MSMK: 2

1250 Words
Chapter 2: Misyon Pagpasok ni Hezekiah sa loob ng restaurant ay kaagad niyang napansin ang dalawang pamilyar na babaeng nag-uusap. Una si Lauriate ang kanyang empleyado na kung saan nanggaling pa ito sa Amerika at talagang masasabi niyang napaka-productive nitong tao. Pangalawa ay si Denzel Cuenco. Hindi niya alam na magkaibigan pala ang mga ito. Well, hindi pa niya lubusang kilala si Lauriate kaya wala siyang masiyadong alam sa babae. Lumapit siya sa dalawa na hindi namamalayan ng mga ito. Sabay na napatingin sina Denzel at Lauriate.  “Puwede ba akong makiupo?” tanong niya sa mga ito. Ayaw na ayaw ni Hezekiah na kumaing mag-isa dahil hindi siya sanay sa ganoon. At gusto niya ring mas makilala pa si Lauriate. Lalong-lalo na si Denzel Cuenco na sobrang ganda. “Yes naman, Sir Nic,” biglang sagot ni Lauriate at hinila pa nito ang isang upuan. Nicholas ang kanyang dinalang pangalan imbes na Hezekiah. Importante iyon upang matago ang tunay niyang pangalan. “Mukhang ayaw yata ng friend mo, Miss Lorie.” Kitang-kita niya ang reaksyon ng mukha ni Denzel. “Ha?” natigilan ito sa kanyang sinabi. “Hindi naman sa ganoon, Sir. Umupo ka na po. Nagulat lang ako kasi isang CEO ng kompanya na ito ang makikikain sa amin.” “Why not? I love eating with people,” ngumiti ang lalaki. Sobrang tamis ng kanyang ngiti! Nag-iwas ng tingin si Denzel, “plastik,” bulong nito. “May sinasabi ka, Miss Pepper?” malambing niyang tanong. Rinig na rinig niya ang sinabi ng babae. Gusto na lamang niyang matawa sa sinabi nito. “Ha? Ay wala sir... ang sabi ko ang guwapo niyo po,” matamis itong ngumiti sa kanya. Napatitig siya sa babae. Hindi niya namalayang napalunok pala siya ng laway sa sinabi ng babae. Isa iyong compliment na madalas niyang naririnig. Ngunit iba ang epekto niyon nang sabihin ni Denzel. “Narinig ko rin iyon sir na guwapo ka,” pagsang-ayon ni Lauriate. “Well, thank you... matagal ko nang alam na guwapo ako,” sarkastiko siyang ngumiti sa dalawa. Aaminin niyang bahagya siyang kinilig sa sinabi nito. May waiter na lumapit sa kanila at kaagad na siyang nag-order. Pinili niya ang masasarap na pagkain na gustong-gusto niyang kainin. Habang binabasa ang mga menu at napapansin niya ang panay tingin sa kanya ni Denzel. Hinayaan niya lang ang babae. Sa guwapo niyang iyon, understandable na maraming babaeng hindi maalis-alis ang tingin ng mga ito sa kanya. “Hindi ko alam na magkaibigan pala kayo ni Pepper, Miss Lorie.” “Naku sir, nagulat nga ako nang makita ko ang gaga na ito. Pero natutuwa ako dahil malakas ang kutob ko na makakasama ko siya sa kompanya,” magiliw na wika ni Lauriate. “Magdilang anghel ka sana, Lorie,” wika ni Denzel. Ngumiti ito sa kaibigan na may ibang kaluhugan iyon sa kanya. “Well, tingnan nalang natin ang result bukas. Kung hindi ka nakatanggap nang tawag Pepper. It means hindi ka qualified.” “Marami po bang magagaling, Sir?” tanong ni Lauriate. “Hindi ko iyon masasabi dahil nagpa-take over ako sa interview. Bigla akong nagutom nang may sumagot na biscuits at mas malala ang beer.” Habang nagsasalita ay nakatingin siya siya ng diritso kay Denzel. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito na nagpadagdag lalo sa gandang taglay ng babae. Nakagat nito ang ibabang labi. Dalawang beses na niyang nakitang kinakagat ng babae ang ibaba nitong labi na sa tingin ay sobrang sexy kung tingnan ito. “Wow... at least may uniqueness sa kanyang sagot,” proud na wika ni Lauriate. Mukhang alam ng babae kung sino ang kanyang tinutukoy. Sa kakaibang tingin palang nito kay Denzel. “Yeah... so unique, parang gusto kong gumala mamayang gabi sa mga clubs para uminom ng maraming beer.” Hindi niya nilubayan ng tingin ang babae bagay na kanyang ikinatuwa. Sadyang natutuwa siya sa pinapakitang ekspresyon ng mukha nito. Hindi ito awkward tingnan. Bagkus at dumagdag pa ito ng ganda sa maamo nitong mukha. “Well, single ka naman, Sir Nic. Mukhang hindi iyon problema,” ani Lauriate. Dumating na ang kanyang in-order na pagkain at kaagad na ring kumain si Hezekiah. Habang kumakain sila ay panay pa rin ang tingin ni Denzel sa kanya. Medyo nakakailang iyon sa kanyang parti ngunit masaya siya sa ginagawa ng babae. Paminsan-minsan ay nag-uusap sila ni Lauriate dahil sila lang dalawa ang medyo close sa isa’t-isa. Hanggang sa natapos ang kanilang pagkain. Pinauna silang umalis ni Denzel na siyang ginawa naman nila. Malapit na sila sa kompanya nang tingnan niya sa gawi si Denzel. Nagmamdali itong sumakay sa magara nitong sasakyan. Bagay na tinatago ng babae sa kanya. Ngumiti na lamang siya dahil nakikita niya kanyang sarili kay Denzel paminsan-minsan. “May chance po ba na makapasok si Denzel, Sir?” biglang tanong ni Lauriate. “Denzel?” nagkunwari siya. “I mean Pepper,” nagulat ito. “s**t,” bulong ng babae. “Alam ko ang totoo niyang pangalan Miss. Lorie. Isa siyang agent at kilala siya ng mga kagaya kong may malaking posisyon sa kompanya.” “Oh? So ang ibig sabihin ay hindi siya tanggap, Sir?” “Tingnan nalang natin. Alam ko may misyon siya ngunit hindi ko alam kung ano. Nasa legal society naman siya ng mga agent at mapagkakatiwalaan. Sa tingin ko naman ay isang magandang bagay ang kanyang pagpunta sa kompanya. Baka may maitulong pa siya sa atin,” aniya. Baka may maitulong si Denzel Cuenco sa kanyang misyon. “Kilala ko ang head ng kanilang society. At tama kayo, legal iyon at kakampi sila ng mga otoridad. Wala kang dapat na ipag-aalala Sir.” “Tama ka. Hindi ko naman iyon iniisip. Ang beside, I found her beautiful and attractive. Gusto ko ng ganoong sekretarya para naman maganda ang atmosphere sa loob ng opisina.” “Ay sos, kayo Sir, ha. Binabalaan ko kayo, may nobyo na si Denzel at kagaya niya agent din.” “Alam ko iyon at kilala ko.” “Ows?” “Kilala ko,” natatawa niyang wika. Pumasok na sila sa loob ng kompanya at naghiwalay ng landas. May ngiting nagtungo si Hezekiah sa loob ng kanyang opisina at nagpahinga saglit. Kinuha niya ang kanyang cellphone para tingnan kung may bagong balita na ba. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nari-resulba ang misyon niya tungkol sa mga pagpatay. Kailangan niyang magmadali bago paman may mabiktima ulit ang kriminal. Alam niya rin na mayroong nagmamanman sa kanyang agent dahil siya ang huling nakita na kasama ng isa sa mga nabiktima.  Kaibigang lubos iyon nina Jonito. Nasa club sila noong gabing iyon dahil birthday ng babae. Inimbitahan sila nito. Nang matapos ay gusto sana nilang ihatid ang babae. Pumayag ito ngunit umayaw na rin nang matagal na lumabas sa banyo ng club si Jonito. Napagpasyahan nitong umalis. Hindi na nagawang masundan ni Hezekiah ang kaibigang babae dahil lasing na rin siya. Plano niyang hintayin na muna si Jonito. Nang dumating ang lalaki ay kaagad nila itong  sinundan. Ngunit nakaalis na ito sakay ang isang puting van. Hindi na nila iyon binalingan dahil inakala nilang kaibigan lang din ng babae. Umuwi sila ng matiwasay. Kinabukasan ay kanila na lamang nabalitaan na patay na ito. Labis nila iyong pinagsisihan kaya sinabi niya kay Rigor, head ng Phoenix Society, na kanyang kukuning misyon ang pagresulba ng pagpatay. Bukod pa roon, nais niya ring matutukan ang kaso ng kanyang kapatid na namatay isang taon na ang nakalilipas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD