Chapter 39

1016 Words
Chapter 39 Ayesha's POV Dahil nga sa nandito si Markiya ay alam ko na hindi agad ako makakalabas ng silidna ito kahit na gustuhin ko. Dahil bukod sa napakaraming bantay sa labas ay wala pa akong naiisip na panibagong plano. Talagang kakailanganin ko ng mahabang pasensya at kailangan ko na maging matiyaga sa paghihintay ng tamang pagkakataon para sa aking pagtakas. Sigurado ako na hindi magiging madali ang pagtakas ko kung dito sa loob ng aking silid ako magsisimula. Sa ngayon, ang nakikita ko na tanging paraan upang maituloy ko ang plano ko na pagtakas ay ang pagsasanay kasama si Digno. Nasisiguro ako na hindi iyon ipagpapaliban ng mahal na reyna. Hindi niya idadamay ang isang gawain na nais niya na mapaghusayan ko. Nakakasiguro din naman ako na mananatiling si Digno ang aking tagapagsanay. Ngunit kung mayroon man akong isang bagay na aking poproblemahin, iyon ay ang maging siya ay idamay ng mahal na reyna sa kanyang inis sa akin. Lalo na sa oras na matakasan ko si Digno. Sigurado ako na siya ang pagbubuntunan ng mahal na reyna at sasabihin nito na hinayaan lamang ni Digno na makatakas ako. Kaya ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa kanya. Paumanhin sa aking mga kaibigan kung kinakailangan pa nila na madamay. Ipinapangako ko na lang na babawi ako sa kanila sa mga susunod pa na pagkakataon. Dahil nga nandito na si Markiya sa aking silid ay hindi na ako muli pang dinalaw ng antok. Hindi naman kasi ako makakatulog lalo na kung may plano siya na panoorin ako. Kaya naman nagpatulong na agad ako sa kanya na maligo at magbihis. Ilang sandali lang din ay niyaya na niya ako na lumabas. Paglabas ko pa lang ng pintuan ng aking kwarto ay nakita ko agad na hindi nga ako nagkamali dahil marami ngang kawal ang nakabantay sa aking. Halata na talagang pinababantayan ako sa kanila ng mahal na reyna dahil kinailangan pa ni Markiya na sabihin sa kanila na lalabas ako upang kumain. Saka lamang kami pinalusot ng mga kawal. Napailing na lamang ako dahil doon. Nasa mga mata na rin ni Markiya abg pagkahalata sa pagiging sobrang higpit ng mahal na reyna sa akin. Alam ko na nais na niyang magtanong ngunit hindi niya lamang magawa. Hindi ko naman kasi nagawang sabihin sa kanya ang tunay na nangyari sa akin. Alam ko na kahit kaibigan ko siya ay tututulan niya ako sa bagay na iyon dahil alam niya na delikado iyon kapakanan ko. At dahil ayoko na madagdagan pa ang pag-aalala niya sa akin ay hindi na ako nagsalita pa. Habang naglalakad kami ay tahimik lang din si Markiya. Hindi tulad noong mga normal na pagkakataon lamang na sinasabi niya agad sa aking kung masama ba ang timpla ng mahal na reyna o maganda. Ngunit kahit pa hindi na niya sabihin ay alam ko na agad ang sagot. At sigurado ako na alam niya na alam ko na kaya hindi na siya nag-aabala na sabihin pa sa akin. Nang matanaw ako ng mga kawal na paparating na ay agad nilang binuksan ang pinto kung nasaan ang aming hapag-kainan. Pagpasok ko pa lang ng pintuan ay nakita ko agad na nandoon na ang mahal na hari at mahal na reyna. Nang mapansin ako ng mahal na hari ay agad niya akong nginitian. Nginitian din naman ako ng mahal na reyna ngunit bukod sa sandali lamang iyon ay halatang pilit. Hindi tulad ng mahal na hari na nakangiti sa akin hanggang sa makaupo sa hapag upang makasalo na sa kanila. Ngunit hindi naman na bago pa sa akin ang ganito. Sanay naman na ako. Ngunit kung nagagawa pa rin ako na ngitian ng mahal na hari ay ibig sabihin lamang nito na hindi pa nasasabi sa kanya ng mahal na reyna ang tungkol sa kasalanan ko. Inasahan ko na rin naman na ililihim niya ito dahil isa itong kapalpakan sa pagpapalaki niya sa akin. Siya ang nakatalaga sa pangangalaga ng tagapagmana kaya siya ang sisisihin ng mahal na hari kung naging suwail ako. At sa ganitong pagkakataon ako naaawa sa mahal na reyna. Dahil kahit na ganito ang trato niya sa akin ay alam ko naman na wala siyang kasalanan. Malaki na ako at nakakapagdesisyon na ng sarili. At lahat ng ginagawa ko ngayon ay walang iba na may gusto kundi ako. "Magandang araw sa iyo, mahal na prinsesa," bati ng mahal na hari sa akin nang lingunin niya ako. "Magandang umaga, mahal na prinsesa," bati rin naman ng mahal na reyna na tula ba hindi kami nagkita kanina. "Magandang umaga rinsa inyo, mahal na hari at mahal na reyna," ganting bati ko na lamang sa kanila. Inihain na ng mga tagasilbi ang aming pagkain. Bigla na lang tuloy akong nakaramdam ng gutom dahil wala pa pala akong maayos na kain. Sa dami ng iniisip ko kanina ay nakalimutan ko na ang kumain. Hindi ko pinahalata sa kanila ang pagkatakam ko sa pagkain at naghinay-hinay ako. Kung ang mahal na reyna lamangang nandito ay magagawa ko na kumain nang mabilis. Ngunit dahil nandito ang mahal na hari ay kikilos ako nang tama. "Kumusta na pala ang iyong pakiramdam, mahal na prinsesa? Nasabi sa akin ng mahal na reyna na masama ang iyong pakiramdam kahapon kung kaya't hindi ka namin nakasalo hapag," sabi ng mahal na hari ilang sandali matapos naming magsimula sa pagkain. Napalingon tuloy ako sa mahal na reyna na patuloy lang naman sa kanyang pagkain. "Mabuti naman na po, mahal na hari. Salamat po sa pagtatanong," sagot ko. Ngumiti naman siya at tumango-tango. "Nais mo ba na mamasyal muna? Maaari mong isama ang iyong tagasilbi. Pasasamahan ko kayo sa mga kawal. Nang sa ganoon ay gumaan nang tuluyan ang iyong pakiramdam." Nagulat ako sa sinabi ng mahal na hari. Natuwa ako. Nvunit mabilis din namang nawala ang tuwa ko nang muling magsalita ang mahal na reyna. "Hindi na siguro, mahal na hari. Mayroon din kasing pagsasanay ang ating mahal na prinsesa," singit niya at pinandilatan pa ako ng mga mata. Ayaw niya talaga na lumabas ako ng palasyo kung hindi naman pagsasanay ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD