Chapter 52

1019 Words
Chapter 52 Ayesha's POV Tulad nga ng sinabi ni Javadd ay sa palasyong ito ako mananalagi. Kasama na niya ako sa kanyang paglalakad. Hindi ko maiwasan ang maglibot ng tingin sa mga nadaraanan namin. Ayoko sanang gawin ito dahil baka makahalat sila sa paninibago ko sa isang lugar ngunit gusto ko lang sana na maging pamilyar agad sa lugar na ito dahil na rin sa ipapakilala ako ni Javadd bilang bago niyang tagasilbi. Ayokong isipin ng ibang Algenian na kukuha na lamang siya ng bago niyang tagasilbi ay iyon pang tila walang alam sa palasyo. Dahil sa ginagawa kong paglinga-linga sa mga nadaraanan namin ay nakita ko na natatawa si Javadd habang pinapanood ako. Nagkibit balikat na lamang ako dahil hindi naman nakakainsulto ang mga ngiti niya. Tila ba aliw na aliw na aliw lamang siya sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa salubungin kami ng isang kawal. At siya ang kawal na madalas kong nakikita na kasama ni Javadd. Siya ang kawal na kasama niya kanina sa tapat ng pintuan na nilusutan ko. Siya rin ang kawal na kumuha kay Kiba nang magwala ito. At sa pagakakatanda ko, ang ngalan ng kawal na ito ay Sunil. "Naitali ko na at napakain ko na rin ang inyong kabayo, mahal na prinsipe." Sa tingin ko, ang kabayo na tinutukoy niya ay si Kiba. Kung gayon ay pagmamay-ari pala talaga ni Javadd si Kiba. Kaya pala naging malakas ang loob niya na gamitin at sakyan ito. "Mabuti kung ganoon, Sunil. Maaari mo ba na puntahan ang isang tagasilbi at ipag-utos na maglinis ng isang bakanteng silid. At kung maaari, ang lilinisin na silid ay iyon sanang pinakamalapit sa aking silid." Napakunot nang bahagya ang noo ni Sunil nang marinig ang biglaang utos ni Javadd. Bigla tuloy itong napatingin sa akin at agad naman akong napayuko. Noong una ay naramdaman ko pa ang paninitig niya sa akin. At sigurado ako na pamilyar ang mukha ko sa kanya dahil minsan na rin kaming nagkita noong magkasama kami ni Javadd. Sinalubong ko ang mga titig niya at tila ba inaalala niya kung saan nga ba niya ako nakita noon. Hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata nang tila ay maalala na niya ako. Mabilis niya ring nilingon si Javadd upang makakuha ng sagot mula rito. Tumango naman si Javadd at nagkibit balikat na tula ba ay alam na agad niya ang mga tanong sa mata ni Sunil. "Hindi ba at siya ang babae na taga-Kaliwag?" tanong pa ni Sunil at marahan na tumango si Javadd. Ang buong akala ko ay itatanggi niya. Ngunit sa tingin ko ay isa si Sunil sa mga pinagkakatiwalaaan niya nang sobra kaya nagawa niyang sabihin ang totoo tungkol sa akin. "Ngunit--" Hindi matuloy ni Sunil ang pagkwestiyon niya sa kanilang prinsipe dahil alam din naman niya na wala siyang karapatan. "Isa itong lihim, Sunil. Walang ibang nakakaalam kundi tayonh tatlo lamang. Mapagkakatiwalaan ba kita sa bagay na ito?" tanong ni Javadd at muling napasulyap sa akin si Sunil. Huminga siya nang malalim at marahang tumango kay Javadd. "Wala kayong dapat na ipag-alala sa akin, Prinsipe Javadd. Sumusunod ako sa lahat ng sinasabi ninyo. Nasa iyo ang katapatan ko. Ngunit sana ay hindi ka mapahamaka nang dahil lamang sa babae." Natatawang tumango-tango si Javadd dahil sa sinabi ng kanyang kawal. Sa tingin ko ay hindi lamang basta kawal ang turing niya kay Sunil. Kaya niya itong pagkatiwalaan na parang isang kaibigan kaya nasisiguro ko na malalim na ang kanilang samahan. Parang kami ni Markiya. Tulad nga ng iniutos ni Javadd ay nagpaalam na rin agad si Sunil para sabihan ang sino mang tagasilbi na una niyang makita para ihanda ang tutulugan ko. Nakakatawa lamang dahil ipapalinis niya sa isang tagasilbi ang magiging silid ng isa ring tagasilbi. Pwede ko naman iyong gawin kung iuutos ni Javadd dahil tagasilbi rin naman talaga ang pagkakakila niya sa akin--sa kaharian nga lamang ng Vittoria. Sa tingin ko rin naman ay may nalalaman ako sa ganoong gawain dahil nakikita ko naman kung paano ang ginagawang paglilinis ni Markiya sa aking silid. Hindi ko naman mamasamain kung ako ang uutusan ni Javadd dahil ako rin naman ang makikinabang. Ngunit sa iba niya talaga plano na ipalinis kaya hinayaan ko na lamang. Tutal ay pagod na rin naman ako dahil sa mga nangyari sa akin ngayong araw. "Totoo ba ang sinabi ng tauhan ng pagawaan ng tinapay na pumasok ka sa pagawaan nang walang pahintulot?" mayamaya ay tanong ni Javadd nang kami na lamang ang magkasama. Nabanggit din niya kanina na nandito kami ngayon sa kanilang tanggapan. Kahit kasama ko na si Javadd ay tila ba hindi pa rin ako mapakali. Para bang may hinahanap ang mga mata ko. "Patawarin mo ako, Javadd. Doon kasi binagsak ang drum na pinagtaguan ko kanina. Wala naman talaga akong plano na magnakaw roon. Sadyang nagutom lang ako dahil sa bango ng mga tinapay." Hindi ko na inisip pa ang maaaring isipin sa akin ni Javadd dahil ang tanging nais ko lang na mangyari ay ang masabi sa kanya ang totoo. Narinig ko ang marahan na pagtawa ni Javadd at umiling siya. "Wala kang dapat ihingi ng tawad, Ayesha. Naiintindihan ko. Ngunit nakakain ka na ba nang ayos? Sapat na ba ang mga kinain mo upang mabusog ka? Magsabi ka lamang kung nais mo pa na kunain. Magpapahanda ako ng maaari mong kainin." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa pag-aalala ni Javadd. Parang nasobrahan naman yata siya sa pag-iisip. "Nakakain naman ako kahit papaano, Javadd. Ngunit dahil nga sa nahuli nila ako ay nahinto ang pagkain ko. Ngunit kaya ko pa namang tiisin ang gutom--" "Tiisin ang gutom? Tingin mo ba ay hahayaan ko na magtiis ka ng gutom? Halika sa aming hapag. Magpapahanda ako ng maraming pagkain na maaari mong kainin." Halos malaglag ang panga ko dahil sa agad-agad niyang pagsasabi. Tila ba hindi man lang siya nagdalawang-isip na yayain ako sa kanilang hapag. At kung yayain niya ako ay tila ba tagarito ako pwede niya lang isama kung saan-saan. Dahil sa totoo lang, dapat ay maging iwas ako sa mga Algenian hangga't maaari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD