Chapter 64

1017 Words
Chapter 64 Ayesha's POV Parang masyadong maganda ang lahat lahat ng ito para isipin na maaari itong magkatotoo. Muli kong nilibot ng tingin ang kabuuan ng balkonahe ni Javadd ngunit wala talagang bakas ng ano man na magpapatunay na si Javadd nga ang naglilinis dito. Parang isang tagasilbi talaga ang laging naglilinis dito dahil mukhang sanay na sanay ay tagapaglinis. Kaya hindi ako masisisi ni Javadd kung hindi man ako maniwala na siya ang naglilinis. Mukhang madali lang naman maglinis ng isang lugar ngunit hindi ganito kapulido. "Mukha bang marumi ako sa mga bagay-bagay, Ayesha?" tanong pa ni Javadd kahit na alam aman niya na hindi ganoon ang ibig kong sabihin. "Sa maniwala ka at sa hindi, ako lang talaga ang naglilinis ng balkonahe na ito. Halika," sabi niya at nagulat ako nag bigla na lamang niya akong hilahin. At kasalukuyan naming tinatahak ang daan palabas ng kanyang silid. At wala akong ideya sa mga nais niyang gawin. Dahil na rin da biglaan ay hindi na ako nakapagreklamo pa at hinayaan na lang siya na tangayin ako. Nang tuluyan na nga kaming makalabas ng kanyang silid ay nagpalinga-linga siya sa paligid at alam ko na may hinahanap siya. Hindi ko nga lang alam kung ano ang hinahanap ng kanyang mga mata. Nang tila ay may matanaw siya ay muli niya akong hinila. At hindi ko alam kung tama nga ba ang hinala ko ngunit sa tingin ko ay papunta kami sa isang tagasilbi. Agad namang napkunot ang noo ko dahil sa labis na pagtatakha sa kung ano namang sng gagawin namin sa matandang iyon. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng matandang naglalampaso ng sahig kaya nakumpirma ko na ang tagasilbi nga ang sasadyain namin. Agad naman niyang tinigil ang kanyang ginagawa nang makita niya na nasa tapat na niya si Javadd kaya hinarap niya rito. "May kailangan po ba kayo sa akin, mahal na prinsipe?" tanong ng matanda. Mukhang hindi na naiilang ang tagasilbi na ito sa presensya ni Javadd kaya nagagawa niyang kumilos at magsalita nang tama. Hindi tulad ng ibang mga tagasilbi na halata nag pagkataranta sa tuwing nasa paligid si Javadd lalo na kung kausapin na sila nito. Siguro ay dahil na rin sa edad niya. Mukhang matagal na rin namang naninilbihan ang matandang ito sa palasyo kaya naman masasabi nang nasanay na siya sa presensya nito. "Ayesha, siya ang tagasilbi na naglilinis sa akinh silid," sabi ni Javadd at nagulat ako dahil hindi ko alam kung bakit kinailangan pa niya na sabihin sa akin kung sino nga ba ang naglilinis ng kanyang silid. Hindi rin naman ako nagsabi na nais ko siyang makilala at hindi rin ako nagtanong man lang. Nahalata tuloy ay kaba sa mukha ng matanda dahil sa biglaanv paglapit sa kanya ni Javadd at sinabi pa niya sa akin kung sino siya. Ang akala niya siguro ay may nagawa na siyang mali kaya ganito na lamang ang dating sa kanya. Ngunit wala naman siyang nagawa. Sadyang hindi lang talaga maintindihan ang mga iniisip ni Javadd. Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya pero pinili ko na manahimik na lamang. "Bakit, mahal na prinsipe? May mali ba sa paglilinis ko kanina?" nag-aalalang tanong ng matanda at bigla na lamang siyang hindi mapakali dahil sa pag-aakala niya na hindi nagustuhan ni Javadd ang ginawa niyang paglilinis ngayon. "Wala naman. Maayos naman ang pagkakalinis. Ngunit nais kong sagutin mo ang aking tanong," sambit ni Javadd at napalunok pa ang matanda dahil sa kaba at pag-iisip tungkol sa kung ano ang itatanong ni Javadd. Wala rin naman akong ideya sa kung ano ang sadya niya sa matanda kaya hindi ko alam kung tama lang ba ang ginagawa nitong pag-aalala o nag-aalala lamang siya para sa wala. "Ano ba ang tanong ninyo, mahal na prinsipe?" tanong ng matanda. "Hindi ba at tanging kayo lamang ng mahal na reyna ang mga babaeng nakakapasok sa akin silid?" Nanlaki pa ang mga mata ko dahil hindi ko akalain na itatanong pa niya sa matanda ang tungkol sa bagay na iyon. Huwag niya lang talagang sasabihin na ako ang dahilan kung bakit niya iyon natanong. Kung malalaman ng matanda ay makakaramdam ako ng hiya sa maaari niyang isipin. "Oo, mahal na prinsipe. May iba bang nakapasok? May nawala ba sa inyong mga gamit?" Mukhang dumagdag pa sa pag-aalala ng matanda na kung may nawala nga sa gamit ng prinsipe ay siya lamang ang tanging mapagbibintangan dahil imposible naman ang mahal na reyna kumuha. "Wala naman," sagot ni Javadd at kahit papaano ay nawala ang pag-aalala sa mukha ng matanda. "Huwag kayong mag-alala, natatanong lang naman niya," sabi ko dahil sa kakaibang kaba na dulot ng pagtatanong ni Javadd sa matanda. Napangiti naman nang pilit ang matanda. "Ang balkonahe ng aking silid? Napapasok niyo ba?" Muli akong nabigla sa naging sunod na tanong ni Javadd. Pati ba naman ang bagay na iyon ay naisipan pa niyang itanong sa matanda na walang kaalam-alam sa nangyayari at kung tungkol saan ang lahat ng ito. Kung nabigla ako sa tanong niya ay hindi hamak naman na mas nabigla ang matanda. At kung kanina ay puno lamang ng kaba ang mukha niya, ngayon ay takot na ang nararamdaman niya. "Hindi, mahal na prinsipe. Maniwala kayo sa akin, hindi ako kailanman nagtangka na pumasok doon. Dahil tulad nga ng mahigpit mong bilin sa amin ay huwag na huwag kaming papasok doon. At isa pa, mahal na prinsipe, walang sino man ang makakapasok doon dahil kayo lamang ay may hawak nh susi." Pagtapos na pagtapos na sabihin iyon ng matanda ay humarap agad sa akin si Javadd at doon ko lang napagtanto kung para saan ba ang lahat ng ito. Talagang humanap pa siya ng mapagtatanungan para lang mapatunayan sa akin na wala nga talagang ibang sino man ang nakapasok na sa kanyang balkonahe. Pati tuloy ang matandang tagasilbi na tahimik at abala sa pagtatrabaho ay naabala pa namin dahil lamang sa kagustuhan niya na patunayan sa akin na totoo ang sinabi niya na wala pang sino man ang nakakapasok sa kanyang balkonahe. At hindi ko naman itatanggi ang kapanatagan na naramdaman ko dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD