Chapter 25

2009 Words
Chapter 25 Ayesha's POV Wala naman sa hitsura ni Javadd ang kumilos nang hindi niya pinag-iisipan ngunit hindi ko lubos maisip na makikita kong mulin ang kabayo na ito. Sa tingin ko naman ay may dahilan si Javadd kung bakit nasa harapan kong muli ang kabayong ito. Sa tingin ko naman ay hindi niya ito gagawin nang dahil lang sa naisipan niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya ngunit iyon ang aalamin ko. Ati kung ano ang maririnig ko na sasabihin niyang dahilan ay siguraduhin lamang niya na katanggap-tanggap. Dahil sa lalim ng iniisip ko tungkol sa kabayo ay napahinto na ako nang ilang dipa na lamang ang layo namin sa kanya. Hindi ako natatakot sa kabayo dahill alam ko naman na kaya ko ulit itong paauhin kung sakali man nga na magawala itong muli. Ang iniiwasan ko lamang na mangyari ay makita ako ni Javadd na kumikilos na tila isang bihasa sa isang gawain kinakailangan ng isang pagsasanay. At ang pangangabayo ay malayo sa gawain ng isang tagasilbi. Kung marunong nga na mangabayo si Javadd kaya tila hindi siya nababahala na lumapit sa isang kabayo na nagwawala ay alam ko na dahil iyon sa isa siyang kawal. At may pagkakataon talaga na natuturuan ang mga kawal sa pangangabayo lalo na kung naaatasan sa pagbabantay sa isang maharlika. At saka ko lamang naisip na maaaring hindi lamang isang pangkaraniwang kawal si Javadd. May posibilidad na direktang nagtatrabaho si Javadd sa isang maharlikang Algenian. "Natatakot ka ba, Ayesha?" tanong ni Javadd sa muli kong pagpapahinto sa kabayo. Nakatingala sa akin si Javadd at halatang binabasa ang mga mata ko kung natatakot ba ako o hindi. Nawala naman ang pag-aalala sa mukha niya nang mabasa niya sa mga mata ko na hindi ako nakakaramdam ng ano mang takot. Ngunit nanatili ang pagtatanong sa kanyang mukha kung ano ang dahilan ng muli kong paghinto. At sa tingin ko ay hindi niya nakikita na dahilan ang dahil sa iyon ang kabayo na iniiwasan ko. "Hindi ako natatakot, Javadd. Ngunit sigurado ka ba sa gusto mo? Iyang kabayo na iyan ang sasakyan mo?" tanong ko at ngumiti siya. Marahan din siya na tumango na tulad ko ay wala ring bakas ng ano mang pag-aalala sa mukha. Kung gayon ay talagang kumpiyansa si Javadd na hindi siya magkakaroon ng ano mang problema sa oras na gamitin na niya ang kabayo na iyan. Muli kong binalingan ng tingi ang kabayo na nais niyang gamitin. At habang tinititigan ko ang kabayo upang kahit papaano ay magkaroon ako ng kasagutan sa kung ano ang mayroon sa kabayo na iyon ay tila ba unti-unti kong nakikita ang pagiging maamo ng mukha ng kabayo. Kung hindi ko lamang alam na siya ang kabayo na kinatakutan ng bata na si Boki noon ay iisipin ko na ibang kabayo ang natatanaw ko ngayon. Dahil napakaamo ng kabayo na nais niyang gamitin. At sa tingin ko ay ito ang dahilan kung bakit niya iyon napili. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Javadd ngunit pagtitiwala ko na lamang din siya sa bagay na ito na lagi ko namang ginagawa. Tutal ay wala pa naman akong naaalala na pagkakataon na binigo ako ni Javadd pagdating sa ganitong mga bagay. "Kung iyan talaga ang iyong nais, Javadd ay wala naman na akong magagawa. Ang sa akin lang ay huwag naman sanang mangyari ang kung ano mang nangyari noong unang beses kong nakita ang kabayo na iyan." Ngayon ko lamang napagtanto kung ano itong nararamdaman ko na pag-aalinlangan sa paggamit niya sa kabayo na iyan. Iyon pala ay dahil nangangamba ako dahil sa pag-iisip ko na maaari ulit na mangyari ang nangyari noon sa batang si Boki at sa pagkakataon na ito ay si Javadd naman ang malalagay sa kapahamakan. Maaaring may nalalaman nga siya sa pangangabayo ngunit iba ang kinakailangan na kaalaman sa pagpapaamo nito. Ngunit sa kabila ng pag-aalala ko para sa kaligtasan ni Javadd ay mas nangingibabaw ang kagustuhan ko na pagkatiwalaan na lamang siya. Ayoko rin naman na isipin niya na minamaliit ko ang lakas at kakayahan niya. "Huwag kang mag-alala, Ayesha. Hindi ko naman hahayaan na mangyaring muli ang mga nangyari noon," sambit pa niya na tila pinapagaan niya ang nararamdaman ko tungkol sa bagay na ito. At ang paran niya ng pagsasabi ay halata na ang iniisip niya ay ang pangamba ko na muli ko na namang maranasan iyon. Hindi na lamang din ako nagsalita pa para sana itama na ang pangamba na nararamdaman ko ay tungkol sa kaligtasan niya at hindi ang sa akin. Bumuntong hininga na lamang ako at tumango. Muli na lamang hinila ni Javadd ang tali ng kabayo na sinasakyan ko palapit sa kabayo na siyang sasakyan niya. Nang tuluyan na nga kaming makalapit sa kabayo ay napansin ko na nakatingin lamang ito sa amin na walang ano mang banta ng panganib. Ngayon ko lang talaga masasabi na napakaamo na talaga niya at malayong-malayo na sa kabayo na halos tumangay kay Boki noon. Ngunit habang nakatingin ako sa kabayo ay bigla na lamang isang malaking katanungan ang pumasok sa isip ko. Sa laki at lawak nitong Kaliwag ay mapapatanong at mapapaisip ka talaga sa kung paano muling nakita ni Javadd ang kabayo na ito. Kung ang isasagot naman niya sa tanong ko na ito ay hinanap niya talaga ang kabayo ay imposible naman na matagpuan niya agad ito sa loob lamang ng sandaling panahon. "Nais ko sanang bumaba," sambit ko at napakunot pa ang noo niya dahil akmang sasakay na siya rito. Ngunit kahit na nagtatakha siya kung bakit bigla ko na lamang naisipan na bumaba ay hindi naman na rin siya nagsalita pa at tinali na lamang ang tali ng kabayo ko sa sa isang nakausli na kahoy. Matapos niyang gawin iyon ay saka siya muling naglakad pabalik sa tapat ko para naman alalayan ako sa pagbaba. Agad siyang naglahad ng kamay at hindi naman na ako nagdalawang isip pa na tanggapin iyon. Agad akong lumundag pababa hanggang sa muli kaming magkaharap. Hindi ako nakakaramdam ng ano mang takot sa kabayo at buong tapang ako na naglakad palapit doon. Agad ko rin namang narinig ang mga yabag ni Javadd para sundan ako. Nang marating ko ang kinaroroonan ng kabayo ay agad ko itong hinaplos-haplos ang buhok at ulo niya. Napansin ko agad ang pagtugon niya sa bawat haplos ko. At sa pagsunod pa lang ng ulo niya sa kamay ko ay alam ko na agad na nagugustuhan niya ang ginagawa ko. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapangiti dahil sa pinapakita niya na pagkagusto sa akin. Nagawa ko na siyang paamuhin noong nagwawala siya. Kaya alam ko na mas mapapaamo ko pa siya ngayon na alam kong nasa kondisyon na siya. Ngunit bago pa man ako mawili sa pagpapaamo sa kanya at bago ko pa man makalimutan ang pagtatanong ko kay Javadd ay tinigil ko na muna ang ginagawa ko sa kabayo at hinarap na muna si Javadd. "Ano iyon, Ayesha?" Hindi pa man nagtatagal ang pagharap ko sa kanya ay nahulaan na agad niya na may kailangan nga ako sa kanya. Tila ba ang ganito kong mga tingin sa kanya ay kabisadong-kabisado na niya. "Nais ko lamang sana na malaman, Javadd... Paano mo natunton ang kinaroroonan ng kabayo na ito?" tanong ko at nawala naman ang mga ngiti niya dahil sa tanong ko. Biglang hindi mapalagay ang mga mata niya na tila ba nag-iisip ng maaari niyang isagot. Hindi makakaligtas sa akin ang mga mata niyang ito. Ang isang bagay na pinagpapasalamat ko ay ang katotohanan na hindi lamang siya ang nakakakilala sa akin sa pamamagita lamang ng pagtingin sa mga mata. Dahil maging ako man ay tila ba kilala ko na ang mga mata niya na para bng mataga na kaming magkakilala. At hindi ko alam kung bakit ganito kami ni Javadd sa isa't isa. Alam ko na hindi lamang ako ang nakakahalata sa bagay na ito dahil alam ko na maging si Javadd ay napapansin na rin ito. Parehas lamang kaming nananahimik sa mga bagay na napapansin namin. Kung wala siyang plano na isatinig iyon ay mas lalo naman na wala akong plano. Ang mahalaga ay sanay na kami sa isa't isa at komportable na magkasama. "Pagmamay-ari siya ng kasamahan kong kawal," sagot niya at tumango ako. Alam ko na may mali sa sinagot niya dahil sa paglikot ng kanyang mga mata ngunit ang hindi ko lamang alam ay kung ano ang mali na iyon. Wala naman na rin akong plano pa na magtanong. Naalala ko na isang kawal nga ng Algenia ang sumundo sa kabayo noon at kakilala nga siya ni Javadd. Kaya hindi na ako nagtanong png muli at naniwala na lamang sa sinabi niya dahil mayroon din naman talagang posibilidad na totoo nga ang mga sinabi niya. Muli ko na lamang nilapitan ang kabayo na sasakyan niya hinaplos-haplos muli ang buhok at ulo nito sa huling pagkakataon bago ko siya muling niyaya na magpatuloy na sa plano naming dalawa. Inihatid naman na ako ni Javadd pabalik sa puting kabayo at muling inalalayan na sumakay. Nang makasakay na ako ay saka niya sinakyan ang puting kabayo. Nang makita ko kung paano siya sumampa sa pagsakay sa kabayo ay napatunayan ko na agad na bihasa nga siya sa pangangabayo. Marahan niyang pinalakad ang kabayo niya palapit sa akin. At habang pinapanood ko si Javadd na sakay-sakay ng kabayo ay saka ko lamang mas napagtanto ang labis na pagkakaiba naming dalawa. Mula sa mga kasuotan niya na pang-kawal ng kaharian ng Algenia at kasuotan ko na pang-tagasilbi ng Vittoria hanggang sa mga sinasakyan naming kabayo puting-puti at itim na itim na maihahalintulad sa mga sumpil namin tinatago namin sa tuwing nandito kami sa Kaliwag. Ngunit kahit nakikita ko na ang pagkakaiba at pagkakalayo namin na halos isampal na sa akin ng katotohanan ay tila hindi pa rin ako nakakakita ng ano mang dahilan para tigilan na ang pakikipagkaibigan sa kanya. Kahit na kalahi siya ng kalaban naming kaharian ay wala man lang akong nararamdaman na ano mang banta ng panganib kahit pa malaman niya na ako ang prinsesa. At kung pwede nga lang sabihin sa kanya ang katotohanan na iyon ay ginawa ko na pero bilang respeto na rin sa aking kaharian ay nais kong maging lihim sa kahit na sinong Algenia ang mukha ng kanilang prinsesa. Kahit na kay Javadd ay nais ko rin itong ilihim. "Halika na?" yaya ko na kay Javadd nang magkaharap na ang mga kabayo namin. "Nakikiusap ako sa iyo, Ayesha, mag-iingat ka. Maaaring pinalad ka nang mapaamo mo itong si Kiba. Ngunit hindi tayo makakasiguro na mapapaamo mo rin ang kabayo na iyan kung magwala man siya," sabi ni Javadd at hindi ko na naman napigilan ang matawa. Ngunit kahit na tumawa ako ay hindi naman nabawasan ang kaseryosohan sa mukha ni Javadd na sinamaan pa ako ng tingin dahil pinagtawanan ko ang pag-aalala niya sa akin. Ngunit masaya ako na sa wakas ay nalaman ko rin ang pangalan ng itim na kabayo na sinasakyan niya. At Kiba ang panglan niya. Sana sa susunod ay masakyan ko rin si Kiba. Sa tingin ko rin naman ay pwede akong umasa na mangyayari ang bagay na iyon dahil nga sa kakilala naman pala ni Javadd ang may-ari ng kabayo at kasamahan pa niya sa pagiging kawal. Ngunit sana ay pagbigyan pa niya kami. Hindi naman sa pagmamalabis ngunit sana ay mahiram muli ni Javadd si Kiba sa amo nito at sa pagkakataon na iyon ay ako naman ang sasakay at magpapatakbo sa kanya. "Wala ka namang dapat na ikabahala sa akin, Javadd, kaya ko ang aking sarili." Hindi ko alam kung mababawasan ba ng sinabi kong iyon ang pag-aalala niya para sa akin ngunit sana ay pagtiwalaan niya ang kakayahan ko. Hindi ko naman na narinig pang muling nagsalita si Javadd at tumango na lamang. "Kung gayon, Ayesha ay halika na," yaya niya at nauna na siya sa pagpapalakad sa kabayo palabas ng bakuran na ito dahil siya naman ang nakakaalam kung saan nga ba talaga mangangabayo. Sinundan ko na lamang si Javadd palabas ng bakuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD