INTRODUCTION ARC: CHAPTER 3: UNHELPFUL HANDS

1280 Words
Kailangan kong maghanap ng trabaho. Naandito ako ngayon sa maliit na apartment ko. Kung hindi ako makakahanap ng trabaho ay hindi ako makakabayad ng upa sa susunod na buwan. Ganoon man ang isipin ko ay alam ko rin na hindi madali ang paghahanap ng trabaho lalo na sa katulad kong hindi naman nakapagtapos ng pag-aaral. Kinuha ko iyong cellphone ko para maghanap ng panibagong trabaho na tatanggapin ako. Panay ang aking buntong-hininga nang mapansing hindi ako qualified sa mga nakikita kong trabaho. Alam ko man ang sitwasyon ko ngayon ay hindi pa rin ako tumigil sa pagtingin-tingin nang biglang may mag-pop out sa screen ng selpon ko. Isa iyong mensahe mula sa hindi nakarehistrong numero sa aking telepono. Napabangon ako nang mabasa ko ang mensahe. Unidentified Number: Hi! This is Jinni. I was wondering if you need a job? I can help you with that. Jinni? Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong lalaking kausap ko kanina sa park at iyong lalaking bumili ng pretzel sa shop. Agad akong nag-reply sa kanya. Me: How did you get my number? This guy is full of mystery. Una ay nalaman niya ang pangalan ko nang hindi ko sinasabi sa kanya. Pangalawa ay ito namang number ko. Mabilis siyang nag-reply sa akin kaya agad ko iyong binuksan at binasa. Jinni: That’s not important, Lucienne. I know you need a job that’s why I’m going to offer you one. Naguguluhan man sa kanya ay agad kong itinanong kung anong ibibigay niyang trabaho. Hindi naman siya maling nangangailangan ako ng bagong trabaho. Naalala ko ang sinabing ni Mr. Edwin sa akin. Na manatili akong buhay. Iyon ang mga huling salita niya sa akin kaya kahit na kinamumuhian ko ang buhay ko ay mabubuhay ako para sa kanya. Hindi ko man alam kung saan ako dadalhin ng buhay kong ito, pero mabubuhay ako. Hindi ko na iisipin pa ang tapusin ang buhay ko. Jinni: I’ll see you at SPH Corporation tomorrow, Lucienne. You don’t have to bring anything. Just be there. Hindi niya sinabi kung anong trabaho ang ibibigay niya sa akin. Bagkus ay pinapapunta niya ako sa kompanyang iyon. Nagdadalawang-isip man kung dapat bang pumunta ay alam kong wala rin naman akong choice dahil trabaho na itong lumalapit sa akin. Matapos iyon ay natulog na ako. Hindi rin naman nagtagal at dinalaw na ako ng antok. “Patawarin mo ako. Alam ko na mahirap itong gagawin ko pero ito lang ang naiisip ko para mamuhay ka ng normal at para hindi ka niya matunton. Babalik ako kapag naitama ko na ang lahat ng kasalanan ko. I will come back for you, Lucienne. But for now, the only thing your mother can do for you is to protect you from afar.” Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil sa panaginip ko na iyon. Napahawak ako sa aking pisngi nang mapansing may luhang bumabagsak sa aking mga mata. Hindi ko kilala kung kanino galing ang boses na iyon pero alam kong para sa akin ang mensahe niya. Madalas kong mapaginipan ang boses na iyon at panay din ang pagluha ko sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Hindi ko man malaman kung kanino nagmula ang boses pero alam ko na siya ang nanay ko. Ang panaginip na iyan ang dahilan bakit gusto ko silang makita. Gusto kong makita kung nasaan ang pamilya ko at itanong bakit nila ako iniwan at hinayaang maging miserable. Babalikan niya ako? Kailan? Kapag tuluyan ko nang sinukuan ang buhay na ito? Po-protektahan niya ako? Ni minsan ay hindi ko naramdaman ang proteksyon niya. I am craving for it; the love from your mother; the love from your parents pero kahit hindi na nila ibigay iyon sa akin. Ang gusto ko lang ngayon ay malaman ang rason bakit ganito ang buhay ko ngayon. Bakit hinayaan nila akong mag-isa. Maaga pa rin akong nagising kahit na nagising ako kalagitnaan ng patulog ko kagabi. Nag-ayos ako at naghanap ng desenteng damit. Nang matapos ko ang mga kailangan kong gawin ay umalis na ako ng apartment at nagpunta sa sinabing lugar ni Jinni. I’m still hesitant about this, but I should give it a try, at least. Nang makarating ako sa harapan ng building ng kompanyang sinabi ni Jinni ay napasinghap ako. Masasabi mo na malaking kompanya iyon. Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob ng kompanya. Lumapit ako sa front desk para magtanong. “May appointment po kayo?” tanong ng babae. Tinaasan niya ako ng kilay nang mapansin ang ekspresyon ko. Shit, wala. Ang sabi lang sa akin ay pumunta ako rito. “She doesn’t need an appointment.” Agad na tumayo ang dalawang babaeng nasa front desk at binati iyong nagsalita. Nilingon ko naman kung sino iyon. Malakas na rin naman ang kutob ko sa kung sino ito. “Hi, it’s nice to see you here,” bati sa akin ni Jinni. Matipid lang naman ako tumungo sa kanya. Nilapitan niya iyong babaeng kausap ko kanina sa front desk at may sinabi. Nang makausap niya iyon ay sinenyasan niya ako na sumama sa kanya. “Give this back to them before you leave later. Come with me.” Sabay abot sa akin ng isang visitor’s pass. Sumunod lang naman ako sa kanya. Napansin ko na hiwalay ang elevator na sasakyan naming dalawa kumpara sa mga nagtatrabaho at bisita lang ng kompanya nila. He’s an executive, maybe. “Did you bring anything?” Agad akong napalingon sa kanya nang itinanong niya iyon sa akin. Sumara ang elevator at nakita ko ang pagpindot niya sa highest floor ng building. “Ang sabi mo wala akong dapat dalhin?” Ultimong resume ay hindi na ako nagdala pa. Bukod sa wala naman talaga akong masyadong ilalagay sa resume ko ay iyon ang sinabi niya kaya hindi ko na inihanda pa. Marahan siyang tumawa. “Oo nga. Just asking. Baka kasi nag-abala ka pang gumawa ng CV.” Tila ba nawala ang kabang nararamdaman ko sa sinabi niya. I’m desperate now. Hindi ako masyadong nagiging desperada pero kailangan kong mabuhay. I need to survive for now. For an unknown reason, I want to at least survive until I have the answers for all my questions especially those questions regarding my parents. Nang makarating kami sa pinakamataas na floor ng building ay agad kaming lumabas ng elevator. Sinundan ko lang si Jinni sa kung saan man siya pupunta at tumigil nang tumigil siya. “Wait here. Kakausapin ko lang sila.” Hindi na ako nakapagtanong pa kung sino ang tinutukoy niya, dahil bago pa man ako makakurap ay wala na siya sa harapan ko. Naghintay ako kagaya ng sinabi sa akin ni Jinni. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na siya. “Come in, Lucienne.” Kinikilabutan pa rin ako sa tuwing sinasabi niya ang pangalan ko. Ganoon pa man ay hindi ko na iyon masyadong pinaglaanan ng panahon at pumasok na sa loob ng isang kwarto. Natigilan ako. Naramdam ko ang pagtabi sa akin ni Jinni. May ngiti sa kanyang mga labi. Ako naman ay mas ginapangan ng kaba at mas bumigat ang pakiramdam. “Welcome to SPH Corporation, Lucienne. I want you to meet the executive and the board of directors.” Napatingin sa akin ang anim na taong nakaupo sa harapan ko. Pinagmasdan nila akong mabuti habang ako naman ay tila gusto nang magpakain sa lupa dahil sa kaba. Hindi ako madalas nakakaramdam ng ganito. But these people are making my legs to shake. Sa gitnang pwesto ay doon ko napansin ang lalaking kasama ni Jinni noong pumunta siya sa shop para bumili ng tinapay. With those cold but flaming red eyes, he looked at me with intensity. I want to get out of here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD