MSMK: 1

1222 Words
Chapter 1: Interbyu HABANG nag-aantay si Hezekiah sa susunod na aplikante ay may kakaiba siyang naramdaman sa kanyang sarili. Hindi niya maipaliwalanag kung ano iyon ngunit biglang nalang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Napatingin siya sa pinto nang mayroong kumatok ng tatlong beses. Napabuntong hininga siya dahil oras na naman ng interbyu. Hindi talaga matapos-tapos. Kung sa kanya lang ay pwede naman siyang kumuha ng diretso ngunit mas maganda pa rin kapag dumaan sa proseso. “Come in,” aniya. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Sinadya niyang tumalikod para naman magmukha siyang abala at magmukha siyang boss sa babae. Malambot ang boses ng aplikante at sobrang sarap sa pandinig. “Good morning po, Sir.” Sobrang galang ng boses ng babae. Lihim ng humugot ng malalim na hininga si Hezekiah. Nang humarap siya sa babae ay kaagad na nagtama ang kanilang mga mata. Medyo nagulat siya nang makita  ang magandang mukha ng babae ngunit mabilis na naging seryoso ang kanyang mukha. “Sit down,” utos niya. Lihim na natuwa si Hezekiah. Hindi siya ganitong tao lalo na ang pagsusungit sa babae. Kitang-kita niya kung paano lumunok ng laway ang babae dahil sa pag-iba ng tono ng kanyang boses. Namumukhaan ni Hezekiah ang babae. Kilalang-kilala niya ito dahil kagaya niya ay isa rin itong agent. Ngunit sa anong kadahilanan na nag-apply si Denzel Cuenco bilang sekretarya nito? Malakas ang kutob niya na may misyon ang babae. Hindi niya nga lang alam kung ano iyon.  “Thank you, Sir.” “Show me all the requirements,” Mabilis nitong ibinigay ang brown envelope na naglalaman ng mga requirements. Ngunit sa halip na hawakan iyon ni Hezekiah ay tiningnan niya lang ito. “I want the requirements not the envelope,” walang buhay na wika niya. “Po?” Bigla itong napatitig sa kanyang mga mata. “You heard me right?” Hindi siya nag-iwas ng tingin rito. Hindi siya maaaring magpapatinag sa mga matang iyon ng babae kahit pa’y gusto na ni Hezekiah. Sobrang ganda ni Denzel. Ibang-iba ito sa personal. Pangalawang beses na niyang nakita ang babae. Noong una ay sa restaurant niya ito nakita kasama ang boyfriend nitong si Crim Carl. Kilala niya ang dalawa dahil magagaling ang mga itong agent ngunit hindi sila kabilang ng Society. Sa Phoenix siya at Luminos Society naman ang magkasintahan. “Yeah.” Kaagad itong nag-iwas at kinuha pabalik ang brown envelope. Kinuha nito ang lahat ng laman at ibinigay iyon pabalik sa kanya. Binuksan niya ang drawer ng mesa at may kinuha itong bote na may lamang alcohol. Nilagyan nito ang mga kamay at sabay tingin kay Denzel. “Put some on your hands.” Ibinigay nito ang bote. Natatawa si Hezekiah sa kanyang mga pinagagawa. Hindi niya gawain ang ganito ngunit kailangan. Kung lalambot siya ay hindi niya magagampanan ang kanyang misyon. Gusto nang mainis ng babae sa sobrang kaartehan ni Hezekiah. Alam niya iyon dahil namumula ang mukha nito. Tiningnan na niya ang mga papel. Kagaya ng kanyang inasahan na peke ang pangalan na ginawa ni Denzel Cuenco. Ganito rin ang kanilang mga gawain kaya hindi na siya nagulat pa.  “So your name is Pepper?” tanong niya pa rin. Kailangan niya itong gawin upang hindi makahalata ang babae na alam niya ang totoo. “Obviously,” malamig nitong wika. “What?” tumaas ang kilay ni Hezekiah. “Ye-yes sir.” Kinurot ng babae ang hita nito. Napansin iyon ni Hezekiah dahil mataas siyang lalaki kaya nakikita niya ang bandang hita ng babae. “Why should I hire you? Your are only a secondary graduate? We need competent and standardized workers.” Mas lalo pa niyang senoryoso ang pakikipag-usap kay Denzel. “Do you have any work experience?” Dinagdagan pa niya ang tanong nang mapansing pumikit ito ng mata. “Kaya pa ako maga-apply dahil gusto kong magkaroon ng experience.” “Oh? I thought bingi ka,” pabalang na wika ni Nicholas. “So answer my first two questions.” Mas lalo pang naging seryoso ang kanyang pananalita. “I need this job sir for my family. At kahit na high school graduate lang ako it doesn’t mean hindi ako competent at hindi na makakapasa sa standard ng kompanya ninyo. Let me in and I’ll do the best.” “Define competent,” utos niya. “Competent sir is legally qualified or adequate,” nakagat nito ang ibabang labi. Muntikan nang mapalunok ng laway si Hezekiah dahil sa ginawa ng babae. Hindi niya inakalang maapektuhan siya sa ginawa nitong pagkagat sa ibabang labi. “Define competent on your own. Hindi iyong kumukuha ka lang,” ang buong akala siguro nito ay hindi niya malalaman. “Po?” “You got the definition from Merriam Dictionary. Stop getting information from the other sources. I want you to define the word personally,” aniya. Napabuntong hininga ang babae. Kitang-kita ni Hezekiah kung paano ito nabwesit sa kanyang sinabi. “Competent for me sir is simply a quality. A quality na makatulong sa kompanya ninyo para mas lalo pa itong gumanda, tangkilikin at mahalin.” “Obviosuly you are applying for the position of secretary. What things will you do in order to satisfy me aside from making coffee?” dagdag niya. “Ano nga ba?” Napatingala ito sa kulay abong kisame habang nag-iisip. “Beer.” “What?” kumunot ang kanyang noo. “Po?” nanlaki ang mga mata nito. “Beer po as in. Letter B for biscuits for your coffee, E for eating, making you a food. Isa pang letter E for eagerness,” mabilis nitong palusot. “Eagerness of what?” “Eagerness to... letter R for read. Eagerness to read all your instruction.” Ngumiti si Denzel ngunit muli na naman nitong nakagat ang ibabang labi nang mas lalo pang naging seryoso ang mukha niya sa babae. Gusto nang matawa si Hezekiah sa mga pinagsasabi ni Denzel. Mabuti nalang talaga at nakontrol niya ang kanyang sarili. “Do you have any background on the work you’re applying?” “Just little Sir. Pero magpapaturo nalang ako sa iba pang sekretarya rito kapag qualified na ako,” pinilit nitong ngumiti. “You know what...” tumayo si Nicholas. “You are beautiful. I like your curve and I love to touch your mountains,” gusto na niyang suntokin ang kanyang sarili. “Po?” bigla itong nagulat sa kanyang sinabi. Hinubad niya ang kanyang coat upang ipakita sa babae kung gaano kaganda ang kanyang katawan. Bilang isang matipunong lalaki proud na proud siya kung ano siya ngayon lalo na ang kanyang kagisigan. “Ano ang gagawin mo?” kinakabahan nitong tanong. “Nothing,” kinindatan ni Nicholas at kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Wala sa sariling napalunok ng laway si Denzel. Gusto na niya talagang matawa at hindi na niya kayang pigilan ang sarili. “Go out Pepper. We’ll call you if you’re hired.” Bumalik si Nicholas sa swivel chair  at napapatitig sa babae. Kakaibang titig ang iyon dahil para na niya itong hinuhubaran. “Thank you sir.” Nang masigurong wala na ang babae at doon na siya napahalakhak ng tawa. Ganoon lang siya tumayo ng malakas pagkatapos maranasan ang kamalasang nangyari sa kanyang buhay. Tawang-tawa pa rin siya nang may kumatok. Kaagad niyang inayos ang kanyang sarili. “Come in.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD