Chapter 33: Pagdadalmhati ng Magkapatid HINDI lubos maisip ni Hezekiah na nangyayari ang lahat ng bagay na ito sa kanya. Tila sunod-sunod ang mga masasamang nangyari sa kanyang buhay ngayon. Una ang ang pagksawi ng kanyang puso. Ngayon naman ay ang pagkamatay ng kanyang ama. Ang tanging gusto niya lang naman ay mangyari ay maihinto ang Skull ngunit isang malaking rebelasyon sa kanya ang nangyari sa isla. Ngayon, habang nakatingin sa nilalamayan na katawan ng ama ay pakiramdam ni Hezekiah ay walang-wala siya ngayon. “Hez,” biglang wika ng isang pamilyar na boses. Pagkaparinig palang ni Hezekiah ay tila kinurot ang kanyang puso at mas lalo pa itong bumigat. Tiningnan niya ang kanyang kapatid na papasok sa malaking bahay nila. Namumula ang mukha nito habang nakatingin sa kabaong. “Wa-wal