Chapter 33

1516 Words
Chapter 33 Ayesha's POV Mataga pa ang ginawang pagligo at paglilinis ng katawan. Dahil sa tuwing mararamdaman ko na malinis na ulit ako ay saka naman ako muling may nakikita na naiiwang putik sa aking katawan. Ngunit ilang sandali pa nga ag lumipas ay tuluyan na akong nakuntento sa ginawa ko. Hindi ko na rin naaamoy ang baho na kanina lang ay talaga namang nanunuot sa aking ilong. At hindi ko rin alam kung paanong natagalan ni Javadd ang ganoong klase ng amoy. Siguro ay kanina pa siya halos masuka-suka dahil sa amoy ko ngunit hindi lang siya makapagreklamo sa akin dahil baka iniisip niya ang mararamdaman ko. At sobrang nakakahiya ang ganoon. Lalo na siguro kanina habang sakay-sakay kami ng kabayo. Sigurado ako na langhap na langhap niya ang amoy ko dahil sa hangin. Pero huli naman na para makaramdam pa ako ng hiya dahil nangyari na ang mga nangyari. Sana lang ay hindi magbago ang tingin sa akin ni Javadd at sana lang din ay hindi siya mandiri dahil lang sa bagay na hindi ko naman ginusto. Kung alam lang sana niya kung gaano ako kalinis sa katawan. "Halika na?" yaya sa akin ni Javadd nang ilang sandali na rin mula nang huli kong basain ang braso ko. Ngumiti ako at tumango. Matapos kong tumango ay agad naman siyang naglahad ng kamay sa akin na malugod ko namang tinanggap. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing pakikitaan ako ni Javadd ng kanyang pagiging maginoo. Siguro ay dahil alam ko na bukal iyon sa kanyang kalooban. Hindi niya alam na isa akong prinsesa kaya hindi niya iyon ginagawa para lang sa paggalang. Ginagawa niya iyon dahil nais niya. Lahat ng nararanasan ko rito sa Kaliwag ay mga tunay na trato nila sa akin. Kahit pa ang ganid na lalaking nakaharap ko noon na nang-aabuso ng bata. Sa kaharian kasi namin ay walang nagtatangka na sino man ang kumalaban sa akin. Inalalayan na ako ni Javadd hanggang sa makatapak kaming muli sa lupa. Ang problema ko na lamang sa ngayon ay kung paano tutuyuin ang sarili ko dahil basang-basa pa ko. Hindi ko naman pwede na basta na lamang isusuot ang damit kong pamalit nang hindi man lang nagpupunas kahit papaano. Dinala ako ni Javadd sa may kabayo at saka niya kinuha sa sisidlan na nakasakay rin kay Kiba. Nang hugutin niya ang kanyang kinukuha ay nakita ko ang kasuotan na sa tingin ko ay ang tinutukoy niya na binili niya para sa akin. Hindi nga ako nagkamali dahil nang tuluyan niya iyong makuha ay iniabot niya ito agad sa akin kaya nagpasalamat na rin ako. Ang buong akala ko ay iyon lang ang iabot niya sa akin ngunit muli siyang dumukot sa sisidlan kung saan niya kinuha itong kasuotan na hawak ko. Pinanood ko siya habang may kinukuha pa rin doon at hinintay na ilabas ang nasa loob kahit pa wala akong kasigraduhan kung para sa akin pa rin iyon o hindi. Nang ilabas niya iyon ay nakita ko na isa iyong tuyong tela at muli ay iniabot niya sa akin. Kanina lang ay iniisip ko pa lang kung paano ako makakapagpatuyo ng sarili ko ngunit ngayon ay heto at may sagot na agad si Javadd. Mabuti na lamang talaga nandito siya. "Walang ibang Lavitran ang nandito sa kagubatan kaya sa tingin ko ay pwede ka na riyan magbihis. Lalayo na lamang muna ako," sabi ko at magsisimula na sana siya sa kanyang paghakbang pero pinigilan ko siya sa kanyang braso. Sunud-sunod ang ginawa ko na pag-iling para lang ipakita sa kanya ang labis ko na pagtutol sa plano niya na paglayo. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nakaramdam ng takot nang sabihin ni Javadd na lalayo siya. Hindi ko gusto ang ideya na iyon. At sa tingin ko ay dahil iyon sa mga nangyari at pinagdaanan ko nitong mga nagdaang oras. Parang ayoko na ulit na maranasan ang malayo kay Javadd habang nandito kami sa loob ng kagubatan na ito. Gusto ko ay lagi lang akong nakadikit sa kanya. Gusto ko ay lagi ko siyang tanaw. Napatitig sa akin si Javadd upang alamin kung ano ang problema sa akin. At nagningning ang kanyang mga mata nang sa tingin ko ay nakuha na niya ang nais ko na mangyari. Mataga-tagal din na nakatitig lang sa akin si Javadd bago siya ngumiti. Tumango siya at kinuha ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso. Akala ko ay tatanggalin niya lang iyon at bibitiwan na. Ngunit nanatili siyang hawak ang kamay ko nang hindi inaalis ang mga titig niya sa akin. "Hindi kita iiwan, Ayesha," sabi niya na halatang kinukumbinsi ako ngunit umiling akong muli. Kahit pa ramdam ko ang katotohanan at kasiguraduhan sa sinabi niyang iyon ay hindi ko pa rin magawa na bitiwan siya. Ngunit siya naman ang bumitiw sa kamay ko at akma ulit na tatalikuran ako. Ngunit tulad ng ginawa ko kanina ay muli ko siyang pinigilan sa braso. "Ayesha, hinding-hindi kita iiwan. Kung natatakot ka na iwan kita, mas natatakot ako na iwan kitang muli." Kahit na nasa akin na ang lahat ng kasiguraduhan ay hindi pa rin nawawala ang takot ko. Ayokong makulitan siya sa akin. Ngunit kung nais niya na magmakaawa ako sa kanya para lang hindi siya lumayo ay gagawin ko. Muli ay kinuha niya ang kamay ko na nakakapit sa kanyang braso. Ang buong akala ko ay ginawa niya iyon upang ipagpilitan na kailangan niyang lumayo. Ngunit pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay habang hawak ang kamay ko. Napanatag lamang ako nang makita ko siya na ngumiti at tumango bilang pagsang-ayon sa kagustuhan ko na huwag na siyang lalayo pa. "Oo na, Ayesha. Kung nais mo na hindi ko lumayo ay hindi ako lalayo. Ngunit hayaan mo ako na tumalikod man lang," sabi niya. Syempre naman kailangan niya na tumalikod man lang habang nagbibihis ako. Ano bang akala niya? Na dahil gusto kong nandito lang siya malapit sa akin ay gusto ko nang panoorin niya ako sa gagawin ko na pagbibihis. Hindi na rin naman ako kumontra pa sa sinabi niya kahit pa halata na natatawa siya dahil biro lamang ang sinabi niyang iyon. Tawanan niya ako hangga't gusto niya. Ang importante sa akin ay pumayag siya na dito lamang siya sa aking tabi. "Sige na,Javadd at tumalikod ka na," sabi ko at sinenyas ko pa siya na tumalikod. Agad naman siyang tumalima sa utos ko at tinalikuran ako. Sa totoo lang ay naiilang ako na na maaghubad kung hindi sa kwarto ko. Pakiramdam ko kasi ay mayroong makakakita. Ngunit gagawin ko ito dahil nagtitiwala ako sa sinabi ni Javadd na walang ibang Lavitran sa gubat na ito kundi kaming dalawa lang. Kaya kung tatalikod na siya ay wala nang nakatingin sa akin. Ngunit hindi naging madali sa aking ang paghuhubad ng lahat ng aking saplot. Ilang sandali ko rin na kinumbinsi ang aking sarili. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako. Matagal-tagal na rin akong nakatayo lang dito at baka mamaya kung kailan naiinip na si Javadd at pagmamadaliin ako sa aking pagbibihis ay saka pa lang ako magsisimula sa paghuhubad. Kaya naman huminga na ako nang malalim at saka hinubad ang mga basa kong suot. Mabibilis ang ginawa ko na pagkilos dahil hindi ako komportable. Alam ko naman na hindi titingin si Javadd hangga't hindi ko sinasabi na tapos na ako. Ngunit ang kinatatakot ko lang kasi ay paano na lamang kung may biglang hindi inaasahang mangyari at kinakailangan na niya akong harapin, tapos man ako sa pagbibihis o hindi. Sigurado ako na makikita niya ang aking buong katawan at ayokong mangyari iyon dahil nasisiguro ko na wala na akong mukha na maihaharap sa kanya. Nagmadali na ako sa pagpupunas sa katawan ko ng tela hanggang sa tuluyan na nga akong matuyo. Sunod ko naman na ginawa ay pagsusuot ng kasuotan na binili ni Javadd para sa akin. Habang sinusuot ko ito ay saka ko lang napansin ang ganda nito. Sa tela pa lamang nito ay halata na agad na hindi ito mumurahin na kasuotan lamang. Sa tingin ko ay makakayanan lang itong bilhin ng mga Lavitran na nakakaangat sa buhay. Wala pa rin naman itong sinabi kung ikukumpara sa damit na mayroon ako dahil ang mga iyon ay talagang yari sa hindi pangkaraniwan na tela na pinapasadya pa upang ako lamang ang my ganoong disenyo ng damit at walang sino man ang aking makakatulad. Ngunit ang kasuotan na kasalukuyan kong tinatanong ay pwede na para masabi na may kaya sa buhay ang bibili nito. At hindi ko alam kung saan kumuha si Javadd ng salapi para lang makabili ng ganito. Hindi niya kinakailangan na gumastos nang malaki dahil maaari ko namang suotin kahit ang pinakamura na kasuotan na kanyang makikita. Ang importantelang naman kasi sa akin ay ang may maipampalit sa putikan kong suot. Binilisan ko na rin ang pagsusuot nito. Hindi ko pa naman naririnig si Javadd na nagtatanong kng tapos na ba ako ngunit gusto ko na lang magkusa na tapusin na agad ito. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan ko na nga itong maisuot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD