Chapter 63
Ayesha's POV
Alam ko naman na wala akong karapatan na makaramdam ng ganito. Dahil bukod sa wala naman talaga kaming ugnayan ay siguro naman na nakapasok ang mga babaeng tinutukoy niya noong hindi pa kami magkakilala. Napakunot ang noo no Javadd nang hindi na ulit ako nagsalita. Tila ba tinitimbang niya kung ano ang nasa isip ko. At alam ko na malalaman din niya ang tumatakbo sa isip ko.
At hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na ayos lamang ang lahat kahit pa halata sa aking mukha na hindi na ayos ang pakiramdam ko sa silid na ito. Nanatili ang mga tingin sa akin ni Javadd kaya nginitian ko na lamang siya. Naniningkit na rin ang mga mata niya dahil sa ginagawa niyang panunuri sa akin.
"Ano ang iyong iniisip, Ayesha?" tanong ni Javadd kahit pa halata na sa kanya na mayroon na siyang ideya sa kung ano man ang naglalaro sa aking isip ngayon. At talagang nakakahiya ang iniisip kong ito dahil tila ba nagmumukhang madumi ang isip ko dahil lamang sa bagay na ito.
Ngunit bakit nga ba ako mahihiya sa mga iniisip ko gayong naging ganito rin naman kadumi ang iniisip ni Javadd sa akin kanina. Kaya sa tingin ko ay maiintihan niya ang pagtatanong ko. Hindi ko naman siya paparatangan ng kung anu-anong masasakit na salita tulad ng ginawa niya sa akin kanina.
"Gaano kadaming babae na ang nadala mo rito?" Saglit na natigilan si Javadd dahil sa naging tanong ko. Hindi naman na siya nabigla ngunit naghagilap siya ng tamang reaksyon sa naging tanong. Halata rin sa kanya na nagiging maingat na siya sa kanyang mga sinadabi at kinikilos. Ngunit alam ko naman na sa una lang ito.
Hanggang sa maputol ang katahimikan niya nang dahil na rin sa sarili niyang tawa. Napakunot ang noo ko at napailing siya.
"Ano bang ibig mong sabihin sa tanong mong iyon, Ayesha?" natatawa niyang tanong na tila ba hindi makapaniwala na maaaring pumasok sa isip ko ang ganoong klase ng mga bagay.
"Bakit, Javadd? Anong inisip mo sa tanong kong iyon?" tanong ko at muli siyang napailing.
"Tingin mo ba ay kung sinu-sinong babae na ang pinapasok ko rito para lang...alam mo na?" tanong niya at napaiwas ako ng tingin dahil iyon naman talaga ang nasa isip ko. Ngunit nang hindi siya sumagot ay muli ko siyang binalikan ng tingin.
"At ano naman ang maaaring dahilan ng pagpapapasok mo sa kanila kung hindi ang...alam mo na?" tanong ko para subukan siya ngunit hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa labi.
"Alam mo, Ayesha, kung nilinaw mo lang ang tanong mo, hindi sana tayo parehas naguguluhan nang ganito," sabi niya kaya napakunot ang noo.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Totoo naman ang sinabi ko na may mga nakapasok nang babae rito sa aking silid. Ngunit para lang sa pagkakaalam mo, hindi ko sila dinala rito. Pumapasok sila upang maglinis. Ang mga babaeng nakapasok na rito sa aking silid ay mga tagasilbi lamang at. At panahihintulutan ko lamang sila na pumasok dito at maglinis kapag wala ako." Hindi agad ako nakapaghanap ng salita na maaari kong isagot sa sinabi niyang iyon.
Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o nagpapalusot lang pero kahit papaano naman ay nakaramdam ako ng kapanatagan. Iyon kasi ang gusto kong marinig marinig mula sa kanya kaya siguro madala na sa akin ang iyon ay paniwalaan. Bakit nga ba hindi agad iyon pumasok sa isip ko? Bakit naglakbay agad sa kung saan ang diwa ko? Ngunit hindi niya naman ako masisisi dahil nagtanong muna ako sa kanya bago ako nag-isip ng masama.
Ang problema nga lamang ay magkaiba pala ang takbo ng isip namin ni Javadd sa tanong kong iyon. At doon ko napatunayan kung gaano ka-puro ang pagkatao niya. Walang bahid ng ano mang malisya ang isip niya. At kaya niya lang nasabi ang mga salitang iyon sa akin kanina ay dahil na rin sa kanyang emosyon. Na naiintindihan ko naman dahil ganoon din ang mararamdaman ko kung nasa ganoong sitwasyon ako.
"Ayesha, nais kong masaktan sa mga iniisip mo sa akin ngunit mas nangingibabaw ang pagkaaliw ko sa iyo," aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ayokong pinagkakatuwaan at pinagtatawanan niya ang mga aksyon ko pero aminado naman ako na kasalanan ko rin ang lahat kaya minsan ay hindi na niya mapigil pa ang matawa sa akin.
"Hindi ang tanong ko ang magulo, Javadd kundi ang sagot mo," sabi ko at muli siyang natawa.
"Ayesha, hindi naman talaga malinaw ang tanong mo. Malay ko rin ba naman na ang iniisip mo pala sa pagpapapasok ng isang lalaki sa kanyang silid ng isang babae ay ganoon na agad. Ang ibig bang sabihin nito ay iyon agad ang pumasok sa isip mo nang pinapasok kita rito?" tanong ni Javadd na kinatameme ko. Bakit bigla niya akong binawian ng ganito? Agad naman akong nag-isip ng pwede kong sabihin dahil hindi naman ako papayag na ganito ang isipin niya sa akin.
"Javadd, magkaiba ang maaari naming maging pakay rito. Dahil ako, pumasok ako rito nang walang malisya." Napangiwi siya dahil sa naging dahilan kong iyon at tila hindi siya kumbinsido.
"Kahit na ano pa ang sabihin mo, Ayesha ay hindi nito mababago ang katotohanan na may ganoong uri ka pala ng tingin sa isang babae at isang lalaki sa iisang silid. Tayong dalawa lamang ang nandito, Ayesha. Iba rin ba ang iniisip mo na gagawin natin?" pang-aasar ni Javadd at nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla.
Tuluyan na nga akong hindi nakaimik dahil doon. Hindi ko alam na kayang-kaya ni Javadd na ibalik sa akin ang lahat ng ito. Ngunit totoo naman ang sinabi ko na pumasok ako rito sa kanyang silid nang walang malisya.
"Hindi totoo iyan, Javadd," protesta ko ngunit nakita ko na naman ang mga mapang-asar niyang ngisi. Ngunit hindi rin nagtagal, ang mga ngisi niya ay napalitan ng kaseryosohan na kinatakha ko dahil biglaan ang pagpapalit niya ng mood.
"Ngunit walang halong biro, Ayesha, wala pang ibang nakakapasok dito sa aking silid na ibang babae kundi ang mahal na reyna at pinakamatandang tagasilbi na siyang kinuha ko na tagalinis." Kitang-kita ko naman ang katotohanan sa mga mata ni Javadd at talagang nagpaliwanag pa siya. Talagang ayaw niya na may masama at may iba akong iniisip sa kanya. Nakikita ko na ang tanging nais ni Javadd ay ang maging buo ang tiwala ko sa kanya.
"Naniniwala ako, Javadd," sabi ko at muling bumalik ang mga ngiti niya sa labi nang marinig ang sinabi kong iyon.
"Talaga?" tanong niya at sinuklian ko naman ang mga ngiti niya nang may kasamang tango. "Pero may isang bagay ka pa na hindi nalalaman," sabi niya kaya napakunot na naman ang noo ko. Magaling talaga si Javadd sa pambibitin sa akin. Sa tuwing may mga sasabihin siya na alam niyang pag-iinteresan ko ay hindi agad niyasasabihin. Talagang kailangan na magtanong pa ako ng kung ano iyon bago niya bitiwan.
"Ano na naman iyon, Javadd?" tanong ko para lang matapos na ang ginagawa niyang pambibitin sa akin. Ngumiti si Javadd at pumwesto sa likuran ko. Hindi pa ako makakilos mula sa kinatatayuan ko dahil wala akong ideya sa kung ano ang plano niyang gawin at talagang sa likuran ko pa siya pumwesto.
Nanlaki pa ang mga mata ko at mas lalo na akong na-estatwa nang maramdaman ko ang pagpatong ng magkabilang kamay niya sa magkabila kong balikat. At kasalukuyan namin ngayong hinaharap ang kabuuan ng balkonahe ng kanyang silid.
"Alam mo ba na ikaw pa lamang ang kauna-unahan na nakapunta rito sa balkonahe ng aking silid?" sabi niya at hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon. At hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba iyon.
Ilang sandali na rin ang lumipas mula nang sinabi niya iyon ngunit hindi pa rin ako makahanap ng dapat kong sabihin. Parang napaka-imposible naman kasi ng sinasabi niya. Siguro naman ay may mga tagasilbi rin na naglilinis dito kaya siguro ay hindi literal na una ang sinasabi niya.
"Hindi ka na naman naniniwala," sabi niya at napabuntong hininga pa siya. Dahil sa alam niyang nahihirapan akong paniwalaanang sinabi niya ay naglakad siyang muli para harapin ako. May kinuha siya sa bulsa ng kanyang suot at itinapat niya sa mukha ko ang isang susi na kinuha niya roon.
"At ano naman 'yan?" taas kilay kong tanong dahil ang akala yata ni Javadd ay manghuhula ako para mahulaan kung ano ang nais niyang sabihin sa mga ipapakita niya sa akin. Natawa siya nang kaunti nang mahalata sa tono ko ang pagkapikon. Kaligayahan niya talaga ang asarin ako.
"Ito lang ang nag-iisang susi ng pinto ng balkonahe na ito. At tuwing umaalis ako ay sinisigurado ko na nakakandado ito. Kaya kahit na maglinis dito ang mga tagasilbi o pumasok ang mahal na reyna ay hindi nila mararating ang parteng ito ng aking silid." Hindi ko pa rin magawa na paniwalaan ang sinabi niya dahil sobrang linis ng balkonahe na ito na tila ba may mga tagasilbi na naglalaan ng oras para linisin ito. Mas malinis pa nga yata ito kaysa sa balkonahe ng silid ko na laging nililinis ng aming mga tagasilbi.
"Hindi ako naniniwala, Javadd," sabi ko at muli siyang natawa.
"Hindi naman na ako nagulat pa. Alam ko naman na hirap ka talaga na paniwalaan ang mga sinasabi ko." Nagtono pa siya ng nasasaktan ngunit halata naman na umaarte lang siya kaya imbis na kaawaan ko siya iniripan ko siya. Natawa na naman siya dahil sa ginawa ko. Sandaling oras pa lang kaming nagkakasama ni Javadd sa araw na ito ngunit hindi ko na mabilang pa ang daming beses na nagawa niya akong pagtawanan.
"Huwag ka ngang maarte riyan, Javadd. Kahit na anong sabihin mo ay hindi ako maniniwala," sabi ko pa kahit na sa totoo lang ay umaasa ako na totoo ang sinabi niyang iyon. Sigurado ako na sobrang sarap nu'n sa pakiramdam kaya sana nga ay totoo.
"Sabihin mo nga sa akin, Ayesha, ano ba ang hindi kapani-paniwala sa sinabi kong iyon? Hindi ba iyon isang pangkaraniwan na katotohanan?" tanong ni Javadd at nag-isip agad ako ng dahilan. Ngunit ano nga ba ang dahilan ko? Ang simpleng katotohanan na sobrang linis ng balkonaheng ito? Sigurado ako na magmumukha na naman akong katawa-tawa kay Javadd. Ngunit anong magagawa ko kung talaga namang iyon ang dahilan ko? Wala naman sigurong mawawala kung sakali man nga na iyon ang ibigay kong rason sa kanya.
"Kasi sobrang linis ng balkonahe mong ito," sabi niya at napakunot ang noo niya kasunod ang isang ngiwi dahil sa pagtatakha sa binigay kong dahilan.
"Ano naman ngayon kung sobrang linis nitong balkonahe ko? Ngayon ka lamang ba nakakita ng malinis na balkonahe? Hindi ba at isa kang tagasilbi sa kaharian ninyo? Marurumi ang balkonaheng nililinis ninyo? Hindi lo makuha ang koneksyon, Ayesha." Napapikit ako nang mariin dahil hindi pala nakuha ni Javadd ang ibig kong ipakahulugan. Hindi niya agad nakuha ang punto ko. May kabagalan din palang mag-isip ang isang ito.
"Malamang, Javadd na imposibleng walang tagasilbi ang naglilinis dito. Sa linis ng balkonahe na mayroon ka ay sigurado ako na araw-araw pa itong nililinis. Ayos lang naman sa akin kung may iba nang babae ang nakapasok dito tulad sa loob ng iyong silid. Ang pagpasok dito ng isang tagasilbi ay katanggap-tanggap. Hindi mo na kailangan pa na magsinungalong,"sabi ko at nasapo na lamang ni Javadd ang kanyang noo dahil sa labis na siyang problemado sa akin. Pakiramdam ko rin kasi ay kung anu-ano na ang pinagsasabi ko.
"Hindi ako nagsisinungaling, Ayesha. Anong magagawa ko kung wala pa talagang nakakapasok dito. At saka isa pa, kaya malinis ang balkonahe kong ito ay dahil ako mismo ang naglilinis dito." Mas kinabigla ko pa ang sinabi niya. Si Javadd na isang prinsipe? Maglilinis ng balkonahe? Ako nga ns isamg prinses at isa ring babae ay hindi pa nararanasan ang magligpit, si Javadd pa kaya?
Habang padami nang padami ang sinasabi niya ay padami rin nang padami ang mga hirap kong paniwalaan. Ewan ko, ngunit ang mga sinasabi ni Javadd ay lubhang mahirap paniwalaan.