Chapter 40
Ayesha's POV
Alam ko rin naman na hindi talaga magpapatalo ang mahal na reyna. Siya pa talaga mismo ang tumutol sa sinabing iyon ng mahal na hari nang hindi man lang nagdalawang isip. Sana nga lang ay hindi nahalata ng mahal na hari ang labis na kagustuhan ng mahal na reyna na hindi ako makalabas ng aking silid. Halatang-halata naman kasi talaga sa tono niya ang labis na ginawa niyang pagtutol.
Kung nagkataon man kasi na hindi ko alam ang pagtutol na iyon ng mahal na reyna ay alam ko na makakaya ko iyon na mahalata sa kanyang tono. Ngunit tila hindi naman iyon bingyan ng ano mang kahulugan ng mahal na hari dahil ngumiti siya. Tila ba sanay na sanay na siya sa madalas na pagtutol ng mahal na reyna na hindi lang naman tungkol sa akin.
"Ano ka ba naman, mahal kong reyna? Galing sa hindi maayos na pakiramdam ang munti nating prinsesa. Sigurado naman ako na maaari niya munang ipagpaliban ang kanyang pagsasanay kahit na ngayong araw lamang?" sabi ng mahal na hari na kahit papaano naman ay nakapagdulot ng kaunting pag-asa sa akin. Iyon ay kung makikinig sa kanya ang mahal na reyna. Kitang-kita pa rin kasi sa mukha ng reyna ang labis nitong inis. Lalo na nang sinabi iyon ng mahal na hari na hindi naman niya maaaring labis na tutulan. Ngunit sigurado ako na hindi siya mauubusan ng dahilan.
"Ngunit mahal na hari, hindi naman niya maaari na basta na lamang ipagpaliban ang nakasanayan niya na pagsasanay," sambit ng mahal na reyna at hindi naiwasan ng mahal na hari ang mapakunot ang kanyang noo. Marahan siyang natawa.
"At bakit naman hindi maaari, mahal kong reyna? Prinsesa ang ating anak. Maaari siya na magpahinga kahit na kailan niya nais." Hindi na agad pa nakasagot ang mahal na reyna. Kung ako man ang nasa kalagayan niya ay sigurado ako na mananahimik na lang din ako. Dahil kung ipagpipilitan pa niya ang kanyang gusto ay makakaalata na nang tuluyan ang mahal na hari.
"Kung iyan talaga ang iyong nais mahal kong hari ay wala na akong magagawa pa. Ngunit mas makabubuti marahil kung ang mahal na prinsesa na lamang ang ating tanungin?" Dahil sa sinabing iyon ng mahal na reyna ay agad at sabay nila ako na tiningnan. At hindi ko alam kung sino sa kanila ang una kong dapat na tingnan.
Inuna ko na ang mahal na reyna na ngayon ay pinandidilatan ako ng mga mata na tila ba ay nagsasabi na alam ko na ang dapat ko na isagot. At sa oras na mali ang isagot ko ay malalagot ako sa kanya. Ngunit sa tingin ko naman ay alam na niya sa kanyang sarili na ginagawa ko ang kahit na anong gusto ko na gawin. Kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit nagawa pa niya na irekomenda sa mahal na hari na ang bagay na iyon.
Alam naman niya marahil na gustong-gusto ko ang makalabas kaya iyon ang sasabihin ko at hindi ko gagawin ang magsinungaling pa. Kaahit pa pandilatan niya ako nang sobra at malagot sa kanya sa oras na makauwi ako.
Sunod ko na tiningnan ang maha na hari na ngayon ay nakangiti sa akin na tili ba gustong-gusto na makagala ako. At kung totoo lang sana ang sinabi sa kanya ng mahal na reyna na sumama ang aking pakiramdam ay sigurado ako na malaking tulong pamamasyal upang makaginhawa sa aking pakiramdam.
Ngunit dahil nga sa hindi naman totoo ang sinabing iyon sa kanya ng mahal na reyna ay hindi ko kailangan ang mamasyal. Ngunit natutuwa pa rin ako sa pinapakita sa akin ng mahal na hari na pag-aalala at pagmamalasakit para lamang mapabuti na nang tuluyan ang aking pakiramdam.
Nginitian ko siya pabalik at tumango bilang pagpayag sa kanyang nais. Mas lalo namang lumapad ang pagkakangiti niya sa akin habang ang mahal na reyna naman ay narinig ko na lamang ang pagsinghap. At alam ko na dahil iyon sa labis na inis.
"Sigurado ka ba riyan, mahal na prinsesa?" May pagbabanta sa tono ng mahal na reyna kaya muli kko siyang nilingon. Nginitian ko siya sunud-sunod na tumango.
"Sigurado ako, mahal na reyna," sabi ko pa at nakita ko naman ang masasama niyang tingin sa akin. Nang hindi ko na siya narinig pa na sumagot ay nagkibit balikat na lamang ako.
Sinabihan na ako ng mahal na hari na magpatuloy na sa aking pagkain kaya naman iyon na nga ang ginawa ko. Sinabihan niya rin agad ang dalawang kawal na maghanda kaya pinaghanda ko na rin si Markiya.
Kaya nang matapos kami sa aming pagkain ay agad na akong dumiretso sa aking silid kung saan naabutan ko ssli Markiya na naghahanda ng aking kasuotan. Naupo na lamang ako sa aking kama at hinintay na lamang siya na matapos doon.
"Mabuti at pumayag ang mahal na reyna, Prinsesa Markiya," sambit ni Markiya na abala pa rin sa kanyang ginagawa. Nginitian ko na lamang siya. Dahil kung nalalaman lang sana niya ang tunay na sa loobin ng mahal na reyna tungkol sa pamamasyal namin na ito ay sigurado ako na hindi na niya gugustuhin pa na ihanda ang aming mga gagamitin.
Hindi pa man ako tuluyan na napapasarap ng pagkakaupo sa aking kama ay narinig ko na agad ang marahas na pagbukas ng pinto. Tila ba pamilyar na pamilyar na ang tunog na iyo sa akin dahil sa lagi kong naririnig.
Hindi na nga man lang ako nag-abala pa tingnan kung sino ba iyon dahil alam na alam ko na agad kung sino iyon. Ang yabag pa lamang niya na papalapit sa akin ay kilalang-kilala ko na. Bigla na lamang napatayo si Markiya dahil takot sa talim ng tingin sa akin ng mahal na reyna.
Mas lalo na siyang tila nanginig sa takot nang balingan siya ng mahal na reyna.
"Lumabas ka na muna, Markiya!" utos pa niya kaya wala nang nagawa pa si Markiya kundi ang maglakad palabas kahit pa bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan na iwan ako.
Nang makalabas nga si Markiya ay hinarap ko na ang mahal na reyna. At sigurado ako na isang mahaba-habang komprontasyon na naman ang magaganap.