PROLOGUE:
“Look, I aced my midterm exam! The gods really blessed and guide me. I should visit the shrine to thank them.”
“Hey, are you free tomorrow? Let’s go and hang out.”
“Sorry, but I’ll be going to church tomorrow. Maybe next time.”
Gods. Many people believe in them. Depending on their beliefs and religions differ the type of god they believe in. There are people who believe in many gods and people who have one God. As for me, I don’t believe in any. I don’t believe in gods nor in creatures that I don’t even see. Demons, Satan, or whatnot, I don’t believe in them. I only believe in the kindness and selfishness of humans. The love and hatred, positivity and negativity of life. Because I experienced them all, first hand.
Madalas man na mas nararanasan ko ang kapangitan ng buhay ng tao, may pagkakataon pa rin na narararanasan ko na kahit gaano kapait at hindi patas ang buhay ng isang tao, may mga mabubuting bagay pa rin na dapat ikapasalamat.
Bumuntong hininga ako at pumasok na sa bakery shop na pinagta-trabahuhan ko. Sa murang edad ay namulat na ako na kailangan ko magsumikap at magbanat ng buto dahil walang gagawa nito para sa akin. Wala akong pamilya, wala akong magulang. Walang ibang tao ang magsusumikap para mabuhay ako.
I grew up in an orphanage pero pagdating ng ika-18 na kaarawan ko ay pinatalsik nila ako roon. May pangyayari kasi na sa akin nila isinisisi. Dahil alam ko naman na hindi nila ako paniniwalaan kahit anong sabihin ko ay hindi nalang ako umangal at umalis nalang doon.
Sa murang edad, naranasan ko ang matulog sa kalye, ang manlimos at magmakaawa para lamang may makain sa araw na iyon. Sa murang edad nakipaglaban ako at sumunod sa agos ng buhay. Sa ganoong edad ay nakita ko ang pangit na bahagi ng buhay ng tao.
Wala akong makuhang magandang trabaho dahil hindi ako tapos ng pag aaral. Wala akong diploma na ipanglalaban sa ibang taong naghahanap din ng trabaho. The only thing I have is myself and my instinct of survival.
I am now 24 years old and still surviving. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat iyon o hindi. Matagal ko an ring gustong tapusin ang buhay ko. Maraming beses ko na ring tinangkang magpakamatay dahil sa hirap ng buhay na naranasan ko. But I always failed.
Sa hindi malamang dahilan, hindi ako mamatay-matay. I don’t know if I should be thankful for that or not. Siguro ay hindi ko palang talaga oras.
“Thank you. Balik po ulit kayo.” Iyon ang sabi ko sa customer namin na bumili ng tinapay na itinitinda rito.
Isa ang may ari ng bakery shop na ito sa isang taong pinasasalamatan ko dahil tinulungan niya akong magkaroon ng trabaho.
Naalala ko noon, mga panahong gustong gusto kong tapusin ang buhay ko. Siya iyong pumigil sa akin, siya iyong nagbigay sa akin ng dahilan para mabuhay ulit. He gave me work and that is where I am right now.
“Ang aga pa pero ang dami na agad bumibili.” Napalingon ako sa kanya at binati siya. Nginitian niya naman agad ako.
“Magandang umaga po, Mr. Edwin.” Bati ko sa matandang lalaki. Nginitian niya naman ako bago tingnan ang mga tinapay na nakadisplay dito.
Patay na ang asawa ni Mr. Edwin at wala na rin ang kanyang anak. Ang sabi niya sa akin ay mag isa nalang siya sa buhay kaya ang ginagawa niya nalang ay tumulong sa mga nangangailangan habang naghihintay siya ng oras niya.
Death. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa tao kapag namatay na ito. Totoo kayang may espesyal na lugar para sa mga mabubuting kaluluwa at parusa naman sa mga hindi? I don’t know.
“May problema po ba?” Biglaang pagtatanong ko sa kanya nang mapansin ko na nakatingin siya sa akin habang may isang ngiti sa labi.
“Wala naman, hija. Natutuwa lang ako na kahit papaano ay natulungan kita noon.” Sabi niya bago tumingin sa abalang kapaligiran. “Live. Bata ka pa. Marami ka pang mararanasan sa buhay. Lahat ng hirap, may kapalit na magagandang bagay basta’t huwag mong susukuan. Huwag mo ring kalimutan na humingi ng tulong sa Kanya kung talagang nahihirapan ka na. Makikinig Siya sayo.” Natulala ako sa sinabi niya. Nang una ay hindi ko iyon nakuha pero kalaunan ay napagtanto ko rin kung sinong tinutukoy niya.
Hindi ako nagsalita. Kagaya ng sabi ko kanina ay hindi ako naniniwala sa mga bagay na hindi ko naman nakikita. Hindi ako naniniwala sa mga diyos o kung mayroon nga bang Diyos.
Nahalata ata ng matanda ang aking reaksyon kaya nahihiya siyang tumawa. “Pasensya ka na, Lucy. Ano ba ang iyong relihiyon? Katoliko kasi ako.” Pagtatanong niya sa akin.
“Wala po.” Wala naman talaga akong relihiyon. Kahit noong nasa bahay ampunan pa ako ay hindi ako mapapaniwalain sa mga ganito kaya siguro nang may mangyaring hindi maganda roon ay ako agad ang sinisi. Madalas ko din silang marinig na tinatawag akong anak ng kadiliman kaya lapitin ako ng malas. Hindi naman ako nagpapaapekto, balewala sa akin ang pangungutya ng ibang tao. Para sa akin, pinakamasakit na nangyari sa buhay ko ay mamulat akong walang kinikilalang pamilya.
Minsan iniisip ko, buhay pa kaya sila? Bakit nila ako inabandona? Hindi naman sa gusto ko pa silang makita. Gusto ko lang malaman ang dahilan bakit nila ako iniwan and that’s it. Hindi ko na pinapangarap pa na kilalanin pa nila akong anak. I just want to know the reason.
“Ikaw muna ang bahala rito, Lucy. Papasok muna ako sa loob.” Tumango ako sa sinabi niya. Madalas naman na ganito ang nangyayari. May tiwala siya sa akin and I will never betray him for that. Naiintindihan ko rin naman na kailangan niyang magpahinga dahil sa matanda na rin siya.
“Welcome!” Agad na bati ko nang bumukas ang pintuan ng shop namin at may pumasok na dalawang lalaki. Ang isa ay naka smart casual at ang isa naman ay naka business casual. Ganoon pa man ay pareho silang nakamamahaling sunglasses.
Tumingin tingin sila sa iba’t ibang tinapay na ibinebenta namin dito. Maya maya pa’y lumapit na ang isa sa akin para magbayad.
“Az, gusto ko ng pretzel.” Sabi ng isang lalaki habang hinahabol ang lalaking nasa harapan ko na at may dalang baguette.
“Edi bayaran mo.” Malamig na sabi ng lalaki.
“Ikaw na. Ikaw naman nagyaya sa akin dito.” Sabi ng lalaki sabay abot sa akin ng pretzel na gusto niyang bilhin. Nginitian niya ako nang kunin ko iyon para maisama sa babayaran ng lalaki. “Miss, isama mo na rin ito.” Aniya.
Sinabi ko roon sa isang lalaki ang total price na babayaran niya at agad naman siyang nagbayad. Medyo hindi pa ako komportable dahil alam ko na pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko. At hindi man masyadong halata ay alam ko na madalas na tumitingin din sa akin iyong kasama niya.
“Thank you.” Sabi ng lalaki nang iabot ko sa kanya iyong nakabalot na ngayong mga tinapay. Matipid lamang akong ngumiti bago tumango sa kanya, pilit pa ring iniiwasan ang kanyang paninitig.
Hindi rin naman sila nagtagal at umalis na rin. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag muli. What an intense aura. Siya iyong tipo ng tao na parang magagalit agad sayo kapag may nagawa kang mali sa harapan niya.
Naisipan kong pumasok muna sa loob para kumuha ng mga tinapay at ilagay dito sa shop nang makaramdam ako ng malamig na pagsimoy ng hangin.
Agad akong lumingon. Inaakala na baka tumama lamang sa akin ang aircon ng shop pero mali ako. Dahil iba ang lamig ng hangin na naramdaman ko sa lamig na ibinubuga ng aircon.
Huminga nalang ako ng malalim bago magpatuloy sa paglalakad nang may marinig akong isang mahina at malalim na boses.
“Finally, I found you.”