Chapter 31

2012 Words
Chapter 31 Ayesha's POV Kahit na natanaw ko na si Javadd ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na nga siya at binalikan niya ako. Kahit pa nang nandito na siya mismong harapan ko ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Lumuhod si Javadd upang magpantay kami. At may pinunasan siya sa may ilalim ng mga mata ko at alam ko na putik iyon. Kung hindi niya iyon inalis ay may posibilidad na pumasok iyon sa mga mata ko at magiging masakit iyon. Mabuti na lamang talaga at nandito na si Javadd. Kung nalalaman lang sana niya ang pagpapasalamat ko sa kanyang pagdating. Habang patuloy sa pagpunas si Javadd sa mga nasa mukha ko ay hindi ko naman maiwasan ang mapatitig sa kanya dahil gusto kong ipaintindi sa aking sarili na nandito na nga si Javadd at hindi ito isang panaginip lang. Ngunit sa kabila rin ng paghihntay ko na asarin niya ako ay wala naman na ulit akong narinig pa na ano mang salita sa kanya. Bagkus ay nakita ko ang pagngiti niya nang tila ay mahalata niya ang pagkakatitig ko sa kanya. Ngunit walang bakas ng ano mang pang-aasar ang mga ngiti niya kundi purong kasiyahan lamang. At alam ko na masaya siya dahil natagpuan niya ako. Dahil sa biglaang pagkawala ng takot ko ay hindi ko na napigillan pa ang sarili ko na yakapin siya. At ito ang bagay na kanina ko pang gustong gawin pagkakita na pagkakita ko pa lang sa kanya. Dahil na rin sa pagkabigla niya sa ginawa ko ay nawalan siya ng balanse at napaupo na lamang siya sa damuhan. Hindi ko rin naman siya narinig na nagreklamo sa ginawa kong iyon at narinig ko pa nga ang marahan niyang pagtawa. Ngunit kahit napaupo na siya damuhan at halos nakakandong na ako sa kanya ay hindi ko siya magawa na bitiwan. Natatakot ako na sa oras na bitiwan ko siya ay bigla na lamang siyang maglaho na parang bula. Mas nagkaron pa ako ng kapanatagan nang maramdaman ko na yakapin niya rin ako. At sa higpit ng mga yakap niya sa akin ay ramdam ko ang naging labis niyang pag-aalala sa akin kaya ngayong nayayakap na niya ako ay hirap din siya na pakawalan ako. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari dahil naramdaman ko na lang bigla na umiiyak na ako. Kahit na anong gawin ko na pigil ay hindi ko kinaya na hindi mapahikbi. At nang sa tingin ko ay marinig iyon ni Javadd ay saka lamang niya ako binitiwan upang mapaharap sa kanya. Kahit na ayoko pa sanang bumitiw kay Javadd at gusto ko pa siya na mayakap ay wala na rin naman akong nagawa. Halata naman sa mukha ni Javadd ang labis na pagkabigla nang dahil sa narinig niya na paghikbi ko. Alam ko na hindi niya iyon inaasahan. "Ayesha, hindi mo kailangan na umiyak," sabi niya ngunit hindi nito nabawasan ang kagustuhan ko na umiyak para lamang mailabas na sa pagkakataon na ito ang lahat ng takot naramdaman ko sa loob ng mga nagdaan na oras. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng pinagdaanan ko ngunit gusto ko rin na manatili na lamang na umiiyak. Halata naman kay Javadd ang pagkataranta dahil hindi niya ako matahan. Gustuhin ko rin naman na tumigil na sa kakaiyak ay hindi ko pa rin magawa. Mas nangingibabaw sa akin ang emosyon ko ngayon at ang pagnamnam ko sa katotohanan na nasa harapan ko na nga si Javadd. "Hindi ko alam ng gagawin ko nang mag-isa ako, Javadd. Sobrang takot na takot ako," sabi ko at hindi ko na rin naiwasan pa ang mapahagulgol. Ngunit sa bawat hikbi at sa bawat hagulgol ko ay unti-unti rin naman na gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya iniiyak ko na lang ang lahat hanggang sa makayanan ko na nga na huminto na sa pag-iyak. Hindi rin naman kasi ako pinatigil ni Javadd sa pag-iyak hinayaan niya lang ako. Siguro ay dahil alam niya na mas ikagagaan ng loob ko ang pag-iyak. At hindi naman siya nagkamali. Nang ilang sandali na ang lumipas at hindi na ako muli pang humagulgol ay saka lamang niya pinunasan ang magkabila kong pisngi upang tuyuin ang pamamasa nito na sanhi ng ginawa ko na labis na pag-iyak. Hindi kasi pwede na ako ang magpunas ng sarili kong mga luha dahil muli lamang madudumihan ang aking mukha dahil madumi pa rin hanggang ngayon ang mga kamay ko. At bigla na lamang akong nakaramdam ng hiya nang mapagtanto ko kung gaano naging karumi ang kasuotan ni Javadd dahil sa ginawa kong pagyakap sa kanya. Hindi na kasi ako nakapag-isip nang tama kanina dahil ang tangi ko lang nais na mangyari ay ang mayakap siya. Hindi man lang pumasok sa isip ko na maaari siyang madumihan nang dahil sa akin. Alam ko na alam ni Javadd na madadamay siya sa karumihan ko ngunit hindi man lang niya ako pinigilan na yakapin ko siya. Pero dahil siguro ay biglaan at hindi na siya nagkaroon pa ng sapat na oras para pigilan ako. Pero sana ay pinalayo niya agad ako nang nakayakap na ako sa kanya. Kaya siguro ay hindi na rin niya inisip na madudumihan siya dahil niyakap pa nga niya ako pabalik. "Paumanhin, Javadd!" sambit ko pero tinawanan niya lang ako at tumayo na siya. At sa pagtayo niya ay mas lalo ko lamang na napatunayan na sobrang dungis na nga rin niya at puro putik na rin. Para gusto ko na lang na tuluyan nang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan na ginawa ko kay Javadd. Binalikan na nga niya ako rito ay nagawa ko pa siyang idamay sa sumpa ng putik sa akin. Ngunit lahat ng inis ko kay Javadd dahil sa pagpapatalon niya sa akin sa putikan ay bigla na lamang naglaho. Bakit ko iindahin ang mga putik sa katawan ko kung siya nga rin ay hindi iniinda mayakap lang ako. Ilang sandali na rin akong nakatingala sa kanya bago siya maglahad ng kamay sa aking harapan. At alam ko na kailangan ko iyong tanggapin upang hindi na ako gaano mahirapan pa sa pagtayo. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin ang kamay niya at inalalayan naman na niya ako sa pagtayo. "Ang mabuti pa siguro ay pumunta na muna tayo sa pinakamalapit na ilg upang doon ay makapaglinis ka kahit papaano," sabi niya. At sana ay alam ni Javadd na isa ang bagay na hinihintay kong marinig mula sa kanya. Dahil sa wakas, matapos ang ilang oras na pagkakababad ng katawan ko sa putik ay makakapaglinis na rin ako. Naging sobrang pahirap sa akin ng putik na ito kaya sana ay makarating agad kami sa sinasabi niya na pinakamalapit na ilog sa amin ngayon. "Hindi mo alam, Javadd kung gaano naging kahirap para sa akin ang maglakad nang puro putik ang katawan at kasuotan. Kung alam ko lamang na ikaliligaw ko ang paghahanap ng liliguan ay hindi na sana ako nagtangka pa. Dahil bukod sa napagod lang ako ay baka naging dahilan pa iyon upang mapatagal ang paghahanap mo sa akin," sabi ko nang tuluyan na akong makatayo at makaharap sa kanya. Tumango-tango siya sa akin bilang pagsang-ayon. Ngunit dahil na rin sa dami ng sinabi ko ay hindi ko alam kung alin doon ang sinagutan niya ng pagtango. Ngunit halata rin naman sa kanya na may mga nais pa siyang sabihin kaya hinintay ko na lamang siya na magsalit. "Totoo ang sinabi mo, Ayesha na naging dahilan iyon para mapatagal nang bahagya ang paghahanap ko sa iyo. Ngunit nais kong malaman mo na hindi ako tumigil sa paghahanap sa iyo. Hindi ako tumigil, hindi ako nagpahinga, hindi ko rin nagawa na bumalik na ng Algenia. At mas lalong hindi ako natulog, Ayesha para lamang hindi ako mahuli sa paghahanap sa iyo. Hindi ako natulog dahil alam ko naman na hindii rin talaga ako makakatulog lalo na at alam ko na nasa gitna ka ng isang masukal na kagubatan nang nag-iisa. Saksi ako sa kung gaano kadelikado ang gubat na ito at batid ko na mahuli lamang ako nang ilang sandali ay maaaring may mangyari na sa iyo." Sinabi iyon ni Javadd nang hindi man lang kumurap. At dahil na rin sa sinabing iyon ni Javadd ay natigilan din ako. Nanatili akong nakatulala sa kanya at hindi makahanap ng maaari kong sabihin at isagot sa mga sinabi niya. Alam ko naman at sigurado ako na talagang hahanapin nga ako ni Javadd ngunit hindi ko akalain na sa ganoong paraan. Ang buong akala ko ay hahanapin niya lang ako sa tuwing may oras siya at nandito sa Algenia. Hindi ako makapaniwala na hindi niya na naisipan pa ang umuwi kahit may nalabag na siya sa kanilang kaharian. At ang pinakanakakagulat sa sinabi niya ay ang katotohanan na wala pa siyang tulog. Dahil hindi halata sa mga mata niya ang kawalan ng tulog. Siguro ay dahil hindi niya alintana ang pagod at antok para lang mahanap agad ako. "Maraming salamat sa hindi pagsuko sa paghahanap sa akin, Javadd. Hindi ko alam ang gagawin ko kung kaninag pagmulat ko ay mag-isa pa rin ako," sabi ko at ngumiti si Javadd. "Wala naman sa plano ko ang pagsuko sa paghahanap sa iyo, Ayesha. Hahanapin kita kahit na anong mangyari. Hahanapin kita kahit sa kasulok-sulukan nitong kagubatan." Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na isagot kay Javadd sa lahat ng sinabi niya sa akin. Ang tanging alam ko lang ay masarap sa aking pandinig na ganito na lang kung mag-alala sa akin si Javadd at ganito na lang din kung ayawan niya na ako ay pabayaan. At sa tingin ko ay bihira ka lang makakatagpo ng isang kaibigan na tulad niya. Kaya kahit magkasalungat kami ni Javadd sa halos lahat ng bagay ay masasabi ko pa rin na maswerte ako na nakilala ko siya kahit na magkaiba rin kami ng kaharian na kinabibilangan namin. Mayamaya ay niyaya na ulit ako ni Javadd at sabay na kaming naglakad papunta sa puno kung saan nakatali si Kiba. Inalalayan niya ako na makasakay hanggang sa makasakay na rin siya. Hindi rin naman nagtagal ay pinatakbo na rin niya ang kabayo. Hindi ko alam kung saang bahagi na siya ng kagubatan nagsusuot. Parang napakaimposible para sa akin na makabisado ko ang lugar na ito. Kaya labis ang paghanga ko kay Javadd na nagawang makabisado ang bawat sulok ng kagubatan na ito. Malayo-layo pa lang kami ay nakakarinig na ako ng agos ng tubig. At kung hindi ako nagkakamali ay isang talon ang naririnig ko. Hindi ko pa man nakikita ang talon na iyon ay ganoon na lamang ang pagkasabik ko na makalusong man lang doon. Pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi nakaligo at ngayon na maliligo na ako ay pakiramdam ko magiging sobrang linis ko na. Hindi nga ako nagkamali sa hula ko na isang talon ang naririnig ko. At sa baba ng talon ay isang mahabang ilog. Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng pagkasabik ko sa tubig pero kakaiba ang ganda ng talon na tinatahak namin. Hindi na ako makapaghintay pa na makalapit doon at nais ko na lang din sabihin kay Javadd na bilisan pa ang pagpapatakbo sa kabayo. Dahil ayokong magmukhan inosente sa tubig sa harapan ni Javadd ay matiyaga ko na lang na hinintay na makalapi kami roon. At nang tuluyan na nga kaming makalapit ay halos malula ako dahil sa taas ng talon na tinatanaw ko. Kung kanina ay nagmamadali pa ako na marating ang talon upang makaligo na, ngunit ngayon na nasa harapan na namin ito ay hindi naman na ako makakilos pa dahil sa sobrang ganda nito na mapapahinto ka talaga sa pagtanaw. Parang hindi ko na kailangan pa na maligo dahil sa pagtingin pa lang sa talon ay nakukuntento na ako. Ngunit dahil nga sa pagligo ang pinunta namin dito ay nawala lang sa talon ang atensyon ko nang maradaman ko na bababa na si Javadd ng kabayo. Agad naman siyag naglahad ng kamay sa aking harapan at malugod ko naman iyon na tinanggap. Bumaba na ako ng kabayo at nagpasalamat na kay Javadd.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD