Chapter 21

2021 Words
Chapter 21 Ayesha's POV Halata naman sa hitsura ko ang pagod at kagustuhan ko na makapahinga na kaya siguro naman ay hindi mamasamain ng mahal na reyna kung nagpaalam na ako sa kanya. Tutal ay matagal-tagal na rin naman siyang nanahimik kaya alam ko na wala na rin siyang sasabihin. Kung hindi pa man siya tapos ay handa naman sana akong makinig sa kanya. Ngunit huwag siyang aasa na may makukuha siyang sagot mula sa akin dahil mananatili nang tikom ang bibig ko para lang hindi na humaba pa ang usapan. Dahil sa pagpapaalam ko na magpapahinga na ako ay nanatili sa akin ang tingin ng mahal na reyna at hindi man lang nakakuha ng ano mang sagot mula sa kanya. At hindi ko naman mabasa kung ano ang iniisip niya. Nakita ko pa na kumibot ang mga labi niya kaya alam ko na may gusto pa siyang sabihin. Ilang sandali na rin ang lumipas ngunit wala pa rin akong nakukuha na sagot mula sa kanya kaya hindi ko pa siyang magawa na talikuran. Nilingon ko na lamang si Markiya at sinenyasan na mauna na siya sa kwarto ko at doon na lamang niya ako hintayin. Mabuti na lamang at naintindihan niya ang nais ko na mangyari. Nagpaalam na lamang siya sa mahal na reyna at iniwan na rin kaming dalawa. Pinauna ko na muna si Markiya para ako na lamang ang makakarinig ng mga susunod pang sasabihin ng mahal na reyna. "Mahal na reyna, nais ko na po sana na magpahinga," ulit ko sa kanya at nagbabaka sakali na hahayaan na niya ako. Ngunit bahagya niyang tinaas ang kanyang kamay upang pigilan ako sa plano ko. At mas mabuti na ang ganito kaysa sa nanghuhula ako sa mga gusto niyang mangyari. At least sa pagkakataon na ito ay alam ko at sigurad ako na ayaw niya muna akong paalisin. Hindi naman na ako nagreklamo pa sa pagbabawal niya sa akin sa gusto kong gawin at intinuon ko na lamang ang buo kong atensyon sa kanya. "Kahit ano yata ang gawin ko ay hindi ka matututo na makipaglaban. Maaaring magaling s pakikipaglaban si Digno ngunit siya magaling na tagapagsanay," sambit niya na kinakunot ng noo ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin at kung bakit bigl niyang naisipan na isingit si Digno na walang kamalay-malay sa usapan namin na ito. "Ano ang ibig ninyong sabihin?" tanong ko at sandaling nanahimik ang mahal na reyna. At sa ilang sandaling pananahimik niya ay tila ba nagkaroon ako ng ideya kahit papaano ang maaari niyang maging ibiga ipakahulugan sa kanyang pagdawit sa pangalan ni Digno. Ngunit sana naman ay mali lamang ako ng naiisip. Sana ay mali ako ng hinala. Tiningnan ko nang mabuti ang mahal na reyna at hinintay siya sa muli niyang pagsasalita. "Mukhang hindi nagagampanan ni Digno ang trabaho niya bilang iyong tagapagsanay. Nagsasayang lamang kami ng mahal na hari ng salapi sa pagpapasahod sa kanya. Oras na marahil upang kumuha ng bago mo na tagapagsanay." Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi ng mahal na reyna. Umaasa ako na nagbibiro lamang siya ngunit kitang-kita ko sa kanyang mga mata na seryoso siya sa kanyang mga binitiwan na salita. Sigurado ako na kayang-kaya niyang tanggalin si Digno bilang tagapagsanay ko. At oras na gawin niya iyon ay alam ko na magtatakha ang mahal na hari. At hindi naman magdadalawang isip ang mahal na reyna na sabihin sa kanya ang totoo. At oras na malaman iyon ng mahal na hari ay mag-iiba ang tingin nito kay Digno. Mawawala ang tiwala nito sa husay ni Digno sa pakikipaglaban. At ayoko naman na ako ang maging dahilan kung bakit mangyayari ang bagay na iyon. Ayokong maging dahilang ng pagkasira ng isang kaibigan. Kaya hindi ko hahayaan ang mahal na reyna na gawin ang gusto niya na tanggalin si Digno bilang aking tagapagsanay. Dahil tunay na magaling si Digno. Marami akong natutunan sa kanya ngunit hindi pa naman sapat para sa mahal na reyna kaya niya nasasabi ang mga bagay na ito. Magaling na tagapagsanay si Digno at sadyang ako lamang ang may problema kung bakit tila kulang pa ang lahat ng ito para sa mahal na reyna. Kung ibang Vittorian ang aking naging tagapagsanay ay baka tuluyan na akong walang natutunan na siguradong mas ikagagalit niya. "Seryoso ba kayo sa sinasabi ninyo, mahal na reyna? Tatanggalin ninyo si Digno bilang aking tagapagsanay dahil lamang sa hindi kayo nasiyahan sa naging resulta ng aktwal naming pagsasanay?" hindi makapaniwalang sambit ko at hindi ko na rin nagawa pa na itago ang pagkadismaya dahil sa nais niya na mangyari. "Baka nakakalimutan mo, Ayesha na isa kang prinsesa. At hindi iyan ang inaasahan ng lahat na maging resulta ng iyong pagsasanay," matigas niyang sabi at nakuyom ko na lang ang magkabila kong kamao dahil sa pagpipigil ng aking galit. "Walang kinalaman si Digno rito, mahal na reyna. Ako ang may pagkukulang kung bakit ganito lamang ang kinaya ko," sabi ko ngunit hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa paliwanag ko o hindi. Ngunit base na rin sa pagkakakilala ko sa mahal na reyna ay ala ko na hindi niya ako kailanman pakikinggan. At hindi ko maiwasan ang mangamba dahil baka bigla na lang niyang tanggalin si Digno kahit na hindi pa ako pumapayag. "Malaki ang kinalaman niya, Prinsesa Ayesha. Siguro nga ay talagang magaling siya na tagapagsanay dahil marami naman na siyang sinanay na ngayon ay dalubhasa na sa pakikipaglaban. Ngunit bakit ganyan lamang ang kakayahan mo?" "Ngunit mahal na reyna--" Hindi ko na natuloy pa ang dapat sana ay sasabihin ko dahil agad ulit siya na nagsalita. "Iyon ay dahil kinukunsinti niya ang katamaran mo sa pagsasanay. Hinahayaan ka lang niya na gawin ang gusto mong gawin. Dahil sa kaibigan ka niya. Ngayon, naisip ko lamang na kung iba na ang magsasanay sa iyo ay hindi mo na magagawa ang mga nagagawa mo kay Digno. Darating ka na sa inyong pagsasanay nang tama sa oras a serseryosohin ang lahat ng inyong aralin." Sa haba ng sinabi ng mahal na reyna ay pakiramdam ko na wala man lang pumasok sa isip ko. Tuliro ako dahil hindi maproseso ng utak ko ang lahat ng ito. Nakakahiya naman kasi talaga kay Digno kung tatanggalin siya. At paano na lamang kung kumalat ang balitang iyon sa buong Vittoria? Paano kung kumalat sa lahat ang maling impormasyon na nabigo si Digno na sanayin ako at turuan ng mga bagay na kailangan kong matutuhan? Sigurado ako na maaari niyang iyong ikasira dahil kilala siya bilang pinakamagaling na tagapagsanay. Maaaring mawala ang tiwala ng ib sa kanya. Wala nang kukuha sa kanya bilang tagapagsanay. At lahat ng iyon ay maaaring mangyari nang dahil lamang sa naging kapabayaan ko. At hindi ako makakapayag na mangyari iyon. "Hindi totoo ang lahat ng binibintang ninyo, mahal na reyna. Hindi ako kinukunsinti ni Digno. At mas lalong hindi ninyo siya pwedeng palitan hangga't wala ang pagpayag ko." Hindi ko na napigilan pa ang pagsagot sa kanya dahil kitang-kita sa mukha niya ang pagkapinal ng kanyang desisyon. "At bakit hindi pwede, mahal na prinsesa? Kami ang pumili kay Digno bilang iyong tagapagsanay kaya kami rin ang maaaring magdesisyon kung mananatili ba siya sa kanyang tungkulin o hindi." Mas lalo lamang humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko dahil sa sinabi niya. "Huwag naman na sana tayong humantong pa sa ganitong pagtatalo, mahal na reyna. Ano ba ang gusto ninyong gawin ko para matahimik lang kayo at hindi na ninyo pa pakialaman si Digno?" tanong ko. Kahit na ganito ang trato sa akin ng mahal na reyna ay hindi naman ako sanay na makipagmatigasan sa kanya. Alam ko na sa bandang huli ay ako pa rin ang kinakailangan na magpakumbaba. "Alam mo ang tanging gusto ko na mangyari, Ayesha. Ang gusto ko ay seryosohin mo ang iyong pagsasanay dahil paano kung malaman ng lahat ng hindi pa sapat ang iyong nalalalaman? Kukwestiyonin nila ang kakayahan mo na mamuno! Kaya ngayon pa lamang ay kumilos ka na nang naaayon sa iyong posisyon!" Matapos sabihin ng mahal na reyna ang mga salitang iyon ay tinalikuran na niya ako. Tinalikran niya ako nang hindi ko nalalaman ang sagot niya. Hindi ko alam kung pinagbigyan niya ba ako dahil halata naman sa mga salita ko na humihingi ako ng isa pang pagkakataon. Alam ko naman kasi sa sarili ko na sa ngayon ay ito lang ang pwede kong gawin. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang sumunod na lamang sa pinag-uutos at kagustuhan ng mahal na reyna. Dahil tulad nga ng sinabi niya ay sila ang may karapatan kung mananatili ba si Digno sa kanyang tungkulin o hindi kaya ako dapat ang sumunod sa kanila. Ngunit sa tingin ko naman, kahit na hindi sinabi ng mahal na reyna ay pinagbibigyan niya ako. Kaya simula sa mga oras na rito ay kinakailangan ko nang seryosohin ang aking pagsasanay. Ang nais ng mahal na reyna ay maging bihasa na ako sa pakikipaglaba. At iyon ang kinakailangan kong ipakit at ibigay sa kanya. Ang ibig sabihin ba nito ay kailangan ko nang bawasan ang oras ko sa Kaliwag upang makatulog ako nang tama sa oras at hindi mahuhuli sa mga pagsasanay namin ni Digno? Sa tingin ko ay hindi ko iyon makakaya dahil ngayon ko pa lamang nalilibot ang Kaliwag. Dahil ang kaya ko lang gawin ay maging reponsable sa oras ko. Pwede akong dumating sa aming pagsasanay nang tama sa oras at pagtutuunan ko ng pansin ang lahat ng ituturo sa akin ni Digno. Sa ganoong paraan ay hindi na mapapasama pa ang lagay ni Digno sa mahal na reyna. Hindi ko alam kung ganito rin ba ang magiging reaksyon ng mahal na hari oras na malaman niya ang resulta ng aktwal na pagsasanay namin ni Digno ngunit upang mas makasigurado ako ay hindi ko na lamang sasabihin sa kanya ang lahat. Magsisimula na sana akong humakbang papunta sa aking kwarto para sana makapahinga na ngunit agad akong nahinto nang makita na papalapit na ang hari. Kasama niya ang mahal na reyna at hindi pa man kami tuluyang nagkakaharap na tatlo ay alam ko na agad na nakapagsumbong na siya. Bakit nga ba hindi ko agad naisip na mabilis niyang ipaparating ang ganitong balita sa hari. Seryoso ang hari habang naglalakad palapit sa akin ngunit mahirap alamin kung plano niya rin ba ako na kagalitan tulad na lamang ng ginawa ng mahal na reyna kanina. Ngunit kung ganoon man nga ang gagawin niya ay nakahanda naman ako na saluhin ang lahat ng iyon. Nabaling ang tingin ko sa mahal na reyna na ngayon ay halos hindi na maipinta ang mukha. Alam ko naman na kanina pa siya ganyan ngunit mas lumala lang ngayon. "Binabati kita, mahal na prinsesa. Nasabi sa akin ng mahal na reyna na nagkaroon kayo ng aktwal na pagsasanay na si Digno? At nasabi rin niya na ang naging hatol sa iyo ng tagapagsanay ay hindi na raw masama para sa unang beses na sumabak sa ganoon?" Hindi tulad ng mahal na reyna ay bakas sa mukha ng mahal na hari ang kasiyahan sa kinalabasan. Hindi ko ito inaasahan ngunit kahit papaano ay muling bumalik ang kumpiyansa ko at tiwala sa sarili. Ang pagiging kuntento ng hari sa pinamalas ko ay mas magandang motibasyon na mas pagbutihan ko pa sa mga susunod pa dahil ayokong biguin siya. "Naniniwala ako na sa tamang panahon ay magiging bihasa ka rin." Napangiti ako sa sinabi ng mahal na hari at tumango. Hinding-hindi ko siya bibiguin. At alam ko na rin kung bakit ganito na lamang ang mukha ng mahal na reyna. Iyon ay dahil hindi ako kinagalitan ng mahal na hari na alam kong gusto niyang mangyari kaya siya nagsumbong. Sinabi lamang ng mahal na hari na mas pagbutihan ko pa sa mga susunod pang pagsasanay at nagpaalam na rin sila. Nagsimula na rin naman akong maglakasd papunta sa aking silid. Kanina ko pa gustong magpahinga at kanina pa rin hinahanap ng katawan ko ang aking higaan. Mabuti na lamang at nakahanda na ang kama ko pagdating ko pa lang kaya wala na akong iba pa na gagawin kundi ang humiga at magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD