Chapter 9: Pagsalba sa Sarili
HABANG inaayos ni Hezekiah ang kanyang mga gamit ay bigla na namang niyang naalala si Denzel. Kumusta na kaya ito ngayon? Ano kaya ang ginagawa ng babae? May mga pagkakataon na gusto niya pa rin itong makita kahit na ikasasakit iyon ng kanyang puso. Wala siyang magagawa, talagang, mahal na mahal niya si Denzel. Ang unang babaeng kanyang minahal bukod sa batang babae na una niyang nakaibigan noong bata palang siya.
"BAKIT ka umiiyak?" isang simpleng tanong ang nagpahinto saglit ng iyak sa batang si Denzel. Tumingala ito sa kanya at ngumiti si Hezekiah. Naaawa siya rito dahil panay lang ang iyak habang nag-iisa..
"Kasi iniwan na ako ng Mama at Papa ko."
"Talaga? Saan sila pumunta? Gusto mo tulungan kitang hanapin sila?" curious niyang tanong.
"Wala na sila, patay na."
"Patay na? Bakit namatay?" inosenteng tanong ng batang lalaki.
"Pinatay sila, eh. Nakita ko binaril tapos sinuntok."
"Kawawa ka naman pala, ako nga pala si HB," inilahad niya ang kanyang kamay.
Nang hindi nakipagkamay ang batang babae ay kusang kinuha niya ang kamay nito upang siya ang makipagkamay.
"Friends na tayo, ha?"
"Sige, kaibigan na kita."
Ngumiti silang dalawa. Ilang saglit pa'y may dumating na lalaki. Napangiti ang batang babae at humawak ito sa kamay ng bagong dating.
"Tito Lum," hindi na niya narinig ang buong sinabi ng batang babae dahil tumakbo na siya paalis. Medyo nahiya kasi siya sa bagong dating na lalaki dahil matikas ang pangangatawan nito.
Bumalik sa kanyang diwa si Hezekiah at kumunot ang kanyang noo. Impossible, parang pamilyar sa kanya ang lalaki dumating sa oras na iyon. Malabo na ang kanyang vision sa mga panahon na iyon kasi sobrang tagal na at batang-bata pa siya. Parang namumukhaan niya ito ngunit hindi na siya sigurado para roon.
Tinapos ni Hezekiah ang kanyang pag-aayos at humiga sa kanyang kama. Napahinga siya dahil hindi amoy pintura ang buong silid. Kapag kasi bagong gawa ay hindi maiiwasang mangamoy chemical ang bahay.
Hindi na siya natulog at minabuti niyang maligo na muna. Mabuti nalang at may dala siyang sabon. Nakakatawa lang dahil isang sabon at shampoo lang talaga ang kanyang ginagamit dahil ayaw niyang gumamit ng ibang produkto. Bukod sa marami siyang allergy ay ito na ang kanyang nakasanayang gamitin mula noon.
Nang matapos sa pagligo ay hinitay niya na si Jonito. Ngunit wala pa ang lalaki. Lumabas siya sa kanyang silid at inilibang ang kanyang mga mata sa magandang design ng bahay. Nang magsawa ang kanyang mga mata sa kakatingin ay napansin niya ang isang terrace. Ngumiti siyang nagtungo roon.
Lumawak ang ngiti ni Hezekiah sa kanyang labi nang makita ang sobrang ganda at maliwanag na beach sa hindi kalayuan ng bahay. Sobrang ganda at ang daming tao. Parang gusto na niyang pumunta roon! Habang pinagmamasdan ang mapuputing buhangin sa ilalim ng mga ilaw ng poste ng beach ang muli na namang pumasok sa kanyang isipan si Denzel. Kanya na namang naalala ang mga panahong nandoon sila sa isla!
Paano niya ba maiwawaglit ang babae sa kanyang isipan ng ganoon kadali? Bawat tingin ng kanyang mga mata sa isang bagay at sa bawat pag-iisa niya ay ang babae laman ng kanyang puso at isipan. Habang hinayaan ni Hezekiah ang kanyang isip na lunurin sa matinding pag-iisip sa babae ay kanyang napagtanto na kung mahal niya talaga ang babae ay maghihintay siya at hindi na dapat pa mag-iisip ng kahit na ano. Ngunit alam naman niyang walang direksyon ang kanyang paghihintay dahil bumalik na si Crim Carl. Ang buong akala niya ay mapapasa-kanya na talaga ang babae matapos ang sobrang dami at mga matatamis nilang pagsamahan.
Ang buong akala niya ay tuluyan nang nahulog ang loob ng babae sa kanya dahil matagal-tagal din silang nagsama ng babae nang tumira sila sa condo hanggang sa araw ng kanilang kasal. Ngunit naging kompiyansa si Hezekiah. Hindi niya alam na hindi pa pala ang sapat ng iyon upang mapagtibay ang pagmamahal ni Denzel sa kanya.
“Ang lalim na naman ng iniisip mo, ha?” biglang dumating si Jonito. Hindi pa ito nakapagpalit ng damit mula kanina kaya tumaas ang kanyang kilay.
“Hindi ka pa naghanda? Madilim na ang paligid at bagay naghintay na ang parents mo saiyo,” saan naman kaya ito nanggaling. Mukhang umalis ito.
“Magbibihis na sana ako ang kaso napansin kita rito kaya ako lumapit. Naalala mo na naman siya hindi ba?”
“Hindi ko maiwasan Jonito. Pinipilit ko namang huwag siyang isipin ngunit may pagkakataong sadya nalang siyang pumapasok sa kanyang isipan na hindi inaasahan.”
“Alam mo naiintindihan kita dahil totoo kang nagmahal, e. Pero sige lang, give your time thinking pero huwag sanang umabot na mag-assume ka. Magbibihis na muna ako at aalis na tayo pagkatapos,” wika ni Jonito at tumalikod na ito sa kanya.
Napabuntong hininga si Hezekiah. Sobrang malaki talaga ang epekto ni Denzel sa kanya. Hindi niya maalis-alis sa kanyang isipan ang babae. Bakit ba kasi bumalik si Crim Carl. At bakit hindi nito hinintay na matapos ang kanilang kasal? Talagang sinadya iyon ng lalaki para pigilan ang kanilang pag-iisang dibdib.
Nainis si Hezekiah habang iniisip si Crim Carl. Ito ang pinakaunahang dahil kung bakit hindi sila naikasal ni Denzel. Ito rin ang dahilan kung bakit wala na ang pinakamamahal niyang babae sa kanyang tabi. Kung tutuosin ay dapat mapagpasalamat pa sa kanya si Crim Carl dahil noong nawala ito ay siya nagsakripisyo para lang maibalik ang dating sigla ni Denzel. Nagawa niya iyon ngunit sa bandang huli ay iniwan lang din naman siya. Sadyang mapaglaro ang tinadhana. May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari ay nangyayari nalang bigla na hindi mo inaasahan.
Nagsawa si Hezekiah sa terrace at bumaba mula sa ikalawang palapag. Inlabang muli ni Hezekiah ang kanyang mga mata sa pagtingin sa desinyo ng bahay ngunit nasa ibaba na siya. Sobrang simple lang talaga ngunit hindi nandoon ang bakas ng pagiging mayaman ng mga may-ari. Mapapatunayan iyon sa mga artifacts at iba pang bagay na makikita sa loob ng bahay. Mabuti nalang at hindi ito napag-diskitaang nakawin ang mga ito.
Halos trenta minuto din silang naglalakad hanggang sa makarating na sila rest house. Dumiritso sa loob si Denzel habang si Hezekiah naman ay humirit pa siyang maligo sa dagat. Sarap na sarap siya sa maghalong lamig at init ng tubig dagat. Bukod pa roon ay hindi maalis sa kanyang mga labi ang sobrang saya dahil kasama niya ngayon si Denzel.
Hindi na rin gaanong nagbabad si Hezekiah sa tubig dagat. Ganoon siya kapag naliligo. Hindi siya nagtatagal sa tubig dahil may mga pagkakataong nangngati ang kanyang balat sa sobrang sensitive nito. Nagmamadali siyang pumasok sa bahay at naligo. Naging mabilis ang kanyang pagkilos at ilang sandali pa’y tapos na siya at nagbihis.
Lumabas siya sa kanyang kwarto at mukhang nakatulugan na ni Denzel ang pagpapahinga nito. Minabuti niyang magtimpla nalang kape at nagtungo sa sofa upang doon aliwin ang kanyang sarili.
Nang maglaon ay narinig niyang pumihit ang pinto at biglang kinabahan si Hezekiah. Gising pa pala ang babae. Napansin niyang papalapit ito sa kanyang gawi. Ngumiti siya at sabay tanong, “you want coffee?”
“No thank you, baka hindi ako makatulog mamayang gabi niyan.” Umupo si Denzel sa kabilang sofa.
“Matutulog ka ba ng maaga tonight?” tanong niya sa babae. Pinapanalangin niya na sana at hindi.
Sandaling nag-isip si Denzel. “Hmm, kung wala tayong gagawin mamayang gabi ay matutulog nalang ako. Medyo nakakapagod din ang araw na ito kaya kailangan kong makabawi ng lakas. Ikaw ba?”
“Katulad mo ay matutulog lang ako. Naisip ko lang na maybe tomorrow ay mangingisda tayo? Gusto mo ba ‘yon?” medyo naawa siya sa babae kaya biglang nagbago ang takbo ng kanyang iniisip.
“Saan tayo mangingisda? Don’t tell me doon na naman tayo kukuha ng mga isda sa gitna nitong isla.”
“No,” natawa si Hezekiah at sa ekspresyon ng mukha ni Denzel na naksimangot. “Hindi na roon, sa dagat na talaga tayo at may nakita ako kaninang malalaking sea orchins.”
“Sea orchins? Iyong may maraming tinik na nakadikit sa parang bola ang shells?” mukhang hindi masiyadong pamilyar si Denzel mas lalo pang kumunot ang mukha nito na lihim na ikinatuwa ni Hezekiah.
“Oo parang description nga ng sea orchins ang sinabi mo.”
“Kumakain ka ng ganoon?”
“Not really, isang beses ko pa iyon na-try. Pero sinabi sa akin ni Jonito na masarap iyon kapag may suka at kanin,?” taga Bohol si Jonito at maraming ganoon sa kanila.
“Okay, i-try natin bukas para naman memorable itong pagpunta natin rito,” ani ng babae. Mukhang game na game ito na sa tingin ni Hezekiah ay magiging maganda ang kanilang araw bukas.
“Siguraduhin mo lang na maaga kang magigising bukas, ha? Low tide kasi kapag umaga,” para may marami silang makuha. Mahihirapan sila kapag malaki ang dagat.
“Yes, Sir.”
Inubos muna ni Nicholas ang kape niya. Nagpaalam na muna ang lalaki para magluto. Nang makapasok sa kusina ay kaagad niyang isinuot ang apron. Parang gusto niyang ipagluto ang babae for the rest of their lives. Pangiti-ngiti lang siya habang ginagawa ang pagluluto. Sisiguruduhin niyang masarap ang kanyang ihahain. Sabi nga nila na kailangan magaling kang magluto upang makuha mo ang madaling pagsinta ng iyong gustong babae.
Hindi namalayan ni Hezekiah na sa sobrang seryoso siya sa kanyang pagluluto ay natapos niya ito. Isa-isa niyang tinikman ang putahe at gusto na niyang lumundag sa sobrang sarap niyon. Lumabas na siya sa kusina at kaagad siyang napansin ni Denzel.
“Luto na?” ito na mismo ang nagtanong.
“Yes, Ma’am... sumunod na po kayo sa akin para sabay na tayog kumain,” pabiro niyang wika ngunit excited siya para sa kanilang pagkain.
“Ayos,” natawa si Denzel at tumayo ito.
Mas nauna pang pumasok ang baba sa kusina kaysa kay Hezekiah. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi ni Denzel nang makita at malaman kung gaano kasarap ang kanilang pagkain na sadya niyang hinanda para rito.
“Niluto mo pala ang nahuli natin kanina?”
“Oo, at siyempre may meat na rin akong niluto baka hindi ka mahilig sa isda.”
“Oy, kumakain kaya ako ng isda,” ani nito.
“In case lang naman... at tikman mo itong fish pellet ko.” Umupo na si Hezekiah sa katapat na upuan ni Denzel.
“Alam mo, nakaka-amaze ka. Ikaw pa itong mayaman tapos ikaw pa itong marunong magluto. Samantalang ako ay walang kaalam-alam,” madaldal na wika ni Denzel.
“Nakuha ko lang ito sa aking kuya at kay Mama. Noon, imbes na ang kapatid kong babae ang nakakasama ni Mama sa pagluluto ay ako ang kanyang nakakatulong. Ang beside, itong niluto ko ngayon ay mga unang dish na akong natutunan kay Mama.” Labis na kilig at nag-uumapaw na kasiyahan ang nararamdaman ngayon ni Hezekiah!
“Ang galing mo naman Nicholas. Ang swerte naman ng mapapangasawa mo.”
“Mas maswerte ka.”
“Ha?” kaagad na napahinto sa pagkuha ng kanin si Denzel. Napatitig ito sa kanya. Mas lalo pang kinilig si Hezekiah nang makitang namumula ang mukha ng babae. Mukha talagang magkakaroon skiya ng pag-asa para sa babae.
“Maswerte ka dahil ikaw ang unang babaeng napaglutuan ko ng ganito,”aniya sa babae.
“Ahh... isipin mo nalang na training mo ito. Kumbaha ako ang taga-approved ng mga niluluto mo para in the future hindi palpak ang mga niluluto mo para saiyong asawa.”
“Sana ikaw na nga no?”
“Ha?” Muli na naman itong nagulat sa sinasabi ni Hezekiah.
“Sana ikaw na ang mapapangasawa ko para hindi na ako maga-adjust pa. Kahit papaano ay hindi ka na magugulat sa mga niluluto ko kapag kasal na tayo.”
“Seryoso ka ba?” biglang bumilis ang t***k ng puso ni Denzel at tila naririnig iyon ni Hezekiah.
“Siyempre joke lang,” napalakas siya ng tawa ngunit sa totoo iyon din naman talaga ang kanyang sasabihin.
“Pinakaba mo ako, gago ka.”
“Pwede naman natin tutuhanin, e.”
Sa pagkakataong iyon ay medyo seryoso na ang boses ni Hezekiah at ang puso naman ni Denzel ay tila gusto na nitong sumabog. Alam iyon niya iyon dahil mas lalo pang pinamulahan sa mukha ang babae. Gusto nang tumayo ni Hezekiah para yakapin ito. Pakiramdam niya at si Denzel na talaga ang babaeng kanyang po-protektahan magmula noong nakita niya ito. Hindi na niya magawang maialis ang babae sa kanyang utak! Tila nakaukit na ito sa kanyang isipan.