Chapter 28
Ayesha's POV
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko plano na magpanggap na galit kay Javadd dahil ang tangi ko lamang alam ay kailangan ko na gumanti. Hindi ako makakapayag na pagtatawanan niya ang pagkakatitig ko sa kanya kanina nang inuunan niya ang aking mga hita. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang pagkakatitig ko sa kanya. Huli na rin naman kasi nang namalayan ko na nakatitig na pala ako sa kanya nang ilang sandali.
Naramdaman ko ang ginawa niyang pagkakatitig sa akin kanina kaya hindi malabo na talagang naramdamab dub talaga niya ang ginawa ko na pagkakatitig ko sa kanya. Kaya hindi na ako magtatakha pa kung pinagpilitan niya na tinitigan ko siya kahit na ilang ulit ko nang tinanggi.
Naramdaman ko ang muling tangkang paglapit ni Javadd kaya mabilis kong inalis ang ngiti sa aking mga labi. Mabuti na lamang talaga at mabilis ang ginagawa kong reaksyon ngayon dahil bago pa man tuluyan na sumulpot si Javadd sa harapan ko ay naibalik ko na ang masasama kong tingin. At nang tingnan ko nga siyang muli ay sinigurado ko na pagsisisihan niya ang ginawa niya na pang-aasar sa akin.
Ngunit bigla na lamang nawala ang mga plano ko nang pagtama ng aming mga mata ay nakita ko na sobra na ang kanyang pag-aalala at pangamba. Ngayon ko lamang nakita na ganito kaseryoso si Javadd at hindi ko alam kung ano nga ba ang nangingibabaw sa nararamdaman ko. Kinikilabutan ako sa sobrang pag-aalala ni Javadd sa akin.
"Nasaktan ba kita, Ayesha?" tanong niya. Hindi ko na nagawa pa na kontrolin ang aking emosyon kaya tuluyan na nga na humupa ang kunwaring galit sa aking mukha. Bigla na lamang tuloy akong nakonsensya na pinag-alala ko nang ganito si Javadd. Ang sa akin lang naman at gusto ko na mangyari ay makaganti sa pagtawa niya sa akin. Ngunit imbis na mapagtawanan ko rin siya ay nakonsensya na lamang ako.
Para mabawasan kahit papaano ang pag-aalala niya ay umilling ako. Hindi ko magawa na magsalita man lang dahil hindi ko rin naman alam ang mga dapat ko na sabihin. Ngunit hindi naging sapat ang pag-iling na ginawa ko dahil hindi man lang nabawasan kahit na kaunti ang pag-aalala na pinapakita niya. Nagulat na lamang ako nang mas lalo pa siya na lumapit sa akin.
At nahugot ko na lamang ang aking hininga nang mapagtanto ko na unti-unti pa siya na lumalapit sa akin. Kinabahan ako sa maaari niyang gawin. Akala ko ay kung ano na ang gagawin niya sa akin ngunit naramdaman ko na lamang ang magkabila niyang malambot na palad sa magkabila kong pisngi habang nandoon pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Napalunok ko dahil sa sobrang kaba.
"Sabihin mo sana ang totoo, Ayesha...nasaktan ba kita? Huwag ka sanang magsinungaling." May pagmamakaawa sa tono ni Javadd na sabihin ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Ngunit sinabi ko naman na sa kanya sa pamamagitan ng iling na hindi ako nasaktan sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit tila ang hirap sa kanya na paniwalaan ang bagay na iyon.
"Hindi ako nasaktan, Javadd. Ninais ko lamang sana na gumanti sa ginawa mo na pagtawa sa akin kanina." Hindi sumagot si Javadd at nanatili lamang ang mga tingin niya sa aking mga mata. Sinusubukan ko na hindi ipahalata sa kanya ang katotohanan na nahihirapan ako na salubungin ang mga titig niya. Sana lang ay hindi ako mabigo sa bagay na iyon dahil ayoko na magpatong-patong na ang kahihiyan ko sa kanya. Sana lang ay sapat na ang mga salita kong iyon para maniwala na siya at hindi na siya mag-alala pa dahil ako ay nababagabag sa pinapakita niya ngayon.
Alam kong may mali na sa lahat ng ito ngunit nahihirapan ako na aminin kung ano man ang nakikita ko na mali.
"Sana nga ay totoo na hindi kita nasaktan, Ayesha," sambit pa niya. Ngumiti ako nang tipid bago ko naisipan na sagutin ng isang biro ang sinabi niya para naman gumaan kahit na paano ang paligid namin.
"Totoo ang sinabi ko na hindi ako nasaktan, Javadd. Wala rin naman akong nakikitang dahilan para magsinungaling sa iyo. Ngunit kung totoo nga na nasaktan mo ako...ano naman ang iyong gagawin?" tanong ko na my halong panghahamon. Kahit papaano naman ay nabawasan ang pag-aalala sa mukha niya nang sabihin ko na totoong hindi ako nasaktan sa ginawa niya.
Ngunit nanatili naman ang inis. Hindi ko alam kung para saan pa ang inis na iyon gayong naibigay ko na sa kanya ang kumpirmasyon na hindi nga ako nasaktan. Huminga siya nang malalim at alam ko na muli pa siyang magsasalita kaya naghintay na lamang ako sa muling pagbuka ng kanyang bibig.
"Kung nagkataon na nasaktan nga kita, Ayesha ay sigurado ako na hinding-hindi ko mpapatawad ang aking sarili at habang-buhay ko itong dadalhin." Hindi ko naiwasan ang matawa dahil sa naging sagot niya. Sobra-sobra naman iyon para sa isang simpleng pagkakamali niya lang. Kasi kung nagkataon man nga at totoo na nasaktan niya ako, hindi naman ako magtatanim ng ano mang galit sa kanya. Alam ko naman na normal lang sa mga magkakaibigan ang ganoong uri ng biruan.
Ngunit unti-unting nahinto ang pagtawa ko nang hindi siya nakisabay sa akin sa pagtawa dahil nanatili siyang seryoso. Napataas akong kilay ko dahil mukhang seryoso siya sa kanyang naging sagot. Naging malakas ang loob ko na tumawa dahil ang buong akala ko ay isa lamang iyong biro.
"Sandali lamang, Javadd...totoo ang sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Napairap na lang siya dahil nga sa hindi agad ako naniwala sa kanya. Bigla na lamang tuloy nagkaroon ng mga tanong sa isip ko. At isa na nga rito ay kung bakit kailangang mag-alala ni Javadd sa akin nang ganito. Siguro ang iisipin ko na lamang ay likas na talaga kay javadd ang pagiging maalalahanin.
Wala na muli pang nagsalita sa amin ni Javadd. Matapos ang ilang sandali pa na pagsasalubong ng aming mga mata ay naputol na iyon nang tumayo na siya. Naglahad na siya ng kamay para naman alalayan ako sa pagtayo. Tiningala ko muna siya bago tanggapin ang kamay niya at nakita ko na nakangiti siya sa akin. Kaya naman malugod ko naa tinanggap ang kamay niya hanggang sa tuluyan na nga akong makatayo.
"Kung may plano ka na magtanong sa akin kung bakit ganito na lamang ang pag-aalala ko sa iyo ay huwag mo
Dahil pakiramdam naman namin na nakapagpahinga na kaming dalawa at ganoon din ang mga kabayo ay napag-usapan namin na bumalik na sa aming pinanggalingan. Kaya nilapitan na namin ang kanya-kanya naming kabayo at sumakay roon. Tulad kanina ay pinauna ako ni Javadd na patakbuhin ang kabayo upang masiguro niya na walang mangyayari sa akin sa pag-alis.
At namalayan ko na lang na katabi ko na sa pagtakbo si Javadd at si Kiba. At dahil nga sa ayokong makagalitan ni Javadd ay sinigurado ko na nakatuon ang atensyon ko sa dinaraanan namin. At nang malapit na kami sa kagubatan na kinakailangan ulit naming daanan pauwi ay agad kaming sabay na napahinto ni Javadd na halos ikalaglag ko na sa kabayo. Bigla na lamang sumibol ang kaba sa aking dibdib nang matanaw namin mula sa amig kinaroroonan ang unti-unting pagbukas at pagbaba ng tarangkahan ng kaharian ng Algenia.
Nagkatinginan kami ni Javadd na bakas din ang kaba sa dibdib. At hindi ko alam ang dapat naming gawin. Nais ko sanang magtanong kay Javadd tungkol sa magiging sunod namin na hakbang ngunit hindi ko na natuloy pa dahil nakitaan ko rin siya ng pagkataranta. Halata sa kanya na hindi niya rin talaga inaasahan ang bagay na ito.
Kung maging si Javadd ay matataranta, sino na lamang ang mag-iisip ng paraan para sa amin? Tulad ni Javadd ay hindi ko rin inaasahan ang bagay na ito kaya alam ko sa aking sarili na hindi agad ako makakapag-isip ng dapat naming gawin.
Malapit nang tuluyan na bumukas ang tarangkahan kaya kung didiretso man kami ay sigurado ako na maaabutan nila kami na tumatakbo papasok ng kagabutan. Hindi imposible na agad nila kaming sundan lalo pa at isa akong Vittorian.
Nag-alala ako dahil baka ang isipin nila ay isa akong espiya at mag-ugat pa ito ng isang kagaluhan dahil alam ko naman na hindi papayag ang mga taga-Algenia na may nagmamatiyag sa kanila. Baka dahil pagkakakita nila sa akin ay madamay ang iba kong mga kalahi. Baka ako pa ang maging dahilan ng pagsisimula ng digmaan. Ngunit kinakailangan na naming kumilos ni Javadd dahil ilang sandali na lamang ay na tuluyan na nga nabubuksan ang tarangkahan.
"Ayesha, sumunod ka sa akin!" ilang sandali pa at sambit ni Javadd. Bigla niyang niliko ang kabayo niya sa ibang direksyon. Kahit na wala akong alam sa plano niya ay hindi na rin ako nagtanong pa at sumunod na lamang ako sa kanya dahil ang importante ay may naiisip na siyang plano.
Bahagyang binagalan ni Javadd ang pagpapatakbo sa kabayo niya upang kahit papaano ay maabutan ko siya. Hanggang sa sabay na nga kami sa pagpapatakbo sa mga kabayo. Naramdaman ko ang maya't maya na pagsulyap sa akin ni Javadd kaya alam ko na may sasabihin siya. Hindi niya lamang magawa na sabihin dahil baka hindi naman ako nakikinig.
Kaya sandali ko siyang nilingon upang ipaalam na nakikinig ako sa kanya at binalik ko na rin agad ang mga mata ko sa dinaraanan namin. Hanggang sa mayamaya pa nga ay naramdaman ko na ang bahagyang paglapit ng kabayo ni Javadd sa kabayo ko. Kahit na mahirap ay ginawa ko na hatiin ang atensyon ko sa pangangabayo at sa sasabihi ni Javadd.
"Mag-iingat ka sa daan, Ayesha! Delikado ang bahagi ng kagubatan na daraanan natin," sambit ni Javadd. Hindi ako sumagot ngunit nakinig ako sa sinabi niya. Naging mas maingat pa ako sa pagpapatakbo sa kabayo.
Siguro ay wala nang maisip pa na ibang paraan at ibang daan si Javadd kaya ito na lamang ang nakikita niya na pag-asa. Kaya kahit na alam niyang delikado ang daraanan namin ay susubukan niya pa rin. Dahil higit na delikado kung makikita kami ng mga Algenian.
Hindi naman ako natatakot na makakaharap ng .ga kalahi ni Javadd kung sarili ko lamang ang iisipin ko. Ngunit dahil ayokong idamay ang buong kaharian ng Vittoria ay kailangan ko nang umiwas sa alam kong maaaring pagmulan ng gulo.
"Isuot mo ang iyong sumpil, Ayesha!" utos ni Javadd na agad ko namang sinunod kaya kinapa ko ang sumpil sa ko sa aking bulsa. Kahit na mas magiging pagkakakilanlan ko lamang ito bilang Vittorian ay maikukubli naman nito ang aking mukha at hindi agad na matutukoy. Tutal ay kitang-kita na rin naman sa aking kasuotan na isa akong tagasilbi sa palasyo ng Vittoria ay ang aking mukha na lamangang aking ikukubli.
Dahil sa patuloy na tumatakbo ang kabayo ay nahirapan ako na kapain ang aking sumpil sa bulsa. Ilang sandali pa ang lumipas bagoko ito nakapa. Naging mahirap sa parte ko ang pagsusuot nito dahil isang kamay lamang ang gamit ko.
Halos mabitiwan ko ang aking sumpil nang mag humaging sa gilig ng ulo ko na isang patalim at nang tumama ito sa puno ay bumaon. Nakita rin iyon ni Javadd na ngayon ay nakasuot na ng kanyang itim na sumpil kaya sabay kaming napaliangon sa aming likuran upang makia kung sino ang may kagagawan nu'n.
At nanlaki ang mga mata ko sapagkabigla nang makita ang ilang Algenianna humahabol sa amin. At alam ko na ano mang oras muli nila akong aasintahin. Ako ang kanilang pakay dahil kalahi nila ang kasama ko.
Lahat sila ay nakaposisyon na sa pagtira sa akin at alam ko na sa pagkakataon na ito ay maaaring may tumama na sa akin. Ngunit nawala na lamang sa kanila ang atesnyon ko nang maramdaman ko ang sobrang paglapit ng kabayo ni Javadd sa akin. At ang sunod ko na lamang na naramdaman ay ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking baywang at pagkabig sa akin.
At sa isang iglap lang ay nakaupo na ako sa kanyang kabayo at nasa kanyang harapan habang seryoso siyang nagpapatuloy sa pagpapatakbo ksy Kiba.