Chapter 1

821 Words
SELYRA LILY PAGOD na ako. Ang salitang hinding hindi ko pwede ilabas sa bibig ko dahil natatakot ako na baka tuluyan nang bumigay ang katawan ko dahil sa sobrang pagod na nararamdaman. "Putangina! Pagod nako, ayoko na. Gusto ko na umuwi" humahapo at hingal na hingal na bulong ng katabi ko sa sobrang pagod dahil sa kanina pa'ng paulit-ulit namin na pag takbo dito sa field. "Another few laps, youngsters! Have some spirits!" Sigaw ni captain habang nakaupo sa may canopy na sakto lamang para sa isang tao, nakuha pa nitong uminom ng malamig na energy drink. Kung makasabi ng another few laps naman 'tong si captain kala mo ay kasama namin siya sa pagtakbo, kami lang naman ang napapagod dito. Napasulyap naman ako sa lalaking katabi ko na parang ilang minuto nalang ay kukunin na nang may kapal. "Kalalaki mo'ng tao ang bilis mo hingalin sa simpleng pagtakbo lang" pabulong ko din na sagot habang patuloy na tumatakbo at binabalewala ang nararamadamang pagod. "Ang yabang mo, normal kasi ang katawan ko hindi tulad mo" sagot ni Neon habang pabagal ng pabagal ang takbo niya kaya medyo naiiwanan ko na siya. Normal naman ang katawan ko, normal akong tao na napapagod at nakakaramdam ng sakit. Ang pinagkaiba ko lang sa kanila ay pinipilit ko makayanan ang mga bagay bagay na nakakapagpahirap sa'kin. "Yan kasing natitirang lakas mo sa katawan ginagamit mo pa pang reklamo kaya mas napapagod ka" sagot ko at mas binilisan pa ang takbo kaya nauna na ako sa kanya makatapos sa last lap. "A FEW MORE STEPS! COME ON! DON'T BE A BABY!" Malakas na sigaw at pang hihikayat ni Captain sa mga natitirang tumatakbo kasama na si Neon na may isa pang lap na tatakbuhin Si Captain Handry Dagasa, siya ang naka assign mag train ng mga cadets ngayong taon. Habang hinihintay matapos ang iilan pang tumatakbo ay umupo muna ako sa may kahoy na nakatumba malapit sa kawad na humaharang sa field, hindi naman ito masyadong malayo sa kaninang tinatakbuhan namin kaya maririnig ko pa rin si cap kung sakaling mag roll-call na ito. Sa pagmamasid ay wala ako sariling sa napatingin sa gate na hindi gaano kalayo dito sa kinauupuan ko. Ang gate na yon ay ang daan papuntang E-sphere, ang huling protection wall na muntik na masira noong nakaraang buwan dahil sa nagwawalang arthema. Hindi ko maiwasan na maalala ang maliit na bahay ko sa E-sphere bago ako sumabak sa pagiging cadet kaya napunta ako dito sa Fior-sphere, ang pang-apat sa nagsisilbing protection wall ng bansang ito. Kakaunti man ang bilang ng mga tao na naninirahan dito sa Hikura ngunit matatawag na itong bansa sa panahon ngayon. Simula nang maganap ang pagwawala ng arthema ay napaisip ako na kapag dumating sa punto na tuluyang masira ang E-sphere isa ang bahay ko sa masisira, isa lang naman ang hiling ko at yun ay mamuhay ng tahimik kung saan wala akong maririnig na sigawan ng mga tao dahil sa takot na baka makapasok ang mga arthema sa loob ng sphere. Nagkataon naman na makalipas ang isang buwan simula ng pangyayaring yon ay nagpaskil ang legion na bukas na ang recruitment para sa mga gusto maging cadet at maging miyembro ng legion, hindi naman talaga ako interesado maging sundalo ng Hikura kaso nang mapag-alaman ko na ang mga cadets ay nakatira sa maayos na dorm, hindi ako nag dalawang isip na magpalista agad. Nung una ay hindi ako naniniwala dahil baka paraan lamang nila yon para maraming mag palista, kaso nang makita ko ang pirma ng royal family kumpirmado na ito ay totoong balita. "Tangina! Tangina talaga, di ako pinanganak ng nanay ko para manginig ang hita dahil sa kakatakbo" reklamo ni Neon. Hindi ko napansin na nakatabi na pala siya sakin "Edi bumalik ka sa nanay mo" mabilis kong sagot na ikina-irap niya, bakla ba 'to? Baka bading talaga siya kaya puro reklamo ang lumalabas sa bibig. "Ang tibay mo talaga sa physical training 'no?" Saad na naman niya. Ang daldal, bakla ata talaga 'to. "hindi kasi nauubos ang lakas ko sa kakakuda kung gaano ako kapagod sa pagtakbo" sagot ko at mabilis na sumulyap sa kanya. "Ang sama ng ugali mo, kaya siguro walang nakikipag kaibigan sayo" Aanuhin ko ang kaibigan? Matitirahan at payapang buhay ang kailangan ko, hindi kaibigan. Wala naman ako mapapala sa ganon. "Ayoko sa pabigat" mabilis kong sagot at tumayo para mag stretching, kailangan ko alagaan ang katawan ko para mabilis ako makapagpataas ng rango, mas mataas na rango mas magandang titirahan. "Edi mataas pala ang tingin mo sa sarili mo? Kaya pabigat lang ang tingin mo sa iba?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong na di ko inaasahan, kala ko ay nangga-gago lang siya. Pero mukha naman seryoso at sincere ang paraan ng pagtatanong niya. Umiwas ako ng tingin bago sumagot. "Kung hindi mo tataasan ang pagtingin mo sa sarili mo, ikaw ang aapak-apakan ng iba" To be continued~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD