Chapter 27

2021 Words
Chapter 27 Ayesha's POV Dahil wala na rin naman akong ano mang nararamdaman na pangamba ay hindi na ako nagtanong pang muli. Ang mga huling mga salita lamang ni Javadd ay maging matalas ang aking pakiramdam lalo na sa tarangkahan na maaaring labasan ng mga taga-Vittoria. Ngayon lamang ako nanabik sa isang bagay nang ganito. Hindi na ako makapaghintay pa na patakbuhin ang kabayo sa malawak na lupain na ito. Nakikita ko rin ang pagniningning ng mga mata ni Javadd a alam ko na maging siya ay nananabik din. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na hindi ito ang unang pagkakataon na susubukan niya na mangabayo sa lugar na ito kaya hindi ko akalain na mkakaramdam pa rin siya ng pagkasabik dito. Nakita ko ang muling paglingon sa akin ni Javadd at nginitian ko siya. "Handa ka na ba, Ayesha?" tanong niya at tumango ako. Kanina pa ako nakahanda ngunit ngayon na alam kong magsisimula na kami ni Javadd sa pangangabayo ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Ngunit sa lahat ng kaba na naramdaman ko ay ito ang pinakagusto ko. Pakiramdam ko kasi ay kinakabahan ako sa isang napakagandang bagay na mangyayari. "Isa..." Napahigpit ang hawak ko sa tali ng kabayo na sinasakyan ko nang magsimula nang magbilang si Javadd. "Dalawa..." Ano mang sandali ay bibitiwan na niya ang ikatlong bilang pero alam ko sa sarili ko na nakahanda na ako. "Tatlo!" Pagbanggit na pagbanggit niya sa ikatlong bilang ay agad kong pinatabo ang kabayo at ganoon din ang ginawa niya. At tulad nga ng inaasahan ko ay kakaibang tuwa agad ang naramdaman ko nang maramdaman ko na agad ang matulin na takbo ng kabayo ko. Ngunit nabigla na lamang ako nang makita ko sa may gilid ko na naabutan na ako ni Javadd na ngayon ay kasabay ko na sa pagtakbo. Pinauna niya kasi ako na tumakbo. Pinatkbo niya lamang ang kabayo na si Kiba nang makaalis na ako. Kaya ang buong akala ko ay mauungusan ko siya ngunit magagawa pala niya na makahabol sa akin. Hindi ko maiwasan ang maya't maya na pagsulyap kay Javadd dahil hindi ko kaya na hindi mamangha sa paraan ng pangangabayo niya. Akala ko ay sa pagsakay lamang sa kabayo ako hahanga sa kanya. Ngunit ngayon na mabilis niyang pinapatakbo ang kabayo ay hindi ko maitatanggi ang kakisigan na taglay niya. Ang mas lalong nagpalakas ng dating niya sa pangangabayo ay ang seryoso niyang mukha at talagang nakatuon pa nang mabuti sa ng mga mata niya sa daan. Bagaman mabilis ay halata mo na maingat pa rin siya sa pagpapatakbo. Nahalat yata ni Javadd ang maya't maya na pagsulyap ko sa kanya kaya nang nilingon niya sa pagkakataon na sigurado siya na nasa kanya ang paningin ko. Kinunutan niya lang naman ako ng noo at binalik niya rin agad ang kanyang mga mata sa daan. Mukhang tiningnan niya lang ako pra kumpirmahin kung nakatingin nga ba talaga ako sa kanya. Bago pa man ulit mahalata ni Javadd ang pagtingin ko sa kanya ay tinuon ka na lamang ulit paningin ko sa aming dinaraanan. Sa pagkunot pa lang ng noo niya kanina ay alam ko na agad na kagagalitan na niya ako sa susunod na lingon niya sa akin ay nasa kanya ang paningin ko. May ilang sandali na rin kaming nangangabayo ni Javadd hanggang sa may madaanan kami na isang ilog. Habang papalapit kami nang papalapit sa ilog ay pabagal naman nang pabagal ang takbo namin. "Maging mapagmatiyag ka, Ayesha. Ang ilog na ito ay karugtong ng ilog na nakikita natin sa may tarangkahan ng kaharian ng Algenia," sambit ni Javadd at tumango ako. Mukhang kabisado na nga ni Javadd ang pasikut-sikot sa lugar na ito kaya alam ko na madalas siyang nagagawi rito. Hindi ko alam kung bakit niya naging kabisado ang lugar na ito gayong hindi naman siya rito dumaraan dahil nga sa marami ritong bantay at tumatakas lang naman siya. Pinagsawalang bahala ko na lang ang tanong na iyon sa isip ko dahil alam ko naman na hindi na iyon mahalaga pa. Ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay nagagamit namin ang pagkakabisado ni Javadd sa lugar na ito at malabo na maligaw kami. Dahil nga sa sinabi ni Javadd ay mas lalo kong pinalakas ang aking pakiramdam sa paligid. Nang tuluyan na kaming makalapit sa ilog ay sabay na kaming bumaba sa mga kabayo namin at hinila sila sa kanilang tali para paninumin. Sa pag-inom pa lang nila sa ilog ay halata na agad na ga uhaw na uhaw na sila at alam namin parehas ni Javadd na dahil iyon sa pagod sa malayo-layo na namin na tinakbo. Kaya uoang kahit papaano ay mabawasan ang pagod nila ay hinaplos-haplos pa namin ang kanilang mga ulo at buhok pagtapos nilang uminom. Nang sa tingin namin ay nakabawi-bawi na sila ng lakas ay hinila na muna namin sila papunta sa mga puno at magkahiwalay namin sila na itinali sa dalawang puno. Matapos na itali ni Javadd ang kanyang kabayo ay nilapitan niya agad ako at niyaya na maupo na muna sa ilalim ng isang puno sa hindi kalayuan sa mga kabayo namin. Naupo agad ako sa damuhan sumandal sa katawan ng puno. Nguni kinabigla ko ang sumunod na mga nangyari. Dahil walang sabi-sabi ay nahiga si Javadd at nagawa pa niya na iunan ang aking mga hita. Dahil nga sa pagkabigla ay hindi agad ako nakakilos. Tila hindi naman pinansin ni Javadd ang pagkakaestatwa ko dahil sa ginawa niya at pumikit pa siya. Alam ko na naramdaman niya ang naging reaksyong kong ito ngunit hindi niya iyon ininda. Alam ko naman na hindi siya natutulog at nais niya lang na ipahinga ang mga mata. Hindi ko na rin naman siya pinatayo pa para palipatin ng pwesto dahil mukhang sarap na sarap na siya sa kanyang pagkakahiga. Hinayaan ko na lamang siya na iunan ang aking mga hita. Dahil na sa pagiging gainto niya kalapit sa akin ay hindi ko maiwasan ang mapatitig kay Javadd. Sobrang amo ng mukha niya na taliwas at malayo sa hitsura ng isang Algenian na buong buhay na rumehistro sa isip ko na binatay ko sa mga kwento ng mga nakatatandang Vittorian sa akin noong ako ay bata pa. Ang pakiramdam ko tuloy ngayon ay nilason lamang nila ang isip ko tungkol sa kung anong klaseng mga Lavitran ang mga taga-Vittoria. Ngunit ayoko naman na pag-isipan nang masama ang mga kalahi ko kaya hindi ko na muna inisip ang tungkol sa mga bagay na iyon. Inabala ko na lang ang aking isip kung gaano kasarap pakatitigan ang mukha ni Javadd. Hindi ko rin tuloy maiwasan ang mapaisip sa kung gaano karaming babaeng Algenian na ba ang nahuhumaling sa kanya. Sa tingin ko ay kaya niyang magpaibig ng isang maharlikang Algenian na mag-aangat sa kanya mula sa pagiging kawal. "Kabisado mo na ba ang bawat detalye ng aking mukha, Ayesha?" tanong niya habang nananatili sa kanyang pagkakapikit. Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin sa kanyang tanong. Bigla na lamang tuloy akong nakaramdam ng labis na hiya hindi lamang sa kanya kundi maging sa aking sarili. Ngunit hindi ko aaminin sa kanya na tama ang kanyang hinala tungkol sa ginagawa kong pagtitig. Kait pa hindi naman siya nagtonong hinala dahil mukhang sigurado siya na tinititigan ko nga siya. "Hindi ko alam ang ibig mong sabihin, Javadd," sambit ko at marahan siyang tumawa. At sa mga ngiti niya pa lang ay halatang hindi na siya naniniwala. At dahil nga sa totoo naman ang kanyang hinala ay hindi ko tuloy alam kung paano ko siya papaniwalain. Ayokong isipin niya na talagang tinititigan ko siya dahil baka kung ano pa ang isipin niya sa akin. Kaya hangga't kaya ko na itanggi na hindi ko siya tinititigan ay gagawin ko. "Sigurado ka ba na hindi mo alam ang ibig kong sabihin, Ayesha?" tanong pa nito na animo ay nang-aasar. At kung ang plano niya talaga ay asarin ako, hindi naman siya nabigo dahil talagang naaasar na ako sa kanya. At sa tingin ko ay masyado lang akong guilty kaya ang bilis kong maasar sa paraan ng pang-aasar niya ngayon. Ngunit kahit na nakakaramdam na ako ng pagkainis ay kailangan kong maging kalmado dahil baka mas lalong isipin ni Javadd na tama nga ang mga hinala niya. "Sigurado ako, Javadd. Hindi ko alam ang nais mong ipakahulugan," sabi ko. Kinabahan ako nang makita ko na magmumulat na siya ng mata. Ngunit mabuti na lamang at naging mabilis ako dahil bago pa man siya magmulat ng mga mata ay nabaling ko na sa ibang direksyon ang aking paningin. Ang kabayong si Kiba na lamang ang napili ng mga mata ko na tingnan. Naramdaman ko nga ang pagmulat ni Javadd ngunit hindi ko naman magawa na magbaba ng tingin sa kanya dahil alam ko sa aking sarili na hindi ko makakayanan na salubungin ang mga titig niya. Kaya kahit nakakaramdam na ako ng pagkailang dahil ramdam ko ang mga titig niya sa akin ay pinanatili ko pa ri n ang mga tingin ko kay Kiba. Bigla tuloy akong nag-alala kung ano ang magiging hitsura ko sa paningin ni Javadd gayong ang baba ko ang unang bumubungad sa kanya dahil nanatili siya na nakaunan sa aking mga hita. Pakiramdam ko ay sobrang pangit ko. At ang iniisip ko pa ay marahil pinagtatawanan niya ang hitsura ko kaya hindi maalis ang paningin niya sa akin. Dahil hindi na mapakali ang mga mata ko ay lumingon na lamang ako sa kanan upang ang puting kabayo naman ang tanawin ko. Naramdaman ko ang panginginig ng mga hita ko at alam ko sa aking sarili na hindi ako ang may gawa roon kundi ang pagtawa ni Javadd. Hindi nga ako nagkamali. Talagang pinagtatawanan nga niya ako. Sigurado ako na ang sama sa paningin niya ng hitsura ko. Hindi ko na tuloy napigilan pa ang magbaba ng tingin sa kanya at nakita ko nga ang mga mapang-asar niyang ngiti. Bigla na lamang siyang bumangon at naupo sa tapat. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at pinisil pa. Hinila pa niya ang mga ito kaya kahit na gusto ko siyang pagsabihan ay hindi ko magawa dahil hindi rin naman ako makakapagsalita nang ayos dahil hindi niya maiintindihan. Kaya hinawakan ko sa magkabila niyang kamay si Javadd at pilit na tinanggal ang pagkakapisil niya sa aking pisngi. Ang buong akala ko ay pahihirapan pa niya ako na awatin siya ngunit mabuti na lamang at inalis na niya agad ang pagkakapisil niya sa akin makalipas lamang ang ilang sandali. At dahil na rin sa inis ko ay sinamaan ko siya ng tingin. Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi at nagkunwari na nasaktan sa ginawa niya. Kahit pa sa totoo lang ay hindi naman dahil magaan ang kamay ni Javadd at may kalambutan. Ramdam ko ang pamumula ng makabila kong pisngi kaya naisipan ko na maaari ko iyong gamitin sa plano ko na pagkukunwari. Nakita ko kung paano na lamang unti-unting nawala ang mga ngiti ni Javadd at humupa ang pang-aasar niya nang mapansin niya ang paghaplos ko sa magkabila kong pisngi. Ang kaninang pang-aasar sa mukha niya ay napalitan na lamang ng pag-aalala. Ayokong nag-aalala si Javadd ngunit sa pagkakataon na ito ay nais ko sana na gumanti sa ginawa niya a pang-aasar sa akin. "Ayesha..." Hindi lamang pag-aalala ang nararamdaman niya kundi kaba. A sa tingin ko ay kinakabahan siya sa katotohanan na maaaring maging dahilan ng galit ko ang ginawa niya sa akin. Gusto ko nang tumawa dahil sa pinapakita niyang reaksyon ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili dahil ngayon pa lang ako nagsisimula. Hindi na lamang ako nagsalita muna at masama pa rin na lang siyang tiningnan. Lumapit siya sa akin gamit ang kanyang tuhod. At nakita ko na lang bigla ang pamumutla ng kanyang mukhang nang umatras ako sa tangka niyang paglapit sa akin. Hindi ko na napigilan at tumalikod na ako sa kanya dahil sa pagtawa. Ngunit tahimik lamang ginawa ko na pagtawa upang hindi niya marinig. Ngunit alam ko na dahil sa ginawa ko na pagtalikod ay mas lalo lamang niyang iisipin na galit nga ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD