Chapter 48

1021 Words
Chapter 48 Ayesha's POV Hindi ko alam kung gaano katagal na akong kumakain pero nang maubos ko ang tatlong tinapay na kinuha—ninakaw ko ay saka lang ako nakaramdam ng kabusugan. Hindi pa ako makakilos dahil sobrang bigat ng tiyan ko. At hindi ko alam kung gaano pa katagal ang kailangan kong ipahinga bago muling makakilos. Ngunit habang nagpapahinga ay mas makakabuti pa siguro kung pagpaplanuhan ko na ang mga susunod kong hakbang hangga't nandito pa ako sa loob ng Algenia. Oras na makalabas ako sa lugar na ito ay sunod kong gagawin ay ang hanapin na si Javadd. Hindi ko nga lang alam kung saan ako magsisimula. Ayoko naman na magtagal dito sa lugar na ito at lalabas lamang ako sa mismong kaarawan ni Javadd. Inaasahan ko na rin kasi na matatagalan ako sa paghahanap kay Javadd. Hindi pa man din kasi ako nakakalibot sa Algenia at ito rin ang unang pagkakataon na nakatapak ako rito ngunit alam ko nang isa itong malaki at malawak na kaharian. Kaya hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap kay Javadd. Ang tangi paraa siguro upang mahanap siya ay ang ipagtanong kung nakikilala ba nila ang kawal na si Javadd. Mas mabuti siguro kung sa mga mismong kawal ako magtatanong dahil sigurado ako na sila ang nakakakilala kay Javadd dahil sila naman ang magkakasama sa trabaho. Ngunit ang isipin pa lang na haharapin ko ang mga kawal ng Algenia ay kinakabahan na ako. Paano na lamang kung mahalata nila na hindi ako tagarito. Sigurado ako na didiretso ako sa kanilang bilangguan lalo pa at mismong mga kawal ang makakakilala sa akin. Ngunit bahala na. Kung maghinala man sila sa aking pagkakakilanlan ay sasabihin ko na lamang na kilala ako ni Javadd. Sigurado ako na ipapatawag nila ito. At kapag nakita niya na hawak ako ng mga kasamahan niyang kawal ay ipagtatanggol naman niya siguro ako sa kanila. Bigla ko na lamang inalerto ang aking sarili nang muli akong makarinig ng mga yabag. At naging pamilyar na ang mga iyon dahil sila ang kanina pa naglalabas-masok sa lugar na ito. Sila ang mga panadera dito. Gusto ko sanang magpakita sa kanila para purihin ang sarap ng pagkakagawa nila sa mga tinapay dito ngunit alam ko naman na hindi pwede dahil bukod sa magugulat sila ay sigurado ako na magsusumbong sila at mapaparatangan pa ako nang isang magnanakaw. Hindi ako kumilos upang hindi makalikha ng ano mang ingay. Oras na makita kasi nila ako ay nakakasigurado ako na matatapon na ang maliligayang oras ko. Pinagsiksikan ko pa ang sarili ko sa pinakadulo nitong ilalim ng mesa para lang masiguro na hindi nila ako makikita. Dahil nga sa muli silang gumagawa ng tinapay na siyang sunod nilang isasalang sa mga pugon ay matagal silang nanatili rito. Dahil nga sa tagal at pagkainip ay muli akong nakaramdam ng gutom. Samahan pa ng mababangong amoy ng mga tinapay. At ang tanging gusto ko na lang na mangyari ngayon ay ang muli na silang lumabas upang muli ay makakuha--makapagnakaw na ulit ako ng mga tinapay. Puro pa kasi sila kwentuhan habang naggagawa ng tinapay kaya lalo silang tumatagal. Parang gusto ko tuloy na dalhin dito ang pagiging prinsesa ko at pagmadaliin sila. Ngunit hindi naman na ito sakop ng kapangyarihan at posisyon ko kaya ang tangi ko na lamang magagawa ay ang maghintay hanggang sa matapos sila. Kung sa kaharian namin ito gagawin ng mga tagasilbi ay nasisiguro ko na hindi magdadalawang isip ang mahal na reyna na alisin sila sa kanilang trabaho. Dahil ang ganitog klase ng kwentuhan ay isa nang katamara para sa kanya. Kung ako naman ang tatanungin ay ayos lang ang ganitong uri ng usapan habang nagtatrabaho. Basta ba hindi naaapektuhan ang bilis nila sa paggawa. At sa tingin ko naman na ang panaderang ito ay hindi naman bumabagal dahil kahit na hindi ko sila nakikita ay naririnig ko naman na patuloy na kumikilos ang kanilang mga kamay upang magtrabaho. Siguro ay bumabagal lang sila para sa akin dahil gusto ko na agad silang matapos sa kanilang mga ginagawa nang sa gayon ay lumabas na sila. Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayanan na tiisin ang gutom na nararamdaman ko. "May isusuot ka na ba para sa nalalapit na kaarawan ng mahal na prinsipe?" tanong ng isang babae at kahit na hindi ko nakikita ang mga expression nila ay alam ko na abot tainga ang mga ngiti nila sa pagbanggit pa lamang sa kanilang prinsipe. Kung gayon ay isang lalaki pala ang nakatakdang magmana ng trono ng hari sa kaharian na ito. Ang prinsipe na tinutukoy nila ay ang siya ring maaari kong makatunggali kapag dumating na ang tinakdang oras kung saan mapapatunayan na kung sinong kaharian nga ba ang dapat na mangibabaw dito sa mundong ilalim. Bigla tuloy akong nagkaroon ng gana na magsanay nang mabuti upang sa oras na magkaharap na kami ng prinsipe ng Algenia at matalo ko siya ay dagdag karangalan iyon sa akin dahil natalo ko ang isang lalaki. Kaya kahit na lalaki pala ang aking makakatapat ay hindi ako dapat na panghinaan ng loob. Bagkus ay mas maging dahilan ko pa ito upang mas lalo pa na magsikap. "Wala pa akong isusuot dahil hindi pa sapat ang aking salapi na pambili ng kasuotan na nais ko sanang bilhin," sagot naman ng isa pa. Hindi naman sa minamaliit ko sila ngunit mga panadera lamang sila. Paano silang maiimbitahan sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang prinsipe? Kaibigan ba nila ang lalaking iyon? At kailan ba iyon? Bakit nila iyon kailangan na paghandaan? Talagang pinag-iipunan pa nila ang pagbili sa kasuotan nila at pinaglalaanan ng salapi. Mukhang isang malaking pagtitipon sa kaharian na ito ang kaarawan ng kanilang mahal na prinsipe. Ngunit hindi na dapat pa akong mabigla dahil ganoon din naman ang kaarawan ko sa aming kaharian. Hinihiling ko sa mahal na hari na imbitahan ang lahat ng nasasakupan namin sa tuwing magdiriwang ako ng aking kaarawan. Ngunit hindi ko naman akalain na ganoon din pala rito. Hindi ko nga lamang alam kung kagustuhan ba iyon ng kanilang prinsipe o sadyang ganoon lang talaga ang kanilang nakasanayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD