Chapter 62

2513 Words
Chapter 62 Ayesha's POV Kahit na hindi kami nagpapansinan ni Javadd ay hindi naman nakakaligtas sa akin ang maya't maya niyang sulyap. Kahit na gaano ko siya kagusto na sulyapan pabalik ay hindi ko ginawa dahil gusto kong ipakita sa kanya na talagang masama ang loob ko. At gusto ko rin muna na tuluyang mawala ang gutom ko bago siya harapin. Kapag kasi hinarap ko siya nang gutom ako ay baka mag-init lang ang ulo ko sa kanya. Ngunit iniisip ko pa rin naman ang sinabi niya kanina sa matandang kusinera na ako ay tagasilbi ni Javadd na isasama niya sa kanyang mga lakad. Sa totoo lang ay wala akong reklamo roon dahil mas pipiliin ko pa iyon kaysa makisalamuha sa ibang mga tagasilbi na hindi ko naman alam kung paano pakikisamahan. Kung gagawa rin ako ng mga gawain sa palasyo ay sigurado na papalpak lang ako dahil wala naman akong alam tungkol doon. Mas lalo naman sa gawain sa kusina. Wala yata akong ibang paglalagyan sa palasyo na ito. Kaya mas mabuti kung lagi nga lang akong kasama ni Javadd. Kung sa kanya ako sasama ay sigurado ako na magiging komportable ako. Sigurado kasi ako na kung sa loob ng palasyo ako itatalaga ay kakailaganin ko na mawalay sa kanya. At iyon ang ayokong mangyari habang nandito ako sa kanilang kaharina. Siguro ay ayaw rin ni Javadd na mawalay ako sa kanya at iyon ang naisip niyang paraan para lagi kaming magkasama. Ayos na sana ang lahat. Ang problema nga lang ay hindi kami ayos ni Javadd ngayon. Ayoko naman laging makasama ang lalaki na may sama ako ng loob. "Sinong may sabi sa iyo na ako ang tagasilbi na sasama sa mga lakad mo?" Sa wakas ay nagawa kong magtanong dahil tapos na akong kumain. Sakto rin naman na katatapos lang din ni Javadd sa kanyang pagkain. "Mas gugustuhin mo pa na magtrabaho rito sa palasyo kaysa ang makasama ako?" tanong niya at tumango ako. Hindi naman siya makapaniwala sa naging sagot ko. "Hindi mo na ba ako mapapatawad sa mga nasabi ko, Ayesha?" Mukhang may plano na naman siya na simulan ang usapan tungkol sa naging problema namin. Handa naman akong pagbigyan siya sa gusto niyang ito pero hindi sa lugar na ito mismo kung saan may mga nagbabantay na tagasilbi. Hindi kami pwedeng marinig ng mga ito. Sigurado naman ako na alam iyon ni Javadd ngunit tila ba wala siyang pakialam. Pakiramdam ko tuloy ay wala siyang pakialam kahit na may makahalata sa amin. Ang tanging nakikita ko lang sa mga mata niya ay ang kagustuhan na makausap na ako. Sa tingin ko ay hindi ko dapat ginagalit si Javadd lalo na sa harap ng madaming Algenian dahil hindi talaga siya magpapaawat sa mga gusto niyang pag-usapan. Hindi niya iniisip ang sitwasyon namin. "Tapos na akong kumain, Javadd. Mauuna na ako," sabi ko at tumayo na. Ngunit bago ko pa man siya matalikuran ay napigilan na naman niya ako sa braso kahit pa may lamesang pumapagitna sa amin. Sinamaan ko siya ng tingin para sabihin na maraming Algenian ang nakapaligid sa amin. Ngunit hindi ko man lang siya nabakasan ng pag-aalinlangan. Napansin ko na ang kakaibang tingin sa amin ng mga tagasilbi ngunit hindi man lang natinag si Javadd at talagang naglakad pa siya palapit sa akin. "Ano bang problema mo?" tanong ko na halos pabulong na. "Kausapin mo naman ako nang ayos, Ayesha," sabi niya na sa tingin ko ay narinig na ng ibang tagasilbi dahil nagkatinginan na sila. Dahil sa inis ko ay hinila ko na si Javadd palabas ng hapag-kainan para lang makaiwas na sa mga tingin ng mga nandito. Hindi naman na nagmatigas pa si Javadd at nagpatangay rin naman sa akin. Hindi ko alam kung hanggang saan ko plano na dalhin si Javadd dahil paglabas pa lang namin ng hapag ay marami pa rin pala ang makakakita sa amin. At mas lalong hindi pala magandang ideya ang kinaladkad ko sya dahil ngayon ay bakas na sa mukha ng mga Algenian na hila-hila ko ngayon ang kanilang prinsipe. Nakikita ko pa ang mga bulungan nila. Tila wala namang pakialam si Javadd at hinahayaan lang ako na tangayin siya. Hindi naman pwede na basta na lamang ako tumigil sa gitna ng mga tinginan na binibigay sa akin. Narinig ko pa nga ang buntong hininga ni Javadd nang mapagtanto niya na ang tanging gusto ko ay makalayo sa mga ito ngunit wala naman akong maisip na plano. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagbawi niya sa kanyang palapulsuhan at pagdausdos naman ng kanyang kamay sa aking kamay. At kung kanina ay siya ang hila-hila ko, ngayon naman ay ako na ang hila-hila niya. At habang patuloy siya sa paghila sa akin ay padalang naman nang padalang ang mga Algenian na nakakasalubong namin. At mabuti na lamang dahil mukhang nahahalata na niya na angtanging gusto ko lang sa ngayon ay ang makatakas sa mapanuring mata ng mga nandito sa palasyo. Umakyat kami sa itaas at sa tingin ko ay ihahatid na muna niya ako sa aking silid dahil natatandaan ko na ito ang daan papunta roon. Ngunit pinagtakha ko kung bakit nilagpasan niya ang pinto ng tinutulugan kong silid. Hanggang sa huminto naman siya sa hindi kalayuang pintuan at binuksan niya iyon. At kapapasok ko pa lang ay bumungad na agad sa akin ang laki ng silid na pinasukan namin. Kasing laki yata ng silid ko sa aming palasyo. At hindi ganito ang mga ordinaryong silid kaya nababatid ko na silit ito ni Javadd. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang magtakha ako kung bakit dito ako dinala ni Javadd kaya agad ko siyang nilingon. "Anong ginagawa ko rito?" tanong ko at nagkibit balikat siya. "Wala na kasi akong iba pang maisipi na maaari kong pagdalhan sa iyo kaya dito na lang kita dinala," sabi niya at hindi ko alam kung sapat na dahilan na ba iyon. "Alam ko naman na hindi ka mapapakali hangga't napapaligiran tayo ng mga Algenian. Kung ako lamang ay wala akong pakialam kahit na pag-usapan nila tayo," sabi niya at napaawang ang bibig ko. Tama nga ang hinala ko na wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya. At dahil nabuksan na rin naman niya ang usapan na iyon, siguro ay oras na para komprontahin siya sa bagay na iyon. "Yaman din lamang at nabanggit mo na ang bagay na iyan, bakit nga ba tila wala kang pakialam kahit mapag-usapan tayo?" tanong ko at humalukipkip sa harapan niya. "Hindi ko alam, Ayesha. Ang tanging alam ko lang ay walang makakapigil sa akin pagdating sa iyo," sabi niya. Binuka kong muli ang bibig ko para sana magsalita ngunit muli ay wala na namang lumabas na ano mang salita. Gusto ko siyang kagalitan dahil mali ang gusto niyang mangyari. Ngunit hindi ko rin naman magawa na sawayin siya dahil natutuwa ang puso ko. "Ngunit hindi pwede ang ganyan nang ganyan, Javadd. Mahuhuli nila tayo," sabi ko at at ngumiwi siya. "Ano naman ang huhulihin nila sa atin, Ayesha? Wala naman tayong relasyon. Hindi rin naman siguro nila iisipin na may namamagitan sa atin sa simpleng kilos lang natin," sabi niya. "Hindi ito simpleng kilos lang, Javadd. Subukan mo kasing tumingin sa paligid mo nang makita mo ang mga tingin nila sa atin," sabi ko ngunit may paninindigan talaga si Javadd na wala siyang pakialam. At kung magpapatuloy siya sa katigasan ng ulo niya ay hindi ko na alam kung paano pa siya mapapasunod. Sa tingin ko ay kaya ko siyang mapasunod sa ibang bagay ngunit hindi sa usaping ito. At nakakaramdam na ako ng pagkapagod na makiusap sa kanya. Sa tingin ko, tuwing may hindi kami pagkakaunawaan ni Javadd ay lagi siyang magkakaganito. May katigasan din pala talaga ang ulo niya. Nagulat na lamang ako nang biglang humakbang si Javadd paabante sa akin kaya sobrang lapit na namin sa isa't isa. Handa na sana akong itulak siya palayo ngunit bigla na lamang akong na-estatwa nang banayad niya akong hawakan sa magkabilang braso. Hindi ko na nagawa pang makakilos at hinayaan ko na lamang siya na hawakan ako. "Magbati na tayo, Ayesha. Hindi ko na kaya." Nag-iwas ako ng tingin dahil kapag patuloy kong nakita ang nangungusap niyang mga mata ay alam ko na hindi na ako makakatiis pa at papayag na akong makipag-ayos sa kanya. Para sa akin kasi ay hindi pa sapat ang tagal ng pagtiis ko sa kanya. Nakukulangan pa ako. "Unang away natin 'to. At hindi ko gusto ang pakiramdam," sabi pa niya. Nanatiling nakaiwas ang mga mata ko sa kanya ngunit nakikinig ako sa mga sinasabi niya. At tama naman siya. Ito ang unang beses na nag-away kami. Ngunit hindi lang siya ang may ayaw sa ganitong pakiramdam. Dahil tulad niya ay hindi ko rin gusto sa pakiramdam na magy tampuhan kami. Ngunit sa kanya na rin mismo nanggaling na hindi niya gusto ang pakiramdam na ito. Kaya sa tingin ko naman ay hindi na niya gugustuhin pa na muli kaming magkatampuhan. Kaya siguro naman ay hindi na niya uulitin pa iyon. Dahil iisipin niya na magkakaganito ulit kam kapag sinabihan niya ulit ako ng kung anu-ano. Alam ko naman na hindi na rin magtatagal ang pagtiis ko sa kanyang ito kaya hindi ko na pahihirapan ang sarili ko sa pagtiis sa kanya. Bumuntong hininga na rin ako bilang pagsuko sa lahat ng ito. "Nasaktan talaga ako sa naging paratang mo sa akin kanina, Javadd. At kapag naulit pa iyon ay hindi ko na alam kung mapapatawad pa kita. Mangako ka muna na hindi mo na iyon uulitin," sabi ko at sunud-sunod naman ang ginawa na pagtango ni Javadd. "Pangako, Ayesha. Hindi na mauulit ang bagay na iyon," aniya at napangiti naman ako dahil kitang-kita ko ang senseridad sa mga mata ni Javadd. Ginulo ko ang buhok niya na parang bata at parehas kaming natawa. "Bati na tayo?" tanong pa niyang muli bilang paninigurado. Ngumiti naman ako at tumango. "Oo, Javadd. Matitiis ba naman kita?" Matapos kong sabihin iyon bigla na lamang siyang nagseryoso kaya nagtakha ako. Bakit naman kaya bigla-bigla nagbabago ang mood ng isang ito. "Ang akala ko talaga ay matitiis mo na hindi ako pansinin. Natakot talaga ako kanina," seryoso niyang sabi na kinangiti ko. At hindi panunuya ang ngiti ko. Napangiti ako dahil nakita ko nga ang takot niya kanina. Kaya nga naging sobrang hirap para sa akin ang hindi siya pansinin. "Hindi, Javadd. Hindi kita kayang tiisin." Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko. Bigla siyang napapitik sa hangin nang tila ay may maalala. "May ipapakita nga pala ako sa iyo, Ayesha," sabi ni Javadd at nagulat na naman ako nang muli niya akong hilahin ngunit hindi palabas ng kanyang silid. Sa tingin ko ay papunta kami ngayon sa balkonahe ng kanyang silid. Bigla akong nakaramdam ng pagkasabik na makita iyon. Gusto kong makita kung anong uri ng tanawin ang mayroon si Javadd rito sa kanyang silid. Hindi nga ako nagkamali dahil talagang ang balkonahe nga sa kanyang silid ang tinungo namin. Buong pagmamalaki niyang pinakita sa akin ang tanawin at hindi ko maiwasan ang mamangha. Sa tingin ko ay ang buong Algenia ang natatanaw ko. At sa tingin ko ay nakuha ng silid niya ang pinakamagandang tanawin sa buong kahariang ito. Hindi tulad ng balkonahe ng aking silid na likuran ng palasyo kaya mangilan-ngilan lang ang naaabot ng aking paningin. Kung ganito kaganda ang pwesto ng aking silid, sigurado ako na madalas akong tatambay sa balkonahe kahit na ang tangi ko lang namang gagawin ay ang tumanaw sa ibaba. "Ang ganda," namamanghang sambit ko. Kahit na magkalaban ang aming mga lahi at kaharian ay hindi ko naman itatanggi ang ganda ng Algenia. Ngunit syempre, mas maganda pa rin para sa akin ang Vittoria. "Nagustuhan mo ba?" tanong ni Javadd. Hindi ko alam kung bakit kinakailangan pa niyang tanungin ako ng ganoon gayong sigurado naman ako na kitang-kita sa mukha ko ang pagkamangha. "Oo naman, Javadd. Sobrang ganda kaya." Natawa si Javadd sa naging reaksyon ko at napailing siya. Ngunit agad rin naman niya akong tiningnan sa mga mata. "Mas maganda ka pa rin, Ayesha." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Pinipigilan ko ang mapangiti kaya ang tangi ko lang nagawa ay ang magtaas ng kilay sa kanya. Mas lalo namang lumapad ang mga ngiti ni Javadd at tumanaw nang muli sa kanilang kaharian. Ginaya ko na lamang ang ginawa niya at tinanaw ko rin ang kaharian ng Algenia. Sandali ring nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Javadd dahil wala kaming ibang ginagawa kundi ang tumanaw sa ibaba. Nakuntento na rin naman kaming parehas sa ganito. Mukhang masarap tumambay dito sa silid ni Javadd. Pakiramdam ko ay mapapadalas ako rito. Wala naman sigurong ibang napasok dito kaya walang magiging problema. Bigla na lang tyloy naglakbay ang isip ko dahil doon. Biglang hindi ako naging sigurado na wala ngang ibang nakakapasok dito. Dahil ngayon pa lang ay naiisip ko nang paano kung madalas may dinadalang babae rito si Javadd? Paano kung ilang babae na rin pala ang pinapasok niya rito? At kung may pinapapasok nga siya rito, ano naman ang ginagawa nila? Pinapakita rin ba niya sa ibang babae ang tanawin na ito? Ngunit paano kung hindi lang pala basta pagtingin sa tanawin ang ginagawa nila? Nabaling tuloy ang tingin ko sa malambot na higaan ni Javadd na nasa loob. Hindi ko kinakaya ang mga imahe na naglalaro sa utak ko. "Ayesha?" tawag sa akin ni Javadd nang tila ay mabasa ang mga tanong sa isip ko kaya nilingon ko agad siya. Hindi ko rin naman kayang hindi sabihin sa kanya ang mga nasa isip ko dahil alam ko na maghahanap ako ng kasagutan. "May problema ba? Mukhang malalim ang iniisip mo," puna niya sa akin. "May tanong lang ako, Javadd," sabi ko at ngumiti siya. Makangiti pa kaya siya sa akin kapag narinig niya ang tanong sa aking isip? "Ano iyon, Ayesha? Sige, magsalita ka." Alanganin kong sinagot ang mga ngiti niya kaya napakunot ang noo niya. Kahit na alam kong nagtatakha na siya ay hinintay pa rin naman niya akong sumagot. "Gusto kong malaman at sana ay sagutin mo nang tapat...may ibang babae na ba ang nakapasok dito bukod sa akin?" Sa wakas ay nagawa kong bitiwan ang tanong na iyon. Napaawang naman ang bibig niya dahil halata na hindi niya iyon inaasahan. Alam ko na nakakatawa iyon ngunit sana ay huwag naman niya akong tawanan sa bagay na ito. Halata naman kay Javadd na gusto niyang matawa dahil sa tanong ko. Siguro ay hindi niya lang magawa dahil nga sa kagagaling lang namin sa matinding tampuhan. "Oo, Ayesha, mayroon naman nang ibang babae na nakapasok dito sa aking silid," aniya at hindi ko napigilan anv literal na pagbagsak ng balikat ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang sakit na nararamdaman ko. Parang maling-mali na nagtanong pa ako. Dapat pala ay hinayaan ko na lamang ang lahat ng iyon sa isip ko lamang. Ako lang din pala ang magiging dahilan ng sakit sa sarili ko. Isang pilit na ngiti na lamang ang nagawa kong isagot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD