Chapter 23

2012 Words
Chapter 23 Ayesha's POV Nanatili lamang ang pagkakalahad ng kamay ni Javadd sa harapan ko dahil hindi ko pa rin nagagawa na magdesisyon kung tatanggapin ko ba ang kanyang paanyaya na pumasok na loos o makukuntento na lamang ako sa pagtanaw sa mga kabayo mula rito sa kinatatayuan namin na aaminin ko na may kalayuan sa mga kwadra. Hindi naman ako minamadali ni Javadd na kuhanin at tanggapin ang kamay niya at talagang hinihintay niya na makapagdesisyon ako kung sasama ba ako at papayag sa kanya. Ngunit nakikita ko rin naman na hindi niya aalisin ang nakalahad niyang kamay sa aking harapan hangga't hindi ako pumapayag na sumama sa kanya. Hanggang sa mapag-isip isip ko na mukha namang responsable si Javadd sa lahat ng bagay, lalo na sa mga panuntunan ng isang lugar. Kaya alam ko na hindi naman niya ako yayayain sa ganitong klase ng lugar kung alam niya na ikapapahamak namin. Siguro nga ay hindi pinagbabawal na pasukin ang lugar na ito. O kung pinagbabawal man ay maaaring totoo na kaibigan niya ang may-ari nito. Matapos ang ilang sandali pa na pag-iisip ay huminga na ako nang malalim at tinanggap ang kamay niya. Tiningnan ko siya at tinugon ang mga ngiti niya sa akin. Halatang natuwa siya na tinanggap ko ang paanyaya niya. Huli na nang malaman ko na naglalakad kami ni Javadd patungo sa mga kwadra nang magkahawak ang kamay. Nagbitiw lang kami nang marating namin ang unang kwadra na plano naming tingnan ang kabayo na nasa loob. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa punti-puti nitong balahibo. Iyong tipong manghihinayang ka na ilabas siya at ipasyal dahil baka marumihan lamang at maputikan. "Napakaganda naman ng kabayong ito, Javadd. Halatang naaalagaan at nalilinis nang ayos," sabi ko at tumango siya bilang pagsang-ayon. Marami pang kabayo ako na gusto kong makita nang malapitan ngunit sa puting kabayo pa lang na ito ay tila ba ayos lang na maubos na ang oras ko. "Pwede ko ba itong hawakan, Javadd?" paalam ko pa at tumango naman si Javadd. Kaya hindi na ako nag-alangan pa at sinimulan ko nang haplos-haplosin ang buhok ng kabayo na pakiramdam ko ay mas malambot pa sa buhok ko. Ang buhok ko nga na sobrang lambot ay talagang inaalagaan nang sobra ni Markiya, paano pa kaya ang napakalambot na buhok ng kabayong ito. Hindi ko tuloy lubos maisip kung paano na lamang ang ginagawang pag-aalaga ng amo niya sa buhok nito. Hindi naman nagpapakita ng ano mang bayolenteng reaksyon ang kabayo sa paghaplos ko sa kanya kaya alam ko na ayos lang kung ipagpapatuloy ko. Mabuti na lamang at maaamo sila. Matitingnan at mahahawakan ko sila hanggang sa gusto ko. Kahit na hindi pa ako tapos sa pagkamangha sa puting kabayo na ito ay kinailangan ko nang umalis sa tapat ng kwadra niya upang makita at makaharap ko pa ang ibang kabayo. Minsan lang ako mapunta sa ganitong klase ng lugar kaya mas makakabuti kung sasamantalahin at lulubus-lusbusin ko na. Sa bawat kwadra naman na puntahan ko ay nakasunod lamang si Javadd sa akin. Sa tingin ko ay ilang beses na rin niya na nakita ang mga kabayo na ito kaya hindi na siya ganoon pa kung mamangha at sumusunod-sunod na lang sa akin. Parehas naming hindi alam ang pangalan ng bawat kabayo kaya hindi ko alam kung paano sila kakausapin. Mabuti na lamang at sapat na sa kanila ang banayad na paghaplos sa kanilang mga buhok. Hindi ko alam kung gaano ko pa katagal na iisa-isahin ang mga kabayo sa bawat kwadra ngunit hindi ako magyayaya kay Javadd na umuwi na hangga't hindi ko pa nakikita ang lahat. Alam ko na kanina pa ganito ang ginagawa namin ni Javadd ngunit hindi ko naman siya nakikitaan ng pagkainis dahil lang sa wala na siyang ginawa kundi ang sundan ko sa bawat kwadra. Siguro ay dahil alam na rin niya na hindi ako papaawat kahit pa yayain na niya ako. Pero ayoko namang maging manhid kaya maya'maya ko rin tinitingna kung naiinip na ba siya o nagsasawa sa pagsunod sa akin. Dahil kung makita ko man siya na naiinip na nga ay pauuwiin ko na lamang siya. Ipapangako ko sa kanya na maiintindihan ko kung sakali man nga naiinip at tinatamad na siya. Hindi ko naman siya masisisi. Sa tingin ko naman ay kakayanin ko ang umuwi nang mag-isa dahil madali lang naman tandaan ang lahat ng dinaanan namin ni Javadd kanina papunta rito. Ilang sandali pa ang lumipas ay patuloy parin ako sa paglilibang sa sarili ko. Hanggang sa matapos nga ako ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Nilingon kong muli si Javadd at alam ko na ganoon din siya. Nakuha pa nga niya akong ngitian at hinarap. May kakaiba sa mga ngiti niya at alam ko na mayroon siyang sasabihin. At kung ano man ang sasabihin niya ay wala akong ideya kung ano iyon dahil masyado siyang pabigla-bigla sa ganitong mga kilos niya. Kaya nanahimik na lamang ako at naghintay ng sasabihin niya. Ngunit hindi naman siya nagsasalita at halatang pinag-iisipan pa niya nang mabuti kung magsasalita ba siya o hindi. Mukhang nag-aalangan din siya kung itutuloy pa niya kung ano man ang plano niya. At dahil sa pag-aalinlangan niya ay mas lalo ko lang inasam at gustong malaman kung ano ba iyon. Kaya sinalubong ko na lamang ang tingin niya upang sabihin na naghihintay ako sa kung ano man ang sasabihin niya. Narinig ko naman na ang pagtikhim niya bilang pagsisimula sa pagsasalita niya. "Marami ka pa bang oras para sa araw na ito, Ayesha?" pauna niyang tanong at sa tanong pa lang niya na ito ay alam ko na agad na may plano nga siya na yayain ulit ako. Inisip ko nang mabuti kung may sapat pa ba ako na oras at tumango ako nang sa tingin ko ay mayroon pa naman. Kung maubusan man din ako ng oras ay pwede naman akong mahuli sa pag-uwi nang ilang sandali hangga't hindi pa nagigising ang lahat ng taga-Vittoria. "Marami pa naman akong oras, Javadd. Bakit?" tanong ko. "Baka iyo lamang nais, Ayesha, kung hindi ka pa pagod ay maaari tayong mangabayo," sabi niya at hindi ako nakapagsalita. Seryoso siya? Tinatanong pa ba ang bagay na iyon? Syempre naman at oo ang sagot ko. Pero hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng pagkakataon na makapangabayo rito sa Kaliwag. "Oo naman, Javadd. Sino ba naman ang hindi gugustuhin na mangabayo?" sagot ko na kinatawa niya. Ngunit bigla akong nag-alangan nang maglibot ako ng tingin at naalala ko na bagaman malawak ang lugar na ito ay hindi pa rin naman sapat ang lawak nito upang makapangabayo kami ni Javadd. Mukhang nakakahilo rin kung paiko-ikot lang kami ng tatakbuhin. At alam ko na kitang-kita ang pag-aalinlangan kong iyon sa aking mukha. Ngunit kahit na hindi ko tinago sa kanya ang naging dahilan ng pag-aalinlangan ko ay hindi ko naman siya nakitaan ng ano mang pag-aalinlangan kaya alam ko na hindi magiging dahil iyon upang mahinto kami. "Kung ang iniisip mo ay ang ating pag-iikutan, wala kang dapat na ikabahala, Ayesha dahil maaari naman nating ilabas ang mga kabayo upang malawak ang kanilang takbuhan." Nalaglag ang panga ko dahil sa mga sumunod niyang sinabi. Totoo ba ang lahat ng iyon? Hindi ba siya nagbibiro na pwede naming ilabas ang kahit na sinong kabayo ang magustuhan namin na sakyan? "Totoo ba iyan, Javadd? Hindi ba magagalit ang iyong kaibigan?' tanong ko at umiling siya. "Wala kang dapat na ikabahala sa aking kaibigan, Ayesha dahil isa siya sa pinakamabait na Lavitran na maaari mong makilala. At wala ka ring kailangan na isipin sa pagpayag niya dahil naipaalam ko na sa kanya ang lahat ng nakaplano nating gawin." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Nasabi ni Javadd na hindi pa sana ito ang araw na dadalhin niya ako sa lugar na ito dahil nais niya itong maging sorpresa sa akin. Ngunit dahil wala na siyang iba pang mapiling lugar ng maaari niyang pagdalhan sa akin ay ito ba agad ang naisip niya. Nais niya itong ipang-surpresa sa akin sa mga susunod naming gala na nais niyang paghandaan ng sobra. Ngayon pa nga lamang na biglaan ang lahat ay labis na akong nasorpresa, paano pa kaya kung napaghandaan niya ito nang husto? Sigurado ako na baka hindi lamang ganito ang maging reaksyon ko. "Ano ang iyong sagot, Ayesha? Nais mo ba na mangabayo? Hindi ka ba nakakaramdam ng ano mang pagod pa?" tanong niya at agad naman akong umiling. Pakiramdam ko tuloy ay mukha ba akong pagod dahil naiisip ni Javadd na pagod na nga ako. "Oo naman, Javadd," sagot ko kahit pa kanina pa halata sa akin na gustong-gusto ko ang ideya na iyon. Ngumiti naman si Javadd at muling nilingon ang mga kwadra na pinanggalingan namin. "Kung gayon ay mamili ka na ng nais kong gamitin na kabayo," sabi niya at pakiramdam ko ay nagningning ang mga mata ko matapos iyong marinig na sa kanya na mismo nanggaling. Kung gayon ay may pagkakataon nga akong mamili at masakyan ang kabayo na nais kong masubukan. "Kahit alin?" kumpirma ko pa sa sinabi niya at natatawa naman siya na tumango. "Kahit alin." Nang muli kong lingunin ang mga kabayo ay saka ko lang napagtanto ang hirap sa pagpili dahil pakiramdam ko, lahat sila ay nais kong sakya. Ngunit alam ko naman na imposible ang bagay na iyon kaya kinakailangan kong mamili. "May napili ka na ba, Ayesha?" tanong niya. Ayoko naman na maging sa simpleng pagpili ko ay paghihintayin ko pa rin si Javadd kaya agad na akong nagdesisyon. Sinundan niya ng tingin ang tinuturo ko at napangiti siya na tila ba iyon na rin talaga ang inaasahan niya na pipiliin ko. "Hindi nga ako nagkamali," sabi pa niya at niyaya na niya ako upang balikan ang kabayo na tinuro ko. At ito ay ang puting kabayo na una naming pinuntahan kanina. Talagang naakit na ako sa kabayo na iyon at natuwa ako dahil pwede ko siya na subukan. Huminto kami ni Javadd sa tapat ng kwadra nito. Hindi naman na nagsayang pa ng oras si Javadd at nilabas na niya agad ang kabayo mula sa kwadra nito. "Sa totoo lamang, Ayesha ay nagdadalawang isip pa rin ako hanggang ngayon kung tama lang ba na yayain kita na mangabayo. Bagaman alam ko at napatunayan ko na rin naman na talagang marunong kang mangabayo ay nag-aalala pa rin ako dahil hindi naman natin malalaman kung kailan darating ang mga sakuna," sabi ni Javadd at iyon pala sng dahilan kung bakit tila nagdadalawang isip siya kanina na yayain akong mangabayo. Ngunit ngitian ko siya upang sabihin na ayos lamang ang lahat. Natutuwa ako sa pinapakita niya na pag-aalala para sa akin pero ayoko naman na iyon pa ang maging dahilan ng pagkabalisa niya. "Wala kang dapat na ipag-alala pa, Javadd. Magiging ayos lamang ako." Kahit na buong kumpiyansa ko na iyong sinabi sa kanya ay hindi pa rin nawala ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. Ngunit kahit na ganoon pa man ay nagawa pa rin niya na iabot sa akin ang tali ng kabayo. Nang tanggapin ko iyon ay nabakas naman sa mukha niya ang pagkalito kung dapat ba niya akong alalayan sa pagsakay o hindi na. Kaya upang hindi na niya pahirapan pa ang sarili sa pag-iisip nang dahil lamang sa bagay na iyon ay minabuti ko na sumakay na sa kabayo. Nang sakay-sakay na ako ng kabayo ay tiningnan ko siyang muli. Nabakas pa ang pagkabigla sa mukha niya nang hindi na ako humingi pa ng ano man na tulong sa kanya na agad rin namang nawala. "Ayos ka lamang ba, Ayesha?" Natatawa akong tumango dahil sa tanong niya. Sanay akong mangabayo kaya wala siyang dapat na ipag-alala pa sa akin. Kaya kong sakyan kahit pa ang nagwawalang kabayo. "Ikaw naman ang mamili ng kabayo na iyong sasakyan, Javadd," sambit ko at tumango naman siya. Muli niyang hinawakan ang tali ng kabayo ba sinasakyan ko at hinila niya iyon upang pasunurin kami sa kwadra ng kabayo na na napili niya. Hindi ko alam kung aling kabayo ang napili niya ngunit malayo-layo iyon sa napili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD