Chapter 4

505 Words
Nakaka-limang lap na ako kaya naisipan ko muna umupo dito ulit sa may nakatumabang kahoy kung saan ako umupo nung huling beses. Nakalimutan ko magdala ng tubig dahil wala ako sa katinuan kanina dahil sa napanaginipan ko kaya nagpunas na lamang ako ng pawis at nagpahinga para makatakbo ulit mamaya-maya. "5:27am palang naman" mahina kong sambit sa sarili ko matapos tumingin sa relo. Hindi na pala kakayanin kung tatakbo pa ulit ako ng isang lap dahil maglalakad pa ako pabalik sa dorm at maliligo bago kumain ng almusal saka babalik ulit dito sa field para sa announcement. "Kaya siguro matagal ka mapagod" mabilis akong napatingin sa likod ko nang may mag salita. Ang aga pa, bakit nandito na siya? Hindi ko siya pinansin at muling tumanaw sa malayo habang nagpapatuyo ng pawis. "Ang aga aga pa nagsusuplada ka na agad" sambit ni Neon at umupo pa talaga sa tabi ko ang damuho Hindi ko siya sinagot at nagpanggap na walang naririnig, wala pa ako sa mood mangbara ng tanga. "Pinapanood kita kanina, ang bilis mo pala talaga tumakbo, sigurado ako na mabilis ka mag move up niyan" puri niya sakin dahil kapuri-puri naman talaga ako. "Pilitin mo katawan mo kung ayaw mo'ng maging lampa habang buhay na walang ibang alam kung hindi ang umasa sa iba" walang sulyap 'kong saad at tumayo na para bumalik sa dorm dahil 5:35 na, kailangan ko pa maligo para makaabot sa call time para sa announcement. "Hintayin kita dito!" pahabol niyang sigaw pero tuloy tuloy lang akong naglakad at hindi nag abala na lumingon pa sa kanya hangang sa makalayo ako. ***** Matapos maligo at mag alamusal ay lumabas na'ko ng dorm at dumiretso pabalik sa field. Dumating ako ng saktong 5:58, kasama pala namin ang ibang troop kaya madami kami ngayon. Kala ko kami kami lang, ang hassle makinig ng announcement pag ganitong madami ang mga tao, hindi ko mapigilan mairita kahit maaga pa. Kakaligo ko lang pero naiinitan na agad ako. Saktong ala-sais ay dumating na ang ibang captain at mga miyembro ng legion o mas kilalang legionary at nag set up na ng mga microphone at speaker. Nagsipag-akyatan na ang mga legionary na sa tingin ko ay matataas ang ranggo, nagsi-upo sila sa mga nakahandang upuan sa ibabaw ng stage kung saan madalas nagaganap ang mga announcement na galing sa royal family. Unang tumayo sa harap ng mikropono ang captain ng Troop 1, si Captain Handry Dagasa, ang aming kapitan. "Ahem, hello" pag testing niya sa mic, maayos naman ang pananalita ni cap pero hindi ko alam kung bakit natatangahan ako sa kanya minsan. "So, good morning to everyone, to the Legion and to our cadets who are present here today. The aim of this urgent public announcement is to inform cadets that this year's training is not the same as last and other year's. This news is very important, therefore i assume that all of you shall listen carefully. Now, let us hear the further details from the Silva himself, a round of applause everyone"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD