Chapter 24
Ayesha's POV
Sa totoo lang, habang tinitingnan ko ang bawat kabayo na nasa kwadra ng lugar na ito ay hindi napansin na may pinakanangibabaw sa paningin ni Javadd. Bagaman alam ko na nagagandahan din naman siya sa mga kabayo ay tila walang naging mas matimbang. Kaya hinayaan ko na lamang siya. Sinundan ko ang bawat hakbang niya habang nakasakay pa rin ako sa kabayo na mabagal lamang ang lakad upang masabayan namin si Javadd.
Hindi man lang nililingon ni Javadd ang mga kabayo sa kwadra na nadaraanan namin kaya sigurado ako na wala rito ang hinahanap niya. Wala rin siyang tinatanaw na kabayo mula sa malayo kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya sa kung alin sa mga kabayo ang mapipili niya. Hindi na lamang ako nainip at tahimik na lamang siyang sinundan.
Hanggang sa napakunot na lamang ang noo ko nang nasa dulo na kami ng kwadra ay hindi pa rin siya humihinto sa paglalakad. Dahil sa pagkalito at labis na pagtatakha ay hindi ko na napigilan ang pagpapahinto sa kabayo. At nang marahil ay naramdaman na niya ang paghirap na hilahin ang tali ng kabayo na kanina pa niya hawak ay nagtatakha siyang huminto at nilingon ako.
At pagkakataon naman na niya upang kumunot ang noo sa akin. Buong pagtatakha niya akong tiningnan na tila ba ay nagtatanong sa kung ano ang naging dahilan ng paghinto ko.
"May problema ba, Ayesha?" tanong niya na kinangiwi ko. Kailangan pa ba talaga niya na magtanong? Hindi pa ba nakakapagtakha para sa kanya ang paglagpas niya sa mga kwadra ng kabayo gayong ang plano lamang namin ay pipili siya ng kabayo na maaari niyang gamitin. Kahit na pakiramdam ko ay hindi na niya kailangan pa na magtanong ay bumuntong hininga na lamang ako upang magsimula na sa pagsasalita.
"Nagtatakha lamang ako, Javadd sa kung saan mo plano na pumunta dahil tila naubos na natin ang kwadra na maaari mong pagtingnan ng kabayo ngunit bakit tila wala ka pa ring napipili?" sambit ko at natawa siya dahil sa diretso kong pananalita. Wala naman akong nakikita pa na dahilan upang magpaliguy-ligoy pa sa isang sipleng katanungan.
Nais ko lang talaga na malaman dahil sino ba namang hindi magtatakha gayong natapos na naming baybayin ang bawat kwadra. Kung sa unang paglilibot pa lamang namin ay may napili na siya, sigurado ako na hindi na kami mahihirapan nang ganito. Ngunit dahil mukhang wala siyang plano na pumili ay sigurado ako na wala pa talaga siyang napipili.
Maliban na lamang kung wala siyang planon na sumakay sa kabayo at tatakbo lamang siya gamit ang kanyang paa. Bigla tuloy akong nag-alala dahil paano nga kaya kung ganoon talaga ang plano niya? Pinagkibit balikat ko na lamang iyon sa aking isip at hinintay ko na lamang ang sagot niya. Nang unti-unti nang humupa ang mga ngiti niya ay tumikhim na siya para sa susunod niyang pagsasalita.
"Dahil wala naman sa mga kabayo na ating dinaanan ang nais ko na gamitin, Ayesha." Napakunot muli ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong idea sa ibig niyang sabihin dahil ayaw na lang niya akong diretshin.
May tinanaw si Javadd sa hindi kalayuan. Dahil sa kuryosidad ko sa bagay na kanyang tinatanaw ay sinundan ko iyon ng tingin. At nang makita ko kung ano ang nandoon ay tila unti-unti kong naintindihan ang nais niyang sabihin. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang itim na itim na kabayo. Muli kong binalikan ng tingin si Javadd at saka ko lamang unti-unting nabasa ang nasa isip niya.
Nagkibit balikat si Javadd na tila ba sinasabi na tama ang ano mang nasa isip ko at wala naman na siyang magagawa pa dahil iyon ang gusto niya. Wala rin naman akong magagawa kahit na anong mangyari dahil alam ko na iyon ang gusto niya. Nginitian ko na lamang siya at kinnibitan ng balikat.
"Halika na, Ayesha." Ilang sandali lang din ay niyaya na ako ni Javadd na lapitan ang kinaroroonan ng kabayo na sa sinabi niyang gagamitin at sasakyan niya. Kaya nang magsimula na ulit siya na humakbang papunta sa kinaroroonan ng kabayo na napili niya ay nagsimula na rin ako na palakaring muli ang kabayo na sinasakyan ko. Nagsimula naman na siya ulit sa paghila sa tali ng kabayo.
Habang papalapit kami nang papalapit sa kinaroroonan ng kabayo ay unti-unti rin namang napapakunot ang noo ko dahil tila ba unti-unti kong napagtatanto na tila ba unti-unti rin na nagiging pamilyar ang kabayo na pinupuntahan namin. At bagaman isang beses ko pa lang din naman na nakikita ang kabayo ay hindi ko naman maaaring makalimutan ang isang iyon.
Ilang itim na kabayo rin naman ang nakita namin sa mga kwadra ngunit hindi naman sila naging ganito kapamilyar sa akin. Dahil hinding-hindi ko pwedeng makalimutan ang hitsura ng kabayo na ito. Ang kabayo na muntik nang magpahamak sa bata na si Boki. Siya ang kabayo na pilit kong pinakalma at pinahinto noon para lamang iligtas ang isang bata.
Bigla tuloy akong nangamba dahil paano na lamang kung bigla na lang ulit siya na magwala at sa pagkakataon na ito at hindi ko na siya mapakala. Hindi ako yayayain ni Javadd na mangabayo kung wala naman siyang nalalaman sa pangangabayo. Kaya alma ko na kahit papaano ay may nalalaman siya.
Ngunit kung nais mo na makapagpaamo ng isang nagwawala na kabayo ay kinakailangan mo ng isang masuring pagsasanay. Kaya bigla na lamang akong nabahala dahil paano na lamang kung bigla na namang magwala ang kabayo? Kung ako ang muling magpapaamo sa kabayo ay baka tuluyan nang pagdudahan ni Javadd ang pagkatao ko dahil tanging mga nabibilang lamang sa maharlikang pamilya ang may kakayahan na magsanay sa pangangabayo.
"Iyan ba ang kabayo na..." Hindi ko na nagawa pa na tapusin ang tanong ko. Ngunit kahit pa nabitin iyon ay nakakuha pa rin naman ako ng sagot mula sa kanya. Ngumiti siya at tumango.
Hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob si Javadd na gamitin ang kabayo na nasaksihan mismo ng mga mata niya na nagwawala. Kung magawala man ang kabayo, sana nga lamang ay may sapat na kakayahan si Javadd upang mapaamo ito.