Chapter 43

1023 Words
Chapter 43 Ayesha's POV Matapos naming ubusin ang mga prutas na binili ni Javadd ay napagpasyahan namin na magsimula na sa paglalakad kahit pa parehas kaming wala pang naiisip na pwedeng gawin. Kinailangan ko lang na mas lalo pang makalayo sa lagusan dahil baka namaya ay may bigla na lamang kawal nag sumunggab sa akon para dalhin ako pabalik sa palasyo. Ayos lang din naman sa akin kung wala kaming mapapasyalan ni Javadd at maisipan niya na tumambay na lang sa kung saan basta ba sa lugar ba wala masyadong makakakita para sigurado na ligtas at matatago ako sa mga maaaring makakita sa akin. Ang mahalaga lang naman kasi sa akin ngayon ay nandito si Javadd at nagawa nkya na makatakas mula sa kanilang kaharian. Kahit pa ang kwento niya sa akin ay nahirapan siya at muntik na naman siyang mahuli na papatakas naman ngayon. Hindi ko rin naman nakitaan ng ano mang galos o pasa si Javadd na tanda na maaari siyang sinaktan at pinagmalupitan bilang kaparusahan sa pagkakahuli sa kanya na nasa Kaliwag siya. Kaya sa tingin ko naman ay ayos lang siya. Hindi ko naman siya magawang tanungin dahil baka ibato niya lang sa akin pabalik ang tanong ko at ako naman ang tanungin niya kung naparusahan ba ako. Mahihirapan ako na sagutin siya dahil alam ko na puro kasinungalingan na naman ang sasabihin ko sa oras na bumuka ang bibig ko. Kung sasabihin ko kasi na hindi ako naparusahan ay magsisinungaling ako dahil pinarusahan ako ng mahal na reyna at ang kaparusahan ko ay hindi ako lalabas ng palasyo na hindi ko naman nasunod. Kung sasabihin ko naman na naparusahan ako ay magsisinungaling pa rin ako dahil iisipin niya na naparusahan ako bilang isang tagasilbi. At isa pa ay ayoko rin na mag-alala pa siya sa akin. Ayoko na maging ako ay intindihin pa niya. Ang mahalaga sa ngayon ay hindi walang bakas ng ano mang p*******t sa kanya at mukha namang ligtas siya na nakauwi sa kanila kagabi. Nagawa pa nga niya na gumawa ng paraan para lamanga makatakas. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad. At nang parehas na kaming mapagod ay niyaya ko munga siya na maupo na muna sa isang mahabang upuan na yari sa kawayan sa may ilalim ng puno na nadaanan namin. Nang ilang sandali na rin mula nang maupo kami ay nagulat na lamang ako nang biglang napatayo si Javadd at napapalakpak pa. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kanya kaya napatayo rin ako. "Halos makalimutan ko nang sabihin sa iyo, Ayesha..." aniya kaya napakunot ang noo ko. Hindi pa kasi tinuloy ni Javadd ang sasabihin niya at nagawa pa na bitinin ako. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Natawa naman siya nang makita ang pagkainip sa aking mukha. Kinurot niya ang ilong ko kaya napakamot ako roon. Napapadalas na siya sa ganoong gawain sa akin. At sa tuwing gagawin niya iyon ay namumula ang ilong ko. "Ano ba 'yon, Javadd?" inis kong tanong dahil mukhang wala pa siyang balak na magpatuloy sa pagsasalita. Kung hindi pa ako nagtanong ay sigurado ako na hanggang mamaya pa niya akong plano na asarin. "Tatlong araw mula ngayon ay kaarawan ko na." Napanganga ako dahil sa sinabi ni Javadd. Tatlong araw na lang kaarawan na niya? Bakit hindi niya agad sa akin sinabi? Nang sa gayon ay napaghandaan ko at napag-isipan ko nang mabuti kung ano ang ireregalo ko sa kanya. Walang akong maiisip na iregalo sa kanya sa loob lamang ng tatlong araw. Ngunit natigil ako sa aking pag-iisip nang maalala ko ang sitwasyon na mayroon ako ngayon. Sigurado ako na pagbalik ko ng palasyo ay ipapasarado na ng mahal na reyna ang lagusan na dinaraanan ko. Kaya matatagalan pa ulit bago ako makabalik dito dahil kinakailangan ko na mag-isip ng panibagong hakbang at maghanap ng panibagong daan. Kaya kung tatlong araw na lang mula ngayon ang kaarawan ni Javadd ay sigurado ako na hindi ko magagawa na makasama siya sa araw na iyon. Bakit ko ba iniisip na kailangan makasama ko siya sa pinakamahalagang araw niya? Hindi ko nga alam kung nais din ba niya akong makasama sa araw na iyon. Basta ang alam ko lang ay nais ko na nasa tabi niya ako sa unang kaarawan niya na magkakilala na kami. Paranh hindi ko yata kaya na palagpasin ang araw na iyon. Kaya nararapat lang na nandoon ako. May inihanda man siya na kasiyahan o wala. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" tanong ko at muli siyang natawa. "Nais sana kitang imbitahan, Ayesha..." seryosong sabi niya at bigla na lamang akong kinabahan. Kung iniimbitahan niya ako, ang ibig sabihin lamang nito ay mayroon ngang kasiyahan. Ngunit saan naman niya plano na magdiwang ng kanyang kaarawan? Nasa Algenia ang kanyang tahana kaya sigurado ako na roon siya magdiriwang. Parang imposible naman na makapunta ako kung sa Algenia niya gaganapin. Kaya hindi ko alam kung bakit pa niya ako iimbitahan. "Saan mo ba ako iniimbitahan, Javadd?" tanong ko para magkaroon na rin ng linaw. "Sa kaharian ng Algenia, Ayesha." Napako ako sa aking kinatatayuan dahil sa naging sagot niya at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Javadd sa planong niyang ito. Ang alam ko lamang ay ang katotohanan na sobrang delikado ng plano niya. Para na rin niya akong pinahamak sa pag-imbita niya sa akin. "Nagpapatawa ka ba, Javadd? Nais mo na pasukin ko ang kaharian na kalaban ng aming kaharian? Paano na lang kung mapahamak ako roon? May kapangyarihan ba ang mga salita mo roon para hindi ako mapahamak?" tanong ko at hindi siya nagsalita. "Hindi ka mapapahamak, Ayesha. Alam ko na sobrang delikado. Pero nahihirapan na kasi ako sa nararamdaman ko eh. Oras na siguro para malaman mo kung sino ba talaga ako at kung anong buhay ang mayroon ako. Para malaman ko kung may pag-asa ba na matanggap mo ang totoong ako." Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Javadd sa mga salitang binitiwan niya. Maging ako ay naguluhan na rin. Nahihirapan na kasi siya sa nararamdaman niya? Bakit? Ano ba ang nararamdaman niya?",
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD