Chapter 44

1030 Words
Chapter 44 Ayesha's POV Hindi ko alam kung ano ang plano ni Javadd ngunit sana naman ay hindi ito isang pain. Sana ay hindi niya ako iniimbitahan sa kanilang kaharian para lamang isuplong sa kanilang batas. Dahil kung sakali na ganoon nga ang gaawin ni Javadd ay hindi ko na alam kung saan nga ba ako magiging mas delikado. Kung sa kanila bang kaharian na puro kalaban namin o sa kaharian namin na alam kong mapaparusahan ako at magagalit pa sa akin ang mga nasasakupan namin. At ayokong mangyari iyon. Ayoko silang biguin, lalo na ang mahal na hari. Ngunit hindi ko rin itatanggi ang kagustuhan ko na makasama siya sa kanyang kaarawan. Kung tatanggi man ako ay sigurado ako na maiintindihan iyon ni Javadd dahil hindi naman talaga biro ang hinihiling niya. Maaaring buhay ko ang maging kapalit lalo na kung hindi kami magiging maingat. At ayoko rin naman na ilagay sa alanganin ang kaligtasan at katahimikan ng kaharian namin. Mamaya ay iyon pa ang maging dahilan ng biglaan nilang pagsugod sa aming kaharian. Hindi naman ako natatakot dahil alam ko rin naman na handa ang kaharian namin. Ang tanging hindi nga lamang yata handa ay ako. Ako na kanila pang pinakainaasahan sa lahat. "Alam mo naman na hindi ganoon kadaling magdesisyon ng sagot sa sinasabi mo, 'di ba?" sabi ko at tumango siya. Ngunit kahit na alam na niya ang bagay na iyon ay nasa mga mata pa rin niya ang pag-asa na papayag ako sa gusto niya na mangyari. Kung nalalaman lang sana ni Javadd ang labis kong kagustuhan na mangyari ang nais niya na mangyari. Ngunit marami rin naman kasi akong bagay na kailangang isaalang-alang. "Naiintindihan ko, Ayesha. Ngunit nakikipagtalo kasi sa akin ang puso ko. Pinagpipilitan kasi nito na makasama ka," sabi ni Javadd at natulala ako sa kanya. "Ngunit Javadd..." Halos wala nang boses ang lumabas sa bibig ko ngunit batid ko na narinig niya iyon. At napako na lamang ako sa kinatatayuan ko nang hawakan niya ang aking buhok na pilit kumawala mula sa pagkakaipit nito sa akin tainga. Binalik niya iyon sa likod ng aking tainga. Hanggang sa kilabutan ako nang dahil sa dumausdos ang kamay niya sa ilalim ng aking baba upang marahan na iangat ang mukha ko. "Isang tanong, isang sagot, Ayesha... May pag-asa ba na makasama kita sa aking kaarawan?" tanong niyang muli. Kung talagang gusto niya ako na makasama ay pwede naman kaming dito na lang na magdiwang ng kanyang kaarawan. Ngunit hindi ko naman iyon pwedeng sabihin dahil alam ko naman na may pamilya rin siya sa kanilang kaharian na nais niyang makasama. "Nais kitang makasama, Javadd." Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. "Ngunit--" "Hindi na ako tatanggap ng iyong ngunit, Ayesha. Sa tingin mo ba, ngayon na narinig ko na sa mga labi mo nanggaling na nais mo akong makasama ay hindi kita sapilitan na bibitbitin ng Algenia?" sambit niya. Isasama kita sa aming kaharian sa ayaw at sa gusto mo, Ayesha." Sa lahat ng banta ng pangunguha ay ang bantang ito ni Javadd ang hindi nakakatakot. Pakiramdam ko nga ay hindi man lang ako manlalaban. At sino nga ba ang niloloko ko sa mga ginagawa ko na pagtanggi sa kanya ngayon? Sarili ko lang din naman ang niloloko. Ngunit kung papayag ako sa gusto niya ay kakailanganin ko pa na maghanap ng paraan at panibagong lagusan para makarating sa kanyang kaarawan. Sigurado ako na sa mga oras pa lang na ito ay nakahanda na ang mahl na reyna na ipasarado ang butas. Hinihintay lamang niya ang pagbabalik ko dahil batid niya na wala akong papasukan. Ngunit iyon ay kng babalik pa ako. Buong tapang ko na sinalubong ang mga tingin na Javadd at nagdesisyon na na ako. Kung nais niya talaga na pasukin ko ang Algenia ay gagawin ko. Ganito kalaki ang tiwala ko sa kanya. Maging ang pinakadelikadong lugar dito sa La Vitre ay papasukin ko dahil lang sa sinabi niya na hindi ako mapapahamak. Susugal ako sa isang ito. Gusto ko rin malaman ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya na nais kong malaman niya kung sino at ano nga bang buhay ang mayroon siya. Ngunit hindi muna ako maaaring bumalik ng palasyo dahil sigurado ako na hindi na ako makakabalik pa rito kung uuwi pa ako. Para lang mapagbigyan siya sa kanyang gusto ay kailangan kong manatili rito sa labas ng Vittoria. At hindi ko alam kung may matutuluyan nga ba ako rito sa Kaliwag. Parang delikado para sa akin kung sa kalsada ako matutulog. Wala naman kasi akong dalang salapi na maaari kong gamitin pang-upa ng tirahan sa ilang araw na pananatili ko rito. Naiwan ko kasi kay Markiya ang mga gamit ko at nasa kanya ang pitaka ko. Hindi naman ako pwedeng mangutang kaumy Javadd dahil baka magtakha pa siya kung saan ko gagamitin. Marahan akong tumango at mas lalo pang lumapad ang kanyang mga ngiti. Bahala na. Ayoko namang biguin si Javadd sa mismong araw ng kanyang kaarawan. "Maraming salamat, Ayesha. Hindi mo lang alam kung gaano mo ko mapapasaya sa araw na iyon." Ngumiti na lamang ako upang hindi ipahalata ang pagiging problemado ko para lang mapagbigyan siya. Ngunit ayos lang naman sa akin basta ba para kay Javadd. Wala naman kasi akong ibang hiling para sa kanya kundi ang kanyang kaligayahan. "Totoo ba ang sinabi mo, Ayesha? Hindi naman ito isang biro, hindi ba? Ngayon pa lamang ay aasa na ako na makakasama nga kita sa araw na iyon," sabi niya at marahan akong natawa. Hindi kasi talaga siya makapaniwala na napapayag niya ako. Maging ako man ay hindi ko akalain na papayag ako. Natatawa akong tumango at mas lalo pa na lumapad ang mga ngiti niya. Bakas na bakas talaga sa kanya ang kaligayahan sa pagpayag ko. Kaya sa tingin ko ay tama lang ang naging desisyon ko. Bahala na siguro sa araw na iyon. Bahala na kung makakatagal ako rito sa lugar na ito. Wala akong makita na ibang paraam kundi ito—ang manatili sa labas ng Vittoria. Nang sa wakas ay narinig ang pagpayag ko ay muli na akong niyaya ni Javadd na magpatuloy na sa ginagawa naming paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD