Chapter 31: Commotion NASA kalagitnaan ng kanyang pagtulog si Hezekiah nang mayroong dalawang lalaking na-mask ang pumasok sa silid. Binuksan nito ang rehas at lumapit sa kanya. Naaalimpungatan siyang bumangon. Alam niyang siya ang kailangan ng mga ito. Kilala niya ang hair style ng buhok ng dalawa kung kaya’t alam niya kung sino ang mga ito. “Bakit nandito pa kayo?” tanong niya sa dalawa. “Pagkatapos nito ay aalis na rin kami at magpapakalayo. Ibibigay lang sana namin itong duplicate ng susi nitong rehas at susi ng silid nakakatiyak kaming kakailanganin ninyo ito. Na-off na namin ang machine kung saan bino-block nito ang radar at possibleng magkakaroon na rito ng signal. Maging sa satellite ay makikita na itong maliit na isla na ito. Sa pagkakataong ito ay naka-off na ang lahat ng CCTV