Chapter 32: Pagresulba ng Problema Marami pa ring mga tauhan ang Skull at tila hindi maubos-ubos ang mga ito. Bawat sindikatong kanyang nakakasalubong ay inuunahan na niya ito ng putok. Hindi na siya naawa tutal pinili ng mga ito ang gumawa ng masama. Mas lalo pang lumalakas ang putukan at sa pagkakataong iyon ay gumamit na ang mga ito ng malalakas na explosive device. Talagang hindi na binibigyan ng pagkakataon ng militar na makatakas ang mga sindikatong ito. Ang buong akala ni Hezekiah ay hindi na niya makikita ang ama at mga kasamahan nito ngunit bigla niya nalang napansin ang mga ito na lumabas sa likurang bahagi ng base. Mabilis siyang tumakbo at sinundan ang mga ito. Mukhang inilalapit lang ng mga ito ang buhay nila sa kamatayan. Hindi paman nakalabas si Hezekiah nang paulana