INTRODUCTION ARC: CHAPTER 2: Desire That Cannot Be Granted

1184 Words
Humans, once they have succumbed to their desires, will be the living representation of selfishness, egoist, greed, and evil. Nasa park ako at nakaupo sa isang bench habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Tila kulay dugo ang kalangitan dahil dito. How wonderful. Sa ganitong mga oras ako nakakakuha ng kapayapaan sa buhay. Pakiramdam ko ay nawawala ang mga problema ko. I wonder, may mga tao kayang walang pinoproblema? May mga tao kayang worry-free? Kung mayroon man, paano kaya iyon? Gusto ko rin mawalan ng problema. “Oh, it’s you, from the bakery shop!” Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang isang lalaki. Nakasweater lang siya at at pants habang may nilalarong lollipop sa kanyang kamay. Ngumiti siya sa akin at isinubo ang lollipop. Do I know him? Mukhang kilala niya ako pero hindi ko matandaan kung kilala ko ba siya. Hindi ako nagsalita at nanatili lamang nakatingin sa lalaking may mapaglarong ngiti. Madalas ganitong tipo ng tao ang nilalayuan ko pero wala naman akong ibang nararamdaman ngayon. Sa tingin ko ay hindi naman siya mapanganib. I trust my instinct so much. Madalas kasi ay tama lahat ng nararamdaman ko. Maybe I’m really a gifted one, kahit na hindi ako mapapaniwalain sa mga ganoon. “Can I sit beside you?” Tanong niya. Hindi naman ako nagsalita. Hindi naman akin itong upuan kaya wala akong karapatang pigilan siya. Marahan siyang humalakhak bago umupo sa tabi ko. Pareho lamang kaming nakatitig sa magandang kaulapan at pinapanood ang paglubog ng araw. “Let me guess, you don’t remember me?” Without turning my head to him, I looked at him. Muling siyang tumawa. What an easy-go lucky fellow. Siya ata iyong isa sa mga sinasabi kong walang problema sa buhay. “Sorry. I’m not really good at remembering names nor people.” Naniniwala kasi ako na lahat ng tao ay dadaan sa buhay mo but not many will choose to stay. They are probably just passed by and that’s it. So, remembering everyone’s name or face is a waste of time. “I see,” napansin ko ang pagbabago sa kanyang ngiti. Hindi ko ito mapaliwanag pero nakaramdam ako ng kilabot sa sandaling oras na iyon. “I once visited your shop. Bumili ako ng pretzel.” Dahil hindi naman madami ang taong bumibili ng pretzel sa shop ay naalala ko siya bigla. Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong kasama nung lalaking matangkad na bumili ng baguette. “I remember now.” Matipid na sabi ko. Nakita ko ang muling kagalakan sa kanyang mukha. “My name is Jinni.” Pagpapakilala niya. “Pumunta ulit ako sa shop niyo kanina pero napansin kong iba na ang namamahala roon.” “Namatay na kasi iyong may ari. Baka iyong kamag anak na ang namamahala ngayon.” Kaya ako umalis. “Oh, namatay na pala iyong may ari. Dahil siguro sa pagpunta ni Azrael.” Napalingon ako nang hindi ko masyadong maintindihan ang huling sinabi niya. Tumingin siya sa akin at mukhang napansin ang ekspresyon ng aking mukha. Muli siyang tumawa. Why is he being friendly with me? I don’t usually associate myself with someone. Mailap ako sa tao. But somehow, I feel at ease talking to him. “I feel sorry for you. Are you mourning? Because your boss died?” Sinilip niya ang mukha ko nang tumungo ako. Tama bang sabihin na hindi. Hindi naman ako nagluluksa. Sa tingin ko ay mas okay na rin na namatay na si Mr. Edwin. At least hindi na siya nahihirapan ngayon. Bumuntong hininga siya. Dahil siguro sa hindi ko pagsasalita. Madalang naman talaga akong magsalita. “Fine. To compensate, I’ll grant you three wishes. Just tell me. I’ll give everything you desire.” Nakuha niyang muli ang atensyon ko. Napatingin ako sa kanya na may hindi makapaniwalang ekspresyon sa aking mukha. Nakita ko lang naman ang pagngisi niya. “Grant me…three wishes?” It’s a tempting offer, I must say. For humans, they might actually go for it and wish for everything they want. Money, fame, everything. But for me, I don’t have anything in mind. I don’t know what I truly desire. Peace. Yes, that’s what I want. Peace. No matter what kind of peace, peace in life or peace in death, I don’t mind. I just want to experience it. But it’s a desire that no one can grant me…even myself. “Humans have a lot of desires, you know? Tell them you will grant them their wishes and they will go crazy and show their true selves. No matter how good a person you are, no matter how kind-hearted you may look to other people. You have this desire that will show you the selfishness in you. And that’s someone unknown to others, unknown to yourself. Humans are the lesser evil representation of sins, of darkness and devils.” Nakangising sabi ni Jinni. What a strange way to represent or to describe humans. But I can’t argue with him. He's not wrong about that. Tumingin siya sa akin kaya’t nagulat ako. Ngumiti siyang muli bago magsalita. “So, your first wish?” Nilaro ko ang aking daliri at kinagat kagat ang aking labi, hindi alam kung anong sasabihin sa kanya. “I can see it. The thing you want the most. The desire in your heart. But I couldn’t give it to you unless you say it yourself.” Muli akong napatingin sa kanya. Punung-puno ng pagkalito ang aking ekspresyon. Sinasabi niya bang nakikita niya kung anong gusto ko? Kung anong ninanasa ko? Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay may kung ano sa mga mata niyang iyon na sinisilip ang nilalaman ng puso ko. It’s scaring the s**t out of me. “W-Wala akong gustong hilingin sa ngayon.” Ayokong sabihin sa kanya ang gusto ko. Pakiramdam ko kapag sinunod ko ang gusto niya ay may malaking kapalit na hindi ko kayang bayaran. Humalakhak siya na nagpataas ng balahibo sa aking katawan. “I see. You don’t want to say it now. Then, let me save those wishes on a later date. It can wait. I will surely grant everything you want once you’re ready.” Tumayo na siya sa pagkakaupo sa tabi ko. Sinundan ko lang naman siya ng tingin. Ang mga ngiting nagpatayo sa aking balahibo kanina ay naglaho na at napalitan na muli ng tila ba mapaglaro at easy go lucky na ngiti niya. “See you around, Lucienne.” Umalis na ito. Nanatili lamang naman akong nakatitig sa kanya habang naglalakad siya papaalis. Nang mawala siya sa paningin ko ay doon ko lang din napagtanto ang huling sinabi niya. See you around, Lucienne. Natulala ako kakaisip ng sinabi niyang iyon. Hindi ko maalala na ibinigay ko sa kanya ang tunay na pangalan ko kaya paano niya iyon nalaman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD