Chapter 6
Ayesha's POV
Bigla na lamang lumalim ang iniisip ko dahil sa sinabing iyon ni Javadd. Habang pinagmamasdaa ko ang mga kabataan na ito ay saka ko lamang napapatunayan na hindi nila ako naging kasaya noon. Hindi ko man lang nga maalala na tumawa ako na tulad ng pagtawa nila ngayon. Kaya ngayon ay naiintindihan ko ang akong mababalikan na ano mang magpapasaya sa akin sa tuwing nalulumbay ako.
Sana ay kasing yaman ako ng mga batang ito pagdating sa alaala. Kung sana ay hindi pa huli ang lahat ay gagawa ako ng maraming alaala. Sinubo ko ang huling ubas na hawak ko at napabuntong hininga na lamang. Dahil sa lalim ng ginawa ko ay hindi iyon nakaligtas kay Javadd kpinanggagalingan ni Javadd na kinaiinggitan niya ang mga bata.
Mga bata na ang buong akala ko ay walang-wala sa buhay. Na sa totoo lang pala ay silang mayayaman pagdating sa alaala. Wala akong ano mang alaala na maaari kong ikuwento sa iba. Walaaya mula sa mga bata na nagtatawanan ay nabaling sa akin ang tingin niya.
Tiningnan niya ako nang buong pagtatakha na tila nagtatanong kung ano ang problema ko. Bigla tuloy akong nabahala dahil mukhang hindi biro ang naging lakas ng buntong hininga ko para malaman ni Javadd na malalim nga ang iniisip ko.
"May problema ba, Ayesha?" tanong nito nang ilang sandali na akong tahimik at hindi sinagot ang mga tanong sa tingin niya sa akin.
"Wala naman akong problema, Javadd. May mga ilang bagay lamang ako na napagtanto matapos ang sinabi mo na wala kang kabataan," sabi ko. Mas lalo siyang napatitig sa akin at alam ko na dahil iyon sa kalituhan sa sinabi ko. Alam ko na hindi naman pangkaraniwan ang tulad niya na walang kabataan kaya mahirap paniwalaan na may katulad siya ng sitwasyon.
Ngunit bigla na lang din tuloy akong napaisip sa kung ano ang maaaring dahilan ni Javadd kung bakit niya nasabi na wala siyang kabataan. Kung ako kasi ang tatanungin, ang rason ko ay dahil isa akong prinsesa. Pinalaki ako nang walang sino man na kaibigan ko nakalaro man lang. Puro pagsasanay at pag-aaral lamang ang ginagawa ko kahit pa noong bata pa lamang ako.
Pero hindi ko naman iyon pwedeng sabihin at idahilan kay Javadd dahil sigurado ako na magtatakha siya. Sana nga lamang ay hindi na niya ako tanungin pa nang mas malalim. Kaya kailangan ko na lamang na mag-isip ng dahilan na mas kapani-paniwala kung saan hindi na siya magtatanong pa nang marami.
"Maaga akong namulat sa paghahanap-buhay kaya hindi ko na naranasan ang maglaro man lang," sabi ko at hindi ko alam kung tama lang ba ang naging dahilan ko dahil ang mga batang kinaiinggitan niya ay mga batang maaga rin naman na namulat sa reyalidad ngunit nagagawa naman na maging masaya sa kabataan nila ngayon.
Ngunit wala naman nang naging tanong pa si Javadd dahil nakita ko na tumango-tango siya na tila ay naiintindihan ang ibig kong sabihin.
"Parehas lamang pala ng buhay na sinapit," sabi niya ngunit hindi siya makatingin sa akin. At hindi ko alam kung bakit. Wala namang masama sa katotohanan na iyon ng buhay niya. Hindi niya dapat ikahiya ang ganoong mga bagay dahil ako nga na isang prinsesa ay hindi nagdalawang isip na gawing ganoon ang buhay ko.
Ngunit kung ganoon nga ang buhay na sinapit ni Javadd ay nangangahulugan lamang kung gaano siya kasipag. Kahit naiinggit siya sa mga bata na pinapanood namin ay nakikita ko rin naman na wala siyang ano mang pagsisisi sa sinapit niya. Alam niya ang responsibilidad niya at alam niya kung para saan ang lahat ng sakripisyo niya. At hindi ko naman maiwasan ang mas lalo pa siyang hangaan.
Sa nakita ko pa lang na trato ni Javadd sa mga bata kanina ay alam ko na agad kung gaano kabuti ang kalooban niya kahit pa kailan lamang kami nagkakilala. Nakakasigurado ako na tama ako ng sinasamahan na tao. Nakakasigurado ako na tama lang din ang desisyon ko na sa kanya ipagkatiwala ang buhay ko rito sa Kaliwag. Kahit pa sabihin na kabikang siya sa mga kalaban ng aming lahi ay kailanman hindi ko yata magagawa na magalit sa kanya.
Dahil sino ba naman ang magagawa na magalit sa isang Lavitran na alam mo naman na may ginintuang puso. Hindi lamang maalis sa isip ko na si Javadd ay isa sa mga kawal nila kaya nasisiguro ako na isa siya sa mga mauuna na magtanggol sa kanilang kaharian. At hindi naman sa pinagtataksilan ko ang sarili kong kaharian ngunit lagi kong hahangarin ang kaligtasan ni Javadd.
Tila kahit yata magkaharap kami sa isang tunggalian ay mas hahangarin ko pa rin ang kaligtasan niya. Bigla ko tuloy naisip na kung ang lahat sana ng Algenian ay kasing bait at kasing buti ni Javadd ay nasisiguro ko na wala na sanang nagbabadyang gulo sa aming mga kaharian. Kung isang tulad lamang sana ni Javadd ang namumuno sa kanilang kaharian ay nasisiguro ko na hindi kami mahihirapan na magkasundo sa lahat ng bagay.
"Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maranasan ang pagiging bata," aniya na siyang nagpakunot ng noo ko. Hindi ko alam kung ano ang nais niya sabihin dahil alam ko naman na hindi na namin maibabalik ang oras. At kung maibabalik man ang oras ay alam ko na hindi ko pa rin naman magagawa ang ganoon dahil mananatili akong prinsesa.
"Ano ang ibig mong sabihin, Javadd?" tanong ko na hindi naitago ang pagkalito sa tono ko. Napangiti naman si Javadd at tumayo. Nilahad niya ang kanyang kamay para patayuin din ako. Tinanggap ko naman iyon dahil parehas naman na rin kaming tapos nang kumain.
Nagsimula na sa paglalakad si Javadd at alam ko na pabalik na kami sa kinaroroonan ng mga bata. Mga tapos na rin naman na silang kumain at mga nagsitayo na rin sila nang makita na pabalik na kami sa kanila. Mukhang hindi pa kami natatapos sa pakikipag-usap sa mga bata. At wala naman akong nakikita na problema roon basta ba hindi pa oras ng pagbalik ko sa palasyo.
Wala rin akong problema kung piliin man ni Javadd na rito na lamang muna kami at dito ubusin ang oras namin hanggang sa oras na ng aming pag-uwi. Hindi nababawasan ang kanilang mga ngiti sa tuwing nagkakaharap-harap kami.
"Bakit tila mga nahihiya kayo kay Binibining Ayesha?" tanong ni Javadd. Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yung nahihiya sila sa akin gayong kanina pa nga nila ako nginingitian. At doon ko lang napansin na hanggang puro ngiti nga lamang sila. Hindi ko pa sila narinig na kausapin man lang ako. Kaya siguro nga ay nahihiya sila sa akin.
"Nagpasalamat na ba kayo kay Binibining Ayesha?" tanong pa ni Javadd at sabay-sabay na umiling ang mga bata. Natawa si Javadd at napailing. "Kung gayon ay ano pa ang hinihintay ninyo? Hindi ba at matagal ninyong hinintay ang pagkakataon na muling makita si Ayesha? At nangako pa nga ako sa inyo na muli ko siyang ihaharap sa inyo. Kaya heto at tinupad ko iyon," sabi ni Javadd sa mga bata gulat ko siya na tiningnan.
Hindi ko iyon alam. Hindi ko alam na hiniling ng mga batang ito na muli akong makita. At ngayon ay alam ko nang planado niya ang lahat ng ito. Hindi ko pa man alam ang dahilan kung bakit nais ulit akog makaharap ng mga batang ito ay napangiti na ako.
"Totoo ba na nais ninyo akong makaharap?" tanong ko at sabay-sabay naman na tumango ang mga bata. "Bakit?" Hindi ko na rin napigilan pa ang magtanong. Talagang gusto kong malaman.
"Gusto po sana namin na magpasalamat sa pagtulong ninyo sa amin nang mga oras na iyon. Hindi na po kasi kami nagkaroon ng pagkakataon na magpasalat nang gabing iyon dahil nawala na po kayo ni Ginoong Javadd. Hindi naman po namin kayo magawang hanapin dahil nakasuot kayo nang sumpil," sabi ng batang lalaki na sa tingin ko ay pinakamatanda sa kanila. At sa tingin ko, siya ay nasa walo o siyam na taong gulang.
"Huwag na ninyong pakaisipin pa iyon. Walang ano man," sabi ko.
"Tama nga po si Ginoong Javadd. Magandang mukha nga ang tinatago ng sumpil na iyon." Nagulat ako sa sinabi ng bata at hindi ko nagawa na makapagsalita. Nilingon ko si Javadd na halata rin ang pagkabigla sa sinabi ng bata. Nilingon din niya ako ngunit nag-iwas siya ng tingin nang makita niya na nakatingin ako sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung paano magre-react sa sinabi ng bata kaya tumawa na lamang ako. Ngunit sana ay hindi nabakas sa tawa ko pagkailang.
"Napakabolero mo namang bata ka," sabi ko at mabuti na lamang na hindi na muli pang nagsalita ang bata. Napapansin ko na hindi pa rin makatingin sa akin si Javadd at alam ko na dahil iyon sa hiya. Nang sa wakas humupa na ang hiya na nararamdaman niya ay nagawa na rin niya akong tingnan. Nginitian niya ako at napakamot na lamang siya sa kanyang batok.
Hindi ko na lang napagilan ang mapangit at mailing dahil nagiging kilos niya.