Chapter 4
Ayesha's POV
Hindi ko alam kung naniniwala ba si Javadd sa sinabi ko na isang kaibigan lamang ang nagturo sa akin na mangabayo. Hindi kasi biroang gawing ito lalo na sa mga babae na tulad ko. Mas nakakaduda pa iyon dahil isa lamang akong tagasilbi sa paningin niya kaya alam niya na wala akong sapat na oras para matutunan ang lahat ng mga kailangan kong malalaman.
Kakailanganin ng maraming oras ang pagsasanay na mangabayo at walang sapat na oras ang mga tulad ko na tagasilbi dahil abala kami sa paglilingkod sa mga maharlika na pinagsisilbihan namin. Mabuti na lamang din at wala na gaanong naging tanong pa si Javadd dahil nga sa abala siya sa pagsuri sa kabuuan ko kung may natamo ba ako na ano mang galos na sanhi ng aksidente na nangyari.
Makailang beses din siya na umikot sa akin para lang masiguro na ayos ako. Nang makuntento na siya sa kanyang panunuri ay huminto na siya sa tapat ko at muli na lamang akong hinarap. Halata pa rin sa kanya ang labis na pag-aalala ngunit halata rin sa mukha niya na handa rin siya na pagalitan ako ano mang oras.
Pakiramdam ko na kapag nagsimula nang bumuka ang bibig niya ay hindi na siya paaawat pa sa pagsasalita kaya mas minabuti ko nang magsalita na.
aa"Ayos lamang ako, Javadd. Nakikita mo, wala ako na ano mang galos sa katawan," sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko alam kung paano mawawala ang pag-aalala sa kanya pero hindi ko naman pwedeng basta na lamang aminin na bihasa ako sa kabayo kaya hindi na dapat pa siya na mag-alala.
"Babae ka pa rin, Ayesha. Dapat ay kumilos ka nang naaayon sa iyong kasarian. Huwag kang kumilos na tila sinanay ka para sa isang pakikidigma," sabi ni Javadd at alam ko na nahalata niya ang pagiging bihasa ko sa pangangabayo. Tumango na lamang ako para lang matapos na ang mga pangaral niya sa akin at baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
"Oo na, Javadd. Natakot din naman ako ngunit hindi ko na lamang pinahalata sa bata dahil baka maging siya ay matakot," sabi ko na lamang kahit pa sa totoo lang ay wala akong naramdaman na ano mang takot dahil alam na alam ko at sigurado na sigurado ako na mpapahinto ko sa pagwawala ang kabayo. Bagay na hindi naman ako nagkamali dahil nagawa ko nang maayos.
"Talaga ba, Ayesha? Tila wala man lang akong nakita na ano mang kaba sa iyong mukha habamh nakasakay ka sa kabayo." Isang kibit balikat na lamang ang sinagot ko kay Javadd dahil ayoko na mahuli niya ako. Kapag hindi pa siya tumigil sa kakasalita niya ay baka mas marami pa siyang malaman.
"Totoo ang sinabi ko, Javadd. Dahil nga rin sa takot na iyon ay nakaramdam ako ng gutom. Kaya nais ko na kumain na muna." Napailing na lamang si Javadd at napabuntong hininga.
"Kakakain lang natin. Heto ka at gutom na gutom na naman?" Hindi naman siya nagrereklamo. Sadyang hindi lang siya makapaniwala na nagugutom na naman ako gayong kakakain pa lang namin bago maganap ang aksidente. Wala naman akong magagawa kung bigla na lamang akong ginutom eh. Hindi ko naman na iyon kasalanan dahil hindi ko naman kontrolado ang kalam ng sikmura ko.
"Hindi ko naman kasi natapos ang pagkain ko, Javadd. Para namang hindi mo alam na natapon ang pagkain ko nang dahil sa pagmamadali ko na masagip ang bata," sabi ko at tinuro ko pa ang pagkain ko na ngayon ayt nagkalat na sa lupa. Sa kaharian namin ay tinatapon lang namin ang mga tira-tirang pagkain. Ngunit dito sa Kaliwag ay pinanghihinayangan ko ang mga natapon na pagkain dahil sa alam ko kung gaano kasarap ang mga iyon.
Pero sa kabila ng madami niyang sinabi ay pinagbigyan niya rin naman ako at niyaya na sa isang kainan na madalas niya raw na kinakainan.
Bago ko tuluyan na nilisan ang lugar na ito ay iniikot ko muna ang paningin ko sa paligid upang tingnan at hanapin ang batang si Boki para kumustahin. At nakita ko naman siya hindi kalayuan. At mula rito ay tanaw ko na tila ay pinapagalitan pa rin siya ng kanyang ina na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit sino naman ay matatakot at mag-aalala kung makikita ang sitwasyon ni Boki kanina na bakas na bakas sa mukha ang takot at pagmamakaawa na tulungan siya.
Nilingon ako ng ina ni Boki. Inayos niya ang kanyang anak at pinunasan ang mga luha nito bago inakay pabalik sa akin. Nginitian ako ng ina niya.
"Maraming salamat po sa ginawa ninyong pagligtas sa anak ko. May katigasan kasi talaga ang ulo nito. Bihira lamang ang may nalalaman sa pangangabayo lalo na at isang babae. Kaya kung wala kayo ay nasisiguro ko na mahihirapan akong makakuha ng tulong. Siguradong may masama nang nangyari sa anak ko," sabi nito at napangiti ako. Bakas sa mukha niya ang labis na pasasalamat dahil sa ginawa ko at wala iyong ano man sa akin. Nagkataon lamang na may nalalaman ako sa pangangabayo.
"Wala iyon. Ngunit sana ay hindi na iyon maulit. Lubhang delikado ang kinalagyan niya." Tumango ang ina niya at nagpasalamat din naman sa akin ang bata na si Boki. Ilang sandali lang din ay nagpaalam na sila sa amin. nagpaalam na rin.
Nang makalayo na sila sa amin ni Javadd ay muli ko itong nilingon. Napailing na lamang siya ngunit halata naman na masaya siya sa naging pasasalamat ng mag-ina na tinulungan ko. At iba sa pakiramdam ang bagay na iyon dahil ito ang unang pagkakataon na may tinulungan ako ng ganoon.
Sa kaharian kasi namin ay hindi ko magawa ang mg aganoong bagay dahil hindi ako hinahayaan ng mga magulang ko. Lalo na ng inang reyna. Mahigpit ang ginagawa niyang pagpapalaki sa akin at hindi ko naman alam kung bakit. Sa ginagawa niyang pagpapasunod sa akin ay tila wala siyang tiwala kaya lahat na lamang ng gawin at desisyon ko ay pinanghihimasukan niya . Wala naman akong nakikita na mali sa ginagawa niyang iyon pero iyon lang talaga ang napapansin ko.
Totoo naman ang sinabi ko kay Javadd na nagugutom na ako. At mas lalo pa akong nagutom nang dalhin na niya ako sa kainan at makita ko ang mga pagkain na nakahilera sa isang mesa. Hindi lamang sila mukhang masasarap kainin kundi mababango pa. Bakit kaya walang ganitong uri ng mga pagkain ang hinahain sa amin gayong mukhang mas masasarap pa ang mga ito kung ikukumpara sa mga hinahain sa aming hapag na hindi man lang nakakakuha ng atensyon at hindi rin nakakagana ang amoy.
"Pumili ka na ng mga nais mong kainin, Ayesah. Ako na ang magbabayad ng lahat," sabi niya habang maging siya ay tumitingin din ng kanyang kakainin. Hindi ko tuloy mapigilan na mag-alala para kay Javadd dahil alam ko naman na hindi ganoon kalakihan ang kinikita ng isang kawal kaya baka kapusin siya sa salapi. Hindi ko rin naman pwedeng alisin sa isip ko ang posibilidad na may pamilya pa siya na binubuhay.
At kung makikisalo pa ako sa gastos nila ay baka hindi na kayanin ni Javadd na pasanin ang bayarin. Samantalang ako na nililibre ay hindi hamak na may mas malaking salapi kahit na hindi ako magtrabaho. Pinaghirapan ni Javadd ang salapi niya na ginagastos para sa akin at alam ko naman na wala akong karapatan doon.
Kaya kahit pa sinabi na ni Javadd na siya na ang sasagot sa magagastos namin ngayon ay nilabas ko pa rin ang aking pitaka at iniabot sa kanya. Nahinto tuloy siya sa kanyang pamimili ng pagkain para magbaba ngt tingin sa inaanbot ko sa kanya. Hindi niya tuloy naiwasan ang mapakunot ang noo nang makita kung ano ang hawak ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinaasan naman niya ako ng kilay bilang pagtatanong.
"Ano iyan?" tanong niya at hindi ko maiwasan ang mapangiwi. Bigla tuloy akong napatingin sa pitaka na inaabot ko sa kanya dahil baka nagkamali ako ng dukot sa bulsa ko at hindi ito pitaka. Ngunit nakita ko naman na pitaka ito kaya hindi ko alam kung bakit tinanong pa niya kung ano ito gayong halatang-halata naman na lalagyan ito ng salapi.
"Pitaka?" patanong ko pang sagot dahil baka iba ang tawag nila rito sa ganito. Siguro naman ay hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng pitaka?
"Alam kong pitaka iyan," sabi niya. Alam naman niya pala pero bakit nagtatanong pa siya? "Pero bakit mo inaabot sa akin ang iyong pitaka? Ano naman ang gagawin ko riyan?" Napairap na lamang ako dahil may kababawan din pala siyang taglay. Mukha lang palang matalino si Javadd.
"Ako na ang magbabayad ng mga kakainin natin. Sige na." Sa pagkakataon na ito ay si Javadd namang napangiwi dahil sa sinabi ko. At sa mga ngiwi pa lang niya ay alam ko na agad na tatanggihan niya ang alok ko. Alam ko na hindi siya papayag na ako ang magbabayad sa lahat. "Marami akong baon na salapi," sabi ko pa pero umiling siya.
"Marami rin akong baon na salapi," aniya at muli nang nagpatuloy sa pagpili ng kanyang makakain. Sa dami ng pamimilian ay alam ko na maging ako ay mahihirapan din.