Chapter 5: Love of His Life
PAGKAUWI nila galing grocery ay minabuti ni Hezekiah na magpahinga na muna. Ayaw niya sanang maiwang mag-isa sa kanyang kwarto dahil babalutin lang siya ng lungkot ngunit kailangan niya iyon para may lakas siya mamayang gabi. Gagala sila ni Jonito sa club kaya nararapat lang na nasa kondisyon siya.
Pinilit niyang ipikit ang mga mata at itinuon ang sarili sa tulog ngunit hindi niya magawa. Sa bawat pikit ng kanyang mga mata ay mukha ni Denzel ang kanyang nakikita. Naalala niya ang masayang alaala nila ng babae rito sa condo.
“Bakit mo ako ginaganito Denzel? Sobrang unfair lang na baka ikaw nakatutulog ng matiwasay at masaya na ngayon kasama si Crim Carl tapos heto ako kahit anong pilit ko sa aking sarili na matulog ay hindi ko magawa. Bakit mo ako ginaganito?” aniya sa kanyang sarili.
Gusto niyang lumabas upang makipagkwentuhan kay Jonito ngunit nag-aalangan siya. Baka kasi na nagpapahinga rin ang kaibigan pagkatapos nitong i-arrange ang kanilang mga pinamiling groceries. Ganoon paman ay bumangon siya sa kanyang kama at lumabas. Nakita niya si Jonito sa mesa na kumakain.
“Akala ko ba ay magpapahinga ka?” tanong nito nang mapansing papalapit rito.
“Hindi ako makatulog at ayokong pumasok sa kwarto na hindi pagod. Gusto ko kapag papasok ako sa kwarto ay diri-diritso na ang aking tulog,” aniya at umupo sa harap ng kaibigan. “Ano ang kinakain mo?” Napatitig siya mga bagay na nasa ibabaw ng mesa. Puro lahat iyon tira nila kaninang umaga. “Hindi ka pa ba busog? Ang dami na nating kinain kanina sa mall, ha?”
“Sayang naman kung hindi ko uubusin, e. At isa pa, ikaw lang naman ang maraming kinain sa atin kanina.”
Tama nga si Jonito. Pero hindi ibig sabihin niyon ay kaunti lang ang kinain ng moklo. Sobrang dami nilang kinain ngunit mas marami lang talaga sa kanya. “Mauubos mo ba lahat ‘yan?”
“Kailangan itong ubusin para wala na akong iisipin mamaya. Sa labas lang din naman tayo kakain ng hapunan kaya dapat ay wala nang matira sa ibabaw ng mesa.”
“Pwede mo naman iyan ipakain sa mga aso. May mga aso na gumagala sa gilid ng kalsada.”
“Hindi na, tulungan mo nalang ako na ubusin ito para makapagpahinga na tayo. May marami tayong oras upang magpahinga,” ani Jonito.
Pinakiramdaman na muna ni Hezekiah ang kanyang tiyan. Mukhang natuwan na naman siya sa kanyang mga kinain sa mall. Napatingin siya sa mga pagkain. Marami pa iyon at talagang hindi na ito mauubos ni Jonito kung mag-isa lang itong kakain.
“Bakit mo ba naman kasi niluto lahat, e. Inilagay mo nalang sana sa ibang lagayan o isama sa mga bago nating pinamili kanina. Ayon tuloy, hirap tayong ubusin ito.”
“Ay sos, ako ang bahala upang maubos natin iyong mga pagkain.”
“Ano?” kumunot ang kanyang noo. “Story telling?” ito lang naman ang kanilang ginagawa kapag nagkakasama silang kumakain.
“Ano pa nga ba? Pero huwag na nating pag-usapan ang mga taong hindi nakatutulong sa ating mga sarili. Mas focus tayo ngayon sa ating trabaho bilang agent.”
“And then? Wala pa naman tayong bagong misyon, a?”
“Oo nga ngunit mas mahalagang may mga hakbang tayong gagawin.”
“Alam mo isang misyon lang naman ang gusto kong gawin, e. At matagal ko na itong gustong hawakan na misyon.”
“Ha?” medyo nagtaka si Jonito. “Alam ko ba ang tungkol sa misyon na ‘yan?”
Mabilis siyang umiling sa kaibigan. “Noon paman ay gusto kong malaman at tugisin kung saan nga ba naglulungga ang Skull. Ang huling balita ko sa kanila ay iyong misyon pa nila Denzel sa bandang hilaga ng Luzon.
“Iyon bang nasa puso ng kagubatan ang hideout?” tanong ni Jonito.
“Oo doon nga ngunit hindi iya ang base ng Skull. Nakatitiyak akong nasa liblib din ito na matatagpuan lang din natin sa bansa. Puspusan ang kanilang mga pag-iingat dahil dumarami na tayo at dumarami na ang mga magagaling na agent.
“Hindi rin naman natin kasi basta-basta nahahawakan ang misyon na iyon. Nakadipende kang Rigor kung ibibigay niya ba saiyo o hindi. Hidi kagaya ng Luminos Society na may pagkakataon na ang agent mismo ang pumipili ng misyon lalo na kapag marami na ang mga itong napatunayan. Sa atin, kahit na may marami nang successful mission ay naka Rigor pa rin ang huling desisyon.
“Wala na tayong magagawa ukol riyan Jonito. Ang kailangan lang talaga nating gawin ay sumunod sa kanya. Tinatantya rin naman kasi ni Rigor ang lahat sa ating mga kakayahan. Ayaw niya tayong mapahamak kung kayat binibigyan niya tayo ng misyon na hindi natin ikakapahamak at kayang-kaya nating lutasin.”
“Alam mo kaya tayo nauungasan ng ibang agent at society kasi hindi tayo hinahayaan ni Rigor na mag-grow at magtake-risk. Dapat naman kasi sinasanay niya tayong gawin ang mga bagay na siya talagang tutulong sa atin upang maging magaling,” sumimangot si Jonito sabay lamon sa malaking hiwa ng karneng baboy.
“Iyon din naman ang gusto nating lahat, e. Pero at the end of the day siguridad pa rin natin ang iniisip ni Rigor. Kaya huwag ka nang mag-assume na bibigyan niya tayo ng mas nakaka-excite na misyon. At isa pa. Matagal-tagal pa tayong makabalik sa trabaho.”
“Hoy, isang buwan lang kaya ako sa’yo.”
“Okay, ako lang pala ang matagal-tagal pang hindi makababalik. Hindi sapat ang isang buwan para mag-move on. Gusto ko pang ramdami ang sakit at paet ng pag-ibig.”
“Ang drama mo,” natatawang wika ni Jonito at tumungga ito ng isang baso ng tubig. Medyo nakakahawa ang pagkain ng kaibigan kaya sinabayan niya na lamang ito. Inabot niya ang tinidor at kumain na. Hindi na siya nag-rice kasi madali itong nakakabusog. “Pero alam mo Hez, sa kabilang banda na pagbabawa ni Rigor sa atin na humawak ng komplikadong misyon ay nagkakaroon ako ng interes na malaman kung saan nga ba naka-base ang Skull?”
“Kailangan talaga na malaman natin kung saan naglulungga ang Skull at kailangan rin nating kumbinsihin si Rigor na ibigay sa atin ang misyon. Kahit tayong dalawa nalang ang magkasama.”
“Iyon kung papayag si Rigor.”
“Papayag ‘yon Hez kung nakikita ka niyang bumalik na sa dati. At tama ka, matagal-tagal pa dahil kailangan mo pa panahon upang makalimot sa sawi mong pag-ibig.”
“Pero Jon, kaya ko na naman ang aking sarili, e. Panigurado kapag nasa misyon ako ay hindi ko na naiisip pa palagi si Denzel. Siguro naman kaligtasan ko ang aking iisipin kapag nasa misyon na tayo.”
“Maganda ‘yan ngunit change topic na tayo. Saang club tayo tutungo mamaya?”
“Hindi ko rin alam... ikaw ang magamamaneho mamaya at ikaw na rin ang bahala kung saang club mamaya. Basta gusto kong uminom ng uminom.”
“Hindi magatatagal ay baka gawin mo nang tubig ang mga alak,” biro ni Jonito at nagpatuloy na sila sa pagkain.
“Baka ganoon na nga ako sa pagdaang ng marami pang araw,” biro niya sa kaibigan Hindi naman siguro tama kung ilulong ni Hezekiah ang kanyang sarili sa mga bagay na hindi nabubuti sa kanyang sarili. Nawa’y sa pagdating ng tamang panahon ay magiging maayos na siya.
Hindi nila namamalayan sa ka-kawento ay naubos nila ang mga ulam ngunit may dalawang oras na lamang pa silang natitira bago kumagat ang dilim. Minabuti niyang magpahinga nguit hindi sa kanyang kwarta. Doon siya nahiga sa sofa ng sala. Maging si Jonito ay doon na rin. Hindi niya namamalayang hinila na pala siya ng antok hanggang sa nakatulugan na iyon ni Hezekiah.
Nagising siya sa sobrang hina ng tapik sa kanyang pisngi. Dahan-dahan niyang inimulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang mukha ni Jonito. Mabilis niya ring naamoy ang pabango nito.
“Gising ka na upang maligo. Masiyadong napasarap ang tulog mo,” nakangiting wika nito.
“Anong oras na?” bumangon na siya.
“Ala dyes ng gabi.”
“Ha?” nanlaki ang kanyang mga mata. “Hindi mo man lang ako ginising?”
“Hindi ko kayang gisingin ang katawan mong natutulog gayong kailangan mong magpahinga dahil alam kong gabi-gabi ay hindi ka pinapatulog ng puso mo. Kailangan mo ng tulog kaya hinayaan nalang kita. At isa pa 24 hours naman ang mga club kaya okay lang na sa ganitong oras tayo pupunta roon.
“Sabagay,” aniya. “Maliligo na muna ako.”
“Bilisan mo. Huwag ka nang magpagwapo. Tutal hindi naman tayo mambabae, e. Iinom lang tayo tapos uwi.”
Tumango lang si Hezekiah at pumasok na sa shower room. Naging mabagal ang kanyang pagligo ngunit wala naman siyang naririnig na katok ni Jonito upang bilisan ang kanyang ginagawa. Nang matapos ay lumabas na siya at dumiritso sa kanyang kwarto. Hindi na niya masiyadog pinatuyo ang kanyang buhok. Mas gusto niya iyong wet-messy na hairstyle upang bumabagay sa kanyang jawline. Simpleng polo puti na polo at skinny jeans lang ang kanyang suot at naglagay na ng pabango. Huli niyang sinuot ang puting rubber shoes. Iyon ang gusto niya upang hindi siya mahirapan mamaya maglakad kapag lasing na siya.
Nang masigurong maayos na ang lahat ay lumabas na siya ng kanyang kwarto at naabutan niya si Jonito sa sala na natutulog. Ginising niya ito at kaagad namang nagising. “Tara at kailangan na nating bumanat. Ikaw na ang magdala ng pera dahil hindi kakasya ang pocket money ko.”
“Ang koripot naman nito. Kumuha ka kaya sa voult mo?” ani nito.
Napangiti si Hezekiah. “Ayokong magdala ng pera mabigat lang iyon.”
“Gago, kahit ako na ang magdadala,” ani nito.
“Ang sabihin mo ikaw ang koripot,” aniya.
“Oo na pero ikaw naman tong tamad. Magkano ba ang laman ng voult mo?”
“Fifty-thousand lang yata,” sagot niya.
“Bakit ang kaunti lang ng laman?” curious nitong tanong.
“Ang dapat naman kasi hindi ka nag-iipon ng pera sa bahay o condo mo. Dapat nilalagay mo sa bangko para magamit roon. Kaya nagkukulang tayo ng pera sa bansa kasi iiipon ninyo sa alkanysa.”
“Hoy, grabe kang magkapagsalita, ha. Iyong pera na nasa wallet ko kasya na iyon. The rest ay nasa banko ko na. Teka, kumuha ka na at para makaalis na tayo.”
“Opo boss,” aniya at tumalikod. Bumalik na siya sa kanyang kwarto at nagtungo sa voult na nakalagay sa loob ng cabinet. Nakalimutan ni Hezekiah na may pera rin palang inilagay doon si Denzel. Kaya pagbukas niya ay medyo nagtaka siya. Noong mga panahong inaalagaan siya ng babae ay tinuruan niya ito sa passcode para maging easy access na ang lahat rito. Hindi niya binilang ang pera at kumuha na lamang siya roon. Ini-lock niya ang voult at sinarado ang cabinet. Bumalik siya sa sala at doon naabutan na naman niyang umidlip ang muklo.
“Huwag nalang kaya tayong tumuloy?” aniya na ikinagulat ni Jonito.
“Nagpapahinga lang para energetic mamaya,” tumayo ito at inayos ang damit.
“Here,” binigay niya ang pera sa kaibigan. “Hindi ko iyan binilang.”
“At hindi ko rin ito bibilangin. Mas masaya kung kung hindi mo iniisip magkano ang dala mong pera para hindi iniisip ang presyo ng iyong bibilhin. Bahala na ang baresta na magkwenta,” ani nito.
“Kapag kulang ang pera ay ikaw na ang magbayayad sa kulang, ha.”
“Bibilangin ko mamaya sa kotse,” bumungisngis ito ng tawa.
“Koripot mo talaga,” nauna siyang lumabas sa condo at sumunod naman si Jonito. Gaya ng kanilang mga galang magkaibigan. Kotse na naman niya ang kanilang ginamit dalawa at siya ang nagmaneho dahil binilang talaga ni Jonito ang pera.
“Akala ko ba fifty-thousand lang ang pera sa voult mo? Bakit sixty-thousand ito?”
“Nakalimutan kong hindi lang pala ganoon ang pera ko,” aniya niya nalang. Ayaw niyang sabihin na naglalagay din ng pera roon si Denzel. Pera kampante naman siyang hindi iyon personal money ng babae dahil binigay niya rin rito ang kanyang ATM baka mga sobra o sukli ng kanyang pera ang inilagagay roon ng babae.
Pagdating nila sa club ay sobrang dami nang mga tao. Marami na ang lasing at pagiwang-giwang na maglakad ang mga ito. Ngunit dahil 24 hours nga rito sige lang ang mga ito sa inom at sayaw. Iyon ang ikinatatakot ni Hezekiah. Hindi takot ang mga ito sa maaaring panganib na dulot ng gabi para sa siguridad ng mga ito.
“Doon tayo,” turo ni Jonito at nauna itong humakbang.
Palakad na sila nang may natanaw si Hezekiah na pamilyar na mukha. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso at sinalakay na naman siya ng sakit. Bumalik ang kanyang alaala na noo’y iniwan siya ng babae sa simbahan.
“Denzel,” tanging sambit niya sa pangalan ng babae.
TANGING magagandang alaala lang ang naaalala ni Denzel habang siya'y nakamukmok sa ibabaw ng kanyang malambot na kama. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito lahat. Tandang-tanda pa niya ang tagpo noong puounta silang isla para pagalingan ang kanyang pusong sawi.
MEDYO kinakabahan si Denzel nang pumasok na si Nicholas sa loob ng kanilang bahay. Magkatabi sila ng kanyang Tita Inday sa sofe habang si Nicholas ay nakaupo sa isa pang sofa na katapat lang sa sofa na inuupuan ng kanyang Tito Lumino. Kumbaga, para lang silang nanonood ng talk show dahil nasa harap nila ang mga ito.
“Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa sa’yo Nicholas. Alam mo naman hindi ba na ikakasal na sana siya ngunit wala na si Crim Carl. Hindi pa naghihilom ang sugat ng akin anak.”
“Yes sir, actually alam ko po kung ano ang gusto mong sabihin.”
“Good para ka na huhula. Gusto ko lang sabihin saiyo na huwag mo siyang pababayaan. At, huwag mong iti-take advantage ang kanyang pinagdadaanan ngayon.”
“And it is the main reason sir na kaya ko siya dalhin sa isla to heal her wounds. Hindi ko siya mabubuo ulit pero kaya kong bumuo ng bagong siya. A new chapter of her life most probably.”
Napalunok lang ng laway si Denzel. Nakakailang pala na ikaw na pinag-uusapan ay nakikinig lang. Humugot siya ng malalim na hininga at nakinig lang sa tuloy-tuloy na pag-uusap ng dalawa.
“May gusto ka ba kay Denzel? Umamin ka sa akin,” ani Lumino sabay tingin sa kanya. Maging si Nicholas at napatitig sa kanya kaya nag-iwas siya ng tingin.
I wan ba niya! Namamanhid ang puso ni Denzel. Wala siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang naramdaman dahil si Crim Carl pa rin ang iniisip niya.
“Aaminin ko po na gusto ko siya. Alam iyon ni Denzel pero nag-usap na kaming dalawa at magkaibigan nalang kami ngayon. Gusto ko lang po na malaman ninyo na kailanman ay hindi ko gagamitin ang weaknesses ngayon ni Denzel to grab opportunities. But the thing is, I want her grow and give her a chill. I want her to be happy again.”
“Kung ganoon ay natutuwa ako saiyong magandang hangarin para sa aking anak. Pero gusto kong malaman mo na wala pa rin akong tiwala saiyo Nicholas. Kaya kapag ay ginawa ka talaga ay tutugisin kita.”
“Copy that sir. Naiintindihan ko po kayo.”
“That’s all for today Nicholas. Huwag mong pababayaan ang aking anak.”
“I’ll take her as my responsibility.”
“Good.”
Naunang umalis si Lumino for work. Habang si Denzel naman ay lumapit siya sa lalaki na medyo nahihiya. Sa inakto pa lang ni Lumino ay medyo naiilang na siya.
“Pagpasensyahan mo na si Lumino. Talagang ganoon lang siya pero sobrang bait niyang magulang sa akin.”
“Walang iyong problema sa akin. At isa pa, naiintindihan ko siya. I cannot blame him on wanting the goodness for his daugther.”
“Thank you.”
“You’re welcome, akin na ang bagahi mo at ako na ang magdadala niyan.” Kinuha ni Nicholas ang kanyang maleta at nauna na itong lumabas. Sumunod na rin sina Denzel at Inday.
“Mag-iingat kayo, okay?”
“Yes naman po Tita at private Island po ang aming pupuntahan so hindi niyo na kailangan pang mag-aalala para sa aming kalagayan. At kasama ko naman po si Nicholas Tita kaya huwag na po kayong mag-aalala that much.”
“Hindi ko lang mapigilan no... pero may malaki naman akong tiwala sa inyong dalawa.”
“Let’s go?” ani Nicholas. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ang lalaki sa kanila.
“Mag-iingat kayo. At Nicholas, behave ka lang.”
“I will Tita.”