Chapter 3

1129 Words
"Sel" "Sel" "Sel, gumising ka!" "Sel, gising bilis! Nagkakagulo na sa labas!" Agad akong napatayo dahil sa nagmamadaling pag gising sakin ni kuya. "Bakit? Bakit? Anong nangyayari?" Natataranta kong tanong. "Nagkakagulo na sa labas, tara na! Kailangan natin makaalis agad dito!" sabi ni kuya at hinila agad ako palabas ng bahay. Tumambad sa'kin ang ibang bahay na durog na, ang iba ay nasusunog, ang iba ay gumuguho. "Kuya! Ano ba'ng nangyayari?" Tanong ko at hinila ang kamay niya para lumingon siya sakin. "Nagising ako kanina dahil sa ingay ng mga tao, paglabas ko ay nagsisilikas na sila papunta sa E-sphere dahil nasira na daw ang high-sphere at may nakapasok na arthema" sagot ni kuya habang nagpapatuloy sa paghila sa'kin at pilit na sumisiksik sa mga tao na nag uunahan makapasok sa E-sphere. Habang hinihila ako ni kuya ay tuloy ang pagtatanong ko tungkol sa mga nangyari. "Hindi nasisira basta basta ang sphere kahit gaano kalakas ang arthema" saad ko "Rira ang nakasira, sabi ng mga residente" "Hindi kaya sirain ng isang rira ang sphere" " Yun din ang sabi ko, pero nagulat ako dahil hindi lang isa ang nakita ko" "Dalawa 'man o benteng rira, imposible pa rin" " Pero mahigit ilang daan ang nakasira. Tumpok ng rira ang nasa gate ngayon ng high-sphere, walang pag-asang makaligtas ang division na'to" saad ni kuya na para ba'ng kakyulado na ang mangyayari. Nagulat ako sa sinabi ni kuya. Mahigit ilang daan? Bakit? Bakit bigla sila sumugod? Tahimik na uri ng arthema ang rira, hindi sila kumikilos hanggat hindi sila ginugulo at iniistorbo sa teritoryo nila, 'yon ang nakasaad sa libro na naglalaman ng kumpleto at detalyadong impormasyon patungkol sa mga arthema. Napabitaw ako kay kuya ng may isang rira na humarang sa dinadaanan namin. "K-kuya, a-anong gagawin natin?" Kinakabahan at natatakot kong sambit kasabay ng pagkapit ko sa damit ni kuya. Napatingala ako sa halimaw na nakaharang sa'min, basang basa ang bibig nito dahil sa paglalaway na akala mo ay ilang taon hindi nakakain. Mabilis ako hinila ni kuya pabalik sa dinaanan namin. Walang lingon kaming tumakbo palayo sa halimaw, ngunit nagulat ako ng biglang huminto si kuya sa pagtakbo at binitawan ako. "Kuya? Bakit? Tara na! Baka sumunod pa 'yon!" Pagmamaktol ko at sinulyapan ang rira na hindi sumusunod at nanatiling nakatayo pa rin sa pwesto nito ngunit nakatitig sa direksyon namin. "Kuya! Ano ba!" Pagdadabog ko at pilit siyang hinihila. "Teka, sandali. Sel, mauna ka na tumakbo" napakunot ang noo ko sa sagot niya. Lumingon lingon siya sa paligid na para ba'ng may hinahanap. "TULONGG!" Napalingon din ako sa paligid dahil sa narinig 'kong sumigaw. "TULUNGAN NIYO 'KO!" "May humihingi ng tulong, tutulungan ko siya kaya mauna ka na, susunod ako" sagot niya na ikinainis ko. "Kuya, wag na! Hindi mo nga alam kung nag aagaw buhay nalang 'yon, baka mabalewala lang ang pagtulong mo" " Nag aagaw buhay o hindi, tutulong tayo kapag may humihingi ng tulong" sagot niya at hinila ang isang parte ng pader na nakatumba. "Kuya naman!" " Mauna ka na, Sel" " Ayoko! hindi kita iiwan!" Sagot ko kaya tinulungan ko nalang din siya maialis ang parte ng pader. Pag alis ng pader ay may nakita kaming sundalo, isang Legionary? "Tulungan niyo 'ko, parang awa niyo na, yung paa ko---yung paa ko naipit" sabi niya kaya agad siya inalalayan ni kuya. Nang maitayo siya ay sinukbit ang isa nitong braso sa balikat ni kuya. "Tara na, Sel" nakahinga ako nga maluwag dahil makakaalis na kami. Saglit ko'ng sinulyapan ang kaninang pwesto ng rira, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng makitang nagsimula itong tumakbo patungo sa dereksyon namin. "Kuya! Bilis! Nakasunod na!" Pagmamadali ko kay kuya kaso hindi siya makatakbo ng maayos dahil sa inaalalayan niya. Napahinto kaming tatlo ng tumalon ito sa harap namin. Alam ko, nararamdaman ko'ng isa sa amin ang hindi makakalampas sa rira na kaharap namin. "K-Kuya" nagluluha kong tawag kay kuya. Ihinarang niya ang sarili niya sa harap ko habang ako naman ay naghahanap ng madadanaanan namin. "Kuya! Tara 'don!" Malakas kong saad at tinuro ang eskinita na madalas ko dinadaanan pag hinahabol ako ng mga lalaking sinusuntok ko pag sinasabihan nila ng masakit na salita si kuya. "Tara!" Saad ko Hihilain ko na sana si kuya ng biglang paglingon ko ay unti-unting bumagal ang pangyayari sa paningin ko, pakiramdam ko ay pati pagkilos at pag galaw ko ay bumabagal din. Hindi ko naabot ang kahit hibla sa damit ni kuya dahil kasabay ng pag lapit ng bibig ng rira at pagbuka nito ay ang pagtulak ng legionary sa kapatid ko patungo sa mismong bibig ng halimaw. Pagharap sakin ng sundalo ay napatitig ako sa mukha nito na hindi manlang nakitaan ng pagsisisi sa ginawa, bumaba ang tingin ko sa pangalan at ranggo nito na naka ukit sa uniporme. A-COMMANDER. DEZTREZA Hanggang sa nawala na ito at nauna ng tumakbo kahit paika-ika para lamang makalayo sa rira na ngayon ay pinapanood ko. Hindi maalis ang tingin ko sa nag-iisa kong kapatid na tumayong magulang sakin magmula ng mamatay ang mga magulang namin na ngayon ay nginunguya na ng isang halimaw na mukang aso na may dalawang ulo na nag agawan pa sa katawan ng kuya ko. "K-Kuya" wala sa sarili 'kong bulong. Kahit anong sakit at galit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko makayanan ialis ang tingin ko kay kuya na pira-piraso at gutay-gutay na ang parte ng katawan. Biglang lumitaw sa utak ko ang imahe ng mukha nung sundalong tinulungan ni kuya. Masyado 'kang mabait, kuya. Hindi mo alam na mas halimaw pa sa arthema ang lalaking tinulungan mo. Bigla akong napahinga ng malalim, nawala ang pakiramdam ko. Parang nawala ang koneksyon ng utak at katawan ko. Hindi ko na ramdam ang hapdi ng mga galos at sugat na natamo ko kanina. Kaluluwa at buong pagkatao mo ang sinusumpa ko Commander Deztreza. "Sel" Wala sa sarili akong napatingin sa direksyon kung saan ko narinig ang tumawag sa pangalan ko. "Selyra" "Kuya" sambit ko habang nakatitig sa putol na ulo ni kuya na gumulong sa may paahan ko. "AHHHH!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko Hingal na hingal ako na parang galing sa pagtakbo at basang basa din ng malamig na pawis ang katawan ko. "Kuya" mahina kong sambit at napahilamos sa mukha. Inabot ko ang orasan na nasa bedside table, 4:48AM palang Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo para mag asikaso dahil duda ako na makakatulog pa ulit ako kung babalik ako sa higaan. Naligo ako at nagpalit ng damit pang jogging na araw araw ko ginagawa. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa may pinto para mag suot ng sapatos. Muli kong nilibot ang paningin ko sa bahay para tandaan ang ayos ng mga bagay bagay bago ako lumabas ng pinto at ni-lock ito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD