Chapter 59

2510 Words
Chapter 59 Ayesha's POV Hindi lamang ako sa pakiramdam ko nababaliw. Nababaliw rin ako sa pag-iisip kung susundan ba ako rito ni Javadd o mananatili lamang siya sa harap ni Riva. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang hindi na ito sakop ng isang kaibigan. Hindi ako manhid. Mayroon na akong ideya sa kung ano itong nararamdaman ko ngunit hindi ko iyon aaminin kahit pa sa aking sarili. Ayokong bigyan ng kahit na kaunti ang aking sarili na darating ang panahon na magiging pwede na ang lahat dahil oras na mabigo ako ay alam ko na ako rin ang masasaktan. Ngunit hindi iyon ang mas kinatatakot ko. Mas nakakatakot pa ang malaman na ako lamang pala ang nakakaramdam ng ganito. Nakakatakot na malaman na habang ako ay halos mabaliw na sa mga nangyayaring ito, si Javadd ay pangkaraniwan lamang pala ang tingin sa akin. Hindi ko masyadong kabisado ang daan palabas ngunit siguro naman ay hindi ako maliligaw dahil kahit na malaki ang bahay na ito ay hindi naman ganoon karami ang pasikut-sikot dito. Hanggang sa may matanaw na nga akong pinto. At habang papalapit ako nang papalapit sa labas ay unti-unti nang nawawala ang pag-asa ko na susundan nga ako ni Javadd. Mahirap isipin ngunit kailangan kong tanggapin na mas matimbang ang babaeng iyon dahil na rin siguro sa matagal na silang magkakilala at madalas din sila na magkasama sa pamamagitan ng ampunan na ito. Nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintuan ng ampunan ay mas nagmadali na ako sa aking paglalakad palabas. Ngunit bago ko pa man marating ang pintuan ay napahinto ako dahil sa isang kamay na humila sa aking braso kaya napilitan ako na lingunin siya. At halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang humahangos na si Javadd. Dapat ay matuwa ako dahil sinundan niya ako. Ngunit dahil dito na niya ako inabutan, ang ibig sabihin lamanh ay hindi niya agad ako sinundan. At kaya niya lang ako naabutan ay dahil nagmadali siya pagtakbo na halata naman dahil sa paghahabol niya ng hininga. At hindi ko rin mapigilan ang mapaisip sa kung ano ang ginawa nila ni Riva para magtagal siya roon. Pakiramdam ko ay mga mga pinaliwanag pa siya kay Riva bago niya naisipan na sundan ako. "Bakit Javadd? Anong ginagawa mo rito? Tapos na ba kayong mag-usap ni Riva?" tanong ko nguniy hindi siya sumagot dahil sa paghahabol niya pa rin ng hininga. "Ang hirap mong habulin," sa wakas ay sambit ni Javadd nang makabawi na mula sa paghahabol niya ng hininga. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi na nga niya ako sinundan agad ay nagreklamo pa siya "Kung sinundan mo agad ako ay hindi mo sana kailangan magmadali para lang mahabol ako," sabi ko at hindi ko na naitago pa ang inis sa tono ng pananalita ko. Alam ko naman na nahalata iyon ni Javadd dahil sa pagkunot ng noo niya ngunit mas mabuti na rin na alam niya ang nararamdaman ko at wala naman akong plano na itago iyon. "Ano bang pinagsasabi mo, Ayesha? Syempre sinundan agad kita nang mapagtanto ko na seryos ka sa ginawa mo na pagpapaalam," sabi niya at marahan akong natawa na may halong panunuya at hindi ko naman napansin kung nahalata ba niya iyon o hindi. "Sinundan? Kung talagang sinundan mo ako ay mahahabol mo agad ako," sabi ko at napangiwi siy sinabi ko kaya alam ko na muli pa siyang magsasalita. At gusto kong marinig kung ano na naman kaya ang magiging palusot niya sa pagkakataon na ito. "Mabilis kang nawala sa paningin ko, Ayesha. Mukhang ganoon na lang talaga ang kagustuhan mo na makalayo sa akin. Kaya ang ginawa ko na lang ay dumiretso na sa pintuan palabas ng ampunan dahil nga sa ang sabi mo ay sa labas mo na lang ako hihintayin. Ngunit pagdating ko naman doon ay wala ka," sabi niya at napatingin tuloy ako sa pinto na muntik ko nang labasan. Kung ganoon ay mali pala ako ng daan? Nagyayabang pa naman ako kanina na hindi ako maliligaw. Siguro ay dahil na rin sa dami ng iniisip ko at pagiging tuliro ng isip ko. Gusto kong paniwalaan ang sinasabi ni Javadd na agad niya akong sinundan dahil iyon naman talaga ang gusto kong marinig mula sa kanya. Pero baka mamaya ay nagsisinungaling lang siya at ayoko naman na magmukhang tanga n pinaniwalaan siya. "Totoo ba 'yang sinasabi mo?" tanong ko para lang makasigurado at muli siyang napangiwi dahil sa naging paraan ng pagtatanong ko. Halata kasi talaga sa tono ko na hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. "Bakit naman ako magsisinungaling? Wala naman akong nakikitang dahilan para magsinungaling sa ganitong bagay," sabi niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Kasalanan ko rin pala kung bakit ganito na lang ang naging pakiramdam ko. Hindi ko naman kasi akalain na mali pala ang daan na tinatahak ko. Mabuti na lamang at naabutan ako ni Javadd dahil hindi ko rin alam kung ano ang naghihintay sa akin sa likod ng pintong iyon kung iyon nga ang nabuksan ko. Naging mabilis pa pala si Javadd sa lagay na ito dahil sigurado ako na hinanap pa niya ako. Bumuntong hininga ako at tumango kay Javadd. Ngayon ay kumbinsido na ako na talaga ngang sinundan niya ako. "Nasaan si Riva?" tanong ko at sinilip ko pa si Riva sa kanyang likuran dahil baka sinundan niya si Javadd nang tumakbo ito. Mabuti na lamang at wala akong nakita kahit na anino man lang ni Riva sa likuran ni Javadd. Napalingon naman tuloy si Javadd dahil sa ginawa ko at nagkibit balikat siya nang muling lumingon sa akin. "Hindi ko alam. Hindi ko na nagawa pa na magpaalam sa kanya dahil nga sa sinundan kita agad," sabi ni Javadd at hindi agad ako nakakibo. May kung anong tuwa akong naramdaman dahil sa nalaman ko na hindi pala niya inuna si Riva kaysa sa akin. Kahit papaano ay nagkaroon ng kapanatagan ang puso ko dahil sa sinabi niya. At hindi ko lubos maisip ang hitsura at mararamdaman ni Riva nang bigla na lamang tumayo si Javadd at tumakbo papalayo nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Sigurado rin ako na wala pang natitikman si Javadd sa ginawa niyang tinapay kaya siguro ay manghihinayang iyon. "Baka magalit siya," mahina kong sambit at napakunot ang noo niya. "Bakit naman siya magagalit?" takhang tanong niya. Halata sa pagtatakha ni Javadd na wala siyang ideya sa nararamdaman sa kanya ni Riva. Hindi niya napapansin ang malalagkit nitong tingin sa kanya. "Dahil iniwan mo siya nang walang paalam," sabi ko. Kahit na natutuwa ako na mas inuna ni Javadd na sundan ako ay hindi ko naman maiwasan ang isipin ang nararamdaman ngayon ni Riva sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Javadd. "Hindi ako nakakakita ng ano mang dahilan para kailanganin na magpaalam ako sa kanya," sabi niya sa pinakawalang interes na paraan. Tama nga naman siya. Isa siyang prinsipe at pwede niyang alisan at talikuran ang isang Algenian ano mang oras niya na gustuhin. "Ngunit--" "Bakit ba tila ganoon na lamang ang pag-iisip mo tungkol kay Riva, Ayesha? Sabihin mo nga sa akin, siya ba ang dahilan ng biglaan mong pag-alis at pagpapaalam kanina?" tanong ni Javadd at hindi agad ako nakasagot. Natatakot ako na baka kung ano na lamang ang isipin sa akin ni Javadd kapag nalaman niya na ganoon nga kababaw ang naging dahilan ko. Napayuko na lamang ako dahil ilang sandali na ang nakakalipas mula nang tanungin niya ako ngunit wala pa rin siyang nakukuha na sagot mula sa akin. Natutunaw na rin ako sa mga titig sa akin ni Javadd kaya hindi ko na kinaya pa na salubungin ang mga tingin niya. Ngunit ilang sandali lang din ay naramdaman ko ang paghawak niya sa aking baba upang marahan na iangat ang mukha ko upang muling magtama ang aming mga mata. Kahit nahihirapan ako at nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa mga titig niya ay pinilit ko na salubungin ang kanyang mga mata. "Tama ako, Ayesha, hindi ba? Si Riva ang dahilan?" tanong niyang muli kahit pa na sa mukha na niya ang kumpirmasyon na tama nga ang sinabi niya. Mahinahon si Javadd kung magsalita at alam ko na nagiging maingat lang siya. Dahil mukhang sigurado na rin naman si Javadd na tama nga siya, sa tingin ko ay wala nang dahilan pa para itanggi na si Riva nga ang naging dahilan ko. Bahala na kung ano man ang iisipin ni Javadd. Ang mahalaga sa akin ngayon ay masabi na ang lahat ng ito sa kanya para mabawasan na rin ang dinadala ko sa aking dibdib. "Kung sasabihin kong oo, magagalit ka ba?" tanong ko at natawa si Javadd. Kinunutan ko siya ng noo dahil imbis na sumagot siya ay nakuha pa niya na tumawa. At pakiramdam ko ay ako ang pinagtatawanan niya. Pakiramdam ko ay hindi niya ito seseryosohin. "Magagalit? Bakit naman ako magagalit?" tanong niya at nagkibit balikat ako. "Dahil naging mababaw ako." Napanguso siya dahil sa naging sagot ko na hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko. Totoo naman ang sinabi ko na mababaw iyon at alam ko na ganoon din ang nasa isip niya. "Kababawan lang pala iyon sa iyo, Ayesha?" Mahihimigan ng pagkadismaya ang tono ni Javadd na nakapagdulot sa akin ng pagkalito. Bakit ganito na lamang siya kung magsalita? "Javadd, sa tingin ko ay kababawan lang talaga iyon. Ngunit hindi ko mapipigilan ang nararamdaman kong inis nang mga sandaling iyon," sabi ko at wala na akong plano pa na itago ito. Hindi nagsalita si Javadd ngunit nanatili ang mga mapanuri niyang tingin sa akin. Ang mga tingin niya na puno ng intensidad ay mas nadagdagan pa dahil sa sinabi ko. "Inis? Bakit ka maiinis?" Halata naman kay Javadd na alam na niya ang sagot at naiinis pa ako lalo sa kanya dahil gusto niya pa na sabihin ko iyon. Alam ko naman na alam na niya ang dahilan ngunit papahirapan pa niya ako na sabihin iyon. Gusto niya talaga na marinig pa iyon sa akin. "Alam ko na alam mo kung bakit!" sambit ko ngunit hindi natinag ang mga tingin niya sa akin. Talagang desidido siya na pagsalitain ako. "Alam ko pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko sa iyo mismo naririnig, Ayesha." Hindi ko maintindihan ang punto niya. Alam naman na pala niya pero gusto pa niya na pagsalitain ako. Ano bang pagkakaiba kapag narinig niya sa akin? Dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko at talagang naiinis na ako sa kanya ay minabuti ko na talikuran na siya para sana magpatuloy na sa paglalakad palabas pero hindi pa man ako nakakaikot para talikuran siya ay pinigilan na niya ako sa plano ko sa pamamagitan ng muling paghawak sa braso ko. Dahil sa mga tingin ni Javadd ay hindi ko na nakuha na magmatigas. Kahit na ano yatang gawin ko ay hindi ako titigilan ni Javadd. Kaya sa tingin ko ay wala na akong magagawa pa kundi ang sabihin na sa kanya ang dahilan kung bakit nga ba ako nainis nang biglaan. Napabuntong hininga na lamang ako na tanda ng pagsuko ko sa kakulitan ni Javadd. Mas lalo lang tuloy natuon ang atensyon niya sa akin dahil alam niya na magsasalita na ako. "Naiinis ako nang ngitian mo siya. Pakiramdam ko sobrang saya mo nang makita siya," sabi ko. Saglit naman na natahimik si Javadd ngunit mayamaya alang ay naririnig ko na ang mahihina niyang pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kabila ng mga sinabi ko ay nagawa pa niya akong tawanan. At ang nakakainis sa lahat ay wala namang nakakatawa sa sinabi ko para matawa siya nang ganito. "Nagseselos ka ba kay Riva, Ayesha?" tanong niya at nanlaki ang mga matako dahil talagang tinanong pa niya iyon. Alam ko naman na talagang nagseselos ako. Alam ko na selos nga itong nararamdaman ko pero hindi ko akalain na didiretsuhin niya ako ng tanong. Kaya ngayon ay hindi ako makahagilap ng isasagot ko dahil sa pagkabigla. Sa paglipas ng mga sandali ng pananahimik ko ay unti-unting naging seryoso si Javadd hanggang sa tuluyan na ngang naglaho ang mapang-asar niyang mga ngiti. At mas lalo akong kinabahan sa pananahimik na ito ni Javadd dahil mahirap basahin ang nasa isip niya. Ayaw niya ba na mgselos ako? Galit ba siya? Siguro ay iniisip niya na bakit naman ako magseselos gayong wala naman akong karapatan. "Inaamin mo ba na nagseselos ka, Ayesha? Ang pananahimik mo bang iyan ay nangangahulugan na totoong nagseselos ka?" seryoso pa rin niyang tanong habang hindi inaalis ang mga tingin sa akin. Muli na lamang akong napaiwas ng tingin. At sa pag-iwas kong iyon ng tingin ay tila ba nakuha na niya ang sagot kahit na hindi ako magsalita. Napahugot siya ng hininga at alam ko na may mga gusto siyang sabihin. "Pilit kong pinipigilan ang nararamdaman ko sa iyo, Ayesha. Ngunit ngayon na umamin ka, alam mo naman siguro na hindi ito magiging madali para sa atin," sabi niya at bigla akong napalingon sa kanya. Pinipigilan niya ang nararamdaman niya sa akin? Hindi ko tanga para hindi malaman kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang nararamdaman. "Javadd..." Hindi ko magawa na sumagot man lang sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman ngayon na nalaman kong may nararamdaman din pala siya sa akin. Magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman ko. At ang takot ay nagmumula sa katotohanan na hindi kami pwedeng magsama ni Javadd at hindi kami pwedeng makaramdam ng ganito sa isa't isa. Alam ko na alam iyon ni Javadd kaya niya nasabi na hindi ito magiging madali para sa amin. Ngunit ang hindi ko alam ay kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon na binitiwan niya. Paano niya nasabi na hindi magiging madali? Plano ba niya na subukan namin at ang sinabi niyang iyon ay isang paalala at babala kung nais ko rin ba itong ituloy? "Hindi ko alam kung hanggang saan tayo dadalhin ng nararamdaman nating ito sa isa't isa ngunit ang tanging gusto ko sa ngayon ay ang makasama ka. Bahala na kung anong kapalaran ang naghihintay sa atin sa hinaharap ngunit handa ko iyong pansamantalang kalimutan para lang magkaroon ng payapang pag-iisip habang nandito pa ang pagkakataon na makasama ko," sabi niya at hindi pa rin ako makakuha ng sasabihin sa kanya. Sa tingin ko ay tama si Javadd. Hangga't may pagkakataon kami na magkasama ay ito ang pipiliin ko. Dahil alam naman namin parehas na sa dulo ng lahat ng ito ay sa kanya-kanya pa rin naming lahi ang bagsak namin dahil tama lamang na sa kanila ang katapatan namin. Ngunit sa ngayon ay ang pagtutuunan muna namin ng pansin ay ang isa't isa. At wala namang kaso sa akin kung wala kaming malinaw na ugnayan. Basta alam namin parehas na may nararamdaman kami sa isa't isa ay sapat na iyon sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito ngunit hangga't hindi sinasabi ni Javadd na lumayo ako ay hinding-hindi ako lalayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD