Chapter 2

781 Words
SELYRA LILY "Sel, anong gusto mo sa 18th birthday mo?" tanong niya habang sinusuklay ang itim na itim kong buhok na hanggang bewang. "Hmm? hindi naman tayo mayaman para magtanong ka ng ganyan" sagot ko na saglit niyang ikinatahimik, minsan talaga wala sa hulog ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. "Magkakatrabaho na ako kaya tinatanong kita, gusto ko may maibigay man lamang ako sayo ngayong padating mong kaarawan" sagot niya at naramdaman ko na ang pag braid niya sa buhok ko. Kahit lalaki siya ay talagang pinag-aralan niya ang pag aayos ng buhok para sa'kin dahil ayaw niya raw na para akong araw-araw nakikipag sabunutan dahil sa buhok kong sabog. "Trabaho? Bakit, may bakante na ba sa palengke? Pwede ako sumama, wala naman ako pinagkakaabalahan dito kaya marami akong libreng oras" "Hindi sa palengke" " Edi saan? May iba pa bang mapagtatrabahuhan dito sa sphere?" Ihinarap niya ako sa kanya at hinawi ang buhok na humarang sa mukha ko, tumingin siya sa'kin na para ba'ng sinusuri niya ng maiigi ang bawat parte ng mukha ko para hindi mawala sa isip niya. Tumitig naman ako pabalik sa mata niya para ipaalam sa kanya na naghihintay ako sa sasabihin niya at handa ako makinig. "Nagpalista ako bilang kadete" Nakita kong bumuka ang bibig niya at narinig ko din naman ang sinabi niya ngunit hindi agad maproseso ng utak ko, para ba'ng nanlalabo ang pandinig ko at nabibingi. "Ano ulit yun? P-Pakiulit nga" wala sa sarili ko'ng sambit at pinipilit sa sarili na baka mali lamang ang nadinig ko. "Pasensya na, Sel, kung hindi ko muna pinaalam sayo. Alam ko din naman kasi na hindi ka papayag kaya hindi na rin ako nag abala na sabihan ka" "Pakiulit ang sinabi mo kanina" "Sel, pasensya na talaga" "Hindi yan ang sinabi mo kanina, ulitin mo 'yon. Gusto ko madinig ng malinaw" Nangibabaw ang paghinga niya ng malalim, naramdaman ko ang paghawak niya sa dalawa 'kong balikat bago ibuka ang bibig niya para ulitin ang salitang pinapaulit ko. "Nagpalista ako bilang kadete. Alam ko naman na hindi mo----" "Alam mo pala pero bakit tinuloy mo pa rin?" pagputol ko sa sasabihin niya. "Gusto ko mabigyan ka ng magandang buhay. 'Yon nalang ang tanging paraan na pumapasok sa isip ko para makaahon tayo sa ganitong buhay" "Ganitong buhay? anong masama sa ganitong buhay? wala naman akong hinihiling na ibang bagay, diba?" "Yung nga, Sel. Wala 'kang hinihiling kasi alam 'mong wala akong maibibigay, alam ko naman 'yon. Pero ayoko naman na kumulubot nalang ang balat ko ay wala pa rin akong naibibigay para sayo. Wala akong problema sa ganitong klase ng pamumuhay dahil kasama naman kita, pero yung makita ka na nahihirapan at wala akong magawa, 'yon ang hindi ko makayanan panoorin sa araw araw" Nalunok ko lahat ng gusto 'kong sabihin dahil sa sinabi niya. Alam ko na nahihirapan kami sa buhay namin, ngunit hindi ko naisip na mas nahihirapan siya dahil bilang nakakatandang kapatid ay kargado niya ako bilang obligasyon niya lalo na at wala na kaming mga magulang na bubuhay sa'min. Kahit masama at mabigat ang loob ko dahil sa pag dedesisyon niya mag-isa ay hindi na ako nakipagtalo pa. Yumuko ako at humigit ng malalim na hininga bago muling tumingin sa kanya. "Kailan ka nagpalista?" Mahina at kalmado 'kong tanong. "2 months ago, tapos bukas ang simula ng training. Pasensya na talaga, Sel kung di ko sinabi agad, hindi ko na kasi kaya tiisin na nakikita ka'ng hindi nakakakain ng sapat sa isang araw" "Kuya, parehas lang naman tayong hindi nakakakain ng sapat, ang mahalaga naman ay nakakakain pa rin tayo at nagkakalaman ang tiyan natin. Alam ng lahat na 'yon ang pinaka delikadong trabaho" " Sel, alam ko naman yun. Pero ako na ang tumayong magulang mo at para sakin parang dinudurog at sinasaksak ng paulit ulit yung puso ko pag nakikita ka na iilang dakot lang ng kanin ang nakakain" "Nakakakain tayo, 'yon ang importante" "Gusto ko lang pagandahin ang buhay mo. Tayo nalang dalawa ang natitira, gusto 'kong makita ka na masaya kahit ganito ang sitwasyon ng mundong kinalalagyan natin" "Sapat na sa'kin na andito ka, magkasama tayo at inaalagaan ang isa't isa" Hindi na si kuya sumagot at nagpakawala nalang ng malalim na buntong hininga. "Matulog ka na, magagalit si mama at papa pag nalaman nilang nagpupuyat ka" saad niya at hinalikan ako sa noo. "Wag ka mag alala, di nila malalaman" sagot ko at humarap sa kabilang direksyon ng higaan. Matagal na silang patay kaya hinding hindi na nila malalaman, ikaw nalang ang nakakakita sa'kin. "Goodnight, Sel. Andito lang ako kaya matulog ka ng mahimbing" huling salitang nadinig ko bago tuluyan kainin ng dilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD