekiah at inamoy-amoy pa ang perfume.
“Ang bango naman... nakakagigil,” natatawa nitong wika at hinarap siya. “At ano ang nakain mo bakit mo dinala si Papa Nicholas rito?” naningkit ang mga mata nito.
“Dumating na ba si Crim Carl?” tanong niya at napatingin sa loob ng Hideout. May mga mangilan-ngilang agent ngunit wala ang presensya ng lalaki.
“Nandoon sa loob ng opisina ni Lumino. Gusto mo tawagin ko?”
“No,” mabilis na pigil ni Denzel. “Ako nalang at igiya mo nalang si Nicholas sa lobby para doon nalang kami pupunta ni Crim Carl.”
“Sure why not,” kinikilig si Pulga. Lumapit ito sa lalaki at yumapos ng yakap sa braso ni Hezekiah. “Ako ang bahala saiyo baby ko.”
Nakita ni Denzel na natawa lang ang nobyo kaya napangiti siya. Tumalikod na rin siya ay nagmamadaling nagtungo sa opisina ni Lumino. As always, automatic ang pinto at napatingin sa kanya ang dalawang lalaki na noo’y mayroong pinag-uusapan.
“What brings you here Denzel?” tanong ni Lumino.
“May mahalaga lang po akong sadya kay Agent Crim, Carl.”
“Importante ba iyan? Bakit hindi ka napagsabi na pupunta ka rito.”
“Pasensya na po kayo Agent Lumino, nakalimutan ko po,” sa loob-loob ni Denzel ay napangiwi siya. Totoong nakalimutan nga niya.
“Okay lang naman po Agent Lumino... ano nga pala ang sadya mo Agent Denzel?”
“May nais lang na kumausap saiyo,” aniya.
“Sino?” Kumunot ang noo ng lalaki.
“Si Nicholas San Martin, nasa lobby siya at naghihintay saiyo.”
“Ga-ganoon ba? Sige pupuntahan ko muna.” Pilit na ngumiti ang lalaki. Iniwan nito ang ginagawa at naunang lumabas. Lalabas na sana siya nang biglang nagsalita si Lumino.
“Ayos ka lang ba?” tanong nito.
Tumango si Denzel, Bigla niyang naalala ang pag-propose ni Hezekiah sa kanya ng kasal. Itinaas niya ang kanyang kamay at iniharap iyon kay Lumino. “Ikakasal na ako.” Pilit siyang ngumiti dahil kinakabahan siya.
“Sigurado ka na ba diyan?” seryosong tanong ng lalaki.
Tumango si Denzel, “siguradong-sigurado na po Tito Lumino,”
“Agent Lumino,” pagtatama nito.
“I’m sorry.”
“Alam mong nandito lang kami palagi para saiyong mga desisyon. Sa tingin ko naman ay deserve ninyong maging masaya ni Nicholas dahil alam kong mahal ninyo ang isa’t-isa.”
Mabilis na naalala ni Denzel ang kanyang mga alaala noon na kasama si Lumino.
“Maraming salamat,” gumuhit ang matamis na ngiti ni Denzel. “Pupunta na po muna ako ng lobby.”
“Take your time, ayokong may mag-aaway na dalawang lalaki rito dahil lang sa lintik na pagmamahal.”
Napatawa lang si Denzel sa biro ni Lumino ngunit alam niyang may halong katotohanan iyon. Lumabas na siya ng opisina at nagmamadaling sumunod sa lobby. Doon ay naabutan niya ang dalawa na masinsinang nag-uusap.