Chapter 47

1020 Words
Chapter 47 Ayesha's POV Habang nasa loob pa rin ako ng drum ay inihanda ko ang aking sarili. Alam ko na isang napakalaking gulo kapag may nakakita sa akin dito. Hindi ko alam kung saan sulok ng Algenia na ako napunta ngunit sigurado ako na malayo-layo ba rin ang napagdadalhan sa akin. Hindi ko na nga alam kung bahagi pa rin ba ito ng Algenia o baka naman ang destinasyon pala ng drum na ito ay sa labas ng kanilang kaharian. Huwag naman sana dahil sigurado ako na masasayang lang ang lahat ng pinaghirapan ko para lang malusutan sina Javadd papasok dito. Ang pinakanakakatakot sa lahat ay paano na lamang kung ang drum pala na ito aynakatakda na palang itapon sa kung saan. Baka mamaya ay sa ilog na pala ako damputin. At kung bigla na lamang nila akong itapon sa ilog habang nandito pa rin ako sa loob ng drum ay baka mahirapan na akong makalabas dito at mamamatay ako nang dahil lamang sa pagkalunod. Wala rin naman akong ibang mahihingian ng tulong. Nakahanda na sana akong tumayo mula sa pagkakaupo ko drum kahit pa patuloy sa pag-andar ang kariton. Wala na akong pakialam kung sino man ang nagtutulak nito dahil ang tanging nais ko na mangyari sa ngayon ay makalabas na ng drum. Bahala na kung ano mang mangyari sa oras na malaman nila na may Lavitran dito sa loob ng drum. Ngunit bago pa man ako tuluyan na makatayo ay naramdaman ko na huminto na ang drum. Wala akong ano mang ingay na naririnig ngunit may naaamoy akong mabango. At sa tingin ay tinapay ang mga iyon. Hindi ko alam na ganito na pala ang gutom na nararamdaman ko nang maamoy ko ang bango ng mga tinapay na batid kong nasa loob pa ng pugod. Nanunuot ang amoy nito. "Naipasok na ba ang mga drum ng harina?" Narinig ko ang boses ng isang babae. Kung nagbanggit siya ng harina ay nakakasigurado ako na nasa pagawaan akong tinapay. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa gutom o sadyang amoy pa lang ay masasarap na ang tinapay nila rito. Wala rin naman akong masasabing masama tungkol sa iba't ibang uri ng tinapay na mayroon kami sa aming kaharian ngunit dahil iyon na ang natitikman ko mula pagkabata ay unti-unti na akong nakakaramdam ng pagkasawa. At ngayon nga na may naamoy akong bago ay bigla na lamang akong natakam. May kung anong amoy sa kanilang tinapay na malaki ang pagkakaiba sa amin. Kaya ganoon na lamang ang pag-aasam na matikman iyon upang makatikim naman ako ng iba na bago sa aking panlasa. Ngunit nakaramdam din naman ako ng kaba nang maalala na baka ang drum na tinutukoy nila ay ang drum na pinagtataguan ko. Huwag naman sana akong mahuli rito nang hindi ko man lang natitikman ang kanilang mga tinapay. "Opo. Oras na maluto na ang mga kasalukuyang nakasalang sa pugon ay huhulma ulit ako ng panibagong tinapay. Ngunit sa ngayon ay lalabas na muna ako upang gawin ang ilan pang mga bagay dahil matagal-tagal pa ang ating hihintayin bago tuluyang maluto ang mga nasa pugon." Matapos ang sinabing iyong ng isa pang babae ay wala na ulit ang nagsalita. Ang sunod na ingay nang narinig ko ay ang pagbukas at pagsara ng pinto. Tutal ang sabi ng babae ay matagal-tagal pa ang hihintayin nila kaya nasisigurado ko na mamaya pa ulit magkakaroon ng tao rito sa kung saan mang lugar ako naroon. Ngunit naghintay pa muna ako nang ilang sandali bago ako lumabas ng drum. At pagtayo ko nga ay ilang pugon agad ang sumalubong sa akin. Kaya pala bigla na lamang akong nakaramdam ng init dahil mainit naman pala talaga sa lugar na pinagdalhan nila sa akin. Nagsimula akong humakbang hanggang sa matanaw ko ang mga tinapay na sa tingin ko ay nga bagong luto lang din. Nang marating ko ang kinaroroonan ng mga luto nang tinapay ay hindi nga ako nagkamali dahil maiinit pa ang mga ito. Langhap na langhap ko pa ang amoy ng mga ito. Dala ng labis na gutom dahil saga pinagdaanan ko ngayong araw ay kumuha ako ng isa. Alam ko na mali ang gagawin ko dahil isa na itong maituturing na pagnanakaw ngunit wala naman na akong iba pa na pagpipilian dahil gutom ba gutom na talaga ako. Wala namang ibang pwedeng magpakain sa akin. Tinikman ko ang isang uri ng tinapay na siya kong unang nadampot. Maraming klase ng tinapay ang nasa harapan ko kaya hindi ko alam kung sa mga ito ang isusunod ko. Lahat kasi ay masasarap at mababango. Unang kagat ko pa lang sa tinapay na hawak ko ay nasarapan na agad ako. Mabilis ko itong naubos at nais ko pa sana na dumampot ng isa pa na ganito ngunit gusto ko ring tikman pa ang ibang mga tinapay. Kaya dumampot na lamang ako ng isa pang uri ng kanilang tinapay. May mga tinapay sila na mayroon din ng tulad sa amin. At nilalagpasan ko ang mga iyon dahil ang mga tinapay na wala sa aming kaharian ang mga nais ko lamang na tikman. Hanggang sa hindi ko na namanalayan na nakakadami na pala ako. Ang kaninang sobrang gutom na nararamdaman ko ay mabilis na napalitan ng sobrang kabusugan. Ngunit madami-dami pa akong hindi natitikman kaya nagpatuloy ako sa pagtikim. Hanggang sa nahinto na lamang ako sa pagnguya ko nang makaramdam ng mga yabag sa labas nitong gawaan ng mga tinapay. Kaya dali-dali akong naghanap ng matataguan. Ngunit bago ako magsimulang maglakad palayo sa mga tinapay dumampot na muna ako ng tatlo. Nakita ko ang isang mesa kaya sa ilalin nu'n ako nagtago. Dito ko na lamang pinagpatuloy ang pagkain. Hindi rin nagtagal ay may pumasok nang dalawang Algenian. Tanging kalahati lang ng kanilang mga katawan ang nakikita ko ngunit alam ko na mga babae sila dahil sa kanilang mahahabang kasuotan. Hindi naman siguro na mapapansin ang kabawasan sa nga tinapay dahil marami naman ang mga iyon. Hindi rin naman iyon nakahilera dahil nakatambak lang naman sila sa kani-kanilang mga lalagyan. Hindi ko na lamang muna sila inintindi at pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD