Chapter 18

1040 Words
Chapter 18 Ayesha's POV Wala naman na sigurong masama kung aminin ko sa kanya ang katotohanan na iyon dahil hindi ko lamang naman siya tagapagsanay kundi kaibigan na rin ang turing ko sa kanya. Maaaring mawalan siya ng gana na turuan at sanayin ako nang dahil sa sinabi ko ngunit kung talagang kaibigan ko siya ay hindi niya ako mabilis na huhusgahan at iintindihin ang nararamdaman kong ito. Hindi ko naman mabasa kung ano ang nasa isip ni Digno ngunit pinagkibit balikat ko na lamang iyon sa aking isip. Ayoko nang isipin pa ang magiging saloobin niya tungkol sa bagay na ito. Kahit naman mawalan siya ng gana na sanayin ako ay wala naman na siyang magagawa pa dahil kailangan niya pa rin iyong gawin dahil utos iyon ng hari at binabayaran siya ng malaking halaga. "Nais mo bang pag-usapan kung bakit?" tanong niya na bigla ko na lamang kinagiti. Dahil bukod sa nakangiti rin si Digno ay hindi rin ako nakakakita ng ano mang panghuhusga sa kanyang mga mata. At sa bagay pa lang na iyon ay alam ko nang hindi ako nagkamali sa desisyon na ituring siya bilang isa sa mga pili kong kaibigan. Ngunit hindi ako handa na pag-usapan ang mga bagay na ito kaya marahan akong umiling. At kahit na hindi ang naging sagot ko ay hindi naman nawala ang mga ngiti sa labi ni Digno at nakuha pa niya na tumango bilang pag-intindi. Binigyan ako ni Digno ng oras para maghanda sa aming pagsasanay. Pansamantala niya ulit akong iniwan upang magsanay sa aking sarili. Nang tuluyan na ngang nakalabas si Digno ay muli na naman akong nilapitan ni Markiya nang may pag-aalala sa kanyang mukha. At dahil mula pagkabata pa lamang ay magkasama na kami, hindi pa man siya nagsasalita ay alam ko na agad kung para saan ang pag-aalala niya. "Bakit mo sinabi ang katotohanang iyon kay Digno, mahal na prinsesa?" Halata sa tono niya na hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Ngunit wala naman akong nakikitang masama sa ginawa kong iyon. Hindi ko nga lang agad na nasabi kay Digno ngunit hindi ko naman iyon planong ilihim sa kanya. "Bakit hindi, Markiya? Tulad mo ay kaibigan ko rin si Digno," sabi ko at napabuntong hininga siya. Naiintindihan ko ang pag-aalala niya. Ngunit dahil sa kaibigan naming parehas si Digno ay inakala ko na maiintindihan niya kung bakit ko napili na sabihin kay Digno ang katotohang iyon. Kaibigan ko si Markiya at alam niya na kaibigan ko rin si Digno kaya ngayon ay hindi ko alam kung bakit nagulat pa siya. "Ngunit paano kung ipabatid niya sa mahal na hari at mahal na reyna ang tungkol doon?" tanong pa siya at ngumiti ako. "Tulad ng sinabi ko sa iyo, Markiya, kaibigan ko rin si Digno. Kung nagagawa mo na itago ang aking lihim ay alam ko na ganoon din si Digno dahil parehas ko kayong kaibigan." Huminga ako nang malalim bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. Kailangan kong magpatuloy dahil alam ko na kailangan kong papayapain ang isip ni Markiya dahil ayoko na masyado siyang nag-aalala para sa akin. "Tungkol naman sa sinabi mo na paano kung malaman ng mahal na hari at mahal na reyna...sa totoo lamang, Markiya ay hindi ko na iniisip ang tungkol sa bagay na iyan. Alam ko naman na kahit hindi ko sabihin ay nararamdaman na ng mahal na reyna na napipilitan lamang ako na gawin ang lahat ng pagsasanay na ito. Ang sasabihin ng mahal na hari ay pwede ko pang problemahin kahit papaano dahil alam ko na maaari siyang magalit. Pero ang mahal na reyna? Nakakasigurado ako na alam niya ang lahat ng saloobin ko." Saglit na nanahimik si Markiya. Ngunit mayamaya lang ay napangiti siya kaya hindi ko napigilan na taasan siya ng kilay. "Ano ang dahilan ng iyong pagngiti, Markiya?" Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at napatanong na ako sa kanya. Inalala ko rin ang mga sinabi at binitiwan kong sa kanya upang malaman kung may nakakatawa ba sa sinabi ko ngunit wala naman akong maalala na ano mang maaaring maging dahilan ng pagngiti niya. Mga nakakabahala pa nga ang sinabi ko. "Bigla ko lamang naisip, mahal na prinsesa na labis pala talaga ang pagmamahal sa iyo ng iyong ina." Pilit ko man na pigilan ang mapangiwi dahil sa sinabi ni Markiya ay hindi pa rin ako nagtagumpay na itago iyon dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko alam kung saan napulot ni Markiya ang ideya na iyon at bigla na lamang niya iyong naisip sa ganitong pangkaraniwan naming pag-uusap. Hindi ko alam kung nag-aasar lang ba siya pero nakikita ko sa mukha niya na bagaman nakangiti ay totoo na iniisip niya ang bagay na iyon. "Paano mo naman nasabi ang bagay na iyan, Markiya?" natatawang tanong ko dahil siya itong laging nakakasaksi sa kung paano na lamang ako kung kagalitan ng mahal na reyna. Tapos ay siya pa ang kauna-unahang Lavitran na magsasabi na labis pala talaga ang pagmamahal ng mahal na reyna. "Dahil totoo naman ang sinabi mo na kahit hindi mo sabihin sa kanya na hindi mo gustto ang pagsasanay ay alam na alam niya iyon. Saksi ako na alam na iyon ng mahal na reyna noon pa man. Ngunit ganoon pa man ay pinagtatakpan ka pa rin niya sa mahal na hari. Hindi niya sinusumbong ang lahat ng kalokohan mo. At sa tingin mo, mahal na prinsesa, bakit ganoon na lamang kung pagtakpan ka niya? Iyon ay dahil ayaw niya na kagalitan ka ng mahal na hari." Natigilan na lamang ako dahil sa sinabi niya. Kahit na isang saglit ay hindi man lang pumasok sa isip ko ang bagay na iyon. Sa tanang buhay ko ay mga paghihigpit at pamimilit lamang ng mahal na reyna ang nakikita ko. Hindi man lang pumasok sa isip ko ang mga bagay na sinabi sa akin ni Markiya ngayon. "Siguro ay dahil ayaw niya rin na malaman ng ibang Vittorian ang katamaran ko," sabi ko ngunit umiling suya. "Ngunit hindi ibang Vittorian ang mahal ns hari dahil ama mo siya. Maaari niyang sabihin ang lahat sa kanya ano mang oras niyang gustuhin ngunit mas pinipili niya na manahimik na lamang," sabi niya at muli ay hindi ako nakapagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD