MSMK: 4

2045 Words
Chapter 4: Turning Point HABANG hinihintay ni Hezekiah si Jonito ay muli na namang pumasok sa kanyang isipan si Denzel. Bumigat na naman ang kanyang puso. Minsan pumapasok sa kanyang isipan na sana ay pumunta rito ang babae at sabihing mas mahal siya nito kaysa kay Crim Carl. Sobrang sakit lang isipin na hindi na mapapasakanya ang babaeng inasam-asam niyang makasama habang buhay. “Mabigat na naman ang loob mo,” tapos na itong magbihis. “Gusto ko ikaw ang pumili ng mga kakainin natin. Para naman maging abala iyang isip mo. Alam ko kapag dinala kita sa mall ay mgiging malikot lang ang iyong isipan at mga mata dahil aminin mo man o hindi nakasentro pa rin diyan si Denzel.” Tinuro-turo ni Jonito ang kanyang diddib. “Mahirap kalimutan ang babaeng minahal mo ng seryoso na higit pa sa iyong buhay.” “Oo nga ano?” payak itong ngumiti. “Sinundan mo pala siya sa pinakalayong isla upang tulungan sila sa kanilang misyon. At muntikan mo na iyong ikapahamak dahil muntik ka nang malunod sa tubig dagat. Doon ako natawa dahil sa nagpapanggap na aswang ba ‘yong mga sindikato?” “Tara na nga. Huwag na nating ibalik ang mga alaalang iyon. Ginawa ko lang iyon dahil labis akong nag-aalala kay Denzel at kay Boyet.” “O siya tara na,” nauna itong lumakad. Si Hezekiah na ang nagsara ng pinto ng condo at nagtungo na sa parking lot. Naghintay ang kaibigan sa labas ng kanyang kotse. Hinugot niya ang susi sa kanyang bulsa at binuksan iyon. “Ito nalang kotse mo ang ating gagamitin. Hindi ko pa kasi napapalinisan ang loob, e.” “As always. Kotse ko naman talaga ang ginagamit natin dalawa kapag umaalis.” Ngumiti si Jonito. “Na-miss ko ang ganito. Tara na.” Napabuntong hininga si Hezekiah at sumakay na rin siya. Sa kabilang front seat sumakay si Jonito. Ang ibig sabihin lang nito ay siya ang magmamaneho. Hindi niya alam kung kaya niya na ba ngayon. Baka biglang pumasok sa kanyang isipan si Denzel at mawala siya sa focus. “Are you sure ako ang magmamaneho ng kotse?” seryoso niyang tiningnan ang kaibigan. “Kung magpapaapekto ka sa nararamdaman mo ay dalawang buhay ang papatayin mo. Ako at ang buhay mo. At isa pa, makatutulong to saiyo para maibalik ang iyong focus. Alam mo Hez, sariling utak lang naman ang kalaban, e. Hindi si Denzel at mas lalong hindi si Crim Carl. We are battling lang sa mga sarili natin. Kung ano ang ating iniisip iyon ay makakaapekto iyon sa ating gagawin. So kung may mangyayari sa atin sa daan, edi ikaw ang sisihin ko.” Tumango lang si Hezekiah kay Jonito. “Ang dami mong alam,” aniya at pinaandar na kotse. Tama nga naman ang kaibigan. Siya lang naman ang nagpaparusa sa kanyang sarili. Siya lang itong ayaw pa rin matanggap ang mga nangyari. Dalawang linggo na ang nakalilipas ngunit sobrang sariwa pa rin ng lahat. Pakiramdam ni Hezekiah ay kahapon lang nangyari ang lahat. Bakit ba kasi sobrang hirap makalimot kapag ikaw ang na sa point na labis na nagmamahal at ibinigay mo lahat. Alam ni Hezekiah na may mali talaga siya at naging selfish siya kadahilanang ayaw niyang mawala si Denzel kaya tinago niya ang katotohanang isa siyang agent at miyembro ng Phoenix. Medyo binilisan niya ang pagpapatakbo at napansin niyang napahawak si Jonito sa hita nito. Lihim siyang natuwa dahil alam niyang nagulat ito. “Hindi magada ang ginagawa mong pagpapatakbo ng mabilis. Nasa main road tayo at marami ang sasakyan.” “Babayaran ko nalang ang damage.” “What?” nanlaki ang mga mata ng kaibigan. “s**t Hez, ako nalang ang magmamaneho kung hindi mo pa kaya. Huwag mo kasing iniisip si Denzel kapag nasa ganito tayong nasa biyahe.” “Relax masiyado kang matatakutin Jonito.” “Sira ka ba? Ayokong mailagay sa radyo na isang agent namatay hindi sa car accident at hindi sa misyon. Mas gugustuhin ko pang matamaan ng baril kaysa ganito.” “Ang daldal mo,” napangiti siya. “Relax ka lang kasi. Nasa matino pa naman akong pag-iisip ngunit paminsan-minsan ay lumalabo, e. Lalo na ang mga mata ko. Kapag naiisip ko si Denzela ay tila gusto ko nang ibangga ang sasakyan sa mga kotse sa unahan.” “Gago ka ba? Hindi pa ako nagkaka-love life Hez. Huwag mo muna akong idamay sa katangahan mo sa pag-ibig.” “Wow, ha. Magaling ka lang magsalita ngayon dahil hindi mo pa nararanasan. Balikan mo lahat ang mga sinabi mo sa akin kapag broken hearted ka na. Sa hitsura mo ay mukhang mas masakit pa ang mararanasan ko kaysa sa sakit na nararamdaman ko ngayon.” “Ay, mukhang personalan na ‘yon, ha. Hindi nga ako gwapo pero cute naman. E ikaw? Gwapo na at mayaman pa. Pero hindi pinili. Mas masakit ‘yon.” Mas lalong binilisan ni Hezekiah ang pagpapatakbo ng kotse at marami nang bumobosena sa kanila dahil hindi pwedeng mag-over take ngunit ginawa niya naman. “Hoy gago ka, joke lang ‘yon ano ka ba. Oo na mas dobleng sakit ang mararamdaman ko.” “Nasabi mo na Jonito at narinig ko na ang hindi dapat na marinig. Minsan sumusobra ka na. Damay-damay na ito.” “Ano? Hayop ka!” Mabilis na kinuha ni Jonito ang cellphone nito at may tinawagan na kung sino. “Hello babe!” ani nito sa kausap. “Anong babe? Hindi pa nga kita nobyo... advance ka rin ano?” “Babe sa tingin ko ito  na ang huling araw ko.” “Ha? Mamamatay ka na ba? Nasa misyon ka ba ngayon?” tanong ng babaeng kausap nito. “Babe, gusto ko lang sana marinig ang matamis mong I love you at sabihin mong sinasagot mo na ako.” “Ha? Masiyado kang sinuswerte!” Iyon lang at pinatay na ng babaeng kausap ang tawag nito. Gustong tumawa ni Hezekiah sa kanyang narinig. May lakas na loob pa itong i-loud speaker iyon pala basted lang ng babaeng nililigawan. “Ouch? Ang sakit no’n Jonito. Mamatay ka na nga lang wala ka pang natanggap na I love you. Ako nalang ang magsasabi... I love you friend,” natatawa niyang wika. “Gusto kong maglasing. Iyong hindi na ako magigising ng ilang buwan sa sobrang kalasingan,” walang ganang wika nito. “Guwama ka nalang ng ganoong alak. Mukhang wala pang nakaka-discover niyan. Parang gusto ko ang ganyang uri ng alak friend.” “Bakit ganito ang mga babae sa atin? May pera naman tayo na pwede nating ibuhay sa kanila at hindi naman siguro tayo gaoon ka pangit.” “Ikaw lang huwag mo akong idamay sa pangalawang description mo,” natatawa niyang wika. Hindi naman talaga pangit si Jonito gino-good time niya lang ito dahil mas lamang siya rito. Ganoon siya palagi sa kaibigan at hindi naman nito sineseryoso ang mga sinabi niya. Minsan ay ganoon din sa kanya si Jonito. Kapag may pagkakataong kutyain nila ang isa’t-isa ay ginagawa nila. “Saan mo gustong uminom? Pwede kitang samahan, sabay tayong magpakalasing kung gusto mo.” “Mamaya nalang gabi. Mag-grocery na muna na tayo. Awit, pa hard to get siya gayong hindi naman kagandahan. Siya pa itong dihado siya pa ang pa hard to get,” nagdadabog na wika nito. “Wala kang magagawa kung ayaw ng tao saiyo. Minsan naiisip natin na nasa atin na lahat ngunit hindi pala. Kung nasa atin na lahat at edi sana hindi tatanggi ang mga babaeng mahal natin at gusto nating makasama habang buhay.” “Diyos ko, mababait naman tayong tao at tagapagtanggol nila. Bakit kaya ganoon no? Minsan hindi ko rin maintindihan ang isipan ng mga tao, e.” “Hindi mo talaga maiintindihan dahil hindi ka naman si Edward Cullen na nakababasa ng iniisip ng mga tao. Ang kailangan mo lang gawin ay maging self-aware.” Biglang natawa si Jonito sa kanyang sinabi kaya bahagya siyang tumingin rito. Binagalan niya na rin ang pagpapatakbo ng sasakyan. “Nakakatawa lang isipin na nagagawa nating magsalita ng mga words of wisdom gayong nasasaktan tayo mismo sa ating iniisip at mga desisyon.” “Isipin mo nalang na pinapangaralan mo at ganoon din ako saiyo. Minsan kasi kahit alam na natin ang mga salitang iyan ngunit iba ang pakiramdam kung ibang tao na ang nagsasalita para sa atin. Kung tayo ang magsasabi ng mga ganoong salita sa ating sarili ay parang walang kwenta dahil hindi tayo intresado.” “Alam mo tama ka riyan. Ganoon din ako sa aking sarili, e. Minsan pinagsasabihan ko ang sarili ko na tama na at ito dapat ang gagawin ngunit ginagawa ko naman ulit. Ngunit kapag ibang tao na ang nagsasabi ay parang natatandaan mo na huwag mo dapat gawin ang isang bagay,” napangiti itong ngumiti. “Yeah, kaya hindi totoong hindi nakakatulong ang mga sinasabing advice ng mga tao sa atin dahil tayo lang naman ang nakatutulong sa sarili natin. Tama naman iyon na tayo talaga ang gumagawa ng choice pero malaking tulong ang mga advice na iyon para mabigyan tayo ng linaw. Hindi naman nakakamove on ang mga tao dahil hindi sila nakikinig. Nakikinig ang mga taong sawi, pinapasok nila sa mga kukuti ang mga advice ngunit hindi lang nila pinapakita dahil minsan mas maganda kung sarili mo muna ang unang makakakita niyon. At hindi ang ibang mata ng mga tao.” “At talagang nakuha pa nating magsalita ng mga ganito, ha? Alam mo Hez, recently ko lang natutunan na kasalanan natin kung bakit tayo malungkot at kasalanan natin kung ano ang mangyayari sa ating mga sarili. Diba ang buhay kasi ay hindi na nakabase kung ano ang katotohanan. Nakabase na ito kung ano ang daan at desisyong tatahakin ng isang tao. Kumbaga choice na lahat.” “Tama ka Jonito. Alam mo, alam ko naman ang ganyang mga bagay, e. Niraramdam ko lang ang sakit ngayon hanggang sa magsawa na ako. Dahil darating ang araw, lahat ng sakit na ito ay pagtatawanan ko nalang.” “Decided ka na ba na mag-move forward?” tanong ng kaibigan. Biglang pumitik ang puso ni Hezekiah. “Hindi ko alam at hindi ko pa kayang sabihin,” aniya. “Tama iyan, magpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo Hezekiah. Naiintindihan kita kung bakit ganyang ang sagot mo dahil hindi madaling kalimutan ang lahat. Nasa stage ka pa ng in denial, e. Darating ang araw na nasa stage ka na ng acceptance. Ikaw na ang nagsabi, just feel the pain hanggang sa magsawa at kaya mo na itong pagtawanan.” Tumango siya sa kaibigan. “Haist, huwag na natin pag-usapan ang mga ganitong bagay. Mamaya natin sa inuman pag-usapan ang mga ganito,” parang excited siya mamayang gabi. Gusto niya rin lumabas at maiba naman ang atmosphere na kanyang iinuman ng alak. Na-miss niya rin ang gumala sa club. Pagdating nila sa mall ay kaagad na silang dumiritso sa grocery store. Kagaya ng sinabi ni Jonito ay siya talaga ang pipili at kukuha ng kanilang bibilhin. Ang tanging ginawa ng lalaki ay magtulak lang ng cart. Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Hezekiah na mapatingin kahit saan. Iniisip niyang makikita niya si Denzel sa loob ng grocery ngunit nakuha na nila ang lahat ng bibilhin ay wala siyang Denzel na nakita. Medyo nadismaya siya ngunit nagpapasalamat na rin dahil baka hindi niya kayanin na makita mula ang pinakamamahal na babae. Nagtungo sila sa cashier at binayaran ang lahat. “Twenty-thousand po lahat,” wika ng cashier. ATM card ang ibinigay ni Hezekiah dahil hindi sapat ang dala niyang pocket money. May pera siya sa wallet ngunit for emergency lang. Masiyado nang makapal sa wallet kung ganoong halaga ang ilalaga niya. Gusto niya na flat tingnan ang wallet upang hindi iyon madaling masira. “Ako na ang magdadala sa dalawang cartoon at ikaw na isa, medyo malaki,” wika ni Jonito. “Iwan na muna natin ang mga ‘to sa bagage area. Bibili lang muna ako ng mga alak at chocolates. Naubos ko na rin kasi ang mga pinamili kong alak at chocolates sa condo.” “Sige para may malalantakan tayo paminsan-minsan kapag hindi tayo gagala,” pagsang-ayon ni Jonito.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD