Chapter 5

1635 Words
Chapter 5 Ayesha's POV Hindi ko naman tinatanong kung marami rin ba siyang baon o kaunti lang. Ang sa akin lang ay alam ko na ako ang mas nakakaangat sa kanya sa antas ng pamumuhay kaya ayos lamang talaga kung ako na ang gagastos. Ngunit kung ilibre niya ako ng mga pagkain ay parang mas nakakaangat siya sa akin. Hindi naman iyon makakabawas sa p*********i niya kung ilibre ko naman siya. Pwera na lamang kung mas nakakaangat siya sa akin sa antas ng pamumuhay. Ngunit kung isa lamang siyang kawal ay pantay lamang kami ng estado sa buhay. Kaya sana naman ay pumayag na siya na ako na ang magbabayad ng mga kakainin ngayon at hindi na siya makipagmatigasan pa dahil ako rin naman ang nagyaya. Hindi patas para sa kanya kung mapapagastos siya samantalang ako naman ang nagyaya. "Kahit inumin na lamang ang sagutin ko, Javadd--" Muli siyang natigilan sa pamimili niya ng kakainin at binalingan ako. "Kapag sinabi ko na ako na ang sasagot, ako na ang sasagot, Ayesha. Ngayon, kung makikipagtalo ka sa akin ay hindi kita ipapasyal sa mga lugar na magandang pasyalan dito sa Kaliwag." May halo ng pagbabanta ang tono niya at hindi ko mabasa kung seryoso ba iyon. Ngunit para makasigurado na hindi niya iyon magagawa ay sumunod na lamang din ako sa gusto niyang mangyari na siya na ang gagastos sa lahat ng magiging lakad namin. Si Javadd lang ang nakikita ko na maaari kong pagkatiwalaan sa tuwing nandito ako kaya kung hindi niya ako isasama sa mga plano niya imposible na malibot ko pa ang Kaliwag. Kaya kung hindi ko lang din naman malilibot ang Kaliwag ay bakit pa ako lalabas? Ipapahamak ko lang ang sarili ko. Kaya para hindi naman masayang ang mga paghihirap ko na makatakas ay dapat lang siguro na mapuntahan at mapasyalan ko ang mga lugar dito na hindi ko makikita kung makukulong lamang ako sa loob ng aming kaharian. Nang makapili kami ng kakainin ay naghanap na kami ng aming pupwestuhan. At alam ko na sinisguro niya na ang pupwestuhan namin ay ang lugar kung saan mas mapapasarap ang pagkain namin. Malayo-layo na rin ang nalalakad namin ngunit wala pa yatang balak na huminto si Javadd. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano niya. Ang tanging napapansin ko lang ay ang madaming pagkain na dala niya gayong kaming dalawa lang naman ang alam ko na kakain. Kahit pa sabihin na malakas siyang kumain, alam ko na hindi kayang ubusin ng dalawang tao ang bitbit namin na pang anim na tao na yata. Hindi naman na ako nagtanong pa kay Javadd tungkol sa plano niya at sumunod lang ako sa kanya sa paglalakad. Hangga'it hindi siya humihinto sa paglalakad ay hindi rin ako humihinto. Padalang nang padalang ang mga bahay na nadaraanan namin ngunit may ilang mga bata rin kaming natatanaw sa hindi kalayuan. Mga naglalaro sila. Ngunit nahinto sila sa paglalaro nang matanaw nila na paparating kami. Pinakatitigan pa nila kami bago mga nagsimulang tumakbo at sa tingin ko ay para salubungin kami. Bigla tuloy akong kinabahan dahil hindi ko alam kung bakit kinakailangan nila kami na salubungin. Paano kung pagkatuwaan na lamang nila kami? Hindi ko pa nasusubukan kung hanggang saan ang haba ng pasensya ko sa mga bata kaya sana ay huwag nila iyon susubukan. Habang patuloy pa rin sa pagtakbo ang mga bata ay nilingon ko si Javadd nang nagawa pa niya na itaas ang mga supot na bitbit niya. Abot tainga ang ngiti niya na tila natutuwa rin sa pagtakbo ng mga bata na sasalubong sa amin. Hindi ko tuloy naiwasan na muling mapatingin sa mga bata na patuloy pa rin sa pagtakbo. At ngayon ko lang napansin na tila ay mga pamilyar sila. Inisip ko nang mabuti kung saan ko nga ba sila unang nakita at bigla naman akong natauhan. Sila ang mga bata na nakita kong pinagmamalupitan noong unang beses akong nakatapak dito sa Kaliwag. Nawala sa loob ko na mga kakilala nga pala sila ni Javadd ang mga iyon. Na kaya niya ako niligtas noon ay dahil niligtas ko ang mga bata na kaibigan na rin niya yata. At alam niya kung saan matatagpuan ang mga batang ito kaya naisipan niya na dalawin sila. Ngunit hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya ako na isama rito. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero nagtatakha lang ako kung bakit sinakto niya ngayon na kasama niya ako. "Nasabi nila sa akin na gusto ka rin daw nila na makitang muli," sabi niya at napangiti ako. Hanggang sa makatapat namin sila at agad nilang sinunggaban ng yakap si Javadd. Hindi ko naman narinig na nagreklamo si Javadd kahit pa muntik na silang matumba ng mga bata. Iniabot na lamang niya sa akin ang bitbit niya na pagkain na hindi naman kabigatan. Nang hawak ko na ang mga supot ay saka lang siya nakipagkulitan nang sobra sa mga bata. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa dahil sa kulitan nila. Napanganga na lamang ako nang bumagsak na si Javadd sa lupa dahil ilang mga bata na rin ang pumasan sa kanya. Ngunit kahit narumihan na siya ay hindi pa rin siya nagareklamo. Halata mo rin na talaga ini-enjoy niya ang oras ng pakikipaglaro niya sa mga bata. Halata rin naman na gustong-gusto siya ng mga bata kaya alam ko kung gaano siya naging kabuti sa mga ito. At hindi ko maitatanggi ang sarap sa pandinig na mapakinggan ang pinaghalong halakhak nina Javadd at ng mga bata. Halatang-halata mo na komportable sila sa isa't isa. Mararamdaman mo talaga na malalapit sila sa isa't isa. At alam ko na isa sila sa mga dahilan ni Javadd kung bakit paulit-uit siya na bumabalik dito sa Kaliwag. Nang tila ay mapagod na silang lahat ay saka lamang sila huminto sa paghaharutan. Lahat sila ay naupo sa lupa nang naghahabol ng hininga dahil mga napagod. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil ako lamang sa kanila ang nakatayo. At baka mamaya ay lahat sila tumingala sa akin dahil makukuha ko ang atensyon nila. Hanggang sa tiningala na nga ako ni Javadd at nginitian. Sunod na tumingin sa akin ay ang mga bata na ngayon ay mga nakangiti na rin sa akin. At halata sa mga ngiti nila na naaalala nila ako. Ngunit hindi naman sila nagulat na muli kaming nagkita-kita ngayon. Tila nga ba inaasahan din nila ang pagdating ko. Kahit pa naiilang na ako dahil nga sa mga tingin nila ay nakaramdam na ako ng pagkailang. Isipin mo na lang na lahat sila ay nakaupo sa lupa habang ako naman ay nag-iisang nakatayo. Nilahad ko ang kamay ko kay Javadd para sana tuluyan na siya na tumayo. Mukha kasi na wala pang plano na tumayo ang mga bata. Kaya kay Javadd na ako naglahad ng kamay ay dahil umaasa ako na kung tatayo siya ay susunod na sa pagtayo ang mga bata. Tinanggap naman ni Javadd ang kamay ko. Ngunit hindi ko inasahan ang mga sumunod niyang ginawa. Dahil imbis na mahila ko siya para makatayo na siya ay hinila niya ako para mapaupo ako sa tabi niya. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakakilos. Napanganga na lamang ako habang tinitingnan ang paligid ng lupa na kinauupuan ko. Hindi naman ito ang unang beses na napaupo ako sa lupa dahil marami na rin naman akong napagdaanan na pagsasanay at mas matindi pa rito ang mga nangyayari. Sadyang nabigla lamang ako sa ginawa niya. Saka ko lamang naintindihan ang mga nangyayari nang marinig ko na ang malulutong na tawanan ng mga bata. Napatulala pa ako sa kanila dahil sa sarap nilang panoorin. Napatingin ako kay Javadd at hindi ko na rin napigilan pa ang matawa dahil tila ba nakikita ko na kung ano ang mga hitsura namin ngayon. Nakisabay ako sa tawanan nila at tila ba ngayon lang ako nakatawa nang ganito kalaya. Sobrang pigil ang kilos ko sa loob ng aming kaharian dahil ayon sa mga Vittorian ay may naaayon na kilos para sa isang prinsesa at tagapagmana. Dahil lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Lalo na ng mga Lavitran na naghihintay sa pagbagsak ko. Nang sa wakas ay matapos na ang tawanan namin ay isa-isa nang tumayo ang mga bata. Nakita ko na tumayo na rin si Javadd kaya patayo na rin sana ako pero naglahad na siya sa akin ng kamay para alalayan ako. Tinanggap ko naman iyon. Nagpagpag agad ako ng damit at umayos ng tayo. "Kain na tayo, mga bata," sabi ni Javadd at inabutan ang mga ng mga pagkain na dala namin. Iniabot na rin niya sa akin ang mga napili ko na kainin at nakangiti ko naman iyon na tinanggap. "Maraming salamat," sabi ko. Habang masaya na kumakain ang mga bata ay naglakad naman kami ni Javadd sa isang komportable na pwesto. Hindi naman kami sa kalayuan sa mga bata kaya naririnig pa rin namin ang mga tawanan at kwentuhan nila. "Mukhang talagang malapit ka sa mga batang iyon," sabi ko. Napangiti naman siya at tumango. Tiningnan niya ang mga bata na masayang kumakain. "Natutuwa kasi ako sa kanila. At naiinggit." Napakunot pa ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Hindi naman sa pagmamalaki ngunit bakit niya kaiinggitan ang mga bata na halata naman na walang-wala sa buhay. "Ano naman ang kinaiinggit mo sa kanila?" Hindi ko na napigilan pa ang magtanong. "Hindi tulad nila, wala akong kabataan," sabi niya at bigla na lamang din akong napaisip. Bigla ko na lamang napagtanto na tulad ni Javadd ay wala rin akong matatawag na kabataan. Nilingon ko rin ang mga bata. At ngayon ay tila ba nararamdaman ko na rin ang kanina lamang ay naguguluhan ako na kung ano ang kinaiinggitan niya sa mga bata. Dahil habang pinagmamasdan ko sila ay naiinggit na rin ako sa kabataan na mayroon at nararanasan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD