Chapter 29
Ayesha's POV
Dahil na rin sa sobrang bilis ng pangyayari ay ilang sandali rin ako na nakatanaw lang sa dinaraanan namin ni Javadd. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang pagkakakulong ko sa kanyang bisig. Hinihintay ko ang muli nilang pag-asinta sa akin ngunit wala nang patalim ang muling humaging sa akin.
At sigurado ako na dahil iyon sa naikukubli ako ni Javadd. Oras na mulli nila akong asintahin ay may posibilidad na si Javadd ang aksidente nilang matamaan. At iyon ang dahilan kung bakit bigla na lamang akong kinabig ni Javadd at pinwesto sa kanyang harapan. Sinigurado niya na hindi ako matatamaan ng ano mang patalim na nakahandang ibato sa akin ng kanyang mga kalahi.
Nilingon ko si Javadd at tiningala siya na hanggang ngayon ay nakatuon ang atensyon sa pagpapatakbo sa kabayo. Halatang-halata sa kanya ang pagmamadali na kng may ibibilis pa ang kabayo ay itotodo niya ang bilis nito. Ngunit parehas naming alam ni Javadd na ito na ang pinakamabilis na takbo ni Kiba. At kung pipilitin pa niya na mas pabilisin ito ay sigurado ako na hindi na niya kakayanin at maaari lamang kaming mapahamak.
Nilingo ko ang mga Algenian na humahabol sa amin at nakita ko na patuloy pa rin ang ginagawa nila na pagsunod. At mas lalo lamang akong natatakot dahil hind ko alam kung hanggang saan nila kaming plano na sundan. Kung matatagalan pa sila sa pagsunod sa amin ay sigurado ako na maaabutan nila kami dahil halata na sa takbo ni Kiba ang labis na pagod.
Natanaw ko rin ang puting kabayo na sinakyan ko na ngayon ay nakahinto na at nalagpasan na ng mga humahabol sa amin. Sana lang ay hindi na nila balikan pa ang kabayo dahil baka mamaya ay ipagtanong pa nila kung sino ang may-ari dahil maaari ding madamay ang Lavitran na kaibigan ni Javads na siyang nagpahiram sa amin ng kabayo.
Hindi ko na muna tinanong pa si Javadd sa kung ano ang nakikita niyang plano dahil alam ko na nag-iisip siya. At sigurado rin ako na hindi na siya magsasayang pa ng panahon sa oras na makapag-isip na siya. Ngunit alam ko na kinakapos na kami sa oras. Maaaring kabisado na nga ni Javadd ang pasikot-sikot sa loob ng kagubatan na ito ngunit nakakasigurado rin ako na kabisado rin ito ng mga kasamahan niyang kawal.
"Ayesha," tawag sa akin ni Javadd nang tila ay makaisip na siya ng dapat naming gawin. Muli ko siyang nilingon ngunit mabilis ko ring binalik sa dinaraanan namin ang mga mata ko. Nilingon ko lang siya upang ipaalam sa kanya na makikinig ako sa ano mang sasabihin niya. "Kapag sinabi kong talon, tumalon ka papunta sa kanan," sabi niya na kinabigla ko.
Sandali akong natigilan upang pakaisipin ang maaari niyang plano. Ngunit kahit na anong pag-iisip ang gawin ko ay wala talagang pumapasok sa akin na ideya sa kung ano ang maaari niyang plano. Masyadong mabilis ang takbo ng kabayo kaya nakakasigurado ako na mahihirapan ako na gawin ang gusto niya. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya sa pagkakataon na ito dahil alam ko na mapapahamak ako.
Maiintindihan ko pa siguro kung sinabi niya na tatalon kaming dalawa papunta sa kanan. Ngunit ang sinabi niya ay ako lang. Ang ibig sabihin ay maiiwan siya na sakay-sakay pa rin ng kabayo. At hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko mga nais niyang mangyari. Pakiramdam ko ay ididispatsa niya ako para mabilis siyang makatakas. At oras na madakip ako ng mga kalahi niya ay hindi na siya kailanman ulit magpapakita sa akin.
Gusto ko na iwaksi sa aking isip ang mga iniisip kong iyon ngunit hindi ko naman magawa at maiwasan lalo pa at wala naman akong nalalaman sa plano niya.
"Ayesha, pagkatiwalaan mo ako. Wala na tayong oras," sabi niya nang mahalata niya ang pananahimik ko. Madali lamang sa kanya ang sabihin na pagkatiwalaan ko siya dahil hindi naman siya ang maaaring mapahamak sa oras na damputin ako ng mga kalahi niya. Bukod sa pagiging delikado ko sa kamay ng mga Algenian ay sigurado rin ako malaki ang posibilidad na maaksidente kung mapasama man ang pagkakatalon ko. Na hindi malabong mangyari dahil sa sobrang bilis ng takbo ng kabayo na sinasakyan namin.
"Ayesha, kailan ba kita pinahamak?" tanong ni Javadd at nahimigan ko ang pagmamakaawa sa tono ni Javadd para lang sundin ko na siya. Ngunit sana ay maintindihan niya na hindi ganoo kadali na pag-isipan ang gusto niya na mangyari. Oo nga at may tiwala ako sa kanya. Ngunit ayoko naman na sumunod sa pinag-uutos niya nang hindi ko man lang napag-iisipan nang mabuti.
"Wala na tayong oras, Ayesha. Mas ikapapahamak mo kung hindi natin sila maililigaw," sabi pa niya. Patatalunin niya ako para iligaw ang mga kalahi niya? Ngunit paano naman niya maililigaw ang mga Algenian kung sa tingin ko a kabisado rin nila ang lugar na ito?
O hindi naman talagang panliligaw ang ibig niyang sabihin. Siguro ay nais niya lang na lituhin ang mga iyon. Patatalunin niya ako nang hindi nakikita ng humahabol sa akin. At sa pagkakataon na iyon ay siya na lamang pala ang hinahabol ng mga sarili niyang kalahi.
Hindi ko alam kung ano ang pamamalakad sa Algenia. Siguro ay pinahahalagahan nila ang bawat buhay ng Algenian dahil hindi nila magawang ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Javadd para lamang subukan ako na asintahin. Dahil kung wala silang pakialam sa bawat buhay ng kanilang kalahi ay sinusubukan na sana nila akong asintahin at tamaan kahit pa malaki ang posibilidad na si Javadd ang mas tatamaan.
Pwera na lamang kung isang importanteng Algenian si Javadd na hindi nila pwedeng saktan dahil sigurado na mapaparusahan sila. Ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin ang iniisip kong iyon dahil kng totoong alam ni Javadd na importante ang buhay niya sa mga Algenian ay hindi na siya tatakbo at tatakas pa dahil hindi naman siya masasaktan kahit pa mahuli siya. O pwede rin naman na tumatakas lamang siya upang itakas ako.
Habang tumatakbo ang kabayo ay nakapagdesisyon na rin ako na sumunod na lamang kay Javadd. Wala naman akong iba pa pwede kong pagkatiwalaan kundi siya lang. Kahit kasi ang sarili ko ay ayokong pagkatiwalaan lalo pa at wala naman akong naiisip na paraan upang iligtas ang sarili ko.
"Sige, Javadd," sambit ko at naramdaman ko sa aking likuran ang pagbuntong hininga ni Javadd dahil sa biglaan kong pagpayag. Muli niyang pinabilis ang pagpapatakbo sa kabayo upang mas makalayo kami kahit papaano.
"Maghanda ka na, Ayesha," sabi niya at iyon nga ang ginawa ko. Hinanda ko ang aking sarili at hinintay ang hudyat ni Javadd. Naramdaman ko ang unti-unting pagpapabagal ni Javadd sa takbo ng kabayo. Ang buong akala ko ay mapapasama ang gagawin ko na pagtalon. Ngunit dahil sa ginagawa niya na pagpapabagal ay alam ko na kaya kong tantiyahin ang magiging pagtalon ko. Basta ba hindi bangin ang tatlunin ko ay ligtas ako na babagsak sa lupa.
"Talon, Ayesha!" utos ni Javadd kaya hindi na ako nagdalawang isip pa sa pagbwelo at tumalon papunta sa kanan. Ngunit pninikit ko ang mga mata ko dahil ayokong makita kung gaano kadelikado ang babagsakan ko. Kasabay naman ng pagtalon ko ay ang pagliko ni Javadd sa kabayo kaya alam ko na hindi mahahalata ng mga nasa likuran namin ang biglaan kong pagtalon.
Ramdam ko na bumagsak na ako sa kung saan ngunit hindi ako nakaramdam ng ano mang sakit. Siguro ay dahil maganda ang naging pagbagsak ko kahit pa nakapikit ako. Ngunit dahil nga sa nakapikit pa rin ako hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita kung saan nga ba ako bumagsak.
Nararamdaman ko na medyo nagbabasa na ang mga tuhod at kamay ko na siyang nakatuon sa lupa--kung lupa nga ba ang pinagbagsakan ko. Dahil sa kagustuhan ko na makita na kung saan nga ba ako bumagsak ay napagdesisyunan ko nang magmulat. At halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung saan ako bumagsak.
Hindi ko makapaniwalang inangat ang mga kamay ko na ngayon ay nababalot na ng putik. Tiningnan ko ang paligid ko upang kumpirmahin ang kinaroroonan ko at umaasa na napatong ko lang ang kamay ko sa putik nang bumagsak ako. Ngunit nanlumo ako nang makumpirma ko na talagang nakalublob nga ako sa putikan.
At halos isumpa ko na si Javadd sa aking isipan dahil sigurado ako na alam niya na putikan ang babagsakan ko. Ngunit kahit na alam niya na maputik sa bahaging ito ng kagubatan ay dito pa rin niya ako napili na patalunin. Tiningnan ko ang kabuuan ko at halos maiyak ako nang mapagtanto ko na balot na ng putik ang buo kong katawan. At ang pinakanakakapanlumo ay sa lahat ay maging ang mukha ko ay ramdam ko na puno na rin ng putik.
Humanda talaga sa akin ang Javadd na iyon oras na makaahon ako rito at muli kaming magkita. Nakakainis! Kung siya kaya ang sadyain ko na ilublob sa putikan?
Ngunit sa kabilang banda ay napag-isip isip ko rin na baka kaya sa putikan ako pinili na patalunin ni Javadd ay dahil dito lang siya sigurado na hindi ako masasaktan. At hindi naman siya nagkamali sa bagay na iyon dahil hindi nga ako nasaktan. Hindi ko man lang nga naramdaman ang pagbagsak ko dahil masyadong malambot ang pinagbagsakan ko. Kung sa lupa niya ako pinatalon ay sigurado ako na magtatamo ako ng maraming galos lalo na kung sa mabatong bahagi pa.
Ngunit kaiht na ganoon nga ang nasa isip niya ay hindi ko pa rin magawa na hindi mainis sa tuwing nakikita ko ang aking kabuuan na naliligo sa putik. Sana man lang kasi ay sinabi niya na sa putikan ang bagsak ko para napaghandaan ko.
Ang ideya na ito ni Javadd ay nagbigay pa sa akin ng problema dahil ngayon ay hindi lamang tuluyang makatakas ang iniisip ko. Iniisip ko na rin kung paano ako uuwi ngayon. Hindi naman kasi pwede na umuwi ako sa palasyo nang ganito ako karumi at kabaho. Mahihirapan din akong maglakad dahil sigurado ako na mabigat na ang kasuotan ko dahil puro putik na nga.
Naiinis pa rin ako kay Javadd dahil sa ginawa niya sa akin. Kaya pala hindi niya magawa na sabihin sa akin ang plano niya. Iyon ay dahil siguro sa alam niya na mas mahihirapan siya na kumbinsihin ako sa pagtalon kapag nalaman ko na putikan ang babagkan ko. Ngunit kahit na nakakaramdam ako ng inis sa kanya ay mas nangingibabaw pa rin naman ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi niya ako pinabayaan kahit na alam niya na ikapapahamak din niya. Pinili niya na itago ako kaysa isuplong sa mga kalahi niya.
Hindi ko alam kung dapat na ba akong tumayo o hindi pa dahil baka bumalik pa ang mga Algenian na humabol sa akin. Sa tingin ko ay kinakailangan ko pa na maghintay nang ilang sandali bago tuluyan na umahon sa lupa. Kapag kasi nagmadali ako ay maaaring makita nila ako at mahihirapan ako sa pagtakas dahil sa bigat ng kasuotan ko.
Nang sa tingin ko ay hindi na sila babalik pa rito at nagtagumpay si Javadd sa pagligaw sa kanila mula sa aking aty napagdesisyunan ko na umahon na. Ngunit dahil nga sa bigat ng kasuotan ko ay hindi ko alam kung paano ako aahon ngayon. Kailangan ko nang makaahon dahil mas mahihirapan ako na tanggalin at hugasan ang putik na nanikit sa akin kapag natuyo na sila. At tulad nga ng inaasahan ko, sa pagtayo pa lang ay nahirapan na ako.
Ilang ulit pa ako na muntik nang matumba bago tuluyang makatayo. Sa paghakbang naman papunta sa lupa ay nahirapan din ang mga paa ko na humakbang. Ilang ulit din na natanggal ang aking sapin sa paa kaya minabuti ko na hubarin na lamang ito at hawakan. Nahirapan ako na iangat ang mga paa ko sa putik kaya may katagalan din bago ako tuluyan na makatapak sa lupa.
Dahil sa pagod ay hiningal na ako at kinailangan ko pa na magpahinga sandali bago muling maglakad para naman maghanap ng ilog o ano man na maaari kong pagkuhanan ng tubig na siya kong ipanghuhugas at ipambubuhos sa aking katawan nang tuluyan na nga na mawala ang lahat ng putik sa akin.