MSMK: 3

2075 Words
Chapter 3:  Kasalukuyang Pighati NAKARARAMDAM na nang panghihilo si Hezekiah habang hawak-hawak ang isang wine glass. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Bawat sandali na habang magkasama sila ni Denzel ay kanya ito pilit na binabalikan. Labis siyang nasaktan sa nangyari. Dumating ang kanyang kinakakatakutang pangyayari na maaaring maganap at heto na ito ngayon! “Tama na iyan Hez, wala na ring mangyayari kung ilululong mo lang ang sarili mo sa alak. Nangyari na ang kinakakatakutan mo,” wika ni Jonito habang inililigpit nito ang mga bote ng alak. “Gusto ko lang makatulog ng matiwasay gabi-gabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.” “Ayoko itong sabihin ngunit kailangan mo itong marinig Hezekiah. Isa lang ang ibig sabihin kung bakit hindi na itinuloy ni Denzel ang inyong kasal.” Napatingin siya sa kaibigan. Seryoso niya itong tinapunan ng mata, “ano ang dapat kong marinig? Na hindi niya talaga ako minahal? Ginamit niya lang ako para makalimot kay Crim Carl? Ngayon na nagbalik na ang lalaki, ano ako ngayon?” Sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi inakala ni Hezekiah na iiyak siya ng ganito nang para lang sa babae. Hindi kumibo si Jonito. Bagkus ay tumungo lang ito at nagpatuloy sa ginagawa. Napabuntong hininga si Hezekiah at tinungga ang natitirang laman na alak sa wine glass. “Sobrang hirap tanggapin Jonito. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakatanggap ng rejection mula sa babae. Ngayon lang ako ginamit upang makaahon sa dagok ng damdamin.” “Bakit hindi mo nalang gawin ang ginawa ni Denzel saiyo? Maraming babae diyan, pwede kang makipag-flirt.” Napatitig siya sa wine glass, “kung ganoon lang sana kadali Jonito ay ginawa ko na. Ngunit kilala mo akong tao. Hindi ako kagaya ng ibang lalaki na naghahanap lang ng babae upang maging libangan. Kapag ginawa ko iyon ay parang hindi ako pinalaki ng tama ni Mama.” “Iyan ang mahirap saiyo, e. Masiyado kang mabait knowing na ikaw lang naman ang natatapakan ng ibang tao. Alam kaya mo namang panindigan ang pag-akto mo na seductive na lalaki. Kaya mong panindigan na isa kang hindi basta-basta na tao. Kayang-kaya mo ‘yon lahat Hez. Gawin mo ‘yan para sa sarili mo.” “Tapos ano ang mapapala ko? Hindi ko babaguhin ang totoo kong pagkatao para lang sa walang kwentang pag-ibig. Alam ko na nasaktan ako ngayon. Alam ko na sa una lang masakit ang lahat. Darating ang panahon at kukupas din ang sakit na idinulot ni Denzel sa akin.” “Paano kung minahal ka nga ni Denzel?” Maluha-luha niyang tiningnan si Jonito sa mga mata nito. “Ipagpalagay o sabihin nalang natin na minahal nga ako ni Denzel ngunit hindi sapat ang pagmamahal na iyon upang manatili siya sa akin at ipagpatuloy ang aming kasal. Ngunit hindi e. Hindi sapat ang pagmamahal niyang iyon para ipaglaban niya ako at iligtas sa kahihiyan.” “Alam mo Hez, hindi sa sinisisi kita sa nangyari ha. Malaki rin naman kasi ang kasalanan mo kay Denzel. Dapat noong una palang ay sinabi mo na ang totoo. Sinabi na isa kang agent nang malaman mong agent din siya. At sana sinabi mo na miyembro ka ng Phoenix Society. Sinekreto mo kasi ang lahat. Hindi natin alam na kumikilos pala si Crim Carl ngayon sobra ring nasaktan si Denzel sa ginawa mo.” “Hindi iyon masasaktan ng sobra kagaya nang nararamdaman ko ngayon. Nandiyan si Crim Carl upang pawiin ang sakit na nararamdaman...” napahinto si Hezekiah. “Alak lang ang mayroong ako.” “Diyan ka nagkakamali Hezekiah. Marami kaming nakapaligid saiyo na handang dumamay sa oras ng iyong pighati tulad ngayon. Ngunit you isolated yourself sa iba nating kaibigan. Nakapikit ang iyong mata at puso at isipan sa posibleng tulong na aming ibibigay. At isa pa, kahit ano naman sabihin namin na masasarap na salita saiyong tainga ay hindi mo rin naman susundin e dahil iyan sa umaasa ka pa rin. Kahit sabihin mo pang galit ka sa nangyari ay hindi mo maikakaila na mahal na mahal mo pa rin si Denzel. At lahat ng pwede naming sasabihin ay walang halaga saiyo.” Sobrang haba at seryoso ng boses ni Jonito. Ito talaga ang tunay niyang personalidad. Ginagawa niya lang ang mga pagpapatawa at pagiging kingkoy nang dahil sa kanilang misyon at trabaho. Naiyuko ni Hezekiah ang kanyang ulo. Magkahalong dismaya at kalasingan ang kanyang nararamdaman ngayon. Nang dahil lang sa walang kwentang pag-ibig ay unti-unti nang nawawala ang mga taong malapit sa kanya lalo na mga kasamang agent. “Matutulog na ako Jonito. Kung gusto mong matulog ay pwede ka sa isang kwarto. Malinis na iyon at kung uuwi o magri-report ka sa hideout natin ay paki-lock lang ng pinto. Hinihila na ako ng kalasingan.” “Mas mabuti pang matulog ka nalang muna. Hindi ako aalis, dito lang ako para samahan ka hanggang sa umayos na iyang puso at isipan mo.” “May sarili kang buhay Jonito at may trabaho ka. Hindi mo kailangang igugol ang sarili mo sa akin. Na-appreciate ko naman ang kabaitan mo at sa katunayan niya ay para na kitang kapatid. Ngunit isipin mo rin ang sarili mo paminsan-minsan.” “Haist,” ngumiti si Jonito. “Ang dami mong drama sa buhay. Binigyan ako ni Agent Rigor ng isang buwang walang trabaho ngunit kailangan ko iyong igugol saiyo. It means, pinapababantayan ka sa akin ng Phoenix.” “Hindi ko na naman kailangan iyon at hindi na rin ako bata.” “Tumahimik ka nga. Sobrang dami mong ginawa para sa Society. Ngayon na ikaw naman ang nangangailangan ng tulong ay oras na para bumawi.” May sayang naramdaman si Hezekiah sa sinabi ni Jonito. Gusto pa sana niyang makausap ang kaibigan ngunit hinihila na talaga siya ng kalasingan. “Matutulog na ako, salamat kung ganoon nga.” Tumayo na siya. Mabuti nalang at kaya pa niyang maglakad kaya dumiritso na siya sa kanyang kwarto at humiga sa malambot na kama. Mabilis na hinila ng antok si Hezekiah nang dahil sa alak at sobrang lambot ng unan. Hanggang sa nakatulog na nga siya. KINAUMAGAHAN, nagising si Hezekiah na sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Unang pumasok sa kanyang isipan si Denzel. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na inililipat ang atensyon ng kanyang utak. “Mabuti naman at gising ka na. Nakapagluto na ako ng makakain natin. Niluto ko na ang lahat ng mga pagkain sa refrigerator dahil kaunti lang na naman iyon. Samahan mo ako mamaya sa mall, mas mainam kung mag-grocery tayo ng mga pagkain para sa ating dalawa.” “Wow, ha. Hindi pa nga ako pumapayag na dito ka titira ng isang buwan.” Mabuti nalang at nandito si Jonito. Bigla nalang niyang hindi naiisip si Denzel. Bumangon siya at nagmamadaling bumangon sa kama. “Sa ayaw naman kasi at gusto mo dito ako titira. At, pakiayos naman ng kama mo. Ayoko ng makalat dito sa condo habang nakatira ako rito.” Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan, “kwarto ko ‘to kaya hindi ka dapat mangingialam. Saka ka nalang mangialam kapag sa sala ako nagkalat, sa banyo o sa magiging kwarto mo,” aniya. “Kahit na dapat naman kasi inaabala mo ang iyong sarili para hindi mo naiisip si Denzel. Kahit maliit na bagay ay gawin mo. Nakatutulong iyon para hindi mo siya naiisip palagi. Ganito kasi ‘yon. The more na naiisip mo ang isang tao the more hindi mo ito magawang makalimutan.” “O siya... talo na ako. Hindi na ako makikipagtalo saiyo. Sumasakit ang tainga ko sa kadaldalan mo Jonito.” “Bumabawi lang ako dahil nasa kompanya mo pa ako ay utos ka ng utos. Mabuti na lamang at si Lauriate na ang ginawa mong right hand sa kompanya ng iyong kapatid. Alam kong makakaya niya iyon.” “Oo naman... malaki ang tiwala ko kay Lauriate. At balang araw ay babalik ako sa kompanya. Iyon lang ang natirang pag-aari ni Kuya sa akin na mayroon ako.” “Maganda ‘yan pero sige na ayusin mo muna iyang higaan mo. At one more thing, maligo ka na rin.” Iyon lang at lumabas na ito sa kanyang silid. Napabuntong hininga si Hezekiah sa mga sinabi ni Jonito. Mukhang maling ideya na nandito ang kaibigan ngunit nakatutulong si Jonito para i-divert ang kanyang nararamdaman at iniisip. Inayos niya na muna ang bed sheet at pati na ang mga unan. Pagkatapos ay kinuha na niya ang puting tuwalya at pumasok sa shower room. Naging mabilis lang ang pagligo ni Hezekiah dahil nagugutom na rin siya. At baka gutom na rin ang kaibigan. Iniwan niyang basa ang kanyang buhok nang matapos siya. Tanging roba lang ang kanyang saplot at lumabas na siya sa silid. Naabutan niya si Jonito na may niluluto pa. Umupo na siya at tiningnan ang kanilang pagkain. Mukhang niluto nga lahat ni Jonito dahil puno ang kanilang mesa. “Mauubos ba natin to lahat? May niluluto ka pa nga, e,” aniya. “Kung hindi natin mauubos edi mamayang pananghalian nalang. Ako ang kakain ng mga ito lalo pa’t paborito ko ang mga process foods.” “Hindi ka mamamatay sa misyon natin o sa uri ng trabaho na mayroong tayo,” aniya. “Saan ako mamamatay kung ganoon?” “Talagang tinanong mo pa? Mamamatay ka sa kakakain mo  ng process foods.” “Okay na ‘yon sa akin, mamamatay ako na busog ang tiyan,” natatawang wika ni Jonito. Inilapag nito ang katatapos niyang lutuin na sausages at sunny-side-up na pakakaluto ng mga itlog. “Bahala ka... kumain nalang na tayo.” “Mabuti pa dahil kanina pa ako nagugutom saiyo,” anito at umupo na. Ilang sandali pa ay tahimik na silang kumakain dalawa. Medyo busog na si Hezekiah kaya binagalan niya lang ang kanyang pagkain. Ngunit si Jonito ay ganadong-ganado pa rin ito sa pagkain. Naubos na nga nito ang lahat ng itlog. Kasunod naman nitong kinakain ay ang mga sausages. Iyong karne ng baboy at adobong manok ay hindi pa nito nagagalaw. “Sigurado ka bang mauubos mo ‘yan Jonito? Suko na nga ako e.” “Mauubos ko to ngayong araw pero hindi ko ito mauubos ngayong oras. Hindi ko na nga rin ginalaw ang adobong manok at pritong karne ng baboy para mamaya ko nalang kakainin. Ikaw baka gusto mong kumain mamaya ng marami. Kilala kita na hindi ganado sa pagkain kapag umaga. Bumabawi ka kapag sa tanghali at hapunan.” “Nakadipende sa mood ko ang aking pagkain. Pakiramdam ko ay busog ako palagi kahit pa’y kaunti lang naman ang aking kinain.” “Alam mo kung bakit nangyayari iyan saiyo, Hez?” huminto ito sa pagkain. “Bakit?” kumunot ang kanyang noo. “Dahil ang iyong atensyon ay nakatuon lang kay Denzel. Nakasentro ang sarili mo sa sakit na iyong nararamdaman. Hindi mo binabalingan ang mga bagay sa paligid mo at isa na doon ay ang iyong pagkain. Hindi mo naiisip na gusto mong kumain ng ganito o ganya. At hindi mo naiisip na kailangan mong kumain ng marami para sa sarili mo.” “Because Denzel poisoned my mind. She poisoned my heart. And she uncolored my life.” “Pinagsisihan mo ba?” Mabilis na umiling si Hezekiah. “ Bakit ko naman pagsisisihan ang bagay na aking ginawa. Kahit pa’y masakit ang nangyari sa akin it doesn’t mean nagsisisi ako. The most precious gift we received from God is not the blessing, wealth or our appearance,” tinitigan niya ang kaibigan. “Its love Jonito. Kahit ano paman ang mangyari we should be grateful dahil may kakayahan tayong magmahal.” “Tama ‘yan pero hindi inutos ng Diyos na magpakatanga ka sa pagmamahal. Ibigay mo ang pagmamahal sa taong deserve nitong tumanggap ng ganoong trato.” “Lahat naman tayo deserve na makatanggap ng pagmamahal, e. Basta lang huwag sumobra. Kailangan nating mag-set ng boundary at limitation because at the end of the too much is risk.” “Alam mo Hez,” ngumiti si Jonito. “Masaya ako nasasabi mo ang mga ganyang bagay ngunit hindi lang dapat sa bibig. Action speaks louder than.” “Words.” Hindi na niya pinatapos si Jonito. Iyon lang din naman ang sasabihin nito. “Ayon! Huwag kang manghihinayang sa taong ikaw mismo ang sinayang,” tipid itong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain. Iba rin ang moklo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD