Chapter 11

1108 Words
Chapter 11 Ayesha's POV Dahil sa kaba ko sa pagsama ng amang hari sa inang reyna sa paggising sa akin ay hindi agad ako makapag-isip nang ayos. Mabait ang amang hari kung ikukumpara sa inang reyna. Lagi kong nakukuha ang gusto ko kapag sa kanya ako nagsasabi. Ngunit hindi maitatanggi ang pagiging mas istrikto niya kumpara sa inang reyna. Sa pananalita pa lamang ng mahal na hari ay kinakailangan mo na agad siyang sundin. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa kapangyarihan sa posisyon na mayroon siya o sadyang may likas nang awtoridad ang tono niya. Na sa tingin ko ay nakasanayan na niya sa tagal na niyang namumuno sa buong Vittoria. "Mahal na prinsesa." Nanatili akong nakapikit kahit pa inulit na niya ang pagtawag sa akin. At napagpasyahan ko na dahil nasimulan ko na rin lang naman ang pagpapanggap na natutulog pa ako ay paninidigan ko na. "Mahal na prinsesa, nandito ang iyong mga Liya at Liyo." Napakunot ang noo ko ngunit mabuti na lamang at sa isipan ko lamang iyon nagawa. Ang aking Liyo Azul ay kapatid ng aking amang hari. At ang Liya Ursula naman ay ang asawa nito. Minsan lamang sila pumunta rito. At sa minsan na iyon ay wala na silang ginawa pa kundi ang punahin ang lahat ng mali na nakikita nila sa akin. At pagtapos nila akong punahin ay saka nila ako ikukumpara sa anak nila na ayon sa kanilang kwento ay perpektong anak na kung ang Liyo Azul lamang ang nagig hari ay nasisiguro daw nila na magiging perpektong tagapagmana ang pinsan kong si Kaira na may taglay rin na sama ng ugali. Kahit pa maayos ang pakikitungo niya sa akin ay alam ko na mayroon siyang tinatagong inggit sa akin dahil nasa aking ang posisyon na pinapangarap nilang buong mag-anak. Kaya hindi ninyo ako masisisi kung hindi ko man sila magustuhan. Kahit pa sabihin na sila na lamang ang natitira naming kamag-anak ay hindi kop gugustuhin na makipaglapit sa kanila. At alam ko na ganoon din ang nararamdaman ng inang reyna. Kung may isang bagay kami na mapagkakasnduan, iyon ay ang pagka-dis gusto sa pamilya ng amang hari. Masyado kasi talaga silang mapapel. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata na tila ay talagang kagigising ko lang. Agad na bumungad sa akin ang mukha ni inang reyna na napairap pa na tila ba alam niya na nagpapanggap lang ako. Hindi ko maikakaila na kahit pa madalas kaming hindi magkasundo ay siya ang pinakang nakakakilala sa akin. "Amang hari!" Kunwari pa akong nabigla nang mabaling ang tingin ko sa kanya. Agad rin akong bumalikwas ng bangon para mas maging kapani-paniwala ang pag-arte ko. Ngumiti naman siya na halatang natatawa sa naging reaksyon. "Paumanhin po, ama. Mukhang napasarap ang pagtulog ko." Natatawang tumango ang amang hari na tila sinasabi na naiintindihan niya at ayos lamang iyon sa kanya. Kaya minabuti ko na tumayo na at yumuko sa harap niya para humingi ng tawad. "Walang problema sa akin kahit na matulog ka hanggang sa gusto mo. Kung hindi nga lamang dumating ang iyong Liya at Liyo ay hindi kita iistorbohin," sabi ng amang hari. Totoo ang sinabi niya dahil ito na yata ang unang beses na ginising ako ng amang hari dahil nagkataon naman na dumating ang mga kamag-anak naming hilaw. Nagsabi na lamang ako sa kanila na susunod na ako sa aming tanggapan dahil kakailanganin ko pa na maligo dahil hindi naman ako papayag na humarap sa mayabang kong pinsan nang ganiton bagong gising ako. Sigurado ako na pagtatawanan lamang nila ang hitsura ko. "Bilisan mo nang kumilos," sambit ng inang reyna na hindi naman na tumutol pa sa hiningi kong oras na makapag-ayos man lang. Alam ko na ayaw niya rin na humarap ako sa kanila dahil sa kanila babagsak kung huhusgahan nila ako. Ayaw ko rin naman na mapahiya ang mga magulang ko sa kanila. Nang makalabas na ang aking amang hari at inang reyna ay siya namang pasok ni Markiya para paliguan na ako. Agad niya akong tinulungan sa paghuhubad ng aking damit pantulog para mapabilis na ang pagkilos ko. Nais pa nga niya na magtawag pa ng ibang tagasilbi para lang mas mapabilis ang pagkilos ko. At alam ko na dahil iyon sa inutsan siya ng inang reyna na dalhin agad ako tanggapan sa lalong madaling panahon. Ngunit pinigilan ko na lamang siya dahil pakiramdam ko ay mas bumabagal ang kilos ko kapag masyadong marami ang umaalay sa lahat ng gagawin ko lalo na at hindi ako komportable sa kanila na tulad ng pagiging komportable ko kay Markiya. Tiningnan ko ang hinandang kasuotan ni Markiya para sa akin at sobrang garbo nito. Agad ko siyang nilingon at nagkibit balikat siya. Sa hitsura pa lang niya ay alam ko na kung bakit ganito na lamang ang damit na hinanda niya at gusto niyang ipasuot sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala naman na kong magagawa pa at ibang pagpipilian. Alam ni Markiya na ayaw ko sa aking pinsan at alam niya ang pakikipagkompitensyon nito sa akin. Wala naman akong plano na higitan siya dahil kahit na anong gawin niya ay ako ang prinsesa. Doon pa lang ay lamang na lamang na ako. Kaya kahit na anong gawin niya ay hinding-hindi niya ako mauungusan. Ngunit dahil nga ayokong mapahinya ang mga magulang ko pagdating sa pagkakaroon ng isang karapat-dapat at responsableng tagapagmana ay kinakailangan kong hindi magpalamang kay Kaira. Kaya kailangan ko siyang ungusan sa lahat ng bagay. Ayoko naman na mas magmukha pa siyang prinsesa kaysa sa akin. Kaya sigurado ako na hindi basta-basta ang kasuotan ngayon ni Kaira kaya ito ang gustong ipasuot sa akin ni Markiya. At alam ko na ito rin ang iniutos sa kanya ng inang reyna. Hindi na rin naman ako nagreklamo pa at nagkibit na lamang din ng balikat. Pumasok na ako sa aking paliguan at sumunod naman na si Markiya. Kumpara sa normal kong tagal ng pagligo ay hindi maikakaila ang bilis ngayon dahil na rin sa alam ko na may mga naghihintay rin sa akin sa labas. Kaya ilang sandali lamang din ang lumipas ay binibihisan na ako ni Markiya. Hindi pangkaraniwan ang pagiging magarbo ng kasuotan ko ngayon. Ang ganitong pananamit ko ay para lamang sa mga pagtitipon at kasiyahan. Hindi rin naman ako nag-aalangan na isuot ito dahil napansin ko rin ang pagiging magarbo ng kasuotan ng inang reyna. At alam ko na dahil iyon sa ayaw niyang magpalamang kay Liya Ursula. Iyon lang yata ang pagkakapareho namin ng ugali ng inang reyna. Sinigurado ko rin na presentbale ang aking mukha at wala akong ano mang dumi na bakas ng paglalaro namin kahapon sa may lawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD